Chapter 2

2978 Words
I want to experience the same way they experienced life. I want to be strong-willed like them. "OH ASTRID, kanina ka pa nakasimangot diyan. May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Mei. Isa sa mga kaibigan ko. Sino ba namang hindi mapapasimangot kapag nararamdaman mong may itinatago sa iyo ang pamilya mo. "Wala." Matipid kong sagot sa kanya. Hindi rin naman nila maiintindihan kahit sabihin ko pa sa kanila. Maraming gumugulo sa isip ko ngayon. Katulad nalang ng bakit sila hindi tumatanda. Hindi kagaya nila Tita Dalia, Tita Chloe, Tita Bellona, Tito Alvis at Tito Theo, sila Mom and Dad pati na rin si Luca, hindi sila tumatanda talaga. Pakiramdam ko ay kung anong itsura nila bago kami ipanganak ni Kuya ay ganoon pa rin ang itsura nila. Samatalang ang mga kaibigan nila ay kumukulubot na ang mga balat. Isa na ring rason bakit nasanay ako na Luca lamang ang itawag kay Luca ay dahil nga hindi siya natanda. Madalas nga akong pagalitan ni Mom dahil doon eh. Akala nila ay hindi ko iginagalang si Luca. Alam ko naman na mas matanda siya sakin but still...Err! "Astrid, focus. Stop spacing out! Hindi tayo matatapos agad dito." Napailing ako para mawala ang mga iniisip ko. Tama sila. Hindi kami matatapos kung tutulala lang ako. Nagfocus nalang ako sa paggawa ng project. Ganoon pa man ay hindi pa rin nawala ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. "Siya nga pala. Did you guys hear the rumor?" Naggupit gupit nalang ako at hindi na nakinig sa kanila. Baka kung sino lamang sa school namin ang pag uusapan nila. "Last night, may nakakita daw na may lumilipad sa kalangitan. Hindi raw ito ibon o eroplano, eh. Ang sabi, tao raw." Gusto kong matawa sa kanila. Pinaniniwalaan talaga nila iyon? As if. Lumilipad na tao? Come on. "Baka nananaginip ng gising o lasing iyong nakakita niyan. Masyado kayong nagpapaniwala." Muli nalang akong nagfocus sa ginawa ko. Magics doesn't exist. My brother said so. HINDI na ako nagpasundo pa kay Dad dahil maaga rin naman kaming natapos sa ginagawa namin. Hindi rin naman ganoong kalayo ang bahay ng kaklase ko. Naalala ko rin pati na may gusto akong daanan na shop bago umuwi ngayon. Gusto kong bumili ng regalo para kila Mom and Dad. Lagi kasi silang wala sa bahay lalo na si Mom. Gusto kong bigyan sila ng gamit na makakapagpaalala sa akin. Pumasok ako sa isang shop at tiningnan ang mga binebenta nila roon. Interesting. They sell lots of goods. Marami kang mabibili rito. But I want something special. Hmm, ano kayang gusto nila Mom and Dad? Ang hirap mag isip. Sa tingin ko ay mas madadalian pa ako sa paghahanap ng gamit para kay Daddy but as for Mom...parang ang hirap lang. Hindi ko kasi alam kung anong hilig niya. Ang hirap naman kasi nilang basahin na dalawa. Minsan talaga napapaisip ako kung parte ba talaga ako ng pamilyang iyon. I mean, ibang iba ako sa kanila. Ugali palang mahahalata mo na. Baka naman mali ako ng hinala. Masyado lang talaga akong nag iisip kaya kung saan saan napupunta ang mga iniisip ko. Kaya lang...alam niyo 'yon. May mga bagay silang pinag uusapan na hindi ko maintindihan. May mga lugar silang nalalaman na hindi ko alam kung saan. I heard from them na madalas si Mom sa isang lugar since taga doon siya but I don't know where it is. Ni hindi ko nga matandaan kung anong pangalan ng lugar. "Hi po. Ano pong hanap nila?" Napatingin ako sa isang saleslady dito sa shop. "Kanina ko pa po kasi napapansin na parang nahihirapan kayong mamili ng bibilhin niyo. Pang regalo po ba?" Matipid akong tumango bago maglibot libot. "Para sa boyfriend niyo po?" Napatigil ako sa sinabi ni Ate bago ngumiti ng pilit. "No, for my parents." Ni wala nga akong boyfriend. Wala ngang nagtatangkang manligaw sa akin. Paano ba naman, kapag may nagtatangka at dadalhin ko sa bahay para makilala ng pamilya ko, ang sama nilang makatingin lahat. Lalo na si Dad, si Kuya, maging sila Tito at sila Luca. Akala mo naman nagdala ako ng magnanakaw sa loob ng bahay namin. Nahihirapan talaga akong maghanap. Wala akong maisip. Hindi ko alam kung ano bang gusto nila Mommy. "May mga new arrivals po kami. Baka gusto niyo pong tingnan." Umiling ako bago muling maglibot. May hinahanap ako kahit hindi ako sigurado kung ano iyon. Mararamdaman ko kapag tamang bagay ang nakita ko. Napatigil ako nang may mapansing picture frame. Nag iisa nalang iyon dito. Maganda ito at medyo may kamahalan. But I think it's worth it naman. Why a picture frame? Napansin ko kasi na wala kaming kahit na isang family picture sa bahay. Kaya siguro ang lungkot kapag umuuwi ako at walang naaabutan sa bahay. Tapos makikita mo pang wala kayong litrato ng pamilya mo. It feels like entering an empty room. "I'll by this one." Sabi ko doon sa babaeng nakabuntot sa akin. Ngumiti siya at sinamahan ako sa counter para makapagbayad. Lumabas na ako ng store at handa na rin sanang umuwi nang biglang lumakas ang simoy ng hangin. Agad kong hinawakan ang skirt ko para hindi iyon malipad ng hangin. Tumigil na rin muna ako sa paglalakad. Nang akmang aayusin ko ang buhok kong sumabog sa mukha ko ay may isang flier na tumama sa mukha ko. Agad ko itong kinuha at itatapon na sana nang ay mabasa akong pamilyar. Enroll now! On-going enrollment at Mystique Academy for the year 20xx-20xx We'll be waiting! Nanginig ako habang binabasa ang nakasulat sa flier. Hindi ako maaaring magkamali. Ito ang school kung saan nag aral sila Mom at Dad! Inilagay ko ang flier sa bag ko at nagmamadali akong umuwi sa bahay namin. Kailangan kong masabi ito kila Mommy. Gusto kong pumasok sa school na ito. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay tinatawag ako ng academy na iyon. Nakangiti akong nananakbo pauwi sa bahay namin. My parents' school. Malakas ang pakiramdam ko na kapag dito ako pumasok ay marami akong malalaman tungkol sa sarili ko at maging sa pamilya ko. Kapag pumasok ako rito, palagay ko ay mabubuo ako. Ang weird 'no? Pero ganito ang pakiramdam ko ngayon. Habang patuloy ako sa pagtakbo ay may nakabngguan akong mga lalaki. Ako ang tumalsik at napaupo sa sahig dahil sa lakas ng impact. "Hoy, hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!" Giit niya. Halos pasigaw niya akong pagsabihan kanina. Hindi ba pwedeng hindi ko sinasadya? Sila itong haharang harang sa daan, eh. Tumingin ako sa mga lalaki at nanlaki ang mata ko. Kahit na sabihin natin na marunong ako ng ilang self defense ay naliliit ako sa malalaking tao na nasa harapan ko. Agad kumalabog ang dibdib ko. Kaya ko ba? Kung may gagawin man silang hindi maganda sa akin, magagawa ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Napansin kong bumulong ang isang lalaki sa pinaka pinuno ata ng grupio nila. Napangisi ito bago muling tumingin sa akin. Pinagmasdan niya akong mabuti simula ulo hanggang paa. Kinilabutan ako sa pagtingin niya sa akin. "Oo nga. Magandang bata. Pwedeng pwede." "Boss, malaki ang kikitain natin sa kanya kapag ibinenta natin iyan sa black market." Napalunok ako sa sinabi ng isa pa sa kanila. Don't tell me...sindikato sila? "Bakit natin agad ibebenta? Pwede naman nating pagsaawan muna. Tayo muna ang titikim bago ang iba." Ngumisi ang boss ng grupo nila at sinundan din naman ng pagtawa ng mga kasama niya. Dahan dahan silang lumapit sa akin. Mariin ko namang ipinikit ang mga mata ko. I want to scream pero para bang may bumabara sa lalamunan ko at hindi ako makasigaw. Someone, please save me! Luca's Point of View "ANO bang problema niyong dalawa? Bigla bigla niyo nalang iistorbuhin ang pag uusap namin ni Hel. Seryoso ang pinag uusapan naming dalawa, eh." Pagrereklamo ko sa dalawang kasama ko ngayon. "Ito naman. Minsan na nga lang tayo magkasama samang tatlo, aangal ka pa. Buti ikaw, hindi ka tumatanda at mukha pa ring 18 years old. Paano naman kami? Kailangan naming mag enjoy hangga't kaya pa namin 'no." Napailing ako. Makapagsalita naman ang mga ito ay akala mo bukas na sila mamamatay. "Dito na tayo dumaan. Shortcut dito. Isa pa ang init diyan." Hindi na ako umangal sa kanilang dalawa. Hahayaan ko na muna sila. Kaya lang minsan mapapaisip ka. Tangina lang talaga mga kaibigan mo, eh. Sarap sipain. "Miss, sumama ka nalang sa amin para hindi ka masaktan. Sumama ka samin hangga't maayos pa akong nakikipag usap sayo." Napatigil kaming tatlo sa paglalakad nang may mapansin kami sa hindi kalayuan. Anong kaguluhan iyon? Liblib ang lugar kaya't walang masyadong tao ang napapadaan doon. "Mukhang may binabastos na babae." Sabi ko kila Raven at Kei. "Hayaan mo na. Hindi naman natin kilala iyon." Hinila ko si Raven na papalayo na sa amin. Hindi pa rin tamang hayaan nalang namin mabastos iyong babae. Bago kami lumapit ay pinagmasdan ko munang mabuti ang mukha ng babae. Nang mamukhaan ko iyon ay nanlaki agad ang mata ko. Tila ba umakyat ang dugo ko sa ulo ko at awtomatiko akong nagalit sa nakikita ko. "Tangina niyo, eh si Astrid iyong binabastos." Tumingin sila sa babae at agad kaming napatakbo sa pwesto nila. Hinawakan ko ang braso ng lalaking hinahawakan si Astrid at pinipilit isama sa kanila. "Sa tingin ko ay sinabi na niyang ayaw niyang sumama sa inyo." Kahit wala akong narinig mula kay Astrid, halata naman na ayaw niyang sumama. Napatingin sa akin ang mga lalaki at tinaasan ako ng kilay. "Bata, tumabi ka at huwag mangealam kung ayaw mong baliin ko ang buto mo." Napangisi ako sa sinabi ng lalaki. Ako bata? Mukha lang akong teenager pero baka mas matanda pa ako sa kanila. Isa pa, kapag kaya nanlaban ako sa kanila, sino kaya ang mababalian ng buto sa amin? Sinilip ko si Astrid. Mariin pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Agad ko sinenyasan si Kei na gamitin ang kapangyarihan niya. Ayoko sanang ipagamit iyon sa kanila pero wala akong choice. Nababadtrip ako sa kanila. "Kei, do your thing." Napabuntong hininga si Kei bago tumango. Tumingin siya sa mga lalaki bago ngumiti. Kei snapped his fingers. "Have fun, assholes." May lumabas na tila malaking void na hinigop kaagad ang mga lalaki papasok doon. Natawa naman si Raven sa pangyayari. "Easy. No sweat." Naghigh five ang dalawa. Lumapit ako kay Astrid. Hinawakan ko ang balikat niya. "Don't—!" "Astrid?" Pagpapakalma ko sa kanya. Iminulat ni Astrid ang kanyang mga mata at nagtama ang paningin naming dalawa. "L-Luca..." tila ba bumalik ang pag iisip niya sa mundong ibabaw at tumingin sa paligid. Kinabahan ako. Naaalala niya kaya? Dapat ay hindi na. Kapag ginamit ni Kei ang Reality Expulsion, kasabay nitong mawawala ang isang bagay o tao kasama ang existence nito na para bang never itong nag exist sa mundo. Kaya dapat ngayon, walang maalala si Astrid sa nangyari. "Parang kanina mayroong...ang weird pero akala ko kanina nakikipagtalo ako sa kung ano. I can't properly remember. It's so vague." Kahit na papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. At least, wala siyang maalala. "Nakita ka nalang namin dito na mag isa. Wala ka namang kasama." Pagsisinungaling ko. Ayokong ipaalam sa kanya na muntikan na siyang madakip ng mga hindi kilalang lalaki. "Oo nga pala!" Nabigla ako sa pagsigaw niya. Tila ba may naalala siya. Agad nilapitan ni Astrid ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Nagtataka siya kung bakit ito nagkalat. Sinabi nalang namin na baka muntikan na siyang madapa kanina. May hinahalungkat siya sa bag niya pero para bang hindi niya ito makita. "Hala, nasaan na iyon?" Tanong niya sa sarili niya. Sinilip ko siya para sana tulungan sa hinahanap niya. "s**t! Omg." Nagulat ako sa pagsigaw niya. Akala ko naman kung napaano siya sa paghahanap niya sa bag niya. Napansin ko na may hawak siyang picture frame sa kamay niya. Para saan iyon? "Para saan iyan, Astrid?" "Naisipan ko kasing bumili ng picture frame para kahit isa lang ay magkaroon kami ng family picture sa bahay. Napansin ko kasi na wala kaming ganoon. Actually, binalak kong bumili ng regalo para sa kanila. Kaya lang wala akong maisip kaya ito nalang ang binili ko. Kaya lang ngayon, nasira na. Hindi ko matandaan paano ito nasira. Siguro nga dahil sabi niyo muntikan na akong madapa kanina dahilan para malaglag ko ang bag ko. Baka dahil sa pagkakahulog nito, kaya nasira." Kita ko ang lungkot at pagkadismaya sa mukha ni Astrid. Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang likod niya. "There's nothing to be sad about it, Astrid. Let's buy a new one, okay?" Tumingin sa akin si Astrid at matipid na ngumiti. Tumango siya bago ayusin ang gamit niya. Sinabayan na naming maglakad pauwi si Astrid. Mas mabuti na ito para hindi na siya lapitan pa ng disgrasya. Habang naglalakad kami ay hindi namin mapigilang mag usap tungkol sa kung ano anong bagay. "Anong sabi mo? Mystique Academy? Saan mo naman nalaman ang tungkol doon?" Siniko ko si Raven. Napakalakas talaga ng boses ng lalaking ito. Hindi na nahiya. Kalalaking tao, eh. "Oo, kanina kasi habang naglalakad ako may flier na tumama sa mukha ko. Nabasa ko lang ang tungkol sa academy doon. Tinago ko pa nga iyon, eh. Kaya lang, nawala. Pero sabi doon, ongoing pa rin ang enrollment." Masayang sambit ni Astrid. Sabagay, matagal narin simula nang muling buksan ang academy. Hindi nga lang ako sigurado kung marami pa ang aware tungkol doon. "And you're saying that you want to transfer to that academy? Bakit naman? Hindi ka ba masaya sa school mo ngayon?" Napayuko si Astrid sa tanong ni Kei. Dahan dahan itong umiling. "Masaya naman kaya lang ay nakukulangan ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako belong sa lugar na iyon. May nararamdaman akong difference. Para bang naiiba ako sa kanilang lahat." Huminga ng malalim si Astrid bago tumingin sa amin. "Please, help me to convince my parents. Gusto kong pumasok sa Mystique." Agad napaatras sila Raven sa hiling ni Astrid. "Naririrnig mo ba ang sinasabi mo, Astrid? Baka patayin kami ng nanay mo sa gusto mong mangyari." Ani Raven. Pinandilatan ko sila ng mata. Gago talaga, alam naman nilang walang alam si Astrid tungkol sa kayang gawin ni Hel o ni Kreios. "Kaya nga, tapos yung tatay mo pa. Baka hindi na kami sikatan ng araw bukas." Pilit silang tumatawang dalawa. Ang sarap nilang pag umpuging dalawa. "Huh? Bakit naman? As if naman na kapag tinulungan niyo ako ay papatayin kayo ng mga magulang ko." Natatawang sabi naman ni Astrid. "Nako, kung alam mo lang—" "Takot lang sila sa parents mo. Huwag mong intindihin ang mga sinasabi ng mga ito." Mahina kong sinuntok iyong dalawa para tumigil na. "Kay Luca ka nalang magpatulong, Astrid. Close naman siya sa mga magulang mo. Panigurado ako na makakausap niya ng maayos ang mga ito." Puta, dinamay pa ako. "Naalala ko na may kailangan nga pala akong puntahan ngayon. Pasensya ka na Astrid, ha? Next time nalang. Bye." Agad kumaripas ng takbo papalayo si Kei. Itong gago na ito akala mo lang na seryoso sa buhay pero hindi. "Ay, oo nga pala. Sama ako Kei!" Humabol naman si Raven sa kanya at naiwan kaming dalawa ni Astrid dito. Parang mga gago talaga. Napailing ako nang umalis iyong dalawa. Tumingin ako kay Astrid at agad akong napaatras dahil sa pagtingin niya sa akin. She smiled. "Luca, tutulungan mo naman ako sa pagpapaalam kila Mommy, hindi ba?" Napabuntong hininga ako sa narinig ko. May magagawa pa ba ako? Sa tingin niya ba makakaangal pa ako sa pagmamakaawa niyang iyan? Pumunta kami ni Astrid sa bahay nila. Kinakabahan ako. Hindi naman siguro maiiwasan iyon. Naiisip ko palang ang nag aalburutong si Hel ay gusto ko nang umatras, kaya lang ayoko rin namang biguin si Astrid. Saktong pagkapasok namin ng bahay nila ay naabutan namin sa may sala ang mga magulang niya. Muli akong huminga ng malalim bago lumapit sa kinaroroonan nila at magsalita. "Hel, Kreois, may gustong pag usapan si Astrid." Napalingon sa amin ang dalawa. Agad naman akong kinalabit ni Astrid. Nagtataka siya sa sinabi ko. Napailing ako. Ang tanga ko naman. Ako pala ang may sasabihin. "Sorry, mali. Actually, ako pala ang may gustong idiscuss sa inyo. Pwede ba tayong mag usap na tatlo?" Nagkatinginan sila Kreios at Hel. Tumingin naman ako kay Astrid at ngumiti. "Pumunta ka na muna sa kwarto mo. Balitaan nalang kita mamaya. Ako na ang bahala rito." Halata man ang pagdadalawang isip sa mukha niya ay tumango pa rin siya at nagtungo sa kwarto niya. Sinigurado ko na nakapasok na si Astrid sa kwarto niya bago ko umpisahan ang aming pag uusap. Kalma ka lang, Luca. Makakalabas ka pa rin naman ng buhay sa bahay na ito. "Astrid wants to transfer to Mystique Academy. She saw a flier earlier and got interested." Agad kong nakita ang pagkunot ng noo ni Hel. Si Kreios naman ay seryoso lamang na nakikinig. "Siguro naman ay hahayaan niyo siya—" "Alam mo namang ayoko." Matigas na sabi ni Hel. "Alam ko iyon. Kaya lang ay gusto ni Astrid. Akala ko ba ay gusto niyong maging masaya ang mga anak niyo? Sa tingin ko ay ito na iyon." Lakas loob kong sabi sa kanila. "Hindi magiging masaya si Astrid sa academy, Luca. Alam mo rin iyon. Hindi biro ang dinanas natin sa loob ng Mystique. Ang nangyari sa atin ay maaaring mangyari sa kanila at baka nga mas malala pa. I don't want to take that risk para lang sa selfish wish ni Astrid. Huwag mong ipagpilitan ang bagay na ayaw naming mangyari." Huminga ulit ako ng malalim. Ilang beses ba ako kailangang bumuntong hininga at huminga ng malalim ngayong araw? "Alam kong pinoprotektahan niyo si Astrid. Pero Hel, she has the right to know who she is. Kailangan niyang malaman ang katotohanan sa pagkatao niya. Hangga't nililihim niyo sa kanya ang lahat, mananatiling may kulang sa kanya. Hindi niya makikilala ang sarili niya." Wala na akong pakealam sa magiging outcome ng pag uusap na ito. Basta ang alam ko ngayon, dapat nang malaman ni Astrid ang lahat. "Can't you see, Hel? Astrid looks like a lost kid. Hindi niya mahanap ang sarili, ni hindi niya malaman kung saan siya dapat lumugar. Kasi pakiramdam niya, hindi niya pa lubos na kilala ang sarili niya. If you think going to Mystique Academy will be harmful and dangerous for her, then let me go with her. Just let Astrid transfer to MA." Nagulat sila Kreios sa sinabi ko. Fine, nakapagdesisyon na ako. Sasamahan ko si Astrid sa loob ng academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD