Chapter 3

2365 Words
Kate Mag-isang buwan nang nawala ang Papa, kahit papaano unti-unti rin kaming nakakabawi ni Kuya Jake. Wala na rin kaming balita kay Mama at Kuya Joseph kung nasaan na sila. Habang ako patuloy ang aking pag-aaral at si Kuya Jake naman lalong naging masipag sa kanyang trabaho. Mga nitong nagdaang araw halos hindi na kami magpangita sa bahay. Dahil panay-panay ang overtime niya. “Nanay Melba, si kuya po?” tanong ko kay inay Melba. Kararating ko lang galing sa school at nadatnan ko siya sala habang nanonood ng paborito niyang palabas sa tv. Lumapit ako sa kanya at magaang nagmano. “Hindi pa dumating. Baka nag-overtime naman ’yon. Huwag mo na siyang hintayin, mauna ka nang kumain,” turan sa ’kin ni inay Melba at muling ibinalik ang paningin sa tv. “Mamaya-maya na lang po. Lalabas po muna ako saglit, may nakalimutan po akong bilhin,” paalam ko kay inay Melba. Kung bakit naman kasi nakalimutan kong bumili ng ink kanina. Ang mahal pa naman ng mga school things dito sa aming subdivision. “Sige mag-ingat ka riyan. Uwi agad.” “Opo.” Bitbit ko ang aking wallet, lumabas ako ng bahay. Paglabas ko ng gate nasalubong ko ang batang kapitbahay namin. Ngunit ang umgaw talaga ng aking pansin ang dalawang lalaki na nakatayo sa pagitan ng dalawang bakod. Hindi ako nagpahalata ngunit sa gilid ng aking mata tiningnan ko sila. Ang isa may kausap sa cellphone habang ang kasama nito inamoy-amoy ang bulaklak na parang isang baliw. Matapos ko silang tingnan, dali-dali akong pumunta ng tindahan. Nadismaya lang din ako nang sabihin ng tindera sa ’kin na ubos na ang kanilang ink. Pagbalik ko ng bahay wala na ang lalaki sa gate namin. Iniisip ko baka naligaw lang sila. Pagpasok ko ng bahay agad akong nagpalit ng damit at tinungo ang kitchen, upang kumain. *** Samantala walang kamalay-malay ang dalawa na may nagmamanman sa labas ng bahay nila. “Boss, nakita na namin ang bahay ni Virginia Perez,” pagbibigay alam ng lalaki sa kanyang amo. “Good. Sige papunta na ako diyan,” sagot ng amo nito. Walang iba kun ’di si Bryan Mondragon. “Sige, boss. Pero hindi namin nakita si Virginia, ’yong anak lang niya ang narito,” sagot ng lalaki. Walang iba kun ’di si Steven. Sila ni Michael ang napag-utusan ni Bryan na puntahan ang bahay ni Virginia sa Cavite. “’Yan ang pahirapan natin. Para lumabas ang daga sa kanyang lungga. Hintayin ninyo ako papunta na ako riyan.” “Copy, boss.” Bryan Tawag ’yon na nagmula kay Steven, ibinalita niya sa ’kin na natagpuan na nila ang bahay ni Virginia sa Cavite. Mabilis kaming nagbiyahe ni Dante sa address na ibinigay ni Steven. Mahirap na baka maunahan kami ni Franco. Pagkarating namin doon, walang alinlangan naming pinasok ’yon. Nagulat pa ang isang matanda na nasa sala nang bumukas ng pabalang ang pintuan. Agad itong tumayo, ngunit naistatwa na lamang doon, nang makita ang mga baril na hawak ng aking tauhan. “Sino kayo?” may takot sa boses niyang tanong sa ’min. Nasa late’s fifty na siguro ang edad nito. Ngunit tingin ko hindi ’yon si Virginia. “Nanay Melba, sino po iyan?” Narinig ko ang boses mula sa dinning. Kaya mabilis kong pinuntahan ’yon. Bumungad sa aking paningin ang isang babae, na napahinto sa pagkain. “Sino po kayo?” nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Lalo na sa baril na hawak ko, halos hindi niya maalis ang mga mata sa bagay na ’yon. “Nasaan si Virginia?” “Bakit mo hinahanap ang Mama ko?” “Mama, mo pala ang babaeng ’yon?” Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa at hinila ang bangko, sa harapan niya at maupo roon. Mas natakot siya nang ilapag ko sa mesa ang dalang baril. “A-Ano’ng kailangan ninyo sa Mama ko?” takot nitong tanong sa ’kin. Itinigil na rin niya ang pagkain. Ngumisi ako sa kanya. “Naniningil ng pautang.” “Utang? Wala kaming natatandaan na may utang kami sa inyo?” matapang niyang sigaw sa ’kin. Umigting ang panga ko sa galit. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay sinisigawan ko, lalo’t babae pa. Mama ko lang ang karapatan na sigawan ako. Kahit nga siya hindi ako nakakatikim nang sigaw. “Kayo wala. Pero ang Mama mo, mayroon. Halos araw-araw ang nasa casino si Virginia casino. Sa simula panalo pero sa kalaunan mas madalas talo siya. Hanggang sa lumapit siya sa amin, para mangutang ng puhunan at makabawi. Una nakakabayad siya pero habang tumatagal hindi na hanggang sa lumaki ang utang niya,” paliwanag ko sa babae. Ang ganda talaga niya titigan at halikan. Innocent face. “Kasalanan ninyo ’yon, kasi pinautang n’yo siya!” Muli niyang sigaw. Hindi talaga natitinag sa mga titig na ibinibigay ko sa kanya. “Siya ang lumapit sa amin hindi kami. Alam mo ba kapag hindi namin nakita ang mama mo. Ikaw ang kukunin kong pambayad sa utang ni Virginia!” mariin kong pahayag. Saka tumayo ako at tinungo ang pintuan palabas nang dinning area. “Ba-bakit ako?” sigaw niya sa ’kin. Halata sa boses niya ang takot, ngunit matapang pa rin niya akong sinigawan. “Natural, ikaw ang anak ni Virginia!” sagot ko sa kanya. Tuluyan akong lumabas at tinungo sala, kung saan naroon ang aking mga tauhan at prente akong naupo sa solohang sofa na parang hari. Kate Takot ang nadarama ko sa mga salitang binitiwan nang lalaki. Dasal ko, na sana dumating na si Kuya Jake, dahil natatakot na ako. Paano nga kung kunin nila ako at ibenta sa mga sindikato o kaya gahasain nila ako saka patayin? Nanlulumo ako sa aking kinauupuan at naaawa sa aking sarili. Hindi ko maiwasan na sisihin si Mama sa mga nangyayari sa aming buhay. “Halughugin ninyo ang boung bahay, hanapin ninyo si Virginia!” Parang natuod ako nang tuluyan sa aking upuan nang marinig muli ang boses ng lalaki. May galit ang boses nitong inutusan ang mga kasamang lalaki. “Opo, boss.” Sabay-sabay na sagot ng mga lalaki. Nakita ko pa ang isang lalaki na bahagyang sinilip ako at ngumiti. May mga lalaki ring pumasok sa kinaroroonan ko at nagtuloy sila sa kitchen area, patungong likod bahay namin. Maya-maya pa narinig ko ang mga yabag nang mga lalaki pabalik sa sala. “Boss, wala talaga. Hinalughog na namin ang bawat sulok ng bahay ni Virginia!” “Boss, wala rin sa taas. Maaring natunugan tayo, kaya agad nakatakas!” “f*****g s**t!” Narinig kong sigaw nang lalaki sa kanyang mga tauhan. Masaya sana ako dahil hindi nila nakita si Mama. Ngunit sa kaibuturan ng aking puso ang pangamba at takot na totohanin niya ang pagkuha sa ’kin. Taimtim akong nagdasal sa Diyos, na sana haplusin niya ang puso ng mga lalaking nasa bahay. Jake Habang sa biyahe, bigla akong sinalakay nang kaba sa aking dibdib. Hindi ko maiwasan na isipin, na may masamang nangyari sa ang aking mga kapatid at kay Mama. Kaya nang huminto ang bus sa waiting shed, dali-dali akong bumaba at malalaking hakbang ang ginawa ko upang makarating agad sa bahay. Mas lalong binundol ng kaba ang dibdib ko nang makita ang dalawang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin. Mabilis kong tinungo ang front door at binalya ’yon. “Sino kayo? Ano’ng kailangan ninyo sa ’min?” tanong ko sa mga lalaking nakatayo sa aming sala. Kahit nakaramdam ako ng takot, dahil may mga baril sila. Tinatagan ko ang aking sarili, alang-alang sa aking pamilya. “Kuya Jake!” sigaw ng kapatid ko. Agad itong lumabas galing dinning area at tumakbo payakap sa ’kin. Naramdaman ko pa ang panginginig ng katawan nito. “Okay ka lang? Hindi ka ba nila sinaktan?” “Hindi kuya. Ang sabi ng lalaking ’yon, kuya. Si Mama may utang daw sa kanila,” sumbong ni Kate. “Paano nangyari ’yon? Ang pagkakaalam ko sa bangko may utang si Mama.” Nakita kong tumayo ang isang lalaki at dahan-dahang naglakad palapit sa aming magkapatid. “Malaki ang utang nang Mama n’yo sa ’min. Sampong milyon!” pahayag nito. Sa gulat namin magkapatid nawalan kami pareho ng lakas. Saan dinala ni Mama ang pera? Halos nalugi ang negosyo namin naibenta pa ang ibang ari-arian namin at ito na lang natira ang bahay, pagkaalam ko nakasangla pa sa bangko. “Dalawang araw ang ibibigay kong palugit sa inyo!” muli nitong pahayag sa ’min. Na pareho naming ikinagimbal magkapatid. “Sa tingin mo sa dalawang araw na iyon makakahanap agad kami ng sampong milyon!” laban ko sa lalaki. Tiningnan niya ako ng masama. Sinulubong ko rin ang mga tingin niya na mas matalim. “Problema n’yo na ’yon. Saka ang tagal na nang utang ng Mama ninyo sa aming negosyo. Baka kung sa iba namin ’yon pinautang baka malaki na ang kinikita nang pera namin!” pahayag pa nito. Nasasaktan ako sa tuwing nababanggit niya ang Mama. “Mga walang puso siguro niluko ninyo ang mama ko!” singit nang kapatid ko. Natakot ako nang bigyan niya ito ng masamang tingin. Kaya mabilis kong itinago si Kate sa aking likod. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi mo ako kilala, pumapatol ako sa babae!” sigaw nito. Ramdam ko pa ang pagsiksik ni Kate sa aking likod. “Dalawang araw babalik kami, kapag ’di kayo nakabayad kukunin ko ang kapatid mo, pambayad utang. At isa pa huwag na ninyong balaking tumakas sa dami ng koneksyon ko, hindi kayo basta-basta makakatakas sa ’kin.” Tinalikuran na kami nang lalaki at tinungo nito ang pintuan, kasunod ang kanyang mga alagad. Kate Takot na takot ako. Saan kami kukuha ng sampong milyon? Kahit ibenta namin ang bahay ay hindi sasapat iyon. Iniisip ko kaya umalis ang Mama para takasan ang problema na ginawa niya. Ngayon kami ni Kuya Jake ang magbabayad sa lahat ng kasalanan niya. “Kuya, ano’ng gagawin natin?” untag ko kay kuya. Pareho kaming nakaupo ni Kuya Jake sa sofa. Seryoso si kuya, habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung iniisip niya ang sinabi nang lalaki o ang tungkol sa sampong milyon na utang ni Mama. Tiningnan ako ni kuya, ngumiti. “Kate, wala na tayong magagawa itong bahay nakasangla sa bangko. Saan natin kamay pupulutin ang sampong milyon?” sagot ni kuya. Pakiramdam ko nanghina ang buo kong katawan. “Ibig sabihin kuya, ibibigay mo ako sa lalaking iyon?” Hindi ako papayag na makuha nang lalaking ’yon. Para sa ’kin, hindi siya mapagkakatiwalaan. “Kate, hindi naman sa gano’n. Alam mo naman simula nang nalugi ang negosyo ni Papa, halos tinalikuran na tayo ng kamag anak natin.” Parang pinanghihinaan na rin ng loob si kuya. “Pero kuya, wala na ba ibang paraan natatakot ako kuya.” Kinuha ni kuya ang mga kamay ko at magaang pinisil. “Magtiwala ka lang sa akin, hindi kita pababayaan. Hindi ako papayag na ikaw lang ang kunin nila.” Napaiyak na lang ako. Hanggang do’n na lang talaga ang buhay namin, hindi ko matanggap na hahawakan ng iba ang buhay namin. Kung buhay sana si Papa, hindi kami magkakaganito. Hindi namin dadanasin ang hirap, kasi masipag si Papa at madiskarte sa buhay. Bryan Kukunin ko silang magkapatid para gamitin ko kay Virginia. Para mapalabas sa kanyang lungga kung saan man ito naglulungga. Alam kong tahimik rin na kumikilos nang kanya si Franco. Kahit alam niyang sa ’kin inuutos ni Papa ang trabahong ’yon. Hahayaan ko lang siya kung ano’ng gusto niya. Ito na rin siguro ang pagkakataon ko, para bumango kay Papa. Hindi pwedeng si Franco na lang palagi at ang dalawa kong kapatid kailangan ko din kumilos para pamasa akin ang pagiging pinuno. “Steven, ano’ng balita sa Cebu nakausap mo ba si Fernandez?” Kasalukuyan kaming nasa sala nang aking condo sa Makati. “Ang huling kausap ko sa kanya, okay naman daw ang negosyo roon. Actually, tumaas ang collection nila roon at madaming nag-a-aply para mag-loan o kaya mangutang,” paliwanag sa ’kin ni Steven. Natutuwa ako at sunod-sunod ang magagandang feedback ang natatanggap ko sa mga negosyong pinahawakan sa ’kin ni Papa. “Good job. Sa pamamagitan niyan magkaroon ako ng puntos kay Pinuno. Pagbutihin pa kamo nila at ako na ang bahalang magsuporta sa kanilang pamilya,” masaya kong wika kay Steven. “Oo nga boss. Itong mga mga nagdaang buwan puro palpak ang nangyari sa atin. Baka ito na ’yong pinakahihintay natin, para umaangat ang posisyon ninyo sa organization.” Ngumiti ako, ngiting tagumpay. Ngayon pa lang nakikita ko na ang tagumpay. Kapag napasa akin na ang posisyon, mas mapabilis ang mga plano ko pangarap para sa samahan na itinatag ni Papa. “Kaya kukunin ko ’yong magkapatid, gagamitin ko sila laban kay Virginia. Tingnan lang natin kun ’di mataranta ang puwet nang taong ’yon. Masyado na akong inabala.” Nakita ko ang nakakalukong ngiti sa labi ni Steven. Tila hindi maganda ang dating sa akin. Kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Bakit, ano’ng ibig sabihin ng mga ngiti na ’yan?” “Alam mo boss, kahit di mo aminin. Ang ganda no’ng babae, pero ang tapang. Parang ngayon ko lang nakita at narinig na may sumagot-sagot sa ’yo na babae. Hindi kaya siya ang ka-destiny mo, boss?” kantiyaw ni Steven sa ’kin. “f*****g s**t, del Prado. Hindi pa niya kilala ang tunay na, Bryan Mondragon. Baka umiyak siya sa sarap, hindi sa hirap.” Sabay tawa ko kay Steven. “Pero tingin ko boss, nagtapang-tapangan lang ’yon.” “Bakit, ano’ng akala niya masisindak niya ako. Babae lang siya, kahit kailan hindi ako magpapadala sa karisma at awa niya!” Kahit kailan ang babae para sa akin mahina at iyakin. Wala akong awa pagdating sa babae kahit alam ko iyon ang kahinaan naming mga lalaki. “Ihanda mo bukas ang bahay sa Alabang doon ko sila dadalhin,” utos ko kay Steven. “Hindi mo sila ihaharap kay Pinuno?” “Hindi pa sa ngayon. Hihintayin ko silang makumpleto apat, bago sila iharap kay Pinuno.” Kailangan ko itong paghandaan nang sa gano’n, tuloy-tuloy ang tagumpay ko. “Sa bagay boss para isang bomba lang ang sasabog.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD