4k ang agad kong ibinayad para lang ma-secure ang maliit na paupahang bahay ni Manong Elias. Mabuti na lang talaga at mabuting tao ito. At least safe ako sa matanda. Ibinigay na nga rin nito ang susi kaya naman nakuha ko nang pumasok. Tanging maleta lang ang mayroon ako. Siguro'y bibili lang ako ng foam mattress at rice cooker para naman may gamit ako pansamantala. Mas mabuti na rin muna ito, makapagtago ako bago pa tuluyang masira ang lahat. "Gusto mo bang hiramin muna ang lutuan namin? May mga extra kaming gamit. Iyong mga gamit na pinambayad no'ng dating nangupahan dito." Alok sa akin ng matanda. "Naku po! Hindi na po. Huwag na po. Mamimili po ako ng gamit mamaya. Rice cooker lang po at foam mattress." "Aba'y tamang-tama, bago pa ang mga iyon. Nakakarton pa nga. Ipadadala ko r