Be careful, not all people who smile in front of you are your allies.
Hel's Point of View
"MAG IINGAT kayong dalawa, okay? Sigurado na ba kayo na hindi na namin kailangang sumama?" Umiling si Astrid. Gusto ko sana siyang ihatid sa academy.
"I'm fine, Mom. Magiging okay ako. Naandito naman si Luca. Wala kayong dapat ipag alala." Muli silang nagpaalam sa amin bago tuluyang sumakay sa taxi at umalis para pumunta sa Mystique Academy. Kinakabahan pa rin ako. Mabigat sa pakiramdam ang hayaan si Astrid na mag aral doon pero ayokong hadlangan ang bagay na gusto niya. Wala naman sigurong mangyayaring hindi kaaya aya, hindi ba?
"You looked pale, Hel. Are you okay? Feeling uneasy?" Napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang nag aalalang ekspresyon ni Kreios. Dahan dahan akong tumango. Hindi rin naman ako makakapagsinungaling sa kanya.
"Yes. I mean, hindi dahil wala akong tiwala kay Astrid. Kasama niya si Luca sa loob. Alam ko naman na po-protektahan ni Luca ang anak natin. Kaya lang, hindi talaga ako mapalagay. Ang daming nangyari sa atin sa Mystique. Hinihiling ko lang sana na hindi maranasan iyon ni Astrid—"
"Hush, honey. She'll be fine. Ikaw na rin ang nagsabi na kasama niya si Luca. Walang mangyayaring masama kay Astrid." Hinimas ni Kreios ang pisngi ko. Matipid naman akong ngumiti sa kanya. Maybe he's right. Masyado kong pinapagana ang emosyon ko ngayon. Walang mangyayaring masama, Hel. You need to freaking calm down.
"Omg, dadating kami rito para madatnan ang paglalandian niyong dalawa? Really? Ipinapamukha niyo ba talagang matandang dalaga ako?" Napahiwalay ako kay Kreios nang marinig ko ang boses na iyon ni Chloe. Somehow, I feel kind of embarrassed.
Teka, ano bang ginagawa nila rito?
"Anyway, we're here to visit you guys. Nasaan ba sila Haze at Astrid?" Bati naman ni Bellona sa amin. Pinapasok na rin namin sila sa loob ng bahay.
"Wala si Haze, nasa university siya. Si Astrid naman ay kakaalis lang kasama si Luca papuntang academy." Bahagyang kumunot ang mga noo nila. Hindi ko pa man nasasabi ang pangalan ng academy ay sa tingin ko may clue na sila sa ibig kong sabihin.
Maging sila ay katulad ko. Nalaman man naming nabuo ang MA ay hindi namin pinapasok doon ang mga anak namin.
"Saang academy, Hel? May something ba kina Astrid at Luca? Ang tanda na ni Luca para pumasok sa kung saan mang academy na iyan." Napairap ako sa sinabi ni Chloe. Lahat nalang ba ay lalagyan niya ng malisya.
"Bakit? Magta-transfer ba si Astrid ng school? Saang academy iyan, Hel?" Pagtatanong ni Dalia.
Alam kong may kutob na sila sa tinutukoy ko pero nagpapatay malisya sila at nagpapanggap na hindi dahil alam nila na sa lahat sa amin ay ako ang pinakatutol na magpapasok ng anak sa MA.
"Magkasama sila ni Luca papuntang Mystique Academy." Natigilan silang lahat sa sinabi ko at dahan dahang tumingin sa akin ng diretso.
Sa mga reaksyon nila, para silang nakarinig nang nakakapanindig balahibong kwento.
"What?! Seryoso ka ba, Hel? Narinig ko ba ng tama ang mga sinabi mo? Ikaw ang pinakatutol na magpapasok tayo ng mga anak natin sa Mystique, hindi ba? Kaya kahit nagbukas na ulit ito ay hindi natin sila inenroll doon. Why now? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin at hinayaan mo si Astrid na pumasok sa academy na iyon?" Pinakalma ng ilan si Bellona. Masyado ata siyang nagulat sa sinabi ko.
"Chill, maybe Hel has a reason behind this." Ani Alvis.
"Do you think this is an easy choice for me? Ayoko. Kung ako lang ang magdedesisyon ay hindi ko hahayaang pumunta roon si Astrid." Huminga ako ng malalim. "Nalaman ni Astrid ang tungkol sa Mystique Academy. She also overheard us talking about her power. I don't have a choice. I don't want to force her to stay here kung gusto niya talagang pumasok sa academy. I want her to be free and do what she wants. Ayokong maramdaman niya na para bang kinokontrol namin ang buhay niya. Kaya hinayaan ko siya kahit labag sa akin."
"Hel did what she need as a mother. Ginawa niya ang lahat para pigilan si Astrid pero hindi nagpapigil ito. She was too eager to enter the academy. Para bang ang academy na mismo ang tumatawag kay Astrid. What we can do for her now is to support her." Pagpapaliwanag naman ni Kreios.
Huminga ng malalim ang lahat at pinakalma ang mga sarili. Ayaw naming pagmulan ito ng pagtatalo.
"Anong ibig mong sabihin Kreios? Paanong tinatawag si Astrid ng academy?" Nagtatakang tanong naman ni Theo.
"It's hard to explain. But to make it easy, let me put it this way. Ano mang pagtatago namin sa existence ng academy, ang academy na mismo ang lumalapit at nagpapakita kay Astrid. When we told her that MA was destroyed long time ago, she saw a flier about the academy on the same day. Ano mang pagpipigil namin, ayaw ni Astrid and Luca decided to enter the academy again to protect Astrid in case may hindi magandang mangyari." Muling pagpapaliwanag ni Kreios.
"You mean, aware na talaga si Astrid sa identity niya? You said that she heard about it." Umiling ako sa sinabi ni Chloe.
"Not really. Sinabi lang namin sa kanya ang tungkol sa kakayahan niya pero hindi pa namin sinasabi sa kanya ang kapangyarihan ng kaliwang mata niya. She's not aware about the Bodhisattva Eye. Natatakot pa rin ako na baka hindi niya matanggap." Sabi ko.
"Pagkatao naman niya iyon. Bakit ba iniisip niyo na hindi niya matatanggap." Agad akong umiling sa sinabi nila. I am still against it.
"Now is not the time." Pagtutol ko sa sinabi nila kanina.
"Nakadepende sa tao kung paano nila tatanggapin ang pagkatao nila at ang mga lihim sa pagkatao nila. Sa kalagayan ni Astrid, sa tingin ko ay hindi pa siya ganoong kahanda para malaman niya ang tungkol dito." Sabi naman ni Kreios.
Nakita ko ang bahagyang pagsimangot ni Chloe. Bakit ba ang daming angal ng babaeng ito sa buhay? Ganito ba talaga kapag natandang dalaga? Bakit hindi nalang sila ni Theo total pareho naman silang single.
"Ganoon ba kapanganib ang kapangyarihan ng Bodhisattva Eye? I mean, mas mapanganib pa kay Spade?" Nagkatinginan kami ni Kreios. Sinabi ni Papa na hindi pero hindi pa rin kami nakakasigurado.
"Who knows."
Natahimik kami sandali bago magbukas ng panibagong topic ang isa sa amin.
"Siya nga pala. Ano bang kapangyarihan ang mayroon si Astrid? Since bata pa siya ay sineal niyo na ang kapangyarihan niya, hindi ba? Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol doon." Nagtatakang tanong ni Bellona.
Napangiti ako. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Nakakainis na.
"Sabi niyo nga, bata palang si Astrid ay isineal na namin ang kapangyarihan niya. Maging kami ay gusto rin naming malaman kung ano kakayahan ang mayroon ang anak namin." Ngumisi si Kreios matapos sabihin iyon.
Nagkatinginan naman sila na may malaking tanong sa kanilang mga mukha.
Astrid's Point of View
"ANG layo naman pala ng academy. Tapos nakakatakot pa ang daan. Napapaligiran ito ng gubat. May nakakasurvive pa ba rito?" Natawa si Luca sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa? Sa talagang nakakatakot naman talaga.
"Gusto mo na bang umalis tayo at bumalik sa inyo? May oras pa para magback out. Sigurado akong mas matutuwa pa ang mga magulang mo." Aniya.
"Hindi 'no. Sinabi ko lang naman na nakakatakot. Hindi ko naman sinabing aayaw ako." Napanguso ako. He's teasing me!
Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay may malaking gate na kaming natanaw.
"Iyan na ba ang gate ng Mystique?" Namangha ako sa laki nito.
"Yes." Tiningnan ko si Luca. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napangiti rin tuloy ako. "Isn't it amazing?"
Hindi ko alam ang totoong dahilan bakit ayaw ng mga magulang ko na papasukin ako rito. Sa tingin ko naman ay maayos at secure ang lugar na ito.
Bumaba na kami sa taxi dahil hindi na raw iyon makakapasok sa loob. Kinuha at binuhat namin ang mga gamit namin at pumasok na sa loob.
Namamangha pa rin ako sa mga nakikita ko. Kakaiba ang lahat at ang mga gamit. Akala mo ay nasa Medieval era ka.
"Ang dami na rin palang nagbago dito. Akala ko ipe-preserve nila kung ano ang dating itsura ng MA." Sabi ni Luca. Napatingin ako sa kanya nang kuhitin niya ako. "Shall we go?" Tumango ako.
Hinawakan ni Luca ang kamay ko at agad akong hinila. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hinayaan ko nalang. Mas kabisado niya ang lugar na ito kaysa sa akin.
"Buti nalang ay hindi pa rin nagbabago ang pwesto ng mga offices dito." Natatawang sabi ni Luca.
Nasa harap na namin ngayon ang opisina ng principal.
"I wonder kung sino na ang Principal ngayon. Kilala ko kaya?" Pagtatanong ni Luca sa sarili.
Kumatok na si Luca at binuksan ang pintuan.
Bigla naman akong kinabahan. Alam niyo iyong pakiramdam na kinakabahan ka at excited. Ganoon ako ngayon. Nanlalamig na rin ang palad ko.
Sinalubong kami ng isang lalaki na nakangiti lang sa amin.
"Hi, I'm expecting you to come. Mr. Luca, Ms. Astrid." Does he know me? But how? Ngayon ko lang siya nakita. How did he—
"Mind reader, Mr. Principal?" Nakangiting sambit naman ni Luca bago ako agad hilahin papalapit sa upuan sa harapan ng lamesa ng principal daw ng academy. Umupo kami doon. Nasa tapat ko si Luca.
"Yes, but please, you don't have to be alarmed, Luca. Stop locking my power." Napakunot ang noo ko. Hindi ko sila masabayang dalawa.
"Mas makakabuti siguro kung hindi mo basta basta pinapasok ang isip ng ibang tao lalo na't walang pahintulot nila. Alam kong iyan ang kakayahan mo, but we don't want others to just enter our minds and read our thoughts, Sir." Kalmado man si Luca ay natatakot pa rin ako sa kanyang tono. Hindi ganito si Luca sa tuwing kaharap ko at kausap ko siya. Para siyang ibang tao ngayon.
Nagkatitigan lamang ang dalawa. Hindi ko alam kung nagpapasahan ba sila ng mensahe gamit ang mga mata nila o ano.
Unang nag iwas ang principal bago ngumiti at tumingin sa akin.
"There are still slots sa freshmen. Both of you can attend—"
"Sorry, Sir. But I think masyado na akong advance at matanda para maging freshmen. Sophomore will do." Sabat naman ni Luca. "Si Astrid lang ang sa 1st year."
Ha? Hindi niya ako sasamahan sa klase? I mean, that's fine pero paano niya ako po-protektahan kung hindi ko siya kasama kagaya ng sinasabi niya sa mga magulang ko?
"Astrid, huh? You mean, Mr. Kreios and Miss Hel's daughter? Sorry, hindi ko agad napansin ang resemblance mo sa mga magulang mo." Natatawang sabi ng principal. Napatingin ako kay Luca. Tila mala agila pa rin siyang nakatingin sa principal. Ano bang problema niya?
"Alam mo bang tumatak ang mga magulang mo sa history ng Mystique Academy? They are treated as hero of MA." Napangiti ako sa sinabi ng principal.
"Talaga po? Hindi po nila nasabi sa akin iyan." Manghang manghang sabi ko. I can't believe my parents were heroes of the academy.
"Hindi man lang nila nabanggit sayo? Sorry to hear that. Baka may mga bagay lang silang ayaw ipaalam sayo. Mga sekretong pilit na inililihim—"
"I'm sorry, Sir pero masyado ata kayong maraming sinasabi?" Sarkastikong ngumiti si Luca sa kanya. "Sa pagkakaalam ko ay wala ka naman dito nang pumasok sila Hel sa academy na ito."
Pilit na ngumiti ang Principal at tila ba bigla siyang nanlamig sa sinabi ni Luca sa kanya. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"Let me explain the rules of the academy, okay?" Nagtataka man na bigla niyang iniba ang topic ay tumango nalang ako.
Marami siyang sinabi sa akin particularly about the power evaluation para malaman kung anong ranking mo. Unfortunately, I don't know what is my power and how to control it.
"Paano po ako? Hindi ko pa po alam kung may kapangyarihan talaga ako. I don't know how to control it at hindi ko alam paano ito palalabasin." Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako tanggapin dahil doon?
"Your parents called us earlier. They already informed us. Sabi nila, you have a power pero hindi mo pa nga raw magagamit iyan sa ngayon. We understand. May mga taong kagaya mo dito sa school and eventually, nalaman din nila paano gamitin ang kanilang kapangyarihan. It takes time but it will surely show." Ibig niya bang sabihin ay makakapasok ako dito kahit na hindi ko maipakita sa kanila ang kakayahan ko?
"Dahil na rin sa anak ka nila Hel at Kreios, nakakasigurado kami na may kapangyarihan ka. Kaya lang dahil hindi ka makakapagtake ng Power Qualification Exam kung saan malalaman mo ang ranking mo, we decided to give you this." May inilapag siyang box sa harapan ko. Kinuha ko ito at binuksan upang makita ang laman.
Nakakita ako ng isang pin na may nakalagay na rank 44.
"For now, we can't give you a higher ranking, it would be fair for everyone to give you that rank. Lahat ng klase ay mayroon lamang 44 students. Ibig sabihin, sa ngayon ay ikaw ang huli sa klase mo. Hangga't hindi mo pa nalalaman o nailalabas ang kapangyarihan mo, mananatili munang ganyan ang ranking mo, Astrid. Is that okay with you?" Dismayado man akong nasa huli ako ng klase ay sumang ayon nalang din ako. Hindi ko rin naman sila masisisi. Mas mabuti na ito kaysa hindi nila ako tanggapin.
"Okay, if you don't have any other questions, my secretary will guide you to your designated rooms. Luca will take the PQE this afternoon." Tumayo na kami ni Luca sa pagkakaupo at nagpaalam na sa principal. Sumunod na muna kami sa secretary niya para makapagpahinga.
Third Person's Point of View
"CUT the act now, Mr. Principal." Nawala ang matatamis na ngiti sa labi ng principal na kanina lamang ay nakadikit sa kanya mga labi.
"Is that her? Sigurado ka bang nasa kanya?" Napalitan ang matatamis na ngiti sa kanyang labi ng isang nakakakilabot na pagngisi sa tanong ng lalaking kasama niya ngayon sa silid.
"Yes. I am sure with it. Malakas ang pakiramdam ko na nasa kanya ang Bodhisattva Eye. Kaya lang ay mukhang hindi pa siya aware dito."
May isa pang babae na lumitas mula sa dilim at lumapit sa kinaroroonan ng principal at ng isang lalaki. Sumandal ito sa lamesa at humalukipkip.
"So, what's your plan now? Kung pagmamasdan siya, sa tingin ko ay nakaseal ang Bodhisattva Eye. You can possess her not until na masira ang seal. Alam naman nating hindi ganoon ka-careless ang mga magulang niya para papuntahin dito na hindi protektado ang kanilang anak." Tanong ng babae.
"Huwag kang magmadali. May tamang oras para sirain ang seal. Sa ngayon ay makipaglaro muna tayo sa kanya. Makakapaghintay naman ang angkan ko." Nakangising sagot naman ng lalaki.
"Oh, I thought sinabi mo sa akin kanina na playtime is over?" Nakangising tanong ng babae.
Bumungisngis ang lalaki. "Then, let's set another game. I will make sure that they will pay for what he did to my family. I will make her daughter pay for everything."