Kape at tinapay ang inorder ni Senyorito Josh sa cafeteria. Ako ay umorder ng kanin tapsilog. Hindi sanay si Senyorito na kumain ng kanin sa umaga. Kahit kape ay sapat na sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kaming dalawa upang pumunta sa isang blue lagoon na sinasabi ni Senyorito. Hindi naman raw ito masyadong malayo sa Resort at kayang-kaya lamang umano itong lakarin. Akala ko ay isang simpleng lugar lamang ng blue lagoon pero nagkamali ako. Maramng mga naglalakihang mga bato at napaka-azul ng tubig. Napakalinaw rin ng tubig ng lagoon at talagang hindi mo hihindian ang pagligo rito. May hindi kataasang falls rin at may mga cottages rin doon at may magandang restaurant na gawa lamang sa kawayan. Hindi ko mawari na may ganitong kagandang lugar pala sa looban ng beach resort