Kabanata 5

1156 Words
Hindi ko namalayang tumagal na ako ng isang linggo roon sa restobar na iyon. So far, so good naman. Medyo iwas na sa akin ang mga regular customer doon, maging ang grupo ng pangit na nahampas ko ng tray ay never na akong pinalapit sa table nila. Kahit ang mga kasamahan kong lalaki at tila takot na takot na lapitan ako. Mas mabuti! Wala naman akong pakialam sa kanila. Iritable kong idinilat ang mata ko nang marinig ang pag-iingay ng cellphone ko. Pambihira! Ang aga-aga pa! Kakapikit ko lang tapos may nang-iistorbo kaagad?! Bwisit kong pinatay ang tawag at bumalik sa tulog pero wala pang ilang segundo ay nag-ring na naman iyon. Malutong akong napamura sa utak ko. Hindi ko na nagawa pang tignan kung sino ang tumatawag. Kaagad kong sinigawan ang animal na gumagambala ng tulog ko. “Hello!?” pasigaw kong sabi. Nabosesan ko kaagad ang tawa ni Shienel mula sa kabilang linya. Kaagad ko siyang pinaulanan ng malulutong na mura. Alam naman niyang may trabaho na ako sa gabi hanggang kaninang madaling araw tapos ang lakas pa ng loob niyang tumawag sa akin! “Aga-aga galit na galit!” mapang-asar na sabi nito. Muli ko siyang pinagmumura kaya’t lalo itong napatawa. Pilit kong sinilip ang orasan sa dingding ng kwarto ko at nakitang alas-siete pa lang ng umaga. Alas-kwatro nagsasara ang restobar pero siyempre ay naglilinis pa muna kami ng paligid. Mahigit isang oras din iyon tapos ay babiyahe pa ako pauwi kaya halos dalawang oras pa lang ang tulog ko. Excited pa naman ako ngayong araw. Day-off ko ngayon kaya naisip kong bumawi lang ng tulog buong araw pero ayaw makipag-cooperate ni Shienel. Bruhilda talaga itong babaeng ito. Kakalbuhin ko talaga siya kapag nagkita kami. “Ano ba kasi ‘yon? Wala pa akong tulog, Shienel!” bulyaw ko dito. Bumungisngis ang lokaret. “Nakalimutan mo itong ngayon naka-set ang pagpunta natin sa university para mag-enroll? Bumangon ka na riyan at mag-ayos. Lagyan mo concealer yang eyebags mo para at mag-lipstick ka kahit kunti. Mukha ka ng bampira sa itsura mo eh,” pang-aasar nito. “Ngayon ba talaga kaaga? Hindi ba pwedeng mamayang hapon na lang? Kaasar naman kayo oh,” pagmamaktol ko. “Duh, Tammy? Sa tingin mo may maabutan pa tayong slot pagdating natin doon ng hapon? Siyempre pipila pa tayo at makikipag-unahan sa magandang schedule! Lalo ka na para puro afternoon class makuha natin at makapagbawi ka ng tulog,” wika nito. Saglit kong pinag-isipan ang sinabi niya. “Alam mo, Shienel, may utak ka rin pala minsan ‘no? Akalain mong naisip mo ‘yon? Hindi ko naisip ang tungkol sa bagay na ‘yan ha? Minsan may pakinabang ka talaga bilang kaibigan eh ‘no?” ganti kong asar dito. It was her turn to badmouth me. Napatawa ako saka dahan-dahan na bumangon. “Sige na, sige na. Mag-aayos na ako. Kita na lang tayo mamaya,” huling sabi ko bago ko pinatay ang tawag. Mabilisan akong naligo. Pasimple nga lang iyon at hindi ko na pinahalata kay nanay dahil baka paulanan pa ako ng sermon. Kesyo puyat ako, bakit ako maliligo. Sinuklay ko ang aking buhok saka bahagyang nag-ayos ng mukha. Totoo kasi ang sinasabi ni Shienel, noong minsang nag-video call kami para kamustahin niya ako sa trabaho ko ay kaagad niya akong inasar sa pagiging putla ko. Epekto ata iyon ng pagpupuyat dahil nag-a-adjust pa ang katawan ko. Hindi bale dahil masasanay rin naman ako kapag tumagal pa ako sa trabaho. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko agad ang mga kapatid ko na kumakain ng almusal. Naupo ako sa tabi nila at kumuha ng pandesal saka pinalamanan iyon ng liverspread. Nagsimula rin akong magtimpla ng kape upang pampagising. Ang init kasi ng pakiramdam ng mata ko at sa oras na maupo lang ako saglit ng walang ginagawa ay baka makatulog na ako kaagad. “Oh, anak, saan ka? Parang kakauwi mo lang kaninang madaling araw?” nagtatakang sabi ni Mama. “Mag-eenroll na po kami, ‘Nay. Natanggap ko na rin naman po kanina ang sahod ko nitong nakaraang linggo. Kasya po ang pang-downpayment ko ngayong semester tapos may kaunting sobra pa po at ‘yun ang ibibigay ko sa inyo ngayon. Wait lang po,” wika ko. Hinalughog ko ang aking wallet sa bag at kinuha ang limang libo para sa kanila. Hindi talaga lugi sa sahod. Feeling ko nga mas mataas pa ang kikitain ko sa kanya kapag nag-full time ako kaysa sa pagiging fashion designer. Swerte ko talaga at nakahanap ako ng trabaho na malaki ang rate ng sahod. Big time na rin kasi talaga ang restobar kahit pa bago lang siya. Naglalakihang tao rin ang nagpupunta doon. Nagugulat nga ako na grupo pala ng mga artista ang nabibigyan ko ng drinks. May iba naman na foreigners at mukhang yayamanin talaga. Parang may nakita nga rin akong polition pero hindi ko gaanong nakita kung sino dahil heavily guarded papasok sa private rooms namin. Kaya rin siguro malaki ang sahod namin dahil may confidentiality papers kaming pinirmahan. Iyon ay para sa mga sikat na personalidad namin na makikita at makakasalamuha sa trabaho na may ginagawang kung ano na bawal namin isiwalat sa publiko. Wala namang kaso sa akin iyon dahil wala naman akong lahing chismosa. Ngumiti si Mama at niyakap ako. “Salamat, anak. Malaking tulong ito sa atin para sa pangkain natin araw-araw. Pasensya ka na kung kailangan mo ring magtrabaho para sa atin. Responsibilidad namin iyon ng tatay ninyo kaso sobrang hirap talaga ng buhay…” she said softly. Ginantihan ko ang yakap niya at sinabing wala iyon. Ako naman ang nagdesisyon nito dahil ayokong huminto sa pag-aaral. Ayoko ring nakikitang naghihirap sila nanay. Nasa wastong edad naman na ako at kaya ko ng magbanat ng buto kahit part-time lang. Mas masarap pa nga sa pakiramdam kung makakapagtapos ako ng working student. Pride iyon para sa akin. Iyon ay kung makakapagtapos nga ako. Medyo average student lang kasi ako at kung hindi talaga ako mag-aaral ay wala akong masasagot sa exams maliban sa pangalan ko, petsa at pangalan ng professor. Minsan hindi pa sure sa pangalan ng professor kasi hindi ko naman alam full name ng iba. Mabuti na lang at nariyan si Alana, ang pinakamatalino at masipag naming friend na handa kaming iraos kada exams. Kahit na madalas ay pabigat lang kami ni Shienel, matiyaga siyang magturo sa amin. Mabuti na lang din at katulong niya si Eva sa pagsaway sa amin ni Shienel dahil kung hindi, wala talaga kaming mapapala sa mga group study namin. I’m lucky to have them as my friend. They are real and I felt the bond between us. They didn’t judge me when they knew that I didn’t come from a wealthy family just like them. Never ko rin naramdaman na pinamumukha nila sa akin na mayaman sila. They are all very simple in terms of their personality and on their living.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD