Chapter 1

2837 Words
You may wish for a different life than what you already have but someone wants to just have a life, again. "ISANG aksidente ang naganap sa dito sa Hills Highway. Patay ang isang pamilya matapos mawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng sasakyan. Napagalamanang isang batang lalaki, kasama ang kanyang mga magulang sa mga nasawi." "Hel?" agad lumapit sa akin sila Bellona nang mapatigil ako sa aking nakita sa telebisyon. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ng mga nasawi. Nakita ko rin na kinukuhanan ng panayam ang sa tingin kong kamag anak ng mga namatay sa aksidente. "Bata pa si Hunter. Hindi ko akalain na sasapitin ito ng pamilya niya." Umiiyak na sambit ng isang ginang na tansya ko ay kamag anak o kakilala ng mga namatay. Pinakita ang labi ng isang batang lalaki sa telebisyon. "Kilala mo ba ang mga iyon, Hel?" Pagtatanong ni Bellona sa akin. Dahan dahan akong tumango. "Oo, nakita ko na siya isang beses sa Mystique Academy. Kung hindi ako nagkakamali ay taga elementary department ang bata." Tama naaalala ko na. Siya iyong batang nagbigay sa akin ng bulaklak noong mga panahong umiiyak ako dahil sa mga kapatid ko. Iyong batang nakitaan ko ng kamatayan niya. "I see." Natahimik kaming dalawa bago muling manuod ng balita. "Tara na?" Sumang ayon na rin ako sa kanya bago kami nagtangkang umalis. Bago pa man ako tuluyang umalis ay may napansin akong nagpakabog sa dibdib ko. Muli akong tumingin sa telebisyon. Napakaunot ang noo ko nang makita ko ang mga ito. May ilang grupo ng tao na nakatingin sa bangkay ng batang lalaki. Hindi maganda ang kutob ko rito. "Purebloods." Many years later. "BAKIT kailangang maging ganito kaboring ng buhay? Wala bang thrill diyan? Hay nako." Agad akong humilata sa sofa ng bahay namin. Hindi ko na rin naaabutan sila Mom and Dad dito. Baka maaga silang umalis para umattend ng kung anong meeting related sa business namin. "Naandito ka na pala. Ang aga mo ata?" Napatingin ako kay Kuya Haze, nakatatanda kong kapatid. "Nagcutting class ako. Huwag mo akong isumbong." Agad kumunot ang noo ni Kuya. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya. "You did what? Aware ba sila Mom na ganyan kang klase ng estudyante—" "You're so loud, Kuya. It was just a joke. Hindi iyon tunay, okay? As if naman kaya kong magcutting classes. Malaman pa nila Mom edi yari ako. Maaga kaming pinauwi. Isa pa, boring din naman talaga sa school." Naupo si Kuya sa may paanan ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo nalang din. "Hindi boring ang school, Astrid. Tamad ka lang sadya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nginusuan siya. Tingnan mo itong kapatid kong ito. Buti pa siya masaya siya at nag eenjoy. Ako? Hindi ko magawang mag enjoy. Sino ba naman ang mag eenjoy sa buhay kung pakiramdam mo ay may kulang sa pagkatao mo. Hindi ko alam kung paranoid lang ako. Pakiramdam ko kasi ay may tinatago sa aking lihim sila Mom and Dad. I don't know if my stupid brother knows about what they're hiding but...whatever. Feeling ko naman wala. I mean, bakit naman kailangang may itago sila, hindi ba? "Nasaan pala sila Mom?" Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya kaya nagtanong nalang ako ng iba. My brother is nice naman pero may pagkaseryoso madalas. Pagnasa mood, mapagbiro naman. "Mom is somewhere I don't know. She didn't tell. Dad is in the office." Tumango tango ako sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang basong dala dala niya at ininom ang laman nito. Inubos ko na rin para sulit. "Damn, Astrid. Ang bastos mo!" Tumawa lang ako ng malakas habang tumatakbo papalayo sa kanya. Asar agad siya, eh. My family is somewhat weird. I cannot explain it in detail pero iyon nga, pakiramdam ko may something sa kanila. Ako lang ata itong kahit papaano ay masasabihan mong normal. I once saw my Mom talking to something strange. Though she said naman na baka nananaginip lang ako. That may be true pero that time talaga pakiramdam ko ay totoong totoo ang nakita ko. Oh well, sabi ko nga madalas ay nararamdaman kong may tinatago sila sakin. Baka isang araw malaman ko nalang angkan pala kami ng mga witch. Funny pero sana hindi totoo. Muli akong bumalik sa living room. Umupo ako sa kabilang sofa katapat kung nasaan ang kapatid ko. He's still there, reading a book. "Kuya, I have a question." Tiningnan ko siya. My brother didn't even bother to look at me. "Do you believe in witchcraft or something like magic powers?" Hindi na ako mag eexpect na sasagutin ako ni Kuya. He hates stupid questions. Masyado kasing matalino kaya ayaw ng mabababaw na tanong. Sana lahat matalino. Nagulat ako nang tumigil si Kuya sa pagbabasa niya at sinilip ako. He has this surprised yet shocked expression on his face. "W-What's with that stupid question, Astrid? Kakabasa mo ng mga fiction books, nilalamon ka na ng imahenasyon mo." Pinanliitan ko si Kuya. Bakit ganito siyang magreact? Ang over naman. "It's not about the genres of what I read. I always have those dreams. Nananaginip ako about magic and superpowers. Minsan iniisip ko nga na totoong pangyayari iyon. Ang weird nga, eh." Nakangiting sabi ko. Ewan, natutuwa ako sa ideya ng magic and super powers. Parang ang exciting lang isipin kung totoo iyon, hindi ba? Muli kong tiningnan si Kuya. Ibinaba niya ang librong binabasa niya. Nagulat akong makitang seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. What's with him all of a sudden? "Kuya—" "Astrid, I think you need to know the truth." Agad akong kinabahan sa kanya. Anong truth? Anong katotohanan ang sinasabi niya? Totoo kayang may nililihim sila sa akin? "Astrid, you..." napapikit si Kuya bago huminga ng malalim. "I think you're crazy. Sinong matinong tao ang mag iisip niyan?" Binato ko siya ng unan na nasa tabi ko. Ano ba naman iyan? Seryosong seryoso na ako tapos pinagtitripan lang pala ako. Sayang tuloy yung kabang naramdaman ko. "We're home." Agad akong tumayo at pumunta sa pintuan ng bahay para salubungin sina Mom and Dad. Nakakatuwa namang sabay silang umuwi. "Astrid, you're here. Ang aga mo ata?" I kissed their cheeks bilang pagbati. Ngumiti ako sa kanila bago sabihin ang dahilan. "May meeting po ang mga teachers namin kaya maaga kaming nakauwi." Sabay sabay kaming pumunta sa sala kung saan naandon pa rin ang kapatid kong may sapak. Naiinis pa rin ako sa kanya. Ibang klase talaga mga trip nito. "Hi Mom, hi Dad." Bati ni Kuya sa kanila. Matipid namang ngumiti sila Mom and Dad kay Kuya. Cold ba? Not really, silang tatlo naman talaga ay ganito. Ako lang ata ang maingay sa pamilya. Hindi ko alam bakit ako lang ang naiiba. Minsan iniisip ko baka ampon ako. Anyway, bigla akong nagkaroon ng magandang ideya na itatanong sa mga magulang ko. I am itching to ask this question to them pero walang magandang timing. I guess this is a good one. "Mom, Dad, I want to ask about your high school life. Can you tell me? Kumusta ang high school niyo? Masaya ba?" Nabigla sila Mom at Dad sa itinanong ko. Nagkatinginan silang dalawa bago magdesisyong si Dad nalang ang magsalita. "Yes, it was...great." Napataas ang isang kilay ko nang mapansing parang nagdadalawang isip si Dad sa sinabi niya. Great? Bakit parang labas sa ilong ang mga salitang iyon? "Great, my face." Napairap si Mom sa hangin dahil sa sinabi ni Dad. Napatingin si Dad sa kanya bago marahang tumawa. Ang cute nilang pagmasdang dalawa. "Bakit? Masaya naman talaga ang high school nating dalawa, ah. Bakit ang sama mong makatingin, Hel?" Nakasimangot pa rin si Mommy. Samantalang si Dad ay para bang natatawa. Now I get it. My brother gets that attitude from my Dad. "Okay...I think Dad is telling the truth. So, if masaya sa school niyo noong high school, bakit hindi niyo ako roon ipinasok? I want to study there." Inalog alog ko si Dad. Malay niyo payagan niya ako kapag nagpacute ako sa kanila. "Sa Mystique Academy—Ouch! That hurts, Hel!" Sinipa ni Mom si Dad kaya napasigaw ito sa sakit. "Mystique Academy? Never heard about that." Umiiling na sabi ko. "You can't, Astrid. Hindi ka na pwedeng mag aral doon. Sarado na ang school na iyon matagal na panahon na. Nasira siya dahil sa isang aksidente. If you're going to ask someone about that school, baka hindi na rin nila alam." Nadismaya ako sa aking narinig. Nakakalungkot naman. Binabalak ko pa namang magpaenroll doon next term. "I'm going now. I'll be back tonight." Napatingin kami kay Kuya Haze. Inayos na niya ang gamit niya bago tumayo sa pagkakaupo. "Take care." Sabi nila Mom sa kanya. "Yes, don't worry. Bye." Ngumiti ito sa amin bago tuluyang umalis. I think I need some fresh air and leave these two alone. Baka sakaling magkaroon pa ako ng isa pang kapatid. Joke. "Punta lang po akong garden." Agad akong tumayo at dumiretso sa maliit na garden ng bahay namin. Sa gitna ay may dalawang swing. Naupo ako sa isa. Naiisip ko tuloy ngayon kung anong klaseng high school ang naexperience ng mga magulang ko. Malakas ang kutob ko na iyon ang lugar kung saan ako dapat naroroon. "Penny for your thoughts." Napalingon ako sa kanya nang bigla niyang itulak ang swing na inuupuan ko. Nakita ko ang nakangiting si Luca. "s**t, you almost gave me a heart attack. Akala ko kung sino. Ikaw lang pala." Naupo siya sa isa pang swing na katabi ng akin. "Wala ka talagang galang sa akin. Hindi man halata pero kasing edaran po ako ng mga magulang mo. Tapos Luca lang ang itatawag mo sa akin." Yeah right. Magkasing-edaran nga sila pero kung titingnan ay akala mo kasi edaran ko. "Bakit ba parang hindi kayo tumatanda?" Matagal ko na iyong tanong sa kanila at matagal na rin nila akong hindi sinasagot. Minsan ay binabaliwala ko nalang pero hindi talaga iyon mawala sa isip ko. I want answers. "May iniinom akong gamot." Malakas na tumawa si Luca na siyang nagpakunot ng noo ko. Gusto ko ng matinong sagot tapos panloloko naman ang makukuha ko. Ang galing talaga. "Whatever." Natahimik kaming dalawa matapos iyon. Ilang sandali pa ay naalala ko ang tungkol sa Mystique Academy kaya naman naisipan kong itanong iyon sa kanya. I heard they went to the same high school. "Luca, alam kong alam mo kung ano iyong Mystique Academy. Can you tell me what kind of school Mystique Academy is?" Nang tingnan ko si Luca ay mayroon siyang gulat na gulat na reaksyon. Ano bang mayroon at parang kinakabahan siya bigla? "Bakit ka naman nagkainteres doon?" "Wala lang. Para kasing ang saya. I was thinking, if that school still exist, I want to be in there. Gusto kong mag aral sa eskwelahang iyon. Unfortunately, according to my mom, it was closed due to an accident." Napabuntong hinga ako. Ano ba naman iyan. Nanghihinayang ako sa hindi malamang dahilan. "Totoo iyon. Matagal na iyong sarado at sira." Muli akong natahimik. Bakit ganito? Pakiramdam ko ay tinatawag ako ng paaaralang iyon. "Astrid, you have visitors. Naandyan ang mga kaibigan mo. May pupuntahan ba kayo?" Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko. Nakalimutan kong may usapan kami ng mga kaibigan ko na gagawa ng project sa bahay ng isa pa naming kaklase. "Opo. May gagawin lang po kaming project sa bahay nila Celine. Papasundo nalang po ako mamaya kapag tapos na kami." Tumango si Mommy. Minsan man ay mahirap magpaalam sa kanila pero pinapayagan pa rin naman nila ako. Madalas nga kapag umaalis ako ng bahay ay para bang may nagmamatiyag sa akin kahit wala naman. Tss, ang baliw ko talaga. "Okay. Magpaalam ka rin sa Dad mo. Tawagan mo kami kapag magpapasundo ka na." Tumango ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nagpaalam na ako kila Mom and Luca bago bumalik sa loob ng bahay. Hel's Point of View "HEL," napalingon ako kay Luca. "Wala ka pa bang balak sabihin kay Astrid ang totoo? Sa tingin ko ay nasa tamang edad na siya para malaman ang tungkol sa kung sino talaga siya. You can't hide it forever." Hindi agad ako nakapagsalita. Ito na naman ba ang pag uusapan namin sa tuwing dadalaw siya rito. Pwede bang hindi nalang namin ipaalam? Nagkasundo na kami ni Kreios na hindi namin sasabihin ni Kreios ang lahat kay Astrid. Unlike Haze na bata palang aware na sa kakayahan niya, paano kung hindi agad matanggap ni Astrid na iba siya. "Luca, mas mabuti nang wala siyang nalalaman. I want her to have a normal life. Hindi niya na kailangan pang malaman." Tumayo si Luca sa pagkakaupo bago lumapit sa akin. "Not because you're hiding it from her doesn't mean she will never know, Hel. Darating ang panahon na masisira ang seal na inilagay niyo sa kanya. Dadating ang araw na malalaman niya at ng lahat na siya ang cursed child—" "Luca, my daughter is not a curse." Matalim kong tiningnan si Luca. Kailan ba nila matatanggap na hindi si Astrid ang laman ng propesiya? Natigilan saglit si Luca bago bumuntong hininga. "Deny it all you want but your daughter is possessing that eye. Siya ang nasa propesiya ng mga Norn." Hindi ako nagsalita. "And about Mystique Academy. Matagal na itong nagbukas muli at alam kong alam niyo ang tungkol doon. Bakit kailangan mong ilihim sa kanya?" Napakuyom ako ng kamay. Dahil ayokong pumasok siya roon. How can I give her a normal life kung sa MA siya mag aaral? "I told you so many times, Luca. I want her to live a normal life. Marami ang maaaring mangyari sa loob ng academy na pwedeng magpabago sa pananaw ni Astrid sa buhay. Ayokong magbago ang tingin niya sa sarili niya. Hayaan nalang natin siya sa ganito. She's happy." Alam kong tama ang ginagawa kong pagpapalaki sa mga anak ko. Hindi man ganoon ang tingin ng marami pero para sa akin, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ikabubuti nila. "What about Haze? Bakit hinayaan niyong malaman niya ang tunay niyang pagkatao. But still, look at him. He's living a normal life. Huwag niyong pangunahan, Hel—" "Haze is different. Hindi si Haze ang nagmamay ari ng..." napatigil ako. Hindi ko kayang ituloy. Bakit kailangan anak ko pa? Pwede namang ibang tao nalang. Bakit laging nasa pamilya ko? "Nagsisisi ka bang nagkaanak kayo ni Kreios?" Nagulat ako sa itinanong ni Luca. Nakatingin siya sa akin ng diretso. "No." Hindi naman talaga ako nagsisising nagkaanak kami ni Kreios. Alam naman namin ang magiging consequences lalo na't siya ang Ace. Kaya lang, hindi ko matanggap na si Astrid...wala siyang alam tungkol dito. "Dahil sa kapalaran ni Astrid. You sealed her left eye together with her power. Sa tingin mo, kapag nalaman ni Astrid ang tungkol sa pagkatao niya, ikatutuwa niya kaya ang ginawa niyo sa kanya kahit na sabihin nating ginawa niyo iyon para protektahan siya?" Tanong ni Luca. Magalit man si Astrid sa ginagawa namin sa kanya ay mas okay ako roon. At least alam ko na ligtas siya sa mga nilalang na naghahanap sa kapangyarihan ng kaliwang mata niya para gamitin sa kasamaan. "I know you're doing this for her sake, Hel. But do you think that this is the best thing to do?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Luca. Of course. Itutuloy ko bang itago kay Astrid ang lahat kung hindi. "Darating ang araw na kakailanganin niyong sabihin sa kanya ang lahat. Can she manage? Can she control her power? Matanggap niya kaya? Can she bring peace and balance to the nine worlds? Paano kung kabaligtaran? Paano kung siya ang sisira sa mundo? She can destroy everything and turn them into nothing, Hel. Mas malakas ang impact kumpara mo kay Spade. Kaya ang sakin lang, hangga't maaga pa, malaman na niya. Nang sa ganoon kahit papaano ay malaman natin kung kaya bang kontrolin ni Astrid ang kapangyarihan niya at ang kaliwang mata niya o hindi." "At kapag tama ka? Kapag hindi niya nakontrol? Anong gagawin mo? Will you kill her?" Nanginig ang labi ko sa iniisip ko. Hindi ko alam saan ko nakuha ang ideyang iyon. Hindi nakasagot si Luca. Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Bumuntong hininga ako at muling nagsalita. "This is the best thing to do for her, Luca." Walang makakapagpabago sa isip ko. Alam kong mas makakabuti kay Astrid kung hindi niya pa malaman. Mas mabuti nga sana kung hindi na niya malaman pa. "No, you're wrong." Umiiling na sabi ni Luca. "You're an omnipotence, Hel. A supreme being, a genius. Kung gugustuhin mo, you can see the future and alter its events. Kaya lang bakit hindi mo maisip na baka ang iniisip mong makakabuti sa anak mo ay hindi naman pala. Astrid has the right to know the truth. She has the right to know her true self. Huwag mong ipagkait iyon sa kanya. Astrid can't be normal. She is more than normal. She's possessing the Bodhisattva Eye." Napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. Damn. "I'll tell her everything...when I think it's the right time to say." Natatakot ako. Kung akala nila ay madali sa akin ito, nagkakamali sila. Gustuhin ko mang ipaalam kay Astrid ang lahat pero natatakot ako sa maaari niyang maging reaksyon at maramdaman. Paano ko sasabihin kay Astrid na may kapangyarihan siyang i-maintain ang kapayapaan sa mundo pero may kakayahan din siyang wasakin ito. Sa tingin ba nila maaabsorb agad ni Astrid lahat? She might explode. Isa lang naman ang dahilan kung bakit mas pinipili kong itago sa anak ko ang totoo. Iyon ay dahil ayokong dumating ang araw na kamuhian niya ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD