"Ang sarap nito." Komento ko sa inuming in-order ni Tim sa akin. Hindi ko alam ang tawag doon, strawberry ang flavor, nakaka-refresh nang pakiramdam dahil malamig, tama lang din ang tamis. "Gusto mo pa?" tanong nito sa akin nang mapansin na nakalahati ko iyon agad. Hindi ko nga napansin na sa isang angat at inom ay nakalahati na pala iyon. "Hindi na, busog na rin naman ako." Saka nakakahiya naman, ang dami na nitong in-order. Ako rin ang halos nakaubos dahil halos hindi naman nito ginalaw ang mga iyon. Ako lang. Sarap kasi eh. "Pwede kong pag-aralang gawin iyan, gusto mo ba bukas ganyan ulit? Kayang-kayang kong gayahin iyan." "Talaga? Pwede?" na excite na tanong ko rito. Agad namang tumango si Tim. Hindi naman ako nagdududa sa sinabi nitong kaya n'ya. Dahil obvious namang mahusay s