Kabanata 7

1075 Words
Hindi ko alam kung paano ako nakatakas sa mga asungot na iyon. Kung hindi ko pa ata nakita ang kapitana sa lugar namin na close ko ay baka na-stuck na ako sa tatlong pangit na iyon. Ewan ko ba, kapag nakikita ko sila ulit at nakikita ko kung gaano sila ka-chaka ay nagdadalawang-isip ako sa standards ko sa lalaki. Ang dami-dami naman kasing gwapo, bakit pinatulan ko pa ang mga iyon. Pangit na nga, manloloko pa. Silang tatlo ang lalaking dumaan sa buhay ko mula pa noong high school ako. Well, maaga akong lumandi noon pero hindi naman all out. Parang sinagot ko lang sila for experience. Una kong naging boyfriend si Carding. Kaklase ko siya noong second year high school ako at noong Valentines day, ang dami niyang paandar sa akin noon. May pa-teddy bear pa yan at chocolates habang kinuntsaba niya lahat ng mga kaklase namin. May pa-cartolina pa iyan noong nagpaalam sa akin kung pwede raw ba siyang manligaw. Siyempre, kinilig naman ako ng mga oras na iyon dahil wala pa akong experience. That was the first time someone exerted an effort for me. Maganda naman na ako dati pa at may mga naririnig naman akong nagkakagusto sa akin, pero si Carding lang ang naglakas loob noon na lumapit. Ang comment nila ay ang suplada ko raw kasing tignan at nakakatakot kausapin o kahit lapitan manlang. Hindi naman literal na pangit si Carding. Maayos naman ang itsura niya pero dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin ay pumangit na siya sa paningin ko. Tiniis ko na nga noon na medyo dugyutin siya noong naging kami tapos ang lakas ng loob na mambabae. Tumagal kami ng isang taon at noong nag-third year kami ay hindi na kami magkaklase. Pang-umaga na ako at siya ay panghapon pa rin. Nagulat na lang ako noon nang may magsumbong sa akin na kaklase ko na nakakita kay Carding na mayroong hinahatid na ibang babae pauwi. Kaklase niya raw iyon. Noong kinausap ko si Carding tungkol doon ay umamin din naman kaagad ito na nagugustuhan niya na nga raw ang babaeng iyon. Siyempre, medyo nasaktan ako ng mga oras na iyon, dahil sa pride ko, papalitan niya na nga lang ako, sa pangit pa. Nakaka-offend! Mula noon ay nag-break kami. Sunod naman na nagtangkang manligaw sa akin si Joseph. Hindi ko alam kung paano nila nalaman, siguro kumalat sa batch namin na hiwalay na nga kami ni Carding kaya’t kinabukasan lang din after namin mag-break ay nagparamdam kaagad si Joseph. Siyempre, ‘nung mga panahon na ‘yon kunwari medyo hurt pa ako kaya hindi ko siya pinapansin pero kinulit niya ako kahit noong bakasyon na. Panay siyang message sa akin at dahil wala pa naman akong magarbong cellphone niyon at nakikita ko lang ang mga iyon kapag nag-co-computer ako sa labas ay laging sabog ang notifications ko. Sa inis ko sa pagiging makulit niya ay sinagot ko siya. Tuwang-tuwa ang loko. Okay naman kami niyon, palagi akong may kasama, hinihintay niya akong umuwi noong pasukan na, medyo sweet din siya at lagi akong binibigyan ng kung ano-ano dahil medyo mas mapera ito kaysa kay Carding. Tumagal kami ulit ng isang taon at noong nag-fourth year na kami, naulit na naman ang nangyari. Mayroon na namang nagsumbong sa akin na nakita nila si Joseph na may ka-holding hands na babae sa mall. Mukha raw mayaman at maganda. Automatic na tumaas ang kilay ko noon at kaagad na tinanong si Joseph. Todo deny pa ang loko samantalang noong sinearch ko siya, nakita kong tinag siya ng babae sa picture nila na mukhang sweet na sweet! Halos ingudngod ko sa pagmumukha niya iyon at doon lang siya napaamin. Siyempre ay nakipag-break ulit ako at sinabi ko sa sarili ko na tama na muna. Maganda naman ako at hindi ako mauubusan ng lalaki pero ayoko na muna ma-stress. Nakapagpahinga ako mula sa lalaki sa buong huling taon ko sa high school. Hindi naman nawala ang mga nagpaparamdam pero hindi ko talaga sila pinapansin. Hanggang sa maka-graduate kami at nagbakasyon na naman ulit. Abala na ako noon maghanap ng college na papasukan ko. Inuna ko ang mga state universities dito sa Abra kaso sobrang hihirap naman kasi ng entrance exam at kung hindi man ako pasado, nasa waiting list lang ako. Saka ko sinubukan sa university na pinapasukan namin ngayon nila Eva. Nang mga panahon kasi na iyon ay hindi pa naman sobrang kataasan ang tuition at nakakaya pa naming bayaran ng downpayment at installment. Sobrang easy lang ng entrance exam dito dahil siyempre, hindi naman masyadong batayan ang utak, mas priority nila ang may mga pera. Habang nag-aasikaso ako ay doon ko nakilala ang huling ex ko na si Marvin, ‘yung lalaking naggigitara. Senior na siya sa pasukan ng mga panahon na iyon at hindi pa malinaw sa akin noong mga oras na iyon na tirador siya ng mga freshman. Siya ang nagbantay sa room namin noon habang nag-e-entrance exam kami at feeling ko ay doon niya nakuha ang detalye ko. Nakuha niya number ko at inadd niya ako. Doon at niligawan niya ako habang bakasyon pa at naghihintay kaming magsimula ang unang sem. Kilig na kilig ako kapag sine-send-an niya ako ng voice messages na kumakanta siya. Gwapo kasi ang boses niya, ang mukha, pwede na, pero ewan ko ba, ang lakas talaga ng effect at kahit pangit ka, basta magaling kumanta, nagiging pogi sa paningin ng iba. Sinagot ko rin siya noong ilang araw na lang ay magpapasukan na. Akala ko nga mas magiging okay kami dahil makakapagkita na kami lagi sa university dahil may pasok na pero doon naman siya nagsimulang maging cold sa akin. Pambihira, wala pang ilang buwan ay hindi na ito nagparamdam sa akin! Nakabuntis na pala ang hayop! Mas malalala pala talaga ang lalaki sa college! Mula noon ay nawalan na ako ng gana sa lalaki. Badtrip na ako sa kanila dahil tatlong beses na akong niloko ng magkakaibang lalaki. Hindi naman sobrang masakit sa puso ko, mas affected ang pride ko dahil sa ganda kong ito, niloloko ako ng pangit na katulad nila? Kaya hanggang ngayon, third year college na ako ay wala nang nakapagtangka pang muli sa akin dahil palapit pa lang sila, pinapatay ko na sila sa tingin. Magsasalita pa lang sila, sisinghalan ko na kaagad sila. Wala akong pakialam kung masungit or what, hindi na ulit mapapaikot ng mga pangit at hayop na mga lalaking iyan ang ulo ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD