Kabanata 3

1090 Words
Hindi ko napigilang sumimangot pagkalabas ko ng office niya. Bwisit na bakla ‘yon. Mas matabil pa ang dila niya sa akin ah! Nilait pa ang itsura ko samantalang habulin nga ako ng lalaki. Palibhasa kasi kapwa lalaki rin ang gusto niya kaya hindi niya ma-appreciate ang beauty ko. Hello? Ang ganda ko kaya. Sabi nila Shienel, sobrang lakas daw ng appeal ko sa mga lalaki pero sorry sila ‘no. Pagod na ko sa mga ganyang bagay. Wala na akong tiwala sa mga hampaslupang lalaki na iyan! Hindi na ulit ako magpapaikot sa mga gunggong na iyon na ubod naman ng mga pangit. Kadiri talaga at hindi ko maiwasang kilabutan sa tuwing naalala kong pinatulan ko sila! Humarap ako sa salamin pagkasuot ng damit. Hmm, infairness ha, magaling mangilatis si Sir Jayden. Isang tingin niya lang sa akin ay alam na kaagad niya ang sukat ko. Saktong-sakto iyon, masarap pa sa pakiramdam ang tela. Pagkalabas ko ng staff room ay napansin ko kaagad ang unti-unting pagdagdag ng mga tao. Hindi pa ako nakakailang hakbang ay may isang lalaki na ang nag-abot sa akin ng tray na may lamang alak. Hinawakan niya ako sa balikat at tinuro ang isang table kung saan dapat dalhin iyon. Medyo wala pa nga ang focus ko sa tinuturo niya dahil badtrip ako sa ginawa niyang paghawak sa akin. Pasimple kong ginalaw ang balikat ko para matanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Mukhang napansin niya iyon at bahagyang lumayo. Epal na ‘to, feeling close. Tanggap ko pa kung babae eh, tulad ‘nung nagturo sa akin kung saan ang office, pero lalaki siya, isa na namang malanding kalahi ni Adan. “Sorry, bago ka?” tanong nito. Inayos ko ang tray at wala na sanang balak na sagutin siya. Aalis na sana ako para magtungo sa table nang pinigilan niya ako at hinawakan sa braso. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. “Obvious ba? Bitiwan mo nga ako, ‘di naman kita kilala. Saka ‘di naman tayo close,” pagmamaldita ko rito. Tila nabigla siya sa diretsong pagsagot ko sa kanya. “Sungit mo naman,” bulong nito. Akala niya ata hindi ko siya maririnig. “Pangit mo naman,” huling sabi ko bago ko siya tuluyang iniwan. Maayos kong hinawakan ang tray saka naglakad palapit sa table na tinuro ng pangit kong kasamahan sa trabaho. Puro mga lalaki pala ang naroon at nang makitang papalapit ako ay nagsiayos ng upo ang mga ito at malagkit na tumingin sa akin. Bakit ang lalandi ng mga lalaki? Bumaba ang tingin ko sa mga zippers nila. Pigil na pigil akong napailing. Dapat lumandi ayon sa laki. Flat na flat na nga sila tapos makatingin pa sila sa akin akala mo may maipagmamalaki. Mukha lang silang mayayaman pero pangit pa rin sila sa paningin ko. Mas gwapo pa nga si Sir Jayden kaso nga lang bakla. Well, ganoon talaga, kung sino pang mga gwapo, sila pa ang lalaki rin ang hanap. Isa-isa kong nilagay ang mga inumin nila. Sinikap kong ngumiti sa kanila. “If you wanted more drinks, you can call the attention of anyone of us so we can get back to this table and get your orders. Enjoy your drink,” nakangiti kong sabi pero siyempre, pagpapanggap lang iyon. Pagkatalikod ko sa kanila awtomatikong naalis ang ngiti ko lalo na nang maramdaman ko ang pasimpleng paghawi ng lalaking nasa dulo sa aking puwitan. Pangit na nga, manyak pa! Worst combination! Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. I heard his friends laughing. Ngumisi pa ang pangit, akala niya ata mahinang babae ako at palalagpasin ko ang panghihipo niya sa akin? “Can you just stay here in our table? Kami na ang bahala sa sasahurin mo sa gabing ito. Marami kami oh. We are billionaries and we can pay you triple of your rate tonight,” he said sensually. Ngumiti ako sa mga ito. Kaagad na nagyabang ang lalaking humipo sa akin, akala niya ata ay napapayag na niya ako. Damuhong ito. Hinintay kong humarap itong muli sa akin at nang mangyari iyon ay buong lakas kong hinampas sa pagmumukha niya ang tray na hawak ko. Animal ka ha! Napatayo ang mga kaibigan nito habang siya ay mariing napapikit at napadaing. Hawak niya ang kanyang ilong. Kawawa naman! Pango na nga, lalo pang naging flat! “Motherf*cker! How dare you do that to me!?” galit na sabi nito. Kaagad na lumapit ang ilang kasamahan ko sa trabaho. Nakita ko ring napatingin sa amin ang ilan pang customer. “Oh, you think you could get away from harassing me? Manyakis kang pangit ka! Kung gusto mo pala ng bayarang babae, sana sa cheap na bar ka nagpunta! Maraming GRO roon. Huwag kang maghanap dito dahil pang mayayaman at disente lang ang pwede rito. Yabang mo pa samantalang mukhang three inches ka lang!” nanggagalaiti kong sigaw dito. Pilit akong inaawat ng mga kasama ko habang ang lalaki naman ay pinipigilan ng mga kaibigan niya na sugurin ako. Inirapan ko siya at tinalikuran ito. Bumalik ako sa staff room upang magpakalma. I’m sure, makakarating kay Sir Jayden ang nangyari! Wala pang isang oras na nag-iinit ang uniform sa akin pero mukhang masisisante na ako kaagad!? Sayang naman yung one-fifty per hour! Saan ko pa ba makikita ang ganoon kataas na sahod sa pagiging waitress? Pero okay lang. Satisfied naman ako sa ginawa ko. Feeling ko nga hindi pa sapat iyon eh. Dapat mga dalawang beses ko pang inulit para worth it ang pagkakasisante ko kung sakali. Maya-maya ay dumating sa loob ng staff room ang pangit na lalaking katrabaho ko. “Nagreklamo kay Sir Jayden ‘yung hinampas mo ng tray. Pinapatawag ka niya sa office ngayon…” tahimik na sabi nito. Mukhang takot na ata sa akin. Alam niya na kung ano ang pwede kong gawin sa kanya. Mabuti naman para hindi ko na kailangang magpakilala pa. Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagtanggal ni Sir Jayden sa akin. Okay lang, atleast na-experience ko rito. Pagkapasok ko sa office niya ay muling sumalubong sa akin ang lamig. Nakita kong nag-aabang ito sa akin habang nakapangalumbaba. Bago pa man siya magsalita ay inunahan ko na siya. “Pasensya na, Sir Jayden. Binastos kasi ako ng mga pangit na iyon. Sinampolan ko lang. Tanggal na ba ako? Naka-thirty minutes naman ako eh, kunin ko na lang po ‘yung seventy-five ko tapos aalis na ko. Saka pwede bang akin na lang ‘tong uniform? Gagawin ko lang pantulog, sarap sa balat eh.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD