Chapter 3

2126 Words
Be determined to do the things you want, but bear with the consequences it holds. ALAM kong sinabihan na ako ni Luca na manatili sa loob ng kwarto ko at babalitaan nalang niya ako. Ganoon pa man, hindi ako mapakali. Lumabas ako ng kwarto ko at dahan dahang sumilip sa hagdanan. Siguro naman simula rito ay maririnig ko na ang pinag uusapan nila. Hindi rin naman siguro ako mapapansin dito. "If you think going to Mystique Academy will be harmful and dangerous for her, then let me go with her. Just let Astrid transfer to MA." Saglit nga. Nasaang banda na ba sila ng pag uusap nila? Pumayag na ba sila Mommy at Daddy? "Luca, hindi oras ng pagbibiro ngayon. Cut if off." Tumindig ang balahibo ko nang marinig magsalita si Mommy. Never ko pang narinig na ganito siya magsalita. Malamig man ang tono niya pero malumanay naman siyang makipag usap sa amin. Kaya lang ngayon, malamig at may diin. "But Hel, you need to tell her the truth. Mas lalo niyong pinatatagal, mas lalo lamang lalala ang lahat. She has the right to know. Kailangan niyang malaman kung sino at ano ba talaga siya." Nagulat ako sa narinig ko. Ako ang pinag uusapan nila, hindi ba? Anong totoong ako? "Hindi mo alam ang nararamdaman namin, Luca. Easy for you to say dahil wala ka sa posisyon namin. Natatakot kami. We're too scared na baka kapag nalaman niya ay hindi niya matanggap ang lahat. Ayokong maging si Astrid ay kamuhian ang sarili niya." Halos madulas ako sa panghihina ng tuhod ko kaya sinuportahan ko ang sarili ko. Wala pa man ay kinakabahan na ako. Paano kung tama ang hinala ko? Paano kung ampon nga lang ako. "She will understand. Anak niyo siya hindi ba? Maiintindihan niya ang lahat as long na maipapaliwanag niyo ng mabuti." Okay, anak daw ako. So, tungkol saan ang pinag uusapan nila? Anong dapat kong malaman? Bakit ayaw sabihin nila Mommy? At anong koneksyon nito sa pagbabawal nila sa aking pumasok sa Mystique? Hindi na talaga ako makasunod sa kanila. "Handa na ba si Astrid na malaman ang lahat. Hindi kaya masyado pang maaga para sa kanya? Baka mas malagay siya sa panganib once naging aware siya sa pagkatao niya." Nagsalita na si Dad na kanina pa tahimik lang na nakikinig sa kanila. Damn, I'm so scared and confused. "It's too late for that, Kreios. Maybe we should tell everything to her." Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Mommy. "Astrid," halos mahulog ako sa hagdanan nang marinig ko ang pagtawag ni Mommy sa pangalan ko. Did she know that I am here? How? Nakita niya ba ako? "Alam kong kanina ka pa nagtatago at nakikinig diyan. Stop hiding. Alam kong naandyan ka. The moment na lumabas ka ng kwarto mo, alam kong nakikinig ka na samin. Come here." Dala na rin siguro ng takot at kaba ko ay agad akong lumapit kila Mommy. Ang dami ko pa ring tanong. Like, how did she know? "Mom, Dad, wala naman akong naintindihan sa pinag uusapan niyo. Swear. Please, don't be mad." Yumuko ako. Nagsisisi tuloy ako na lumabas ako ng kwarto ko at nakinig sa pag uusap nila. "We're not mad, my dear." Hinawakan ni Mom ang balikat ko. "We need to tell you something special that we hide from you ever since." Napatingin ako kay Dad. Matipid lamang siyang nakangiti sa akin. Muling nagsalita si Mom kaya't napatingin ako sa kanya. "Astrid, you're not normal." Nagblangko ang utak ko sa sinabi ni Mommy. Hindi ako normal? Abnormal ako? Ano daw? "Alam ko ang iniisip mo, Astrid. Hindi iyon. Hindi sa abnormal ka. You're just special compare to those mere humans around us." I'm special—what? "In what way, Mom? Saang bahagi ng pagkatao ko ang espesyal? Parang wala naman. Kagaya ng iba, ganoon lang din ako—" "No, you're not." Napatikom ang bibig ko sa narinig. "Mukha ka mang tao ngayon pero hindi ka kagaya nila, Astrid. Just like me and your dad and even Luca, you have powers. You're superior than any human being. You have special abilities." Natulala lang ako sa sinabi niya. Hindi ko masundan. She's saying that I have powers? Pero bakit pakiramdam ko wala naman. Minsan na akong nalagay sa panganib pero wala namang nangyaring action or something na pumrotekta sa akin. But still...I know my Mom. Hindi siya mahilig magbiro. "Honey, we tried to hide it from you dahil ang gusto namin ay mabigyan ka ng normal na buhay. Ayaw naming iparanas sa iyo ang mga pinagdaanan namin. We want you to be free. We don't want you to be chained by your powers and ability. Ayaw namin na dumating ang araw ay kamuhian at katakutan mo ang sarili mo." Siniko ni Mommy si Dad dahil sa sinabi nito. Nagkatinginan si Mom at Dad at nakakunot naman ang noo ni Mom. "We have reasons why we don't want you to enter Mystique Academy. Kung ako lang ang masusunod ay hindi kita papapasukin doon." Huminga si Mom ng malalim. "But if you want to, wala rin ako sa lugar para pigilan ka. We want you to be happy and if entering the academy will make you happy and satisfied, then we must support you." Napangiti ako sa narinig. Hindi pa man nagsisink in sa akin ang lahat ng rebelasyon na narinig ko pero masaya ako dahil handa nila akong suportahan. Lalo pa akong naging masaya nang makita kong nakangiti silang dalawa. "Really, Mom? Pinapayagan niyo na akong pumasok sa Mystique Academy? Thank you!" Niyakap ko sila Mom and Dad. Tiningnan ko rin si Luca at nginitian siya. Nagpasalamat din ako sa pagtulong niya sa akin. Ngumiti rin naman siya sa akin. "Astrid, listen to me. Mystique Academy has a different educational system. Hindi siya kagaya ng mga normal na eskwelahang pinasukan mo o nakikita mo rito sa labas. In order to get admitted or to enter the academy, you need to pass the evaluation exam. You will be needing superpowers or any special abilities." Hinawakan ni Mommy ang braso ko. Bakit parang kinakabahan sila? Hindi ba sabi naman nila ay mayroon ako? "Siguro naman ay makakapasa ako, hindi po ba? Ang sabi niyo naman po sa akin ay may kakayahan akong wala ang iba—" "Yes, but we sealed." Agad akong napatingin kay Dad nang magsalita siya. "We sealed your powers." Ibig niya bang sabihin ay wala akong chance na makapasa sa exam na sinasabi nila bago ako makapasok ng academy? Tiningnan ko si Mom. I need clarification. Bakit pakiramdam ko kahit na sinasabi nilang hahayaan na nila ako ay pinipigilan pa rin nila ang pagpasok ko sa academy? "Mom—" Matipid na ngumiti si Mommy bago himasin ang braso ko. "Wala kang dapat ipag alala, Astrid. I already unsealed it. Kailan mo nalang maghintay ng tamang oras para tuluyang magamit ang nasabing kapangyarihan mo. Kami na ang bahalang kumausap sa school para makapasok ka kahit hindi mo maipakita sa kanila ang kakayahan mo." Napangiti ako sa balitang sinabi ni Mommy sa akin. "Thank you, Mommy. Thanks, Dad." Niyakap ko silang dalawa. I know that there are times they're strict pero madalas ay hindi pa rin nila kami matiis ni Kuya. Sinabihan nila ako na mag ayos na ng gamit ko kaya naman agad akong pumasok ng kwarto ko para gawin iyon. Third Person's Point of View "BAKIT hindi niyo pa rin sinabi sa kanya ang katotohanan?" Pagtatanong ni Luca nang makaalis si Astrid. Napatingin sila Hel at Kreios sa kanya. Tila hindi nila naiintindihan ang pinupunto ni Luca. "Anong ibig mong sabihin, Luca? Totoo namang sinira ko na ang seal niya. She can use her powers anytime soon. Hindi palang niya nararamdaman ang pagbabago sa sarili niya ngayon but soon, she will." Ani Hel. "That's not what I meant, Hel. I am talking about her other power." Awtomatikong kumunot ang noo ni Hel. Naupo siya sa tabi ni Kreios na hindi nagsasalita at nakikinig lamang sa kanila. "Hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol doon, Luca. Ayokong katakutan niya iyon at ang sarili niya. Baka hindi pa matanggap ni Astrid." Nag aalalang sambit ni Hel. Hinawakan ni Kreios ang balikat ng asawa para damayan. Napailing si Luca at humalukipkip. "Bakit mo pinangungunahan ang mga pangyayari? Nakita mo ba ang hinaharap ni Astrid? Sinilip mo ba at napatunayang kinatakutan niya ang sarili niya nang malaman niya ang tungkol sa Bodhisattva Eye?" Tumungo si Hel at dahan dahang umiling. "Hindi. Alam niyo naman na ayokong tinitingnan o pinapakealamanan ang hinaharap. Natatakot lang ako. Iyon ang alam kong mararamdaman ni Astrid—" "Bakit naman si Kreios? Hindi naman niya kinatakutan si Spade nang malaman niya ang tungkol dito, hindi ba?" Tumingin si Kreios ng diretso kay Luca bago umiling. "Nagkakamali ka, Luca. Takot ako. Takot na takot ako nang malaman ko ang tungkol kay Spade lalo na nang mawalan ako ng kontrol sa kanya. Ayaw lang namin na maramdaman ni Astrid iyon sa sarili niya. Wala rin naman tayong kasiguraduhan kung gaano makakaapekto sa balanse ng mundo ang kapangyarihang iyon ni Astrid. Hindi tayo sigurado kung makakatulong ba iyon o makakasama. Mas makakabuti sa anak namin kung wala siyang nalalaman tungkol doon." Pagpapaliwanag ni Kreios. Huminga ng malalim si Hel bago muling magsalita. "Pansin mo naman siguro, hindi ba? Iba sa amin si Astrid. Hindi kagaya namin, masiyahin siyang bata at hindi rin kagaya namin, hindi ganoon katatag ang loob niya. Kabaligtaran namin si Astrid. Alam mo rin ang dahilan bakit pilit namin siyang inilalayo sa Mystique Academy at kung bakit itinatago namin ang identity niya. Marami ang mayroong interes sa kakayahan ng Bodhisattva Eye. Ayokong malagay sa kapahamakan ang anak ko. Isa sa magiging susi ang academy para matunton siya sa mga taong may interes dito." Muling tumungo si Hel. "Kaya lang ay mukhang wala na kaming magagawa sa kagustuhang ito ni Astrid." "Gusto kong sabihin na hindi mapanganib ang Bodhisattva Eye pero wala pa rin akong sapat na kaalamanan tungkol sa tunay na kakayahan nito. Wala pang sapat na detalye tungkol sa Bodhisattva Eye. It was a myth to all until the Norn had a prophecy about it. Sa ngayon, ang panghawakan nalang muna natin ay ang maliit na detalyeng alam natin. Hindi pa siya ganoong kadelikado kagaya ng iniisip niyo. Ang sabi, magiging mapanganib lamang ang kapangyarihan ng Bodhisattva Eye kapag nalagyan ng impurity ang kaluluwa ng nagmamay ari nito. Knowing Astrid, she's a pure and sweet kid. Hindi madudungisan ni Astrid ang kapangyarihan ng Bodhisattva Eye. Kailangan lang nating ingatan na hindi ito magamit sa kasamaan." Napatingin ang lahat sa nagsalita. Si Loki, ang ama ni Hel. "Father, what are you doing here?" Lumapit si Loki sa kinaroroonan nila Hel. "Bibisita lang sana." Ngumiti siya bago muling magsalita. "Kagaya ng sinabi ko kanina, kung magagawang kontrolin ni Astrid ang Bodhisattva Eye at magagamit ito sa kabutihan, wala naman siguro tayong dapat ikatakot. Kaya lang, hindi si Astrid ang problema rito kung hindi ang mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi natin malalaman kung sino ang kakampi sa kalaban. Kailangan natin at ni Astrid magdoble ingat. Kung masira man ang seal ng Bodhisattva Eye, hindi naman ito agad agad ikakasira ng mundo. Makakagawa pa tayo ng plano para protektahan ito at si Astrid." Huminga ng malalim si Loki. "But again, iyon palang ang nalalaman ko tungkol sa kakayahan ni Astrid. The rest is still a mystery." "Ako na ang bahala prumotekta kay Astrid habang nasa loob kami ng academy. Hindi ko siya pababayaan." Ani Luca. "Sana lang, wala sa henerasyon ngayon ang taong nakakaalam kung paano kontrolin at manipulahin ang taong nagmamay ari ng Bodhisattva Eye para gamitin sa kasamaan." Natigilan ang lahat sa babala ni Loki. Pilit mang itinatago ay hindi maipagkakaila na may pangamba sa boses nito. "Ayon sa kaalaman ko tungkol sa Bodhisattva Eye, ang tanging may kontrol lamang sa kapangyarihan nito ay ang taong nagmamay ari nito. Hindi ito mananakaw ng kahit na sino kaya lamang ay maaaring kontrolin ng iba ang taong nagmamay ari ng Bodhisattva Eye para magamit din nila sa pang sariling kapakanan ang kapangyarihan nito. It is a taboo or forbidden to use such magic, especially if you're not a god. Even Odin has limitations in reviving the dead. It's considered as dark or lost magic. Matagal na iyong ipinagbawal sa siyam na mundo. Such great magic, it will be needing a great sacrifice. Pwede tayong makahinga ng maluwag ngayon but still, don't let your guards down. Kahit sino ay maaaring maging kaaway." Ani Loki. Mahigpit na hinawakan ni Hel ang kamay ni Kreios. Kreios gave her a reassuring smile. "Naguguluhan ako. May ilang parte sa sinabi mo Master Loki na hindi ko maintindihan." Sabi ni Luca. Ngumiti naman si Loki. "Alam ko. Mahirap talagang intindihan sa ngayon. Maiintindihan niyo rin balang araw pero sana...huwag mangyari." Matapos sabihin iyon ni Loki ay iniba na nila ang kanilang pinag uusapan. Hindi rin naman nagtagal si Loki at umalis na rin. Isang tanong lang ang naiwan sa mga utak nila nang makaalis si Loki. Isang kapangyarihan na kayang kontrolin ang nagmamay ari ng Bodhisattva Eye. Posible nga kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD