All of us have dark secrets we don't want to be exposed.
PANIBAGONG ARAW. Haharapin ko na naman ang mga kaklase kong pagtatawanan at kukutiyain lang naman ako. Bahala na, pinili ko ito, eh. Hindi naman ako pwinersang pumasok dito.
Nakita ko si Luca na naglalakad sa may hallway. Binati ko siya at binati niya rin naman ako. Agad na rin akong nagpaalam sa kanya dahil male-late na ako. Makakapag usap naman ulit kaming dalawa mamaya.
Nang makaratimg ako sa klase ko ay huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Naandon na ang halos lahat at may kanya kanyang mundo. May ilang minuto pa rin naman kasi bago magsimula ang klase.
Habang naglalakad papunta sa upuan ko ay nararamdaman ko rin ang pagsunod ng mga mata ng ilan sa mga kaklase ko. Hindi ko iyon pinansin at nagdiretso lamang sa pwesto ko.
Nang makaupo ako ay agad akong napatingin sa tabi ko. Naandito na si Hunter at kagaya kahapon ay tahimik lamang ito at tila walang pakealam sa mundo.
Hindi ko pa rin maintindihan bakit ganito ang turing nila kay Hunter ganoong rank 2 naman ito. May masama ba siyang nagawa dati? O ayaw lang nila sadya sa tahimik? Natatakot ba sila dahil laging nakasabog sa mukha niya ang kaniyang mahahabang buhok? Bakit ba nangengealam ang iba sa buhay ng kapwa nila? Damn. Dami kong tanong.
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin. Sa gulat ko ay hindi ko na natitigan ang mukha niya. Sayang, iyon na sana ang pagkakataon ko para makita siya. Kaya lang, nakakatakot naman siyang makatingin. Hindi kaya dahil doon kaya ayaw sa kanya ng iba?
"Hunter," napaangat ang tingin ko sa lalaking lumapit sa kanya at tinawag siya. May iniabot siya kay Hunter. "I have another mission for you."
Natahimik ako nang makita ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko at kausap si Hunter. Una kong napansin sa kanya ay ang mala-anghel niyang mukha.
Ibinaba ko pa ang tingin ko sa may pin niya at laking gulat ko sa nakita ko. Rank 1 siya?!
Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin. Ngumiti ito na siyang kinabigla ko at awtomatiko rin naman akong napatingin sa kanya.
"Hi," bati niya sa akin. "You must be the transferee? My name is Flynn and you are?" Hindi ako agad nakapagsalita. Masyado kong ina-admire ang mukha niya. Nakakaakit ito at ang mga ngiti niya. Lalong nagiging maamo ang kanyang mukha dahil sa mga ngiting iyon.
"Astrid." Matipid kong sagot sa kanya. Lumawak naman ang kanyang pagngiti.
"Nice meeting you, Astrid and welcome to Mystique Academy. Again, my name is Flynn, I am the President of the Student Council so if you have concern please let me know. I am a 2nd-year student." 2nd year? K-Kaklase siya ni Luca?
I get it. Hindi ko man natatanong si Luca pero napansin ko na dati na rank 2 ang nakalagay sa pin niya. Sayang, akala ko pa naman ay siya ang magta-top sa klase niya.
"Kaklase mo ba si Luca?" Agad iyong lumabas sa bibig ko. Hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
Bahagyang nagulat si Flynn sa akin pero agad din siyang ngumiti. Buti pa ang lalaking ito tila hindi nauubusan ng ngiti.
Siya pala iyong Flynn na naririnig ko kahapon na ikinukunmpara kay Hunter. Kung hindi ako nagkakamali ay magkapatid sila.
"Yes, we're classmates." Bahagyang tumaas ang kilay niya pero nakangiti pa rin siya. "Do you know him?" Agad akong tumango.
Dapat ko bang sabihin sa kanya na chaperon ko si Luca o huwag nalang at sabihing kaibigan ko lang. Kaibigan? Eh papasa na nga siyang Tito ko kung edad lang ang pagbabasehan. Mukha lang bata si Luca pero kasi edaran siya nila Daddy.
"Yes, he's my friend."
Pero sa tingin ko tama naman talaga iyon. Sa lahat kasi ng mga kaibigan nila Mommy at Daddy ay siya lamang ang tinatawag ko sa pangalan niya. Lahat ay tinatawag kong Tito at Tita.
Hindi naman sa bastos pero nakasanayan ko na kasi. Simula ata pinanganak ako ay kasama ko na si Luca hanggang sa magdalaga ako. Nasanay ako na magkaibigan ang turingan naming dalawa kaya nasanay din ako na hindi siya tinatawag na Tito. Isa pa, bukod doon, hindi talaga tumatanda si Luca unlike nila Tito Theo at ng iba pa. Dati nagtataka ako kung bakit pero ngayon alam ko na ang dahilan. Part of their power is to be immortal.
"Sana maenjoy mo ang pagpasok dito sa academy." Ngumiti ulit siya sakin kaya naman napangiti rin ako. Nakakahawa lang talaga iyong way niya ng pagngiti.
Muli siyang tumingin kay Hunter. Nabigla ako nang mawala ang mga ngiti sa labi niya at seryosong kinausap si Hunter.
"Do it tonight. Siguraduhin mong malinis ang pagkakatrabaho mo." Tumingin siya sa akin at nagpanggap naman ako na hindi sila pinapakinggan. Umalis na rin si Flynn matapos iyon.
Nang makaalis si Flynn ay tiningnan ko si Hunter. Nakakuyom ang kamao niya habang hawak ang papel na iniabot sa kanya ni Flynn kanina. Hindi ko man makita ng maayos ang kanyang mukha ay alam kong nakakunot ang kanyang noo. Itinago niya ang papel sa bulsa niya at bumalik sa pagiging walang pakealam sa mundo.
"Naandito si Flynn kanina." Napatingin ako sa mga kaklase kong kakapasok lang ng silid at sa mga kaklase kong nagkekwentuhan tungkol kay Flynn.
"Hala! Sayang. Hindi ko siya naabutan. Ang tagal kasing kumain nito, eh." Umupo ang mga bagong dating at nagchismisan sa isang tabi.
"Pero hindi na rin kami lugi. May nakita kaming gwapo kanina habang naglalakad. Sa tingin ko ay 2nd year din siya." Nagtilian agad sila. Ano ba naman iyan, umagang umaga naman sila kung kiligin.
"Talaga? Ano daw name?" Natahimik ang isa at tila ba nag iisip kung ano ang pangalan ng nakita nila.
"Wait, narinig ko ang pangalan niya, eh. Ano nga ba iyon?" Tumahimik siyang muli at nag isip. Maging ako ay nagulat nang sumigaw siya. "Tanda ko na. Kung hindi ako nagkakamali ay Luca ang kanyang pangalan."
Halos mabulunan ako kahit wala akong kinakain nang marinig ko ang pangalan ni Luca. No way, Luca being a heartthrob? I can't imagine.
"Umagang umaga naman ang kalandian ng mga ito." Napatingin ako sa kanya. Nakita ko si Demi na papalapit sa akin. "Hi, Astrid."
Ngumiti ako sa kanya at binati siya. Napatingin ako sa babaeng nasa likod niya at sumusunod lang sa kanya. She's giving a creepy aura pero sa tingin ko ay kaklase ko siya.
"Kumusta ang paggagala mo kahapon? Hindi ka naman naligaw?" Pilit akong ngumiti at umiling. Ayokong ikwento sa kanya ang nangyari.
"Ah, by the way I want you to meet Irish. She's a friend. Absent kasi siya kahapon kaya't hindi ko nagawang ipakilala sayo." Abot tainga ang ngiti ni Demi. Lumapit pa ito sa akin bago bumulong. "Kaya lang weird siya. Takot sa kanya ang iba dahil akala nila ay kukulamin sila ni Irish." Tumatawa siyang lumayo sa tainga ko.
Tiningnan ko iyong Irish. May yakap yakap siyang libro at may makapal na eyeliner. Kinabahan ako. Sa unang tingin ay aakalain mo nga na mangkukulam siya.
"H-Hi," lakas loob kong pagbati sa kanya. "Ako nga pala si Astrid."
Tumingin sa akin ang babae at dahan dahang tumango. Lalo akong kinilabutan sa sunod niyang sinabi.
"I know."
Hel's Point of View
"HILIG niyong tambayan ang bahay namin 'no? Ano na naman bang ginagawa niyo dito?" Nakaupo na naman sila Chloe sa sofa ng bahay namin at kumakain ng mga biscuits. Feel at home sila masyado. Inaraw araw na ata nila ang pagpunta dito sa bahay para makipagchismisan, wala naman akong ichi-chismis sa kanila. Kulang nalang ay dalhin na nila ang mga gamit nila at dito tumira.
"Huwag kayong mag alala. Sa susunod ay dadalhin na namin ang mga gamit namin at dito na kami titira. Para na rin hassle-free." Tumatawang sabi ni Chloe sa akin. Kung ibalabag ko kaya sa kanya ang mga sinasabi niyang gamit niyang dadalhin. Akala mo naman nakakatawa ang sinasabi niya. Tss.
"Ito namang si Hel, oh. Nag aalala lang kami sa inyo kaya araw araw kaming dumadalaw." Napakunot ang noo ko sa narinig. Napatingin ako kay Kreios at nagkibit balikat lamang naman ito.
"Nag aalala? At bakit naman?" Humalukipkip ako at tinaasan sila ng isang kilay.
"Oo. Nag aalala kami sa inyo ni Kreios na baka nalulungkot kayo. Hindi ba wala si Haze ngayon dahil may trip sila abroad? Si Astrid naman ay nasa Mystique. Baka kasi nalulungkot kayo kaya naandito kami para pasiyahin kayong dalawa." Nginitian ako ni Dalia.
Napairap ako sa mga naririnig ko mula sa kanila. Hindi na sila nadadala sa mga mata ko dahil alam nila na hindi ko sila sasaktan. Kung totohanin ko kaya kahit isang beses lang para naman bumalik ang takot nila sakin?
"Bakit kaya hindi iyang pagiging matandang dalaga ni Chloe ang ipag alala niyo kaysa buhay namin?" Minsan talaga walang preno ang bibig ko. Hindi na kayo nasanay.
Hindi pa rin ako makapaniwala na kung sino pang pinakamalandi sa klase namin noon ang siyang nananatiling single ngayon. Ano pa bang hinihintay nila ni Theo? Bakit hindi nalang sila? Pareho naman silang walang mga asawa. Hindi namin sila kagaya na imortal. Kung hindi sila magmamadali, mamamatay silang walang asawa.
"I'm waiting for the right person. Ayokong madaliin." Ani Chloe.
"Oo, at sa ayaw mong madaliin, tinutubuan ka na ng puting buhok ay single ka pa din." Natatawang asar ni Bellona kay Chloe.
"Si Theo naman daw ay mananatiling single." Tumawa sila Alvis.
"Huwag niyo nga akong idamay diyan. May rason ako bakit wala akong asawa. Isa pa, hindi naman problema sa akin ang tumandang mag isa." Sabi naman ni Theo bago uminom ng beer na nilabas kanina ni Kreios.
"Theo, tayo nalang kaya? Single din naman ako—"
"Hel, sigurado ka ba talagang magiging maayos ang kalagayan ni Astrid doon? Nag aalala pa rin kasi ako." Napabuntong hininga ako sa nangyari. Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Chloe dahil binaliwala ni Theo ang sinasabi niya o ano.
"I think she'll be fine. Kasama niya naman si Luca. Alam kong hindi niya pababayaan si Astrid." Tumango tango sila.
"Ikaw Kreios, hindi na ba sumasakit ang likod mo? I mean, iyong marka mo?" Tanong ni Bellona. Lahat naman kami ay napunta ang atensyon kay Kreios.
Naalala ko. Minsan nga ay sumasakit ang kanyang likod kaya nag aalala ako na baka hindi pa tapos ang sumpa ni Spade o mas malala ay may panibagong demon ang lalabas sa pagkatao ni Kreios. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero kapag pamilya ko talaga ay hindi ko maiwasang hindi kabahan at matakot. I don't want my family to be in such danger.
"Sumasakit pa rin pero mas umookay na ang pakiramdam ko. Madalang na lang rin naman." Natahimik ang lahat. Mukhang pare-pareho kami ng iniisip.
Ngumiti si Kreios. "Huwag kayong mag aalala. Sumasakit man ito ay nakakasigurado ako na hindi ito dahil kay Spade o sa panibagong demon na nasa loob ko. Walang kinalaman si Spade sa marka sa likod ko. Matagal na siyang wala, hindi ba?"
Lagi mang sinasabi ni Kreios iyon ay hindi ko pa ring magawang mapakali. Sa tingin ko kasi ay may mali. Alam ko na simula nang araw na iyon, hindi pa rin tapos ang lahat. Geez, I don't want to think about it.
Sa tuwing sumasakit ang likod niya ay bumabalik sa akin ang alaala noong nasira ang seal sa marka niya. Noong magising si Spade. Paano pala kung akala lang namin na wala na si Spade pero akala lang pala namin ang lahat?
"Hel, maiba ako. Since wala na ang seal kay Astrid, ano na bang mangyayari sa kanya ngayon? Can she use her full power?" Bahagya akong tumango sa kanila.
"You can say that or let me put it this way. Her power is half unsealed. Astrid will be the one to fully unseal her power. How? It's up to her. When Astrid badly needs to use it, it will come out." Napangisi ako. Kapag iniisip ko ang kapangyarihan ni Astrid ay napapangisi ako. Alam ko na saakin niya nakuha ang halos lahat ng kakayahang mayroon siya.
"Her power is rare and a little dangerous at sa oras na magamit niya ito and fully controls over it. Her heart will start to turn into ice. Just like mine." Actually, little is an understatement. It is indeed dangerous.
"Bakit?" Pagtataka nila.
"Dahil anak ko siya kaya normal lang na maging kagaya ko siya. Having that kind of power, Astrid needs to be heartless. Dahil kung masyado siyang malambot para sa iba, siya mismo ang lalamunin ng kapangyarihan niya. Her power focuses on killing its enemy without harming them. An instant death. And with that, using her heart and emotion will only give her pain and sorrow at the end. Ayokong sisihin ni Astrid ang sarili niya sa tuwing kinakailangan niyang pumatay. Alam niyo naman sa academy. Kung hindi ka papatay, you can't survive. Hindi lahat ng tao doon ay anghel at mababait. Mas marami pa rin ang sasaksakin ka patalikod." Halata pa ring naguguluhan sila. My family's powers are special and unique. You wouldn't want to mess with us or you'll end up dying.
"Pero paano? Paanong makakapatay si Astrid nang hindi niya sinasaktan ang kalaban niya?" Muli akong napangisi.
"It's a secret." Halata ang pagkadismaya ng lahat sa sinabi ko. Napatingin ako kay Kreios. Nakangisi rin ito habang umiiling.
"How about the Bodhisattva Eye?"
"Of course, nakaseal pa rin iyon. Kahit kailan ay hindi ko sisirain ang seal ng kaliwang mata ni Astrid. Ikapapahamak niya kapag nangyari iyon. Hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang kalagayan ng anak ko. Maraming masasamang loob ang may interes sa kakayahan nito. Ayoko mapunta si Astrid sa kamay ng mga iyon." Katulad ng marka sa likod ni Kreios, sa tuwing pag uusapan ang Bodhisattva Eye ay hindi ko mapigilang kabahan.
"Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa totoong kapangyarihan ng Bodhisattca Eye na iyan. I mean, anong kaibahan niya sa ibang kapangyarihan ng healing or resurrection or death? May mga taong mayroon nito kahit wala silang Bodhisattva Eye, hindi ba?" Tumingin ako kay Kreios. Ibinaba niya ang hawak niyang can ng beer bago magsalita.
"Ang ibang may kakayahan nito, may limitasyon ang paggamit. Si Dalia, nakakagamot siya ng mga normal na sugat pero may ilan siyang karamdaman na hindi kinakaya. Ang pagbuhay sa patay o ang kapangyarihan para patayin ang isang tao instantaneously, ang mga may kakayahan nito ay nagagawa lamang ng ilang beses tapos wala na. It also has something in exchange. Reviving the dead may cost you your own life and causing someone to die may cost you your life span or something else. Being said, these kinds of powers are mostly belonging to the race of the gods and very rare. It's also a taboo that even Odin used it not often. But with the Bodhisattva Eye, you can do it without those kinds of limitations. You can also accelerate people's age. Sabihin man nating walang limitasyon ang paggamit nito but it may have a greater effect on the user. Baka hindi lang basta buhay ni Astrid ang maging kapalit sa paggamit nito. The said eye can save the worlds or can destroy it. Lalo na kapag napunta sa masama. Sa ngayon, hindi pa namin natutuklasan kung ano nga ba ang maaaring kapalit sa paggamit nito." Pagpapaliwanag ni Kreios.
In Dalia's case, he can heal wounds but only limited but with the Bodhisattva Eye, everything can be healed.
"Anong mapanganib doon?"
"Marami ang nao-obsess sa kapangyarihang iyon ng Bodhisattva Eye. Kapag nagamit sa kasamaan kagaya ng sabi ni Kreios kanina, maaaring maging imbalance ang mundo. Magiging mali ang takbo ng oras sa iba at maaaring ikamatay ng nakakarami. Ang mga patay na dapat wala na sa mundo ay maaaring bumangon muli sa hukay. Bad over good, impurity over purity, chaos over peace. The world will be set on fire and will be on its downfall." Sagot ko.
At natatakot ako na baka kapag hindi namin nagawang pigilan ito ay mawala rin sa amin si Astrid.