Huling gabi na namin ni Senyorito sa resort na ito. Ginayak niya ako patungo sa dalampasigan. Namangha ako nang dumating kami sa baybayin ng dagat at may nakalatag na banig at may bonfire sa tabi. Sa hindi kalayuan ay may tent na pang dalawang tao lamang. " Let's spend the night here." sambit niya na nakahawak sa braso ko habang palapit kami sa may bonfire. May mga prutas, wine at pagkain rin na nakapatong sa isang maliit na mesita. "Wow J-josh," sambit ko talagang hindi ako komportable na tawagin siyang Josh. " Napakaganda naman, ngayon lang ako nakapag-overnight sa tabing dagat, salamat ha!" "Walang anuman, lets make this night memorable. Binuksan niya ang wine at ibinuhos sa dalawang kopita. Ang isa ay iniabot sa akin. " Cheers for me and you! " sambit nito at itinaas ang kopita n