Hatinggabi nang tumayo ako mula sa kama at pumasok sa banyo. Ihing-ihi na ako dahil hindi ako sanay sa malamig na silid. Ewan ko ba kay Senyorito Josh, nakahubad pa ito at sanay na sanay kahit napakalamig ng silid. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Mukhang pagod dahil hindi na ako tinigilan ni Senyorito kagabi. Nanlalalim at nangingitim ang aking mga mata dahil hindi ako makatulog ng maayos. Nagsuot ako ng makapal na damit bago humiga sa tabi ni Senyorito. Ang sarap niyang pagmasdan habang natutulog. Ba't hindi nakakaumay pagmasdan ang mukha nito? "Hayst, inlove na talaga ako sa'yo Senyorito." mahina kong sambit at mahigpit siyang niyakap. Napakasaya ko dahil buong araw ko siyang nakasama.Wala na akong mahihiling pa kapag kasama ko siya. Tumili ako nang bigla itong dumagan sa