Kate’s POV
Nathalie:
“Sino ’yong lalaki na dumukot sa ’yo kanina? Okay ka lang ba. Kailangan mo ng tulong? Tatawagan ko si Kuya Dalle,” text ni Nathalie sa akin.
Agad akong nagtipa ng sagot sa kanyang mensahe.
Ako:
“Hindi ako dinukot. Kaibigan ’yon ni Kuya Jake. Huwag kang mag-alala, okay lang ako,” sagot ko.
Ibinaba ko sa kama ang aking cellphone. Saka tumayo ako at kinuha ang aking bag. Maya-maya lang tumunog muli ang aking cellphone.
Nathalie:
“Eh, bakit galit na galit sa ’yo? Parang gusto kang saktan?”
Ako:
“Hindi naman. Sige na ikukuwento ko na lang sa ’yo sa Lunes ang totoo.”
Nathalie:
“Sige, mag-ingat ka. Pero ang guwapo niya bad boy looks. ’Yon ang mga type ko, parang idol ni kuya si Robin Padilla.”
Napangiti ako sa mensahe nang aking kaibigan. Ngayon ko lang naman ’yon pala ang mga tipo niya sa isang lalaki. Maginoo na medyo bastos.
Ako:
“’Di kung gusto mo sa ’yo na lang. Hindi ko siya type.”
Nathalie:
“Talaga lang ha. Pakilala mo ako sa kanya, best.”
Ako:
“Okay walang problema. Sasabihin ko sa kanya, crush mo siya. Ha ha ha.”
Nathalie:
“Siraulo, d’yan ka na nga. See you in Monday.”
Ako:
“See you in Monday, best.”
Itinabi ko ang aking cellphone sa ilalim ng unan at saka lumabas ng aming kuwarto. Pupuntahan ko sana si Nanay Melba sa washing area. Nang makarinig ako ng mga mahihinang boses na nag-uusap sa sala. Dala nang kuryusidad, dahan-dahan akong lumapit sa dinning area at malayang nakalabas ng hindi namamalayan ng dalawang tao sa sala. Agad kong ikinubli ang aking katawan sa isang halaman na artificial doon. Hindi ako tsimosa at lalong ’di ko ugali ang makinig sa usapan nang may usapan. Ngunit kung may ano’ng puwersa ang nagtulak sa ’kin na pakinggan sila. Si Sir Bryan at Steven.
“’Diba sabi ko turuan mo!” Narinig ko mula kay Sir Bryan. Sa boses nito mukhang galit kay Steven.
“Oo nga, boss. Lahat ng sinabi n’yo itinuro ko kay Kate. Puwede at hindi niya puwedeng gawin sa kuwarto ninyo,” boses ni Steven. Tila nakukulitan ito sa kanyang boss.
“Bakit ang tagal ninyo?”
“Siyempre boss. Ipinaliwanag ko pa sa kanya ’yong ayaw at gusto ninyo.”
“Ano’ng sabi niya?”
Narinig kong tanong niya kay Steven. Bakit parang naging intresado siya malaman ang tungkol sa ’kin?
“Wala naman, boss. Sabi niya sana magustuhan mo.”
“Gustong-gusto ko talaga siya.”
Nagulat ako sa kanyang sagot. Parang siguradong-sigurado siya sa kanyang nararamdaman.
“Hindi boss. Sana raw magustuhan mo ’yong trabaho niya,“ nakangiting sagot ni Steven. Tila inaasar ang kanyang boss.
“f**k! f**k,” mura niya. Sabay tayo sa kinauupuan niya. Aalis na sana ako sa aking pinagtataguan Nang bigla siyang humarap sa halaman.
Siniksik ko maigi ang aking katawan sa halaman. Para ’di ako makita ni Sir Bryan. Baka kung ano’ng isipin niya. Nagpasalamat ako at bigla rin siya humarap kay Steven. Dahan-dahan akong umalis sa sala ng hindi namamalayan ng dalawa.
KINABUKASAN, tinanghali ako ng gising. Parang napasarap ang tulog ko, kasi magkatabi kami ni ’nay Melba sa kama. Hindi tulad sa dati naming bahay, sa baba natutulog si Nanay Melba.
“Anak, nagawa mo na ba ’yong trabaho mo?” tanong sa akin ni Inay Melba.
“Hindi pa po. Kagigising ko lang, napasarap po ang tulog ko,” sagot ko.
“Aba, bumangon ka na. Alam mo naman ang ugali ng sir, natin. Baka pagalitan ka.” Kinuha ni Nanay Melba ang comforter sa katawan ko at mabilis tinupi.
“Oo nga po pala.” Mabilis akong bumaba sa kama at dumeritso ng banyo. Bakit nawala sa isipan ko, na ngayon ang simula ng aking trabaho? Sana man lang hindi ko makita ang mala-leon niyang mukha.
“Kumain ka muna. Nandoon sa kusina ang pagkain,” sabi ni Inay Melba, nauna itong lumabas sa aming kuwarto. Nag-toothbrush lang ako at naghilamos at mabilisang nagpalit ng damit. At agad na lumabas.
Habang nagtitimpla ako nang aking kape. Sinulyapan ko ang orasan sa itaas ng refrigator. Ten minutes na lang alas otso na, napailing na lang ako. Dapat sanayin ko na talaga ang sarili ko na maaga magising simula bukas. Pagkatapos kong magtimpla ng kape, pumihit ako paharap sa lamesa, kung saan naroon ang pagkain ko. Muntik pa akong mapatili nang bumungad sa aking harapan ang madilim at nanggigil na mukha ni Sir Bryan. Mabuti at hindi ko nabitawan ang tasa ng kape.
“Kagigising mo lang?” madiin nitong tanong sa akin. Titig na titig pa siya sa aking mukha. Na parang may mali ba ro’n.
“Opo. Sorry po na-late ako ng gising. Hindi na po mauulit, promise,” sagot ko sa kanya. Tinikom ko agad ang aking bibig. Kasi nakatitig siya roon at pakiramdam ko hahalikan niya ako.
“Alam mo ba lahat ng mga tauhan ko rito. Maaga gumigising para magtrabaho. Kahit ako maaga nagigising. Daig mo pa ang may-ari nang bahay, ah?” galit niyang sabi sa akin. Itinungo ko ang aking ulo, hindi dahil natatakot ako sa kanya. Kun ’di sa kahihiyan.
“Pasensya na po, ’di na mauulit. Bukas aagahan ko na ang gising.”
Nagulat ako nang bigla niyang iniangat ng kanyang daliri ang aking baba. Tinitigan niya ulit ang aking labi. Titig na may pagnanasa.
“Dapat sa iyo pinaparusahan, para magtanda.” Napasinghap ako nang lumapat ang kanyang labi sa aking labi.
Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya ’yon. Parusa ba niya ’yon sa ’kin? Ang halikan ako. Mabuti at hindi ko nabitiwan ang kapeng hawak ko.
“Siguro ngayon magtatanda ka na. Sa susunod ’di lang ’yan ang parusa mo sa ’kin,” may ngisi sa labi niyang sabi. Tumalikod ito at tinungo ang pintuan ng kitchen area. Muli itong lumingon sa ’kin. “Close your mouth or else I will kiss you again.”
Mabilis kong itinikom ang aking bibig. Humakbang akong papuntang lamesa at inilapag ang kape. Umupo ako sa bangko at iniisip ang nangyari kanina. First kiss ko ’yon. Bakit niya kinuha? Sabay haplos ko sa aking labi.
“Kate, ayos ka lang?” tanong ni Kuya Jake. Hindi ko namalayan ang pagdating niya sa kitchen.
First kiss ko yon. Bakit niya ninakaw? Sigaw muli ng aking isipan.
“Kate!” tawag ulit ni Kuya Jake.
“Kuya Jake. Kanina ka pa riyan?”
“Oo kanina pa. May problema ka ba. Tulala ka, eh?”
“Wala, kuya. Okay lang ako.”
Mabilis akong kumain. Habang si kuya, lumabas na ng kitchen at dumiretso nang dinning area. Pagkatapos no’n pumunta ako ng washing area katabi lang nitong kitchen upang kumuha ng mga gamit sa paglilinis.
Bitbit ko ang walis at timba na may laman panglinis ng banyo. Pagdaan ko sa dinning area, busy-ing-busy ang mga lalaki sa pagkain. Sa pangunguna ng kanilang boss.
“Kumain ka muna,” anyaya ni Steven. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang timba.
“Huwag na nakakahiyang kumain. Kapag ’di pa nakapagtrabaho,” sagot ko sa kanya. Parinig ko sa boss nila. Pero ang totoo nakakain na ako.
“Halika na. Hindi makapagtrabaho ng maayos kung gutom ka.” Ramdam ko ang concern ni Steven.
“Ayaw ko. Busog pa ako.” Sabay hila ko sa timba.
“Steven!” sigaw ng kanyang boss.
Agad lumakad si Steven pabalik sa lamesa.
“Sa susunod huwag na huwag kang mamimilit ng mga taong ayaw kumain!” Malakas niyang sabi pilit na ipinaparinig sa akin.
Mabilis akong umalis sa dinning area at umakyat sa kuwarto ni Sir Bryan. Parang gusto kong umiyak nang datnan ko na magulo at nagkalat ang mga damit na pinaghubaran niya. Bakit sobrang kalat ng kuwarto nya at daig pa may bagyong dumaan? Saad ko sa aking sarili. Matiyaga kong pinulot at inayos ang mga unan at comforter sa kanyang kama. Tapos no’n kinuha ko ang mga damit niya at inilagay sa basket. Nasamyo ko ang pabango niyang gamit. Hindi masakit sa ilong, nakakahalina amoyin. Maya-maya sinunod ko ang kanyang banyo. Infeerness ang linis, talagang nakasalansan ng maayos ang mga personal niyang gamit sa isang istante saka mabango. Dahil wala naman akong nakitang dumi o basa man lang. Isinarado ko na ’yon at tinungo ang kanyang closet. Isang jeans na kulay asul na malambot at plain t-ahirt na black ang napili ko. Siyempre hindi ko kinalimutan ang kanyang boxer short. Saka ipinatong sa taas ng kanyang kama.
“Hay salamat, natapos din ...” bulong ko sa aking sarili. Muli kong sinulyapan ang kuwarto ni Sir Bryan. Nang masiguradong ayos na ang lahat, lumabas na ako. At tinungo ang hagdanan. Iniwan ko muna sa labas ng kanyang kuwarto ang basket na may lamang damit.
“Anak, tapos ka na? Kumain ka muna,” sabi ni Inay Melba sa akin. Nasa pintuan siya ng kitchen area.
“Opo. Mamaya na lang po kakain. Babalikan ko lang po ang basket sa itaas.”
“Mamaya na ’yon. Halika na!”
Mabilis akong sumunod kay Nanay Melba. Ang totoo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Tiniis ko muna ’yon at umakyat sa itaas.
Bryan’s POV
Paakyat na sana ako sa aking kuwarto. Nang masalubong ko si Kate sa hagdanan. Bitbit niya ang basket na may lamang damit ko. Lumampas lang siya sa akin na para bang isa akong hangin o kaya may nakakahawang sakit. Sa inis ko hinablot ko ang basket at saka itinapon ang laman.
Nagulat siya sa ginawa ko. Pero wala akong narinig na reklamo sa kanya.Tahimik niyang pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa hagdanan. Nakita ko pa tutulungan sana siya ni Steven.
“Sabihin mo kay Jake, ihanda ang sasakyan aalis tayo!” padabog kong utos kay Steven.
“Copy, boss.” Sabay alis ni Steven.
Tuluyan na akong umakyat sa aking kuwarto. Naisip ko mabuti ngang makita niya ng maaga ang ugali ko. Kung paano ako magalit, kapag binabalewala at hindi na nagugustuhan ang ginagawa ko.
Pagpasok ko sa aking kwarto nagulat ako malinis na talagang sinadya ko ikalat ang mga gamit ko para pahirapan siya. Paano niya nakayanan gawin lahat ng ’yon. Kahit nga minsan si Steven nagrereklamo kapag inaabot ako nang aking topak. Pero itong si Kate hindi man lang nagreklamo. Bagkus inaayos pa niya ng mabuti ang kanyang trabaho. Maging ang banyo malinis din at mabango. Nakakaingganyong gamitin.
*****
Samantala sa baba nang mansion. Parang gusto ng bumigay ang katawan ni Kate dahil sa gutom at pagod.
“Anak, kumain ka na!” Muling anyaya ni Aling Melba sa alaga.
“Opo. Dadalhin ko po muna ito sa washing area.”
Habang papunta si Kate sa washing area. Iniisip niya ang kanyang amo. Bakit gano’n ito sa kanya? Minsan mabait, minsan naman naiinis sa kanya at matapang. Gusto ba nitong pahirapan siya? Sa bagay wala naman siyang magagawa kun ’di sundin ito. Dahil katulong lamang siya roon, walang karapatang magreklamo. Mabilis niyang inilapag ang basket saka bumalik sa kitchen area.
“Kumain ka na. Ipinaghanda na kita ng pagkain mo.”
“Salamat po.” Naghugas muna siya ng kamay saka umupo sa bangko at nagsimulang kumain.
Dahil nakatalikod si Kate sa pintuan ng kitchen. Hindi niya naramdaman ang pagsilip ni Bryan roon. Kitang-kita pa nito ang sunod-sunod na subo ng dalaga.
“Dahan-dahan wala kang kaagaw ...” bulong niya sa punong-tainga ni Kate. Na halos ikatayo ng balahibo nito sa katawan.
Hindi nakakibo si Kate kasi puno ng pagkain ang kanyang bibig. Napayuko na lamang siya at nilunok ang pagkain. Ngunit laking gulat niya nang makita si Sir Bryan na ngayon nasa kanyang harapan na.
“Ganyan ka ba talaga kapag ako ang kaharap mo. Daig mo pa ang pipi.”
Lumunok si Kate sabay inom ng tubig. “’Diba nga po bawal magsalita kapag puno ang bibig at bawal din po makipag usap ang isang katulong sa amo niya. Kapag wala namang kailangan,” matapang niyang sagot.
Nakita ni Kate ang pagkagulat ni Sir Bryan. Para bang hindi makapaniwala sa sagot niya.
“Good, masunuring bata,” sabi na lang nito sa dalaga. Sabay tayo nito at tinungo ang pintuan. Narinig pa ni Kate ang malutong nitong mura at pagsipa sa bangkong nakaharang sa daan.
Hindi na ’yon pinansin ni Kate. Tuloy lang siya sa kanyang pagkain. Pagkatapos no’n naligo siya at inumpisahang labhan ang mga damit ng amo.
BRYAN
PAPUNTA, kami ngayong tatlo sa aking source dahil nag-text kagabi na may balita na siya kay Virginia.
“Boss, saan tayo?” tanong ni Jake.
“Sa Laguna tayo. Magkikita kami ni Roger, may alam na raw sila kung nasaan si Virginia,” sagot ko. Lalo akong na-excite na makita siya.
“Sige, boss.”
Habang sa biyahe kami tinitingnan ko si Jake nakikita ko sa mukha niya ang galit. May galit ba ito sa Mama nila?
Itinuro ni Steven kay Jake ang papunta sa aming safehouse sa Laguna. Mabilis naman kaming nakarating ro’n. Dahil sa sanay na sanay itong mag-drive. Nalulusutan niya ang malalaking truck sa highway.
“Boss!” bati sa ’kin ni Roger. Pagkarating namin roon.
“Ano’ng balita?” tanong ko kay Roger. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
“Boss, ang report sa ’kin ng aking tauhan. Sa Bulacan nila nakita ang mag-ina,” sagot nito.
Ngumiti ako, parang nakikita ko na ang aking tagumpay.
“Magaling. Sabihin mo bantayan nang maigi, pagplanuhan natin ang pagkuha sa kanila. Baka maunahan pa tayo ni Franco.”
“Copy, boss.”
Inabutan ko rin sila ng pera para sipagin magtrabaho. Hindi nagtagal umalis na rin kaming tatlo. Sa bilis ni Jake magpatakbo ng sasakyan nakauwi agad kami nang Alabang.
“Boss tumawag pala si Ms.Renalyn, naroon na raw ’yong dalawang katulong na pinakuha ninyo,” si Michael isa sa mga tauhan ko.
“Gano’n ba. Sige sunduin n’yo ni Joel,” utos ko.
“Copy, boss.”
Pagpasok ko sa loob ng bahay. Katahimikan ang sumalubong sa ’kin. Napabuntong-hininga ako, kailangan ko na ’ata mag-asawa para sumaya itong mansyon ko. Nilingon ko si Steven sa aking likod kausap si Jake.
“Steven, sabihan mo mamaya sa kanila may sasabihin ako. Sa dinning area tayo.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Steven. Agad kong tinungo ang hagdanan at pumanhik sa aking kuwarto. Ngunit ’di ko magawang magpahinga ng maayos, parang may bumabagabag sa aking isipan. Bumaba ako at tinungo ang mini-bar.
KATE
HINDI, ko namalayan ang oras. Pagtingin ko sa aking relos alas sais na ng gabi. Dahil sa pagod nakatulog ako. Ang sakit ng boung katawan ko, ’di agad ako bumangon nag-inat pa ako. Maya-maya lang at narinig ko ang boses ni Inay Melba.
“Anak, halika na may sasabihin si Sir Bryan, sa ’tin,” yaya ni Inay Melba.
“Sige po susunod na ako. Iinom lang ako ng tubig.” Tinungo ko ang fridge at kinuha ang pitsel. Nagsalin ako sa baso at ininom ’yon.
Sumunod na ako kay Nanay Melba naabutan ko silang lahat sa dinning area nakatayo. Maliban kay Inay Melba at Sir Bryan na nakaupo. Tumabi ako kay Steven na nakatayo sa bandang likod ni Jerry.
“Ano’ng meron?” tanong ko kay Steven.
“May sasabihin si boss,” sagot niya. Na nakangiti sa ’kin.
Pagtingin ko sa harap nakatingin din pala si Sir Bryan sa aming puwesto. Ang sama sama ng tingin niya. Kung apoy lang ang mga tingin niya, kanina pa kami natusta ni Steven.
“Steven!” mariin niyang tawag.
Tiningnan ko si Steven. Cool lang ito sa tabi ko, habang nakapamulsa.
“Jelous man,” mahina niyang sabi. Ngunit rinig ng dalawa kong tainga. Lumapit ito kay Sir Bryan.
“Boss!”
“Simulan mo na.”
“Boss, akala ko.”
Tumayo si Sir Bryan at naglakad papunta sa kinaroroonan ko, siya ang pumalit sa puwesto ni Steven. Bahagya akong umataras, kaya natakpan niya ako.