" Ayyyyyy! Susmaryosep....." nakapikit kong sigaw nang maramdamaan ang paglipad ng eroplano. Nakayakap rin ako ng mahigpit kay Josh dahil pakiramdam ko ay nahahati na ang katawang lupa ko sa dalawa. Lahat na 'ata ng pangalan ng santo ay tinawag ko na dahil sa matinding nerbyos. Nakakabingi rin nang nasa taas na kami ng mga ulap. Kung alam ko lang na ganito pala kung sumakay sa eroplano ay hindi na ako pumayag na sumama kay Senyorito Josh. "Sssshhh Tanya huwag mo naman ako ipahiya. Look at them nakatingin lahat sa'tin."saway nito sa akin. Ngunit tila wala akong pakialam dahil mas inuuna ko ang aking nerbyos at takot. Feeling ko eh anumang oras eh babagsak na ang eroplano. " Sen... J-Josh please bumaba na tayo. Ayaw ko na rito. Mahuhulog tayo. " " D*mn, Tanya nasa taas na tayo ng mga