Chapter 5

3231 Words
You will be surprised; some people don't really know their real selves. "THIS will be your room, Astrid." Nagpasalamat ako sa kanya bago pumasok sa kwarto ko. Bago siya umalis ay ibinigay na rin niya sa akin ang susi nito. Nakakapanibago na hindi ko makikita lagi sila Mom and Dad pati na ang kapatid ko pero this will be a good start for me. Naandito na rin ang mga gamit ko at nakaayos na rin ang mga ito. Ibinaba ko ang bag ko na kanina ko pa dala at nahiga sa kama ko. Ang lambot nito pero mas malambot pa rin ang kama ko sa bahay. Napatulala ako sa kisame ng kwarto at nagmuni-muni. Kumusta na kaya sila roon? Ano kayang magiging reaksyon ni Kuya kapag nalaman niya na hindi na ako uuwi sa bahay dahil naandito na ako sa Mystique? Ganito siguro kapag naninibago ka na hindi mo kasama ang pamilya mo. Ngayon lang naman siguro ito, hindi ba? Masasanay din ako na mag isa. Tumayo ako at kinuha iyong pin na ibinigay sa akin ng principal kanina. Pinagmasdan ko itong mabuti. Rank 44. Pinakahuli ako sa klase namin. Makahanap kaya ako ng kaibigan dito? Mabubuti kaya ang mga estudyanteng nag aaral dito? Baka isipin nila na loser ako dahil panghuli ako sa klase. I was wondering, how about my parents? Ano kayang ranking nila noong nag aaral pa sila rito dati? Sayang, hindi ko pala naintanong sa kanila bago kami umalis. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, siguro'y itatanong ko iyon sa kanila. Siguro top sila ng klase nila noon. Hindi dapat ako malungkot. Sa oras na madiscover ko kung anong kakayahan ko may pagkakataon pang mabago ang ranking ko. This is just temporary, Astrid. Laban lang. "Astrid," napatayo ako sa gulat nang may magbukas ng pintuan at tumawag sa pangalan ko. Nakita kong sumilip si Luca. "Ano ba naman iyan. Nakakabigla ka. Bakit pala?" May iniabot sa akin si Luca. Uniform ko. "Uniform mo iyan. Bukas tayo magsisimulang pumasok sa mga klase natin. Okay ka lang ba?" Tumango ako. Bakit naman ako hindi magiging okay? Ito naman ang gusto ko kong mangyari. Nagpaalam na rin sakin si Luca dahil kailangan na raw niyang maghanda para sa PQE niya. Tumango ako and wish him good luck. "GOOD MORNING, students. Before we start our class, I would like to introduce your new classmate." Tumingin sa akin iyong guro namin at tinanguan ako. Nilalamon ako ng kabang nararamdaman ko. Hindi ko ata kaya. Lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin. "Introduce yourself." Huminga ako ng malalim bago buong lakas na magpakilala sa kanila. "Hi, my name is A-Astrid." Damn it, I need to calm down. Masyadong halatang kinakabahan ako. Baka isipin nila, magpakilala nalang ay hindi ko pa magawa ng maayos. "Is that all?" Napatingin ako sa isang babaeng nagsalita. Nakataas ang isang kilay niya na para bang minamata niya ako. "Nothing to say about your power?" Hindi ako nakasagot. Wala naman akong sasabihin sa kakayahang mayroon ako dahil hindi ko alam kung ano ito. "Hey, stop zoning out. Tell us about your power. We want to know." Sigaw naman ng isa pang babae na tanto ko ay kaibigan ng unang babaeng nagsalita. "I-I don't know..." napatungo ako sa kahihiyan. Hindi ko naman talaga alam. "Omg," nagsimula silang magtawanan. No way, they are real life bullies. "Hindi mo alam? Nakapasok ka rito na hindi mo alam ang kapangyarihan mo? Seriously? How can some like you enter our school without even knowing her power—baka nga wala ka talagang kapangyarihan." "And look guys, rank 44 siya. Kulelat sa klase natin. How pathetic!" Lalong lumakas ang tawanan sa mga pinagsasasabi nila. Ganito ba talaga rito? Kapag ikaw yung huli sa klase, kinakaawa ka? Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Astrid, hinga. Huwag mo silang papatulan. Hindi ka pinalaki ng mga magulang mo para makipag away lang sa mga feeling bully at b***h. "Everyone, quiet. I won't tolerate anyone who will try to bully your classmates, okay? Mahuli ko pa kayong may inaaway, ipapadetention ko kayo." Saway ng guro sa mga kaklase kong pinagtatawanan ako. Hinawakan niya ang balikat ko at tinuro ang uupuan ko. "Astrid, doon ang magiging pwesto mo sa tabi ni Hunter." Tumango ako at umupo sa tabi ng lalaki. Tahimik lang siya at natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha. Hindi kagaya ng mga kaklase ko ay hindi niya ako kinukutiya. Pakiramdam ko ay naiiba siya sa lahat. "Hello," bati ko sa kanya. Sinilip ko siya para makita kung anong itsura niya pero agad siyang nag iwas. Ang ending ay hindi niya ako binati pabalik. Bahagyang kumunot ang noo ko at sumandal nalang sa upuan ko. Suplado. Bakit kaya ako napunta sa klase na may mga attitude ang mga estudyante. Muli akong nakarinig ng malakas na tawanan na pinangungunahan ng mga babaeng pinagtawanan din ako kanina. "Oh my, magkatabi sila ni Mr. Creepy Guy. Oh well, bagay naman silang dalawa. Isang loser at isang creepy. What a perfect combination." Pumalakpak pa ito kasabay ng malakas niyang pagtawa. Hindi ko naman ito pinansin. Not worth my time. "Hay nako. Magkaibang magkaiba talaga sila ni Flynn, 'no? Hindi ko nga mawari na talagang magkapatid sila. Para kasing hindi belong si Hunter sa pamilya niya. At least kahit papaano hindi nakakatakot si Flynn kagaya ng kapatid niya." Napatingin ako sa lalaking katabi ko. That was offending. Masakit kayang ikumpara ka sa kapatid. Kaya nga nagpapasalamat ako na hindi kami pinagkukumpara ni Kuya. Muli kong tiningnan ang seatmate ko na kung hindi ako nagkakamali ay Hunter ang pangalan. Sinilip ko siya at hindi ko sinasadyang mapatingin sa ranking pin niya. Halos maluwa ko ang mata ko nang makita ko kung anong ranking niya. "Rank 2—" bigla kong tinakpan ang bibig ko nang halos isigaw ko kung anong ranking niya. Rank 2 siya yet they are still bullying him. Seriously, ano bang qualifications para hindi ka mabully? O mas magandang tanong ay paano ba mawala ang mga bully? NATAPOS na ang klase. Smooth naman ang buong araw ko. Hindi ko nalang masyadong pinapansin ang mga epal kong kaklase. Dahil sa mga naririnig ko sa kanila ay dahan dahan ko na ring tinatanong kung ano nga bang purpose ng pagpasok ko rito. Baka nga tama sila Mommy? Dapat ay hindi na ako nagpalipat pa dito. "Huwag kayong lalapit doon sa transferee ha? Loser iyon. Baka mahawa kayo!" Nagsimula na namang magtawanan ang buong klase. Wala na bang ikagaganda ang araw na ito? Kailan kaya nila ako hahayaan? Nakakapagod makinig sa kanila. Isa pa anong huwag lalapit at baka mahawahan ko sila? Ano ako sakit? Excuse me? "Karen, tumigil na nga kayo. Huwag niyo na ngang guluhin itong transferee. Ang sasama talaga ng mga ugali niyo. Akala niyo naman ang tataas ng mga rankings niyo eh kaunti nalang babagsak na rin naman kayo. Bakit kaya hindi kayo mag aral nalang para naman magkalaman ang puro hangin niyong mga utak?" Inirapan ng isa babae iyong mga nanggugulo sa akin. Umirap din naman ang mga ito sa kanya bago umalis ng classroom. Nilapitan ako ng babae at tumabi sa akin. Ngayon ko lang din tuloy napansin na wala na pala si Hunter sa tabi ko. "Huwag mong masyadong intindihin ang mga sinasabi ng mga iyon, mga nag iinarte kasi at mga nagpifeeling Queen Bee." Nginitian ko nalang siya. "Oh, sorry for the late introduction. My name is Demi. What's your name again?" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kanya. May naaalala kasi ako sa way ng pagsasalita niya. Para siyang si Tita Chloe. Hindi ako nakasagot at nakangiti lamang na nakatitig sa kanya. "Hello? Marunong ka bang magsalita? Para kang baliw. Una, hindi mo sinasagot mga tanong ko. Pangalawa, tumatawa kang mag isa. Seriously, you're kind of creepy." Agad akong bumalik sa ulirat ko dahil sa sinabi niya. Napatawa tuloy ulit ako. "Astrid. Sorry. Hindi agad ako nakasagot. May naaalala kasi ako sayo." Kumunot ang noo niya pero hindi na rin naman nagsalita pa. "Anyway, bago ka lang diba dito? Gusto mo bang igala kita sa buong school? Para maging pamilyar ka." Pumayag naman agad ako sa alok niya. Gusto ko rin naman kasing malibot ang Mystique Academy. Ayoko rin namang guluhin si Luca at baka busy siya. "Isa ako sa mga student council ng academy natin. Class representative rin ako kahit na hindi naman ako ang top 1. Masyado kasing tamad iyong top 1 natin at iyong top 2 naman ay alam mo na. Wala iyong pakealam sa mundo. Nagvolunteer lang ako kasi baka mapansin ako ng mga gwapo dito at makabingwit ng jowa." Gusto kong matawa sa kanya. Para talaga siyang si Tita Chloe. I can imagine Tita volunteering to be a student council just to have jowa. "Hindi mo pa alam kung anong kakayahan mo, hindi ba?" Tumigil siya sa paglalakad at tumango naman ako. Humarap siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Okay lang iyon. Hindi dahil hindi pa nagpapakita ang kapangyarihan mo ngayon ay wala ka nito. Madalas kasi sa mga late bloomers, kapag nasa kapahamakan sila, atsaka lumalabas ang mga kakayahan nila para protektahan sila." Tumango ako. I see. That makes sense. "Dems, kanina pa kita hinahanap. Sumama ka na sa akin sa office. May kailangan tayong pag usapan." Napatingin kami sa isang babae na lumapit sa kanya. Mukhang hindi siya galing sa klase namin. "Bastos ka Mari, ha. Kita mo nang may kausap ako. Hindi ka ba marunong mag excuse?" Tumawa naman ang babaeng kausap ni Demi. Sa tingin ko ay iyon ang way ng pakikipagbiruan nila. Bumuntong hininga si Demi at tumingin sa akin. "I'm sorry, Astrid. Mukhang hindi kita masasamahan today. Kailangan kasi ako sa office namin. Okay ka lang ba mag isa?" Tumango ako at sinabing okay lang. Hindi naman siguro ako maliligaw, hindi ba? "Okay, see you." Nagpaalam na siya pati ang kasama niya bago sila umalis. Pinanood ko lang silang umalis at napabuntong hininga. Lilibutin ko pa ba ang buong school? Okay, bahala na. HINDI ko na alam kung saan ako napadpad. Naglalakad lang ako na hindi alam kung saan papunta tapos ngayon hindi ko na alam kung nasaan ako. Sa tingin ko ay naliligaw na ata ako. Omg, Luca nasaan ka na ba? Tulungan mo naman ako, please? Mukhang nilalamon na ako ng gubat ng Mystique Academy. Napatigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang pond sa gitna ng gubat. It seems so magical. Agad akong lumapit doon at nagpasiyang magpahinga muna. Umupo ako sa tabi ng malaking puno at sumandal doon. Ang sarap umidlip dito. Tahimik at nakakarelax. Kung alam ko lang sana ang daan pabalik ay masaya akong nakaupo rito ngayon. Napangiti ako nang mapansin ang kapaligiran. Panigurado ako na alam ni Mommy ang lugar na ito. Mahilig kasi siya sa tahimik na lugar at walang masyadong tao. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at hinayaang lamunin ako ng antok at pagod ko. "Sleeping?" Napabalikwas ako sa gulat nang may marinig akong boses ng lalaki. Agad ko siyang tiningnan at nakita ko ang isang lalaking tumatawa dahil sa gulat ko. "M-Masama po bang matulog dito? Sorry." Kinabahan ako bigla. Kung may mangyayari man kasing hindi maganda ay alam kong ako ang talo lalo na't hindi ko pa napapalabas ang kapangyarihan ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Umupo siya malapit sa pwesto ko at kumuha ng mga batong maliliit para ibato sa pond sa gitna ng gubat ng academy. "Hindi naman masama. Naninibago lang ako na may ibang estudyante dito maliban sa akin. Natatakot kasi sila dahil liblib ang lugar na ito. Bukod pa roon marami ang mga kababalaghang kwento sa lugar na ito. Parang nakakatawa kung iisipin mo since payapa naman ang lugar kung susubukan mong puntahan ito. Minsan kailangan mo lang talagang bigyan ng pagkakataon ang isang bagay para makita mo ang worth nito." Nakangiting sabi ng lalaki habang nakatitig sa bughaw na kulay ng tubig. Hindi ako nagsalita. Ang lalim kasi ng sinasabi niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya na ihalintulad ang lugar na ito o ang iba pang bagay sa buhay na pinagdadaanan ng mga tao. "Ganoon pa man, ano pa man ang sabihin ng iba, para sa mga taong nakapunta na dito, hindi ba at maganda ang lugar na ito? It can calm your soul and take away the negativity in your heart." Napatango ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi maitatanggi na totoo ang sinasabi niya. Maganda talaga ang lugar na ito. It looks majestic to me. Aakalain mo nga lang na nakakatakot dahil nasa kalagitnaan ng gubat pero bukod doon ay wala ka naman dapat ipangamba. "You're new here?" Tiningnan niya ako at napatingin din naman ako sa kanya. Hindi naman masyadong halata na madaldal siya ano? Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Ang creepy niya. Most likely sa mga taong ngayon lang nagkakilala ay hindi ganoong maguusap. Tumawa siya. "Huwag kang matakot sa akin. Hindi naman ako nangangagat, eh. Pwede kang magsalita. Ganito lang talaga ako." Huminga ako ng malalim. Nasanay ako sa katagang don't talk to strangers. Ganoon kami pinalaki ng mga magulang ko. But somehow, how can you be friends with someone kung hindi ka makikipag usap sa kanila, hindi ba? Lahat naman tayo at some point naging strangers sa isa't isa. Kahit nga mga kaibigan natin ngayon. Hindi naman tayo pinanganak na magkakakakilala agad. "Y-Yes. Bago lang ako rito." Wala naman sigurong masama, hindi ba? He seems nice naman. Sa tingin ko ay hindi siya gagawa ng bagay na ikapapahamak ko and giving a little information about me isn't dangerous. "Dito ka rin ba nag aaral?" Hindi ako stupid. Hindi kasi siya nakauniform kaya nagtanong ako ng ganito. Gusto ko lang makasigurado. I heard that MA has a barrier that surrounds it. Kaya kung outsider siya, paano siya nakapasok dito? "You mean, nag aaral dito sa academy?" Muli siyang tumawa. "You can put it that way." Nagkibit balikat ang lalaki. Ang weird niya lang. "Ano nga bang pangalan mo?" Ako na ang unang nagtanong. Sa tingin ko kasi ay medyo bastos ang mag usap kami na hindi magkakilala o alam ang pangalan ng isa't isa. Ngumiti ang lalaki bago tumayo sa kinauupuan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin at pinanood ang bawat galaw niya. "He will be here to pick you up, soon." Aniya, hindi sinagot ang tanong ko. Tinalikuran na niya ako at nag umpisang maglakad papalayo. Hahabulin ko pa sana siya nang bigla siyang lumingon sa akin. "I will tell you my name the next time we meet." Ngumiti muli ito sa akin bago tuluyang maglaho. He's weird and creepy but I must say that he's not that bad. Malakas ang pakiramdam ko na hindi. "Astrid!" Napa-igtad ako sa gulat dahil bigla akong tinawag ni Luca. Nilingon ko siya at halatang hinahapo siya. Siguro ay nagtatakbo ito para makarating dito. "Luca..." naguilty ako bigla sa hindi malamang dahilan. Para kasing sobra ang pag aalala ni Luca sa akin. "Kanina pa kita hinahanap. Ano ba kasing ginagawa mo at kung saan saan ka nagpupupunta? Alam mo bang nag aalala ako." Nanatili lang akong nakaupo at nakatingin sa kanya. Bakit parang sobra naman ata ang pag aalala niya? Hindi ko naman ikamamatay ang paglilibot dito sa academy. "Sorry, pero bakit mo ba ako hinahanap?" "Anong bakit? Hinintay kita sa classroom mo kanina. Wala na ang mga tao at lahat sa loob ay hindi ka pa rin lumalabas. Sumilip ako just to see na wala ka na doon. Nagsimula akong kabahan at mag alala. Akala ko kung napaano ka na." Huminga si Luca ng malalim bago mag iwas ng tingin. He's upset. I can feel it. "Naisipan ko kasing maglibot sa academy. Kaya lang naligaw ako. I decided to take a rest here. Hindi naman ako napaano." Tumingin sa akin si Luca. Muli ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang natatakot pa rin siya na may mangyari sa akin but at the same time masaya siya na okay ako. Ang hirap i-explain basta iyon ang itsura ni Luca ngayon. "Kung gusto mong libutin ang buong academy, just tell me. Sasamahan naman kita. Don't go and wander on your own. Hindi mo pa gamay ang mga lugar at tao dito." Ha? "Hindi lahat ng tao mababait, Astrid. Hindi lahat gagawa ng mabuti. May iba na may masama ang intensyon. Don't go and trust someone so easily. Some is manipulative enough para paniwalain ka na mabait sila." Natigilan ako sa narinig ko. That hits me so hard. "Tara na. Magdidilim na." Umunang lumakad si Luca. Tinitigan ko lamang naman ang likod niya habang naglalakad siya. Nabigla ako nang tumigil ito. "Astrid, let's go." Tumango ako at agad na sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami ay wala kang maririnig kung hindi ang ihip ng hangin at ang mga yabag ng paa namin sa paglalakad. Nilakasan ko ang loob ko na magsalita. Pakiramdam ko kasi ay nabadtrip ko si Luca. "Luca, paano mo nga pala nalaman na naandoon ako?" Hindi nagsalita si Luca. Napanguso ako. Galit ba siya? "Well..." agad akong napatingin sa kanya. Omg, hindi siya galit sa akin. "Siguro ay dahil anak ka ni Hel kaya alam ko na doon kita makikita." Ha? Anong koneksyon 'non? "Doon din kasi madalas tumambay si Hel paggusto niyang magpakalayo layo sa mga tao." "Talaga?" Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bigla akong sumaya sa narinig ko. Tumango si Luca sa akin. Tiningnan niya ako at matipid na ngumiti. "Yeah, lagi ko siyang nakikitang nakatambay diyan dati. Hindi ko nga lang siya nilalapitan dahil alam ko na ayaw niyang iniistorbo siya kapag nag iisa siya. You know your Mom. She wanted to always be alone. Ayoko pating magalit iyon 'no. Nakakatakot. Akala mo dadalhin ka niya sa kabilang mundo." Napatitig ako kay Luca habang nagke-kwento siya ng tungkol kay Mommy. Somehow, it feels odd. May kakaiba kay Luca sa tuwing magke-kwento siya ng tungkol kay Mommy. Agad akong umiling. No, baka mali ako. "Kabilang mundo?" Gusto kong maialis sa isip ko kung ano man ang iniisip ko. Mali ako. Imposibleng may gusto si Luca kay Mommy. "Afterlife, Astrid. Your mother is a goddess. She is the goddess of the dead. The ruler of the underworld." Napatigil ako sa paglalakad at nawala lahat ng iniisip ko. Nablangko ang utak ko. She is? Pero wala man lang silang nabanggit sa akin tungkol doon. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang mga magulang ko. Wow, ang rangal ko naman palang anak. "I don't know about that..." napatungo ako. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang anak dahil hindi ko alam ang origin ng mga magulang ko. Pakiramdam ko ay hindi ko pa rin sila kilala kahit na kasama ko sila araw araw at sa buong buhay ko. Bakit nga ba? Why do they need to hide everything from me? "Astrid, are you okay?" I am not okay. Kung pwede lang ipagsigawan ko na hindi ako okay ay ginawa ko na. "I see. Nalaman ko man na may kapangyarihan ako kagaya nila, hindi pa rin pala sapat iyon para makilala ko ang sarili ko at ang mga magulang ko." Nakakalungkot isipin na sa loob ng mahabang panahon, kasinungalingan pala ang pinaniniwalaan ko. Hindi ko pa rin makuha ang rason bakit nila iyon itinatago sa akin. Ang mas masakit pa, sa ibang tao ko pa nalalaman ang lahat. "Astrid, kung ano mang dahilan ng mga magulang mo, nakakasigurado ako na para rin iyon sayo. Ginawa nila iyon para sa kapakanan mo." Hindi nalang ako nagsalita. Sa tingin ko ay tama siya kaya lang ano mang sabihin niyang pagpapagaan sa loob ko ay hindi magawa ng loob ko ang umayos. Ang bigat parin sa dibdib. Muli kaming natahimik na dalawa. Nasa tapat na ako ng kwarto ko. Nagpaalam na ako kay Luca at akmang papasok na sa loob nang muli siyang magsalita. "Ano mang malaman mo, Astrid sana hindi ka magbago at ang pagtingin mo sa mga bagay bagay." Matapos iyon ay umalis na si Luca. Natigilan na naman ako. Lalong dumami ang tanong ko sa isip ko. Bakit ako magbabago? Ano pa bang dapat kong malaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD