BRYAN
NAKITA kong tumabi si Kate kay Steven. Kaya tinawag ko si Steven para siya ang pagsalitain ko sa meeting namin.
Naguguluhan man si Steven sinunod pa rin niya ang utos ko. Nakatayo ako ngayon sa tabi ni Michael tinakpan ko si Kate. Naiinis ako nakita ko kasi ang suot niya. Talaga bang sinasadya niya na ganoon ang isuot na damit o sadyang hindi siya takot sa ’kin.
Umatras ako para magkatabi kami ni Kate sa likod ni Michael.
“Hindi ka ba natatakot sa ’kin o sadyang matigas lang ’yang ulo mo?” mariin at mahina kong tanong sa kanya.
“Bakit po? Ano po ba ang masama sa damit ko?” matapang niyang tanong sa ’kin.
Umigting ang panga ko sa kanyang tanong. Hindi ba niya nakikita na nandito lahat ng tauhan ko. Paano kung mabastos siya ng mga ito? God, makakapatay ako ng wala sa oras kapag nangyari ’yon.
“Tingnan mo ’yang suot mo? Hindi ka nababahala sa mga tauhan ko?” nang-gigigil na sabi ko sa kanya. Pero ang paningin ko ay kay Steven na nagpapaliwanag.
“Bakit, bawal po ba ang ganitong kasuotan dito sa inyong palasyo?”
“Magpapalit ka ng damit. Or else I will change your clothes? Mamili ka?”
Sabay tingin ko sa kanya ng masama. Hindi na siya nagsalita at mabilis akong tinalikuran. Akala ko magbibihis siya ’yon pala nag-iba lang ng puwesto, tumabi ito sa kanyang Kuya Jake. Sa inis ko umalis ako sa meeting, bumalik ako sa aking mini-bar. Iniisip ko kung bakit hindi siya takot sa ’kin.
“Damn it!” napamura na lang ako dahil sa nangyari.
KATE
“KUYA, sino po sila?” sabay nguso ko sa dalawang babae.
“Makakasama ninyo dito sa bahay,” sagot niya sa ’kin. “Mamaya baka ipakilala ni Steven.”
Isang ngiti ang pinakawalan ko kay kuya. Saka nakinig na lamang ako sa meeting.
“Tradisyon na kay Boss Bryan, ang pagkain ng sabay-sabay. Ngunit ang araw ng linggo ang espesyal dahil ang lahat ay tulong-tulong sa paghahanda ng pagkain. Bukas aasahan ni boss ang pagtulong,” seryoso nitong pahayag. Tila nanggaling sa hari ang kautusan.
“Maaasahan ni boss, ang tulong namin,” sagot ni Kuya Michael. Nakapamulsa ito habang ’di inaalisan ng tingin ang isang babae.
Ngumiti si Steven rito. At ibinaling ang paningin kay Inay Melba na nasa harapan namin ni kuya. Nakaupo sa bangko kaharap ang mahabang lamesa.
“Siyanga po pala, Inay Melba. Si Britney at Christina, makakasama ninyo dito sa bahay,” pakilala ni Steven sa dalawang babae.
Tumayo si Inay Melba at nilapitan ang dalawa. Masaya itong nakipagkamay rito at saka ibinaling sa ’kin ang kanyang paningin.
“Kate, samahan mo sila sa kuwarto natin,” masuyong utos ni Inay Melba. Agad akong tumalima at lumapit sa kanila.
“Sige po.Tara!” yaya ko sa kanilang dalawa.
Dinala ko sila sa kuwarto namin. Binuksan ko ito at pinatuloy sila.
“Ako pala si Kate.” Pakilala ko sa kanila.
Sabay ngumiti sa ’kin ang dalawa at saka naglahad nang kamay isa nitong kasama.
“Ako nga pala si Britney at siya naman si Christina, magpinsan kami. Siguro magkasing-edad lang tayo, bente uno kami. Ikaw?” tanong ni Britney sa ’kin. Mukhang madaldal ito, kabaliktaran sa pinsan niya ang tahimik.
Ngumiti ako saka magaang tinanggap ang kamay nila.
“Pareho lang pala tayo. Mag-twe-twenty-one, na rin ako sa December.” sagot ko.
Itinuro ko ang isa pang kuwarto, katabi nang sa ’min ni Inay Melba. Bali napapagitnaan namin ang banyo.
“Bakit ang daming lalaki dito? Mababait pa sila? Ang guwapo ni Sir Bryan, saka ’yong nagsasalita kanina. Steven, ba ang pangalan no’n? Pati ’yong katabi mo kanina, ang pogi,” pahayag ni Britney. Tila kilig na kilig sa mga tauhan ni Sir Bryan.
“Ah, kuya ko ’yong katabi ko. Si Kuya Jake."
“Ano ba sila dito?” tanong ni Christina.
“Mga tauhan sila ni Sir Bryan.”
Biglang nag-iba ang mukha ni Britney. “Bakit, Mafia ba si Sir Bryan? O kay may mga illegal na negosyo. May mga goons ...?”
Nagkibit-balikat lang ako sa tinuran ni Britney. Maging ako hindi ko rin alam ang negosyo ni Sir Bryan.
Tumayo si Christina at nilibot ang paningin sa buong kwarto. Tila nagmamalik-mata sa nakikita.
“Ang ganda ng kuwarto natin. Parang bahay na rin, kumpleto sa gamit,” komento ni Christina.
Pinasok lang namin ang mga gamit nila at lumabas rin kami. Nadatnan naming abala sila Nanay Melba sa paghahanda ng hapunan. Maging ang mga lalaki, tumutulong sila sa pagluluto.
Maya-maya ay tinawag ako ni Nanay Melba. Para tawagin Sir Bryan dahil maghahapunan na.
“Sige po, ’nay,” tipid kong sagot.
Nagtanong ako kay Steven kung saan ko puwedeng makita si Sir Bryan.
“Nasa mini-bar niya,” nakakunot noo niyang sagot sa ’kin. Kita ko pa ang maliit niyang ngisi sa labi. Kahit kinakabahan ako, ’di ko na lang pinansin ang ibig sabihin no’n.
Ngayon ko lang nalaman na may mini-bar pala itong bahay niya. Sa bagay hindi ko pa naman kasi naiikot ang buong mansyon. Lumabas ako ng dinning area at tinawid ang living room. Saka tinungo ang bukas na pintuan malapit sa hagdanan. Nakita ko agad ang bulto ng katawan ni Sir Bryan na nakatalikod sa ’kin. Hindi ko mapigilan hangaan ang mini-bar niya. Kahit maliit lang ’to nakasalansan ng maaayos ang mga de-klaseng alak, mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki. Maging ang mga baso gano’n din, may mga nakasabit sa itaas ng wall at mayro’n din sa ibaba.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, upang ’di makagawa ng ingay. Mukha kasi siyang seryoso habang hawak ang baso na may lamang alak.
“Kakain na po,” anyaya ko rito. Ni hindi man lang siya nagulat sa ’kin.
“Come here,” sabi niya sa ’kin. Nang hindi ako tinitingnan. Mas nakatuon ang paningin niya sa mga alak.
“Bakit po?” kinakabahan kong tanong. Nakatayo pa rin ako sa likod niya. ’Di ko alam kung galit ba siya. Kasi ang tono ng boses niya ay parang galit.
“I said come here!” mariin at may galit niyang sigaw niya sa ’kin. Doon na ako natakot sa kanya at dahan-dahan lumapit sa kinauupuan niya.
Hinila niya ang isang upuan at pinaupo ako roon.
“Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa lahat ay ’yong hindi ako sinusunod. Kapag tinatanong ko, hindi sumasagot. At higit sa lahat tatalikuran ako!” mariin niyang pahayag. Kita ko pa kung paano niya hawakan ang baso. Kung nagkataon siguro na plastic ’yong baso. Siguro nadurog na niya sa pagkakahawak.
Hindi ako kumibo kasi bawat salita niya may kasamang gigil. Natatakot ako, na baka pagsumagot ako ng mali masuntok niya ako. Yumuko na lamang ako at inaamin sa sarili na may kamalian din ako.
“Sorry po, pangako ’di ko na uulitin.” Sabay tayo. Aalis na sana ako ngunit bigla niyang hinila ang aking kamay.
Ngunit mas nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Walang sabi-sabing inatake niya nang halik ang labi ko. Halos kainin niya ang labi ko at may gigil ang bawat hagod ng labi niya sa nguso ko. Para bang pinaparusahan niya ’yon. Magkagano’n pa man, hindi maiwasang magbunyi ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Kinikilig ba ako?
Kung hindi ko pa inapakan ang paa niya. ’Di pa siya titigil sa paghalik. Narinig ko pa ang malutong niyang mura.
Kaya dali-dali akong lumabas ng mini-bar. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa kuwarto namin. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Bakit gano’n parang nagugustuhan ko ang halik niya? Bakit niya ’yon ginawa, may gusto ba siya sa ’kin? Tanong na gumugulo sa isipan ko.
KINABUKASAN, maaga akong nagising. Para madaling matapos ang aking trabaho.
“Kate, kain ka na,” yaya ni Inay Melba.
Umupo ako sa tabi niya at tahimik na kumain.
“Siyanga pala kagabi ano’ng nangyari sa ’yo? ’Di ka kumain. Pinatawag kita kay Cristina.”
Umiling ako. “Wala po bigla lang sumakit ang tiyan ko.”
“Gano’n ba.” Parang ayaw pa ni Inay Melba maniwala sa ’kin.
Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at tumulong sa mga gawaing bahay. Dahil tulog pa si Sir Bryan, hindi na umakyat sa kanyang kuwarto.
“Kate, tara sa garden nando’n silang lahat. Inaayos nila ang garden, para mamaya sa buodle fight,” sabi ni Britney. Bitbit niya ang plaatic na panapin sa lamesa.
“Sige susunod ako. Tatapusin ko lang ’to.” Sabay ayos ko sa mga unan sa sofa.
Lalabas na sana ako nang marinig ko ang mga yabag ni Sir Bryan, pababa ng hagdanan.
“Prepare my breakfast and make it faster. Nagugutom na ako.” Parang hari niyang utos sa ’kin. Masama pa ang tingin niya.
“Sige po, tatawagin ko si Inay Melba,” sagot ko. Ngunit mabilis siyang umiling at binilisan ang pagbaba.
“Huwag mo na siyang tawagin. Gusto ko ikaw maghanda ng pagkain ko.”
Sasagot pa sana ako. Pero hinila niya na ako papunta sa dinning area at agad siyang umupo sa kabisera nang lamesa.
“Ano pa tinatayo mo riyan? Prepare my breakfast!” Muling utos ni Sir Bryan. Wala na akong nagawa kun ’di sundin siya.
Mabilis akong pumunta sa kitchen area. Na-surprise ako nang makitang nakahanda na ang pagkain ni Sir Bryan sa isang tray. Binuhat ko ’yon at dinala sa kanya.
Hinila niya ang katabing bangko at saka niya ako inalok na maupo. Umupo nalang ako para walang gulo mahirap na pag hindi ko na naman siya sinunod.
“Kumain ka na?” simple niyang tanong niya. Ngunit nagrambulan na naman ang paru-paro sa loob ng tiyan ko.
Umiling ako at itinago ang kilig na nadarama. “Opo.”
“Upo ka lang diyan, samahan mo ko. Mahirap kumain ng nag-iisa.”
Mabilis naman siyang natapos at siya na rin ang nagdala ng pinag-kainan niya sa lababo. Kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa garden.
Nadatnan kong busy silang lahat sa garden. Nakita ko sa isang isang sulok si Kuya Jake, nag-iihaw kaya lumapit ako sa kanya.
“Kuya, tulungan na kita,” prisinta ko.
“Kayang-kaya ko na ito. Doon ka na kay Inay Melba, tulungan mo siyang mag-ayos ng pagkain sa lamesa,” taboy niya sa ’kin. Ngunit hindi ako umalis sa tabi niya. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa aking pag-aaral.
“Kuya, paano na ’yong pag-aaral ko? Malapit na ang exam namin.” malungkot kong tanong sa kuya.
Hinango niya ang iniihaw na porkchop at muling nagsalang ng isa. Saka ibinalik ang atensyon sa ’kin.
”Hayaan mo mamaya kakausapin ko si Boss Bryan.” pangako niya. Kahit papaano gumaan ang problema ko.
Isang ngiti ang pinakawalan ko kay kuya saka nagpasalamat. Maya-maya dumating si Britney sa aming puwesto.
“Kate, pinapatawag ka ni Sir Bryan,” nakangiti niyang sabi sa ’kin.
Kinabahan ako. “Bakit daw. Nasaan siya?”
“Hayun nasa tabi ni Steven.” Sabay turo ni Britney.
Nagpaalam ako kay kuya at tinungo ang kinaroroonan nila. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan na tingnan siya. Nakaligo na ito at nakasuot ng simpleng white t-shirt saka pinaresan gray cargo short. Kahit napaka-simple ng suot niya, lutang pa rin ang kapogian ni Sir Bryan.
“Pinatawag n’yo raw po ako?” Kinakabahan kong tanong sa kanya. Tila nagdru-drum ang puso ko sa bilis ng pintig nito.
“Bakit mo ko iniwan kanina?” galit niyang tanong sa ’kin. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa nakahawak sa kanyang baywang at mayabang na tinitingnan ang mga tauhan na abala sa gawain.
Tumungo ako. “Sorry po, sir.”
“Gusto mo ’ata laging pinaparusahan!” mariin niyang sabi.
Mabilis akong umuling sa kanya at nag-paalam. Dahil sa takot na baka may gawin siyang ’di maganda na naman. Nakita ko ang pag-iling niya, kaya sinamantala ko. Mabilis akong umalis sa tabi nila. Kita ko pa ang pagngisi ni Steven at may sinasabi kay Sir Bryan. Agad akong tumuloy sa mahabang mesa. Tumabi ako kay Britney at tinulungang maglagay ng inihaw na porkchop sa tabi ng kanin.
“Kate!” sigaw ni Christina. Sabay pa kaming napatingin na dalawa. Iyon naman pala nakatutok sa ’min ang camera.
“One, two, three. Smile!” masaya niyang sigaw. Sabay click ng camera. Todo smile naman kaming dalawa.
Ilang sandali pa at masaya kaming lahat nag-picture-ran, maliban kay Sir Bryan. Kahit ano’ng pilit ni Steven ayaw talaga niya. Nanakawan sana ni Cristina ng shot nang biglang tumalikod ito at kunwaring may katawagan.
Matapos ang masayang tagpong ’yon. Kanya-kanya na kaming hanap ng puwesto sa mesa, para simulan ang masaganang tanghalian. Katabi ko si Inay Melba sa kaliwa, nagulat ako nang tumabi sa ’kin si Sir Bryan. Si Britney ang nag-lead ng prayer, pagkatapos no’n kanya-kanya ng dampot nang pagkain sa lamesa.
“Kumain ka ng marami. Ayaw ko ng payat ...” bulong ni Sir Bryan. Sabay lagay ng pagkain sa aking puwesto.
Nagulat man ako sa sinabi niya. Hindi ko na lang ’yon pinansin. Lahat ay busy sa pagkain kasi masasarap ang mga pagkaing nakahain at isa pa masarap kumain kapag marami. Pinanay-panay ni Sir Bryan ang lagay ng pagkain ko.
“Tama na po. Hindi ko na kayang ubusin ang lahat ng ito.”
“Ubusin mo lahat ’yan at nang pagkalaman ka naman.”
BRYAN
BINIGYAN, ko siya ng maraming pagkain. Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa ako sa kanya. Ultimo pagsubo ng pagkain ang ganda niya tingnan. Ang bagal ng bawat subo niya. Napapangiti na lang ako tuwing napapatingin siya sa ’kin. Masaya ang lahat. Busog na busog ako kahit ang mga tauhan ko nakangiti rin. Kasiyahang kailan man hindi mababayaran ng salapi o karangyaan na mayroon ako. Pamilya na ang turing ko sa kanila, simula nang nag-solo ako sa buhay. Kaya kaligayahan nila, kaligayahan ko rin.
Lahat kami tumulong sa pagligpit ng mga kalat. Nagkayayaan pa ang mga tauhan kong mag-videoke. Pumayag naman ako kasi wala namang gagawin para makapag-relax sila. Dahil bukas trabaho na naman ang kahaharapin nila.
“Boss!” bati sa ’kin ni Jake. Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng swimming pool.
“Ikaw pala, Jake. Ano sa ’tin?”
Tumabi ito ng upo sa ’kin. Inalok ko siyang uminom, ngunit mabilis siyang tumanggi.
“Boss, tanong ko lang kung papaano ’yong pag-aaral ng kapatid ko? Sayang kasi graduate na siya sa sunod na taon,” pahayag niya.
Ngayon ko lang naaalala nag-aaaral pala si Kate nang kunin ko sa Cavite.
“Walang problema Jake, papasukin mo. Ang kaso malayo ang Alabang sa Cavite,” sagot ko.
“Okay lang boss. Sanay naman ’yon magbiyahe mag-isa.”
“Gusto mo pahatid, sundo natin kay Steven?”
Umiling si Jake. “Huwag na boss, nakakahiya. Tama na ’yong pumayag kayo.”
Umiling na rin ako sa kanya. Ngunit hindi ako papayag, ayaw kong may mangyaring masama sa kanya sa daan. Simula sa araw na ’to proprotektahan ko na siya. Dahil akin lamang siya, by hook by crock.
KATE
TUWANG-tuwa, ako nang sabihin ni Kuya Jake na pumayag si Sir Bryan. Na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Kaya mas pinagbuti ko pa ang aking trabaho sa bahay niya. Hindi nagtagal nasanay na ako sa ganoong set-up, sa umaga papasok ako. Tapos pagdating ko sa hapon, magtratrabaho ako sa mansyon. Hindi rin nanalo si kuya sa kanya. Hatid sundo ako ni Steven sa school.
“Kate, gusto mo bang matutong mag drive?” tanong ni Steven. Pauwi na kami no’n sa Alabang.
Na-surprise ako sa tanong niya. Matagal ko nang gusto mag-drive, ayaw lang nila ako payagan.
“Oo naman gusto kong matuto mag-drive. Kaso ayaw ni Kuya Jake.”
“Gusto mo turuan kita?”
Parang lumiwanag ang buong kapaligiran ko, sa aking narinig.
“Talaga tuturuan mo ako. Kailan?” excited na ako.
“Basta secret lang natin ’to ha.”
Nag-thumbs up lang ako kay Steven. Tanda ng pagsang-ayon ko.
Akala ko no’ng una madali lang mag-drive ng kotse. Mahirap pala pero matiyaga ang aking tagapagturo halos sa loob ng isang linggo mabilis lang akong natuto.
Minsang pauwi kami. Ako ang pinag-drive niya. Marami siyang sinabi sa ’kin at naging focus lang ako sa aking pagmamaneho. Pilit man kinakabahan maayos kaming nakarating sa bahay. Hindi sa ospital, natawa na lang ako sa aking sarili sa isiping ’yon.
“Payo ko lang sa ’yo ’wag masyadong kaskasero ha. Huwag rin mabagal, ’yong sakto lang.”
Ngumiti ako kay Steven. “Pasado na ba ako?”
“Puwede nang pakawalan. Kapag may lisensya,” masaya niyang sagot.
“Talaga.” Sa tuwa ko niyakap ko si Steven. Nabigla siya sa ginawa ko, mas lalo ako. Siguro dala ng kasiyahan ko, kasi natupad ang isa sa pangarap ko, ang matutong mag-drive.
BRYAN
Papunta sana ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pero malayo palang ako ay naririnig ko na ang boses ni Kate. Masayang-masaya, dinaig pa ang nanalo sa lotto. Kaya napatigil ako sa pintuan. Pareho silang nakatalikod sa ’kin ni Cristina.
“Kate, mukhang masayang-masaya ka ngayon. May nangyari ba?” boses ni Cristina.
“Masaya ako. Kasi finally marunong na akong mag-drive,” masaya niyang sagot. Ngunit biglang uminit ang ulo ko sa narinig.
“Talaga? Wow, minsan gumala tayong tatlo,” yaya ni Christina rito.
“Oo, pero h’wag mong ipagsabi sa kanila. Secret lang natin ’yon,” sagot niya. Nagtagis ang bagang ko. Pa-secret-secret ka pa ha, tingnan natin.
Hindi ko na hinintay iba nilang sasabihin. Pumasok ako sa loob ng kitchen area at dumiretso sa fridge. Kinuha ko ang pitsel, dinala sa mesa. Pumihit ako para kumuha ng baso at pabalang na inilapag sa mesa. Pareho pa silang nagulat.
“Good evening, sir!” bati ni Christina.
“Good evening, po!” bati niya. May nginig pa sa kanyang boses. Halatang takot siya sa ’kin.
Uminom ako ng tubig at ibinaling ko kay Cristina ang aking paningin.
“Cristina, pakisabi kay Steven, kakausapin ko siya sa library,” mahinahon kong utos ko. Hanggat maari ayaw kong ipakita kay Kate ang galit ko.
“Sige po.” Nagpaalam ito kay Kate. Saka tinungo ang pintuan.
Nang mawala na si Cristina ay umupo ako sa katapat na bangko kay Kate.
“Sino nagturo sa’yo mag-drive?”
“Si Nathalie, po,” deritso niyang sagot. Umigting ang panga ko.
“Siguraduhin mo lang na tama ’yang sagot mo. Dahil ang ayoko sa lahat ay ’yong taong sinungaling. Naiintindihan mo?”
“Opo.” Nakayuko niyang sagot sa ’kin.
Iniwan ko siya sa kitchen naiinis na naman ako sa kanya. Palagi na lang niya ako sinusuway. Wala ba siyang takot sa ’kin?
Sa halip na sa library ako pumunta sa mini-bar ako dumiretso. Bahala na si Steven maghintay sa ’kin don. Pati sa kanya naiinis ako, baka mamaya maibunton ko pa sa kanya ang galit ko.
KATE
HINDI, ako makatulog dahil iniisip ko ang sinabi ko kay Sir Bryan kanina. Aminado akong nagsinungaling ako sa kanya. Paano pag nalaman niyang hindi talaga si Nathalie ang nagturo sa ’kin mag-drive? Paano kung aminin ni Steven na siya ang nagturo? Lagot na naman ako nito sa kanya. Mabilis akong bumangon at lumabas ng kuwarto, hinanap ko siya sa buong bahay.
Una kong pinuntahan ang mini-bar. Sabi kasi ni Steven ’yon ang paborito niyang tambayan sa bahay.
Nang makarating ako sa mini bar ay tama ako ng pinuntahang lugar nandito nga siya.
Walang ingay akong lumapit sa kanya dahil nakatalikod siya sa ’kin.
“Sorry nagsinungaling ako sa ’yo,” naiiyak kong sabi sa kanya.
“Come here!” walang sigla niyang sabi. Hinila niya ang isang upuan. Pag-upo ko ay siya namang harap sa ’kin. Inipit niya ng dalawang tuhod ang binti ko. Hindi ako basta-basta makakatakas sa kanya.
Nararamdaman ko na naman ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Nagbubunyi sa saya.
“Sa susunod matuto kang makinig sa ’kin.”
“Opo.”
Hinaplos niya ang pisngi ko. “Good girl.”
Sa pagkakataong ’yon, hindi niya tinanggal ang kamay. Bagkus hinawakan pa niya ang mukha ko at walang babalang sinakop ang labi ko. Banayad lang ang paghalik niya, tila tinatakam ako o mas sabihing tinuturuan niya ako. Kung paano humalik. Saglit siyang tumigil at tinitigan ako.
“Open your mouth, baby,” paos ang boses niyang utos sa ’kin at nagpatuloy sa paghalik. Nanatiling nakasara ang bibig ko, kahit ano’ng pilit niyang buksan. Natatakot ako para sa aking sarili. Hindi naman kami, ngunit pumapayag akong halik-halikan niya. Nakakahiya.
Ilang sandali pa at tumigil siya sa paghalik. Kinuha ko ang pagkakataon na ’yon, para makatakas sa kanya. Dali-dali akong bumalik sa aming kuwarto.