Masaya naman ako na tanggap na tanggap si Meridette sa pamilya ng mga Faullo. Kahit pa dama ko ang pailalim na tingin ng mga taong kasama namin sa table sa akin. Lalo na iyong kapatid ni Timothy na si Tiara. Maldita nga ito, gaya nang narinig ko. Pangiti-ngiti ako, pero dama ko na ako lang ang out of place sa table na ito. Kung hindi pa ako kakausapin ni Timothy at Meri ay para na lang langaw rito. "Meri, gusto ko iyong venue sa beach front ha." Pinag-uusapan na nila iyong party bukas ng gabi. Sila-sila lang din naman ang bisita, kasama rin ako. Pero kahit dinner lang iyon ay magarbo pa rin. "Of course, Mommy! Hindi pwedeng boring at puchu-puchu lang ang birthday celebration ni Timothy. Alam n'yo naman ito, hindi gustong sine-celebrate ang birthday." "Dapat pala in-invite mo ang mga