Kabanata 6

1061 Words
Naunang dumating doon si Alana. As usual, she was like the perfect woman, the prim and proper, intellegent and beautiful, higit sa lahat, punctual. Aanhin natin ang kaibigang maganda kung late naman? Tulad ni Eva. Bibigwasan ko na sana siya dahil expected kong ako ang mahuhuli sa kanila dahil ako lang naman ang nag-co-commute sa kanila pero heto kaming tatlo nila Shienel, nag-aabang sa kanya. “Napakatagal naman ni Eva, i-text niyo na nga!” pag-aalburoto ko. Ilang minuto lang din ang lumipas nang makita namin itong papalapit sa amin, kasama si Lucas, ang masugid nitong manliligaw. Nagkatinginan kami ni Shienel at sabay na napangisi. Kaya naman pala! Marahan kong kinalabit si Alana. Busy kasi ito sa kanyang phone kaya hindi nito napansin si Eva na kasama si Lucas. “Kaya naman pala late eh, lumandi muna sa manliligaw,” wika ko sa mga kasama ko. Maya-maya ay nakalapit na sila sa amin. Alam kong ramdam ni Eva ang pang-aasar namin sa kanilang dalawa. Alam naman niya kung gaano kami ka-pabor kay Lucas dahil isa siya sa pinakamatinong lalaki dito sa university namin pero ewan ko ba kung bakit ayaw niya. For sure, nilalamon na ng kahihiyan ngayon si Eva. Sinamahan kami ni Lucas na mag-enroll. Hindi ko mapigilang makaramdam ng antok nang makita ang haba ng pila. Nakakatamad! Himbing pa siguro ng tulog ko ng mga oras na ‘to. Tulo na siguro laway ko sa unan ko at baka ngalay na ang leeg ko kasi hindi ako nagbago ng posisyon dahil sa sarap ng pagkakatulog ko. Gusto ko na kaagad umuwi, pambihira! Kaso literal na usad-pagong ang pag-andar ng pila kaya't iritable na talaga ako. Sinimulan na nga akong asarin ni Shienel. Kesyo maligo raw ako para hindi laging inaantok. Nanggigil ako lalo. Parang gusto kong manabunot. “Judgemental ‘yang kaibigan mo, Alana. Samantalang mas mukha pa nga siyang hindi naligo ng ilang araw kaysa sa akin ngayon,” ganti ko dito. Napailing na lang si Alana sa amin dahil alam niyang hindi na niya kami mapipigilan. Mas okay na rin sa akin na makipagbangayan kaysa sa tahimik lang kami. Makakatulog talaga ako niyan. Kahit hindi kumportable ang upo ko ngayon, magagawa ko talagang makatulog. Halos lunch time nang sa wakas ay natapos kami. Hindi na ako makapaghintay na umuwi. Wala naman kasi kaming naka-set na alis ngayong hapon at kung meron man ay baka hindi na ako sasama. Bahala sila riyan. Gusto ko ng mahiga. Nagtanong si Eva kung may mga kanya-kanyang lakad ba kami. Si Alana ay medyo aligaga sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko sa kanya. May kakaiba sa babaeng ito ha? Hindi ko na lang pinansin dahil baka hindi pa handang magsabi. “Magkakasakit ako mamayang mga two p.m., kailangan kong magpaturok ng Vitamin D.” Nakita kong natahimik ang dalawa kong inosenteng kaibigan. Siyempre bilang pinaka-open minded sa amin ay kaagad kong naintindihan ang pinapahiwatig niya. Gigil kong hinila ang ilang hibla ng buhok nito. Malantod talaga! Hindi ko pa nga nakikita sa personal ang doktor na kinahuhumalingan niya ngayon pero para magkaganyan siya? Daks nga talaga siguro. Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at ako naman ay pumara na ng jeep. Antok na antok na ko talaga at hindi ko na namalayan na kaagad akong nakatulog sa jeep. Sobrang lalim nga niyon. Nakakahiya sa mga pasahero na kasama ko, baka nakanganga ako at nag-sway pa ang ulo pero okay lang naman ‘yon. Alam kong maganda pa rin ako kahit natutulog ako. Hindi ko alam kung anong magic ang mayroon ako pero may ability talaga ako na makaramdam at nagigising ako sa tuwing malapit na akong bumaba. Umayos ako ng pagkakaupo at inilagay sa likod ng tenga ang aking buhok na medyo nagulo. Saglit kong hinintay na makarating ang jeep na sinasakyan ko sa kanto namin saka ako pumara. Hindi pa ako nakaka-ilang hakbang papasok sa amin ay nakita ko na kaagad ang ex kong halimaw na may dalang palumpon ng rosas. Sa kabilang kamay naman nito ay isang pulang lobo. Bahagya akong napaatras at naramdaman ang pagsama ng sikmura ko. Ang pangit! Bakit ko ba pinatulan itong manlolokong ito?! Tatalikod na sana ako para umikot sa ipinagbabawal na daan pauwi sa amin kaso nakita na niya ako. Tumakbo ito papalapit sa akin, umiiyak. Pambihira, tulo pa uhog! Kadiri naman. Hindi ko na talaga maisip ngayon kung bakit ba ako napasagot nito. Siguro dahil todo effort siya sa akin manligaw dati, pero niloko lang niya ako. Kapal ng mukha talaga. “Ano bang ginagawa mo rito, Carding? Sinabihan na kita ‘di ba? Hindi ako makikipagbalikan sa’yo! Kapag siguro hindi mo na kinakain iyang sipon mo baka i-consider ko pa!” nandidiri kong sabi dito. Gamit ang kanyang kamay ay suminga ito sa harap ko. Napatili ako at napaatras dahil halos tumama sa akin ang sipon niya. Bastos talaga! Walang manners! Hindi rin naman ako mayaman pero may alam naman ako sa hygeine! Nakakadiri talaga itong si Carding! Nanlaki ang mata ko nang akmang lumapit ito at gamit ang kamay na pinang-singa niya kanina ay balak niyang abutin ang braso ko. Katakot-takot na pag-atras ang ginawa ko hanggang sa mabangga ako sa kung sino. Nilingon ko iyon at nakita ang isa ko pang ex. May dala rin itong paperbag galing sa blue magic. Mas mukha itong maayos ngayon kaysa kay Carding pero pangit pa rin dahil niloko rin ako ng animal na ito! “Tammy, usap naman tayo…” wika ni Joseph. “Joseph? Bakit nandito ka rin? Hindi ba kayo makaintindi ha? Na-stress ako sa inyong dalawa!” naiinis ko ng sabi. Alerto akong lumayo nang makita si Carding na palapit ulit sa akin. “Huwag kang lumapit, Carding! Ipapa-barangay talaga kita!” sigaw ko dito. “Tammy naman, galit ka pa rin ba? Wala na ‘yun si Janna. Hindi ko naman mahal ‘yun eh. Mas maganda ka pa roon…” wika ni Carding. Nanggigil ako bigla! Para namang may pakialam pa ako?! Umatras ako sa kanilang dalawa at umiling. Tinalikuran ko sila at akmang maglalakad na nang makita naman ang lalaking nakatayo sa harap kong may bitbit na gitara. Nagsimula itong magpatugtog. Ang pangatlo kong ex! Bakit nandito silang lahat?! Hindi ako aware na may reunion pala kaming apat ngayong araw! Pambihira, I just wanted to sleep! Bakit nangyayari ito sa akin ngayon. Mga bwisit talaga ang lalaki!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD