May kumakatok. Halos mapalundag pa ako dahil sa gulat. Mabuti na lang si Meridette iyon, kaya pinagbuksan ko. "Tara sa dalampasigan?" iniangat ko rito ang librong hawak ko. "Clau, nasa resort tayo. Alangan naman ang ilang araw nating pananatili rito ay ilalaan mo lang sa pagbabasa? Halika na, gusto mo ba pasanin pa kita?" "Hindi naman, Meri." Nahihiyang ani ko rito. "Then let's go. Kilos na para makalabas na tayo. Nauna na si Timothy sa dalampasigan." "Sige. M-agpapalit lang ako." Nag-jogging pants at long sleeve ako. Tinawanan pa nga ako ni Meri na ang sexy nang suot. Pero mas komportable naman ako sa gano'n, kaya naman niyaya ko na itong umalis. Dinala ko pa rin ang libro ko dahil tiyak maa-out of place ako roon. Mabagal lang ang lakad namin, sinasabayan ni Meri ang bawat ha