Kabanata 4

1120 Words
Maarte itong napatawa sa sinabi ko. He looked amazed of me being straightforward with my words. “Alam mo bang ang grupo nila ay halos araw-araw na nandito? Suki ko sila rito at malaki ang nakukuha kong pera mula sa kanila,” wika nito. Hindi ko napigilang mapangiwi. ‘Yan na, inuunti-unti pa niya ako. Pwede namang diretsuhin na niya, ready naman na ako. “Saka anong sinasabi mong thirty minutes? Thirty minutes, kasama na ang commotion na ginawa mo. Nag-abot ka pa lang ng inumin sa kanila tapos nanghihingi ka na kaagad sa akin ng seventy-five?” naiiling na sabi nito. Hindi ko napigilang mapanguso. Seventy-five lang, pinagdadamot pa. Ang yaman niya naman ata eh. Pambawi lang sa pamasahe ko. Nag-taxi kaya ako papunta rito. Para hindi na rin talo! “And no, when you got fired, you need to return the belongings given to you,” pahabol pa nito. Hindi ko na talaga naiwasang mapasimangot. Nagpapakilala talaga siya oh. Samantalang ang dami namang stocks sa locker niya ng ganitong damit. Isa lang naman eh! Barya lang naman ‘to sa kayamanan niya. “Oo na, Sir Jayden. Okay na sakin kahit wala akong seventy-five at kung ibabalik itong damit,” pagsuko ko. He chuckled. Sumandal siya sa kanyang swivel chair. He pointed a finger on me and draw circles on it while speaking. “Ang tapang mo talaga ‘no? Gusto mo ibahin ko trabaho mo? Palitan mo na ‘yung dalawang bouncer ko tutal kaya mo naman pala mag-isa ang mga pasaway dito sa restobar ko,” sarkastikong wika nito. “Ang dami mo namang sinasabi, Sir. Diretsuhin niyo na ako kung sisante ba ako o hindi. Kung oo, magbibihis na ko para maibalik itong damit na pinagdadamot mo. Kung hindi, edi sorry agad sa sinasabi ko ngayon at thank you sa chance. Babalik na ko sa trabaho kasi sayang naman ang oras. Sayang yung one-fifty. Dapat may bayad pa rin itong oras na ‘to kasi ikaw naman nagpatawag sa akin,” sunod-sunod na sabi ko. Kita ko ang pagkagulat sa kanya. Mukhang hindi siya sanay sa tulad kong prangka at kasing tabil niya ng dila ah. Feeling ko hindi niya naman ako tatanggalin. Mukhang natuwa pa nga siya sa ginawa ko kaya ang dami niyang pasakalye. “My gosh ha, hindi kita kinakaya. I like your guts. How I wish that all of my women staff here are just like you. Puro pabebe at kaartehan lang kasi ang alam ng mga g*ga. Anyways, I won’t fire you. I’m even thankful because you gave that guy a lesson. Dapat lahat sila hinampas mo ng tray eh,” wika nito. Hindi ko napigilang mapangisi. “Buti na lang. Salamat, Sir Jayden! Balik na ko sa trabaho ko ah!” maligayang sabi ko. Tatayo na sana ako nang umiling ito at pinigilan ako. “No, no, remain seated. You have to settle with them. Magpa-cute ka na lang at magsabi ng sorry. Kahit hindi na sincere,” utos nito. Kaagad akong umalma. Bakit ako mag-so-sorry!? Tibay naman ng mukha nila! Sila na nga nambastos sa akin, ako pa mag-sorry?! Nanggigigil din ako rito kay Sir Jayden eh. “Sir! Ayoko! Ako na nga hinipuan, ako pa mag-sorry? Deserve niyang maka-lips to lips ang tray. Dapat nga inulit ko pa para worth it talaga eh,” dismayadong sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang lakas ng loob ko para makipag-usap ng ganito kay Sir Jayden. Magaan lang siguro talaga ang loob ko sa kanya dahil bakla ito. Mas okay pa kasi sa akin talaga na makasalamuha ang mga bakla kaysa sa totoong lalaki. Marami akong kaibigang bakla sa lugar namin kaya siguro kaswal lang ako kay Sir Jayden. “Mag-sorry ka na lang para matapos na. Bibigyan kita five thousand pagkatapos,” sabi nito. Isa-isa kong tinitigan ang mga lalaki sa table. Huling dinaanan ng mata ko ang lalaking hinampas ko ng tray sa mukha. Pigil na pigil akong tawanan siya dahil sa pamumula ng ilong nito. “Anong nakakatawa ha!?” galit na sabi ni Rudolph, the red nose pangit. Naramdaman ko kaagad ang pinong kurot ni Sir Jayden sa aking braso na nakalagay sa likuran ko. “S-Sorry, Sir. I promise to do it again,” mabilis kong sabi. Napadaing ako nang maramdaman ang mas malaking kurot sa akin ni Sir Jayden. Aba! Kung hindi lang para sa five thousand, hinding-hindi ako mag-so-sorry sa mga ito eh! “Ano!?” Halos mag-usok na siya sa galit. “Ibig kong sabihin, hindi na po mauulit.” Tumikhim si Sir Jayden sa tabi ko. “Sorry for the inconvenience, Sir. Because of what happened, I will let you have a bottle of whiskey for free. Hope you still enjoy the night,” wika niya sa mga lalaki. Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na ito at ako naman ay bumalik na sa trabaho. Ni minsan ay hindi na ako ulit tinawag sa table nila. Mabuti naman at nagtanda. Akala niya gagana sa akin ang mga galawang manyak nila na ‘yon. Naghihintay ako sa counter kung may ibibigay ba ulit sa akin ‘yung pangit kong kasamahan na order ng customer pero sa iba na niya inuutos iyon. Mukha natakot na sa akin ah! Wala ring naglakas loob sa ibang customer na tawagin ako para palapitin sa kanila. Mas mabuti! Para hindi ko kailangan makipag-plastikan sa kanila. Para hindi mabakante ay naglinis na lang ako. Nililinis ko ang mga table na iniwanan ng mga customer. Tumutulong na lang rin ako sa paghuhugas para kahit papaano ay maiambag ako sa gabing iyon. Hindi ko namalayan ang oras. Inaantok na ko. Hindi ako sanay na magpuyat pero mukhang dahil sa trabahong ito ay mag-iiba ang oras ng tulog ko. Closed na ang restobar at naglilinis na lang kami. Nang matapos iyon ay nagtungo ako sa staff room upang kunin ang gamit ko. Hindi na ako nakapagbihis pa, sa bahay na lang. Gusto ko nang mahiga. Nakakapagod kumita ng pera. Aalis na sana ako nang muli akong ipatawag sa office ni Sir Jayden. “How’s your first night?” bungad nito sa akin. Nagkibit-balikat ako at humikab. Hindi ko na kailangang magsalita dahil sapat na iyon para malaman niyang pagod na ako. “Right, ganito ang sistema mo hangga’t wala ka pang schedule ng pasok ha? Anyways, ‘yung bottle ng whiskey na binigay ko sa mga lalaki kanina ay ibabawas ko sa five thousand na sinabi ko sa’yo. The amount of that is four thousand, seven hundred and fifty so may sukli ka pang two-fifty. Oh, heto at umuwi ka na.” Napanganga ako nang inabot niya sa akin ang malutong na two-fifty. Siraulong bakla ‘to! Nautakan ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD