Franco
“Boss, nakita na namin ’yong pinapahanap mo.”
“Talaga sige punta ako riyan.”
Sakay ako ng aking sasakyan papuntang lugar kung saan nila natagpuan si Virginia. Akala ni Bryan siya lang ang naghahanap kay Virginia palihim ko rin siyang pinahanap sa aking mga tauhan.
Ito na ’yong hinihintay kong pagkakataon na lalo ako magustuhan ni Pinuno. Sayang naman ang aking paghihirap kong hindi mapasa akin ang pagiging pinuno kahit nakaharang pa sa daraanan ko mga anak niya, kaya ko silang banggain sa ngalan ng kapangyarihan at pagiging isang pinuno.
Pagkarating ko ro’n agad naming pinuntahan ang bahay ni Virginia. Bawat daraanan namin bigla na lang nawawala ang mga tao sa takot din siguro sila, dahil may dala kaming baril.
“Boss, iyan ang bahay.” Turo sa akin ng isa kong tauhan sa bahay na ’di kalakihan. Yari ’yon sa hallowblock, kahoy at yero.
“Tara palibutan natin!” utos ko sa aking mga tauhan. Agad akong nanguna sa paglapit sa bahay ni Virginia.
Sinipa nang isa kong tauhan ang pintuan sa harap at agad ’yon bumukas. Nagulat pa ang lalaki sa loob ng bahay.
“Sino kayo?” tanong nito sa ’min. Ni hindi man lang nababakasan ng takot ang mukha nito. Napansin ko rin na pasimple niyang inayos ang pagkakatayo, tila anomang oras lalaban ito.
“Nasaan si Virginia?” mariin kong tanong sa kanya at tuluyang pumasok sa loob nang bahay.
“Bakit, ano’ng kailangan ninyo sa kanya?" palaban niyang tanong sa ’kin.
“Huwag ka ng magtanong. Sige hulughugin ninyo ang boung bahay!” utos ko sa aking mga tauhan. Saka tinungo ko ang upuang kahoy at printeng naupo ro’n. At sinimulan na ng aking mga tauhan ang paghanap kay Virginia sa loob ng kanilang bahay.
“Boss, wala rito!” sigaw ng tauhan ko. Mula sa nag-iisang kuwarto roon.
“Boss, wala rin dito!” Mula naman sa likod ng bahay nila.
Agad nagsibalik ang aking mga tauhan sa sala. Tahimik akong tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng lalaki.
“Sige bitbitin yan!” mariin kong utos. Ngunit nagulat nang makitang umayos sa pagkakatayo ang lalaki at handang makipagsuntukan sa aking mga tauhan.
“Hinding-hindi n’yo ako makukuha. Kayang-kaya ko kayong labanan!” matapang nitong sigaw. Saka ipinorma ang dalawang kamao sa aking mga tauhan. Wala man lang akong nakitang takot sa kanyang mukha.
“Sige manonood ako.” Muli akong bumalik sa pagkakaupo sa bangko.
Maya-maya lang, pakiramdam ko para akong nanonood ng isang pelikula movie. Kagandahan dito live na live kong napapanood, ang bakbakan ng aking mga tauhan at nang lalaki. Hindi ako nagkakamali pangalawang anak ito ni Virginia.
Joseph
Akala nila sa akin mahina kahit sumabay pa silang lahat. Kayang-kaya ko silang labanan. Nakipagpustahan pa nga ako nang suntukan, sa may kanto. Palihim na rin akong lumaban sa tinatawag nilang underground fighting. Napilitan akong lumaban no’n, dahil may sakit si Mama. Hindi ko nga alam kong legal o illegal ’yon, basta natatandaan ko lang may harang na wire ang loob ng ring at kami lang dalawa ang tao sa loob ng cage. Kapag minalas-malas ka, kun ’di baldado ang katawan mo, basag-basag naman ang mukha mo.
Ilang sandali pa. Sipa, tadyak at suntok ang ibinigay ko sa mga lalaki. Kahit nakaramdam ako ng takot dahil sa hawak nilang baril. Nilakasan ko na lamang ang aking loob at nakipagsabayan sa laban. Ayaw ko pang mamatay, marami pa akong pangarap sa buhay. Kaya gagawin ko ang lahat upang makawala sa mga hinayupak na ito.
“Yaaa!” sigaw ko. Sabay nagpakawala ako ng isang flying kick sa pinakahuling lalaki. Sapol ito sa tiyan na ikinasadsad niya sa tabi ng amo.
Dali-daling tumayo ang lalaki at lumapit sa kanilang amo. At parang may sinabi siya rito.
“Boss, ang lakas niya.” Narinig kong sabi nang lalaki.
Tumingin sa gawi ko ang lalaki at binigyan ako ng nakakalokong tawa saka bumulong sa kanyang tauhan.
Maya-maya lang, pinalibutan ako apat. Dalawa sa harap at dalawa rin sa aking likod. Hindi ko napaghandaan ang pag atake nila sa akin sa likod ko. Kasi mas inuna ko yong sa nasa harapan ko. Segundo lang ang lumipas, naramdaman ko na pang may isang bagay silang pinukpok sa aking likod. Baril ’ata iyon, kasabay no’n nawalan ako nang malay tao.
“Tara na masyado na tayong matagal sa lugar na ito!”
SAMANTALA, hindi mapakali si Virginia sa kanyang kinaroroonan. Kanina pa parang kinakabahan siya na hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Umalis kasi siya saglit sa tinitirhan nila ng anak na si Joseph. Upang tingnan ang dalawang anak na naiwan niya sa Cavite.
Nang alam niya na okay naman ang kalagayan ng dalawang anak niya, nagmadali siyang umuwi. Pagdating niya sa bahay nila nagtaka siya kung bakit sira-sira ang gamit nila. Mabilis siyang pumasok at hinanap ang anak niyang si Joseph. Nang hindi niya ito makita, mabilis siyang lumabas ng kanilang bahay.
“Paz, nakita mo ba si Joseph?" tanong niya sa kanilang kapitbahay.
“Hindi eh. Baka nasa tropa niya,” sagot ng kapitbahay nila. Halata sa boses nito ang takot.
Mabilis pinuntahan ni Aling Virginia ang bahay nang kaibigan ng kanyang anak sa lugar na ’yon. Ngunit bigo rin siya, dahil hindi pumunta si Joseph roon. Malungkot siyang bumalik sa kanilang bahay.
“Aling Virginia! Aling Virginia!”
Agad siyang lumingon upang tingnan kung sino’ng tumatawag sa kanya. Nang makita niyang isa sa naging kaibigan nang anak niya ang tumatawag. Nagkaroon siya ng pag-asa na makita si Joseph.
“Makoy, ano’ng nangyari? Bakit, tila parang may humahabol sa iyo?” nag-alala at sunod-sunod niyang tanong rito. Kita pa niya ang paghabol ng hininga nito.
“S-Si Joseph, po dinukot ng mga armadong lalaki kanina,” pahayag ni Makoy. Bahagya pa itong tumigil at at muling hinabol ang hininga.
Takot ang nadarama ni Aling Virginia para sa anak.
“Ano? Papaano nangyari ’yon, wala bang tumulong sa kanya?” tanong ni Aling Virginia.
“Takot na takot po ang mga tao. Marami po sila at mga armado pa,” Maging si Makoy nababakas ang takot sa mukha nito.
Hindi alam ni Aling Virginia ang gagawin. Iniisip niya na baka natuntun na sila ni Francisco, ang pinuno ng isang organization na pinagkakautangan niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng anak. Paano na lamang kung gawing masama ang anak niya? Paano kung ibenta ang anak niya sa underground fighting? Na isa sa negosyo ng organization na ’yon. Mga tanong na bumabagabag sa isipan ng Ginang. Kung bakit naman kasi tinanggap niya noon ang alok ng kaibigan na mangutang sa organization. Tuloy ngayon hindi niya alam ang gagawin. Halos napabayaan na rin niya ang dalawang anak, dahil sa pagtatago sa utang. Kung marami lang sana siyang pera, hindi na siya mamomomorblema ng ganito.
“Aling Virginia, huwag kayo mag-alala hihingi ako ng tulong sa tropa. Para hanapin si Joseph,” pampalakas loob na sabi ni Makoy rito. Saka magaang hinaplos sa balikat ang Ginang.
“Salamat, Makoy. Sana makita agad si Joseph, nag-alala ako sa kanya,” malungkot nitong turan.
“Huwag kayong mag-alala, kayang-kaya ni Joseph, ipagtanggol ang kanyang sarili. Sanay po ’yon makipaglaban.”
“Pero may mga baril sila. Wala siyang laban do’n.”
“Oo nga po, eh. Pero may awa po ang Diyos, hindi niya pababayaan si Joseph,” tugon ni Makoy rito. Inakay niya ang Ginang papunta sa kanilang bahay. “Magpahinga na po kayo, kagagaling n’yo lang sa sakit.”
Matapos magpaalam si Makoy. Nilinis ni Aling Virginia ang kanilang bahay. Ngunit habang naglilinis, hindi siya mapakali. Kaya taimtim siyang nagdasal sa Diyos.
Franco
Hindi ko talaga inasahan kanina, ang ipinakitang kahusayan nang lalaki sa pakikibaglaban. Ang galing niyang makipagsuntukan, parang sanay na sanay siya sa basag ulo.
“Boss, gising na ang lalaki!” Narinig kong inporma sa ’kin, nang isa kong tauhan. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto at nagpapahinga.
“Sige susunod na ako,” sagot ko sa aking tauhan. Dito ko dinala sa aking bahay ang lalaki. Tumayo ako at tinungo ang pintuan. Pagkababa ko ng hagdanan nasalubong ko si Stella, ang aking kababata. Sabay kaming lumaki at nangarap na yumaman balang araw. Nang ako’y magkaroon ng sapat na hanapbuhay at naging kanang kamay ng pinuno nang isang organization. Kinuha ko siya sa Tondo, pinag-aral, tinulungan at binihisan. Hindi ko alam kung pag-ibig ang nadarama ko sa kanya. Ngunit sa tuwing may mga lalaking lumalapit at inihahatid siya sa bahay, nagseselos ako.
“Ano’ng nangyari sa mukha mo, parang hindi maipinta, ah?” tanong ko kay Stella.
“Tse, hindi tayo bati. May kasalanan ka pa sa akin,” sabay irap ni Stella. At nagtuloy-tuloy paakyat ng hagdanan.
“Ano’ng kasalanan ko? Wala akong natatandaan na may ginawa akong kasalanan sa iyo?” mahinahon kong pahayag kay Stella. Huminto ito sa pangalawang baitang nang hagdanan at hinarap ako.
“Hindi mo talaga naaalala o sadyang kinalimutan mo na,” sabi sa akin Stella at para ng naiiyak na ito sa tono ng kanyang pananalita.
“Wala akong ganang mag-isip, Stella, puwede ba sabihin mo na. Ang ayaw ko sa lahat ’yong pinag-iisip pa ako ng mga walang kuwentang bagay,” masungit kong sabi sa kanya. Sabay talikod at tuluyan akong lumabas ng bahay. Para puntahan ang pinaglagyan namin sa lalaki.
“Boss!” bati sa akin nang aking mga tauhan. Lumapit ako sa lalaki at naupo sa bangko, kaharap nito.
“Ano’ng pangalan mo?”
“Joseph.”
“Saan mo natutunan ang pakikipaglaban?”
“Bakit mo tinatanong intresado ka ba?”
“Alam mo bata, pwede nating pakinabangan ’yang tapang mo.”
“Ayaw ko. Mahal ko ang aking buhay.”
Umigting ang panga ko sa gigil. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang kinokontra ako sa aking gusto.
“Kung patayin ko na lang kaya ang Mama, mo!”
Nakita ko ang pagkuyom niya ng kanyang kamay. Mabuti na lang at nakatali ito, kun ’di lumipad na ang kamao nito sa aking mukha.
“Huwag mong idamay ang Mama, ko rito!”
Ngumisi ako. Iyon naman pala ang kanyang kahinaan si Virginia.
“Alam mo ba kaya namin hinahanap si Virginia. Kasi may malaki siyang pagkakautang sa aming organization. Kapag nakipagtulungan ka sa ’kin, maililigtas mo ang ’yong Mama, sa kapahamakan. Sampong milyon ang nakapatong sa ulo ng Mama mo, patay man o buhay.” pahayag ko sa anak ni Virginia. Sinamantala ko ang pananahimik ni Joseph, tinuloy-tuloy ko na ang pagpapaliwanag sa kanya.
“Kung papayag ka, gagawin kitang figther ko, sa underground fighting nang organization. Mabubuhay ang Mama mo at ikaw. Pero kung hindi pasensyahan na lang tayo, ibibigay ko ang Mama, mo sa Blackstar Society Organization,” pananakot ko sa anak ni Virginia. Pero hindi ko man lang nakitaan ng takot ang mukha. Bagkus sinalubong pa niya ng masamang tingin ang aking mga mata.
“Paano ako makakasiguradong ligtas ang aking, Mama?”
“May isang salita ako. Hanggat nandito ka sa poder ko, walang mangyayari masama sa iyong, Mama,” nakangiti kong sabi kay Joseph. Madali naman pala paamuin ang isang mabagsik na leon.
“Sige payag ako. Pero sa isang kundisyon, kung saan ang Mama, ko naroon din ako. Ayaw ko siyang iwan sa mga taong katulad mo,” paliwanag sa akin ni Joseph sa kanyang kondisyon.
“Sige deal. Ililipat ko kayo nang tirahan ng ’yong, Mama.”
“Deal.”
Joseph
Hindi ko alam kung ito talaga ang gusto ko gawin. Para kay Mama, gagawin ko ang lahat nang makakaya ko upang masiguro lamang ang kaligtasan niya. Wala na ang Papa, hindi ako papayag na pati si Mama, mawala sa ’min. Umaasa ako isang araw magkikita pa rin kami magkakapatid.
Pinahatid ako ni Franco sa kanyang mga tauhan sa aming tinitirhan. Nadatnan kong tulog si Mama sa sala. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pag-alala sa ’kin. Hahalikan ko sana siya sa noo, nang bigla siyang nagising. Dali-dali itong bumangon at niyakap ako.
“Anak, ano’ng nangyari sa ’yo? Sino ’yong mga dumukot sa ’yo? Sinaktan ka ba nila?” sunod-sunod na tanong ni Mama sa ’kin, matapos niya akong yakapin.
Ngumiti ako kay Mama at magaang hinaplos ang kanyang pisngi. Sana tama ang naging desisyon ko, para sa ’min ni Mama. “Wala pong masamang nangyari sa akin mama. Huwag n’yo na pong alalahanin ang nangyari sa ’kin. Sa ngayon ligtas tayo at malaya nating magagawa ang gusto natin.”