Bryan Pov’s
“SAKAY!” sigaw ko sa anak ni Virginia. Narito ako sa harapan nang school na kanyang pinapasukan. Matapos ang dalawang araw na palugit ko sa kanila. Nagdisesyon akong kunin sila at iuwi sa aking mansyon sa Alabang.
Ngunit para lang itong walang narinig. Nanatili lang itong nakatayo sa harap nang aking sasakyan. Kaya agad akong umikot papunta sa kanya.
“Sakay!” sigaw kong muli. Sabay hawak ko sa kanyang braso at iginaya papasok sa passenger seat.
“Bitiwan mo ako. Ano ba!” Pilit niyang binabawi ang kanyang braso sa pagkakahawak ko.
Maging ang isang babae na kasama niya, bahagyang lumapit sa ’min at handang ipagtanggol ang anak ni Virginia.
“Sino ka ba? Bitiwan mo ang kaibigan ko. Kun ’di tatawag ako ng pulis!” sigaw ng kasama niyang babae. Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Kaya agad itong napaatras ng kaunti.
“Huwag kang mangialam dito. Kung ayaw mo pati ikaw idamay ko!” angil ko sa babae. Binitiwan nito ang anak ni Virginia at humarap dito.
“Kate!”
Nag-alala niyang tawag. Kitang-kita ko ang pagngiti nang anak ni Virginia rito at hinawakan ang kamay nang babae.
“Huwag kang mag-alala. Okay lang ako.”
“Sino siya, Kate? Bakit ka niya pinapasakay sa kanyang sasakyan?”
“Tatawagan na lang kita mamaya. Sasabihin ko ang lahat-lahat sa ’yo.”
“Sige mag-ingat ka, ha.”
“Tama na ’yan.” Sabay hila ko sa kanya at sapilitang isinakay sa aking sasakyan. Matapos kong isara ang pinto, umikot ako sa driver seat.
“Seatbelt!” mariin kong utos ko sa kanya. Nakatungo lang siya habang kinakabit ang seatbelt.
Pinaandar ko agad ang aking sasakyan habang nasa biyahe kami titingnan ko sana siya ngunit ibinaling niya ang mukha sa tabi ng bintana.
Kate
NO’NG narinig ko kanina na pati si Nathalie ay idadamay niya, do’n ako natakot. Ayaw kong pati ang kaibigan ko mapahamak sa aming gulo. Kaya sumama na lang ako para walang gulo.
Ayaw ko rin naman siyang kausapin naiinis ako at galit sa kanya. Sakit tuloy ng aking braso ko na hinawakan niya kanina.
Hindi ko alam kung ano’ng lugar itong aming nadaanan pagkakaalam ko nakalabas na kami ng Cavite.
Makaraan ang halos tatlong oras, huminto kami sa isang bahay, matataas ang bakod nito at maging ang gate. Nagbusina lang siya at agad bumukas ang malaking gate na yari sa makakapal na kahoy at may nakakabit na bakal sa gilid nito.
Namangha ako sa laki ng bahay at ang ganda wala sa kalahati yong bahay namin. Akala ko sa mga palabas lang sa tv ko makikita ang ganito kagandang bahay.
Nauna na akong bumaba. Pero nauna siyang pumasok sa loob ng bahay ’di man lang ako hinintay. Mas lalo akong namangha pagdating sa loob.
“Ang ganda naman ...” bulong ko sa aking sarili. Sinipat kong maigi ang karangyaan ng sala.
“Anak, nandito ka na pala!” tawag ni Nanay Melba sa akin.
Sa sobrang pagka-amazed ko sa bahay nang lalaki. Halos hindi ko namalayan ang paglapit ni Nanay Melba. Lumapit ako sa kanya at mabilis na nagmano.
“Si Kuya Jake, po nasaan. Kasama rin po ba natin siya?” tanong ko kay ’nay Melba.
“Oo. Halika na dito tayo sa kusina,” yaya sa akin ni Nanay Melba. Agad niya akong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa isang pintuan. Mas lalo akong namangha nang bumungad sa aking paningin ang malawak na dinning area at mahabang lamesa na gawa sa kahoy na may salamin sa itaas nito.
“Wow ang laki naman ng mesa nila. Marami po bang kumakain dito?”
“Ewan ko anak.”
Isang pintuan pa ang binuksan ni Nanay Melba. Palagay ko ’yon na ang kitchen area, sapagkat naroon lahat nang mga modernong gamit sa pagluluto at mga kagamitan.
“Inay Melba, marami po kayong niluto na pagkain. Fiesta po ba rito?” Hindi ko mapigilan tanong kay ’nay Melba. Nang makita ko ang lamesa na punong-puno ng masasarap at nakakatakam na pagkaing pangmayaman.
“Anak, naman dami mong tanong. Magpalit ka na ng damit at tulungan mo ako dito.”
“Sige po. Saan po ’yong kuwarto natin?”
“Hayon ’yong pintuan sa tabi nang refrigerator.” Turo ni ’nay Melba sa kulay brown na pintuan. “Kuwarto natin ’yan.”
Matapos makapagpaalam, agad kong tinungo ang pintuan. Pagpasok ko sa loob ng kuwarto namin mas lalo ako namangha, dahil mayroon sariling sala at kumpleto sa gamit. Tulad nang tv, dvd, sofa, may sariling aircon at higit sa lahat may banyo. At dalawa pa ang kuwarto.
Agad akong binuksan ang pintuan na nasa kanang bahagi. Bumungad sa akin ang malaking kama at isang closet cabinet saka vanity mirror. Lumapit ako sa aking bag at kumuha nang pampalit sa aking school uniform. Short na maong ang napili kong isout at pinaresan ko ng kulay pink na bluose. Pagkatapos kong magbihis lumabas agad ako. Nagulat pa ako paglabas ko nang kuwarto, isa-isang nilalabas nang mga lalaki ang pagkain mula sa kusina at inihahanda nila ito sa malaking lamesa sa dinning area.
“Anak, dalhin mo itong tubig sa mesa!”
“Opo, Nanay Melba.”
Dala-dala ko ang petsil na may lamang malamig na tubig papuntang dinning area. Nagtaka talaga ako ang daming pagkaing nakahain. Iniisip ko tuloy kong kasama ba kami sa hapag kainan nang lalaki.
“Dito mo ilagay ’yan,” utos sa akin ng isang lalaki. Kasama rin ito nang lalaki, no’ng pumunta sila sa bahay. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko saka mabilis pumunta sa kanyang puwesto.
“Steven nga pala,” pakilala nito sa akin. Sabay lahad ng kamay niya.
“Kate.” Aabutin ko sana ang kanyang kamay. Nang biglang dumaan sa gitna naming dalawa ang lalaki na masama ang tingin kay Steven. Pareho pa kaming nagulat sa inakto nito.
“Kain na tayo,” anyaya ni Steven. Habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Na ngayon hinila ang isang upuan sa pinaka-center nang lamesa, tila isa itong hari.
“Sasaabay tayong kakain sa kanya?” Inginuso ko ang lalaki.
Umiling si Steven. “Oo.”
“Kaya pala ang daming pagkaing nakahanda. Ganito ba palagi rito?” tanong ko kay Steven.
“Oo. Kaya masanay ka nang kumain kasabay ang mga barakong ’yan!”
Muli kong sinulyapan ang mahabang lamesa. Nakaupo na rin doon ang tatlong lalaki sa kanang bahagi ng mesa. Ngunit hindi sinasadyang napatingin ako sa lalaki. Ang talim nang mga tingin na ipinukol niya sa ’min ni Steven. Nakaramdam tuloy ako nang takot.
“Kate, maupo ka na rito, sa tabi ko!” tawag ni Kuya Jake sa akin. Katabi ni Kuya Jake ang lalaki sa kaliwa, habang si Steven sa kanan.
Ilang sandali pa at halos walang may nagsalita ni isa sa amin, busy ang lahat sa pagkain. Binilisan ko na ang pagkain sabay tayo papuntang kusina. Pagkarating ko roon, muntik pa akong napasigaw, kasi pagharap ko katawan nang lalaki ang bumungad sa ’kin. Hindi ko alam sumunod pala siya sa ’kin. Sinamaan niya ako ng tingin.
“Sa susunod huwag na huwag kang magsusuot ng ganyan kaikli na short. Kung ayaw mong makulong sa aking kuwarto!” sabi niya sa akin. Sabay labas sa kitchen area.
Naguguluhan talaga ako sa ikinikilos niya. Iniisip ko may gusto ba siya sa akin. Pero ang gwapo niya at ang bango pa.
“Anak, ano iniisip mo riyan?” tanong ni ’nay Melba.
“Wala po.” Lumabas ako ng kitchen area.
Tutulong sana ako sa kanila, ngunit ’yong mga lalaki na ang gumawa ang sisipag at babait naman nila. Nakita ko pa si Steven nagpupunas ng mesa. Lumapit ako sa kanya at nagprisintang magpunas ng mesa.
“Ako na lang diyan. Hindi bagay sa inyo ang trabaho na iyan.”
“Okay lang ginagawa talaga namin ito. Bawal ang tatamad-tamad dito magagalit si Boss Bryan.“
“Paano ako? Ano’ng gagawin ko?” Umupo ako sa bangko at masayang pinagmasdan si Steven. Super bait talaga niya at masipag. Masuwerte ang mapapangasawa nito.
“Mayroon kang gagawin. Maghintay ka lang,” sagot nang baritonong boses sa likod ko. Bahagya pa akong nagulat, pero ang t***k ng puso ko biglang naging abnormal, bumilis ito.
Hinila nito ang isang bangko na katabi ko at umupo roon. Halos nagbanggaan ang aming mga hita, sa sobrang dikit niya sa akin.
“Steven, pakitawag mo silang lahat may pag-uusapan tayo!” utos nito kay Steven.
“Copy, boss.” Agad lumabas si Steven sa dinning area.
Tuloy kami na lang dalawa ang naiwan sa mesa. Walang may nagsalita sa amin, pero kinakabahan ako.
Bryan’s POV
NANG makita ko siyang nakaupo sa bangko at kausap ang magaling kong tauhan. Nakaramdam ako nang pagkainggit sa kanila, bago pa silang magkakilala pero daig pa ang nila ang magnobyo kung mag-usap. Kaya sa sobrang inis ko, pinuntahan ko sila at tumabi sa kanya.
“Ano ulit ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. Kami na lang dalawa natira sa dinning area. Alibay ko lang ’yong utos kay Steven. Para masolo ko ang anak ni Virginia.
“Catalina Rosemarie, po.”
Magalang nitong sagot, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin at bahagya pang umusod sa pagkakaupo. Mukhang takot sa akin.
“Wala ba yong maikli lang ’yong palayaw lang?”
“Kate, po.”
Lambing ng boses niya at may takot akong nadama. Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo.
“Ganyan ka ba talaga sumagot? Kanina no’ng si Steven, ang kausap mo nakangiti ka at masaya? Nang ako na ang kausap mo biglang nawala. Natatakot ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot, nanatiling tahimik habang hawak ang mga palad sa itaas ng kanyang hita. Ewan ko ba naiinis ako sa kanya at kay Steven. Hindi ko alam parang nagseselos ako. Hanggang sa dumating ang kuya nito at iba kong tauhan.
“Boss!” bati ni Jake. Ngunit ang mga mata nasa kanyang kapatid.
“Huwag kang aalis d’yan,” mahinang banta ko kay Kate at ibinaling ang paningin sa kanila. “Maupo po kayo, Manang Melba.”
Magkatabi kaming dalawa ni Kate. Kaharap namin kuya niya at si Manang Melba ang kanyang yaya.
“Pinatawag ko kayo, para ibigay ang mga trabaho ninyo dito sa bahay. Jake magiging driver kita ’diba marunong ka magdrive?” tanong ko kay Jake.
“Oo, boss.”
“Manang Melba, ikaw naman ang bahala sa kusina at sa stock natin. Every one week, puwede kayong mag-grocery, magsabi lang kayo sa kanila at ipagdra-drive kayo ng mga iyan. Mamaya ibibigay ko ang atm sa inyo, para sa budget,” pahayag ko.
Tipid na ngumiti ang matanda sa akin. “Masusunod, Sr Brayn.”
Ibinaling ko kay Kate ang aking paningin. Na ngayon tahimik lamang sa aking tabi. “At ikaw naman. Ikaw ang maghahanda ng aking mga damit na gagamitin at maglilinis sa aking kuwarto. Sa madaling salita, ikaw ang personal maid ko. Understand?”
Tumango lang siya sa akin. Habang nakatingin pa rin sa kanyang Kuya Jake. Tila nagpapasaklolo ro’n.
“Steven, samahan mo si Kate, sa kuwarto ko at ituro mo sa kanya ang kanyang trabaho.” utos ko sa aking pinakapaboritong tauhan. Tumayo ito at ngumisi sa akin. Na agad kong sinamaan nang tingin.
“Copy, boss.”
Umalis na silang dalawa. Heto naman ang nararamdaman ko, parang gusto ko talagang suntukin si Steven. Lalo pa nang ngumiti si Kate kay Steven.
“Boss, tumawag pala ’yong tauhan natin kanina. ’Yong sumusunod kay Franco,” pahayag nang isa kong tauhan—si Joel.
“May maganda bang balita kay, Franco?” Uminit na naman ang ulo ko pagkarinig sa pangalang nang tarantadong ’yon.
“Wala, boss tahimik si Franco, sa ngayon. Mukhang nag-aabang lang. Pero nakita nila ito papunta nang Bulacan.”
“Sabihan mo bantayan maigi si Franco.”
“Copy, boss.”
“Siyanga pala, boss, tumawag si Rena, tinatanong kung kailan kayo magre-report,” singit ni Dante. Isa rin sa pinagkakatiwalaan kong tauhan at kababata ko na halos sabay kaming nagkaisip at lumaki. Siya ang kanang kamay ko sa pagpapatakbo nang kumpanyang ipinagkatiwala sa akin nang aking ama.
“Sabihin mo malapit na. May inaayos lang ako, kayo muna ang bahala sa kompanya. Masyado akong pinapahirapan ni Virginia,” sagot ko kay Dante.
“Copy, boss.”
“Meron pa ba? Kung wala na magpahinga na kayo.” Tumayo ako at naglakad palabas ng dinning area. Deritso ako sa favorite place ko rito sa aking mansion—mini bar.
Kate’s Pov
PAGKARATING namin sa kuwarto ni Sir Bryan. Namangha ako sa laki at ganda nito, pinaghalong white and blue ang naka-paint sa kanyang wall. Kulay silver naman ang kanyang kama at ang couch sa isang tabi. Agad akong niyaya ni Steven sa built in closet at ipinakita sa akin ang mga damit ni Sir Bryan.
“Kate, ito ’yong mga damit ni Boss Bryan. Ikaw na ang bahala mamili nang isusuot niya. Mahilig siya sa pantalon at t-shirt lang dito ’yon at ito naman ’yong pang opisina niya pag bumalik na siya sa kanyang work.” paliwanag sa akin ni Steven. Mas domoble ang paghanga ko nang tumambad sa akin ang mga naka-organize niyang damit at mga gamit sa loob ng closet.
“Ibig sabihin si Sr Bryan, may sarili ring kompanya?”
“Oo. Sa ngayon si Ms. Rena at si Dante ang namamahala. May inaayos pa kasi si boss.”
“Ang Mama ko ba ang tinutukoy mo?”
Hindi ako sinagot ni Steven. Bagkus inilihis niya ang usapan. May binuksan pa siya na isang closet.
“Heto naman ’yong mga damit niya kapag dito lang siya sa bahay. Cargo short at plain shirt lang okay na sa kanya. Ngayong nandito ka na ipapasa ko na sa ’yo ang trabaho ko. Goodluck, Kate.” Hinawakan pa niya ako sa balikat, pilit na pinapagaan ang loob ko. Dahil sa daming trabaho.
Huminga ako ng malalim. “Sana magawa ko ng maayos ang aking trabaho at magustuhan niya.”
Ngumisi si Steven sa akin. Para bang tinatakot ako.
“Siyanga pala, Kate, gusto niya araw-araw malinis ang banyo at tuyo ang sahig,” dagdag pa ni Steven. Ngunit wala sa isipan ko ang sinasabi niya, kun ’di sa isang pintuan na nasa loob ng kanyang closet. Na-curios ako at dahan-dahang lumapit dito.
“Steven, para saan itong pintuan?”
Agad lumapit sa akin si Steven at bahagya akong hinila palayo sa pintuan na ’yon. Pakiwari ko may tinatago sila ro’n o kaya ang kanyang boss.
“Huwag na huwag mong tatangkain buksan ang pintuan na ’yan. Tiyak malalagot ka kay Boss Bryan.”
Umiling ako sa kanya ng pagsang-ayon. “Tatandaan ko lahat-lahat nang sinabi mo. Salamat!”
“Tara baba na tayo.”
“Sige.”
Nauunang bumababa sa hagdanan si Steven. Habang ako iniisip ko ang aking pag-aaral. Paano na kaya ’to, papayag kaya si Sir Bryan na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Simula nang iuwi niya kami rito, hindi ko na nakakausap si Kuya Jake. Malapit na exam namin kailangan ko ring mag-aral mabuti. Para next year graduate na ako.
Iniisip ko rin talaga ’yong work ko. Magsisimula na ako pero hindi mawala ang kaba sa puso ko at natatakot sa tuwing titingnan niya ako ng masama, sa amin ni Steven. Feeling ko anomang oras may gagawin siyang masama sa akin, huwag naman sana gusto ko pang mabuhay.
Nasa baba na ako nang biglang tumunog aking cellphone. Nang tingnan ko ito, text mula kay Nathalie ang naka-appear sa screen nito. Kaya dali-dali kong tinungo ang aming kuwarto at doon sinagot ang aking bestfriend.