Chapter 2

1977 Words
Bryan Sakay ako nang aking kotse papuntang hideout namin sa Cavite. Mainit na naman ang aking ulo, kasi ’yong taong pinapahanap ko, hanggang ngayon hindi pa rin nila nakikita.Isang babae lang halos di pa nila mahanap. “Ano hindi n’yo pa rin nakikita ang pinapahanap ko sa inyo?” galit kong sigaw sa aking tauhan. Kulang na lang kainin ko sila ng buhay sa sobrang gigil ko kay Virginia, masyado ako’ng pinapahirapan nito. “Boss, talagang sinuyod na namin ang boung Cavite, hindi talaga namin mahanap,” sagot sa ’kin ni Roger. Isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan at namuno sa paghahanap kay Virginia. Lalong umigting ang panga ko sa galit, nang marinig ko ang sagot ni Roger. “f**k! Isang babae lang hindi pa ninyo mahanap. Ano’ng klase kayong tauhan, ginagawa n’yo ba talaga ang trabaho ninyo? Sayang ang pinapasuweldo ko sa inyo?” Sa sobrang galit ko pinagsusuntok ko sila. Halos magmakaawa ang aking mga tauhan ko sa akin, dahil kun ’di ko gagawin ’yon ako naman ang mapapahamak kay Don Francisco Mondragon, ang aking ama. “Bibigyan ko kayo ng isang buwan, kapag hindi n’yo pa nahanap si Virginia. Pasensya na lamang tayo!” “Opo boss, gagawin po namin ang lahat upang mahanap si Virginia.” Agad kong iniwan ang aking tauhan. Tinungo ko ang sala kung saan naroon ang iba kong tauhan. “Steven, ano’ng balita kay Marquez, sa Davao?” tanong ko kay Steven. Isa rin sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. Hindi bilang tauhan ang turing ko sa kanya, itinuring ko siyang kapatid. “Wala boss. Hindi pa nagre-report simula nang ipinadala mo siya doon,” turan ni Steven sa amo. “Kontakin mo!” Halos itapon ko ang lahat ng gamit na aking mahawakan dito sa sala, umiinit talaga ang ulo ko. Kung kanina lang halos nandito lahat ng tauhan ko. Ngayon ’di ko na alam kung saan na sila nagtakbuhan maging sila takot pag alam nila na mainit ang ulo ko. “Boss!” Sabay abot ni Steven ng cellphone. Tanging si Steven lang ang nakakalapit sa akin pagmainit ang aking ulo. “Hello, boss!” bati sa ’kin ni Marquez. Mukhang nahulaan na niya ang kalagayan ko. Kaya parang maamong tupa ang kanyang boses. “Siguraduhin mo lang na maganda ang ibabalita mo sa akin. Dahil kung hindi magtago ka na habang may oras ka pa!” pahayag ko sa kanya. “Boss, okay lang negosyo rito. Sa katunayan, boss, lumago na ’yong ipinunla na buto ni Pinuno, rito.” Biglang naglaho ang init ng ulo ko nang marinig ang pahayag ni Marques. “Magaling, Marquez, wala ka pa ring kupas. Maasahan ka talaga. Hindi nagkamali si Pinuno sa pagpili sa ’yo na pamunuan ang negosyo riyan,” masaya kong bati kay Marquez. At least kahit papaano may ipagyayabang kay Pinuno. “Salamat sa tiwala, boss.” “Oh, sige na ikaw muna bahala riyan. May pinapaayos lang si Pinuno, sa akin kaya mainit ang ulo ko.” “Okay lang, boss. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya ko na ito.” Matapos magpaalam kay Marquez agad kong ibinalik ang cellphone kay Steven. Saka tuluyan kaming nagpaalam sa iba kong tauhan. Habang pauwi kami ng Manila, kinakabahan ako hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Papa pagnagtanong siya tungkol kay Virginia Perez. Ang babaeng pinapahanap sa akin ni Papa, sa pagkakaalam ko may malaking utang ito sa organization o sa aking ama. Pero nagtataka ako kung bakit galit na galit ang ama ko sa kanya. Kulang na lang patayin niya ito pagnagkita sila. Aaminin ko man o hindi sa aking sarili, malaki ang takot ko kay Papa. Sa kabila nang edad nito matapang pa rin, malakas, at magaling pa rin humawak ng negosyo. Nagtataka nga ako hanggang ngayon, hindi pa rin niya binibigay sa amin ang pagiging isang pinuno. Siguro nga kulang pa ang aking kakayahan, matapang lang ako sa aking mga tauhan ko pero pagdating kay Papa duwag ako. Pagdating namin ng mansion sinalubong agad ako ng tauhan ni Papa. “Boss, kanina pa naghihintay si Pinuno sa inyo.” Salubong nito sa ’kin. “Nasaan si Pinuno?” Kapag sa harap ng mga tauhan niya iyon ang tawag ko sa kanya. Tanda nang aking paggalang at respeto kay Papa. “Sa library, boss.” “Sige, salamat.” Pumasok na kami ni Steven sa loob nang mansion. Sinabihan ko lamang ito na hintayin ako sa sala at ako na lamang ang pupunta ng library. Pagpasok ko roon, naabutan ko pa siya na may kausap sa telepono. Ngunit hindi rin nagtagal ’yon, tinapos n’ya na ang pakikipag-usap sa telepono. “Kumusta ’yong pinapagawa ko sa iyo, may balita na ba?” seryosong tanong ni Papa sa ’kin. Kinuha pa nito ang kanyang tabako at sinindihan. “Wala pa po. Pero ginagawa naman lahat ng paraan nang aking mga tauhan. Upang makita si Virginia,” turan ko kay Papa. Agad kong inihanda ang aking tainga, batid kong sermon naman ang aabutin ko rito. “Ang bagal naman ng mga tauhan mo, mag-isang buwan na iyon sa ’yo, ah. Mas maganda siguro kung sa mga tauhan ko na lang ipinagawa ang bagay na ’yon. Lalong-lalo na kay Franco!” galit niyang turan sa ’kin. Walang anak-anak sa kanya, pagdating sa negosyo. Lahat ay pantay-pantay. Ngunit nang marinig ko ang pangalan nang pinakamamahal niyang tauhan. Naikuyom ko ang aking kamao, kumukulo ko ang dugo ko kapag nababanggit siya o kaya ihalintulad ako sa kanya. “Huwag kayong mag-alala sa susunod na pagpunta ko rito, dala ko na ’yong pinapagawa ninyo!” “Dapat lang tumulad ka naman sa ibang mga boss nang organization. Na laging maganda ang hatid na balita!” “Opo, Papa.” “Sige na iwan mo na ako, kung wala ka ng sasabihin,” taboy niya sa ’kin. “Alis na po ako.” Sabay labas ng library. Naabutan ko pang nag-uusap si Steven at ang kanang kamay ni Papa, na tinik sa aking lalamunan. “Boss!” Agad tumayo si Steven nang nakita akong malapit sa kanila. ”Tara na sirang-sira na ang araw ko rito. Baka mamaya makasuntok pa ako ng tao rito.” Tiningnan ko nang masama si Franco. Dahil alam kong siya ang nagbibigay ng impormasyon kay Papa, tungkol sa mga lakad ko. “Bakit sermon naman ba inabot mo kay pinuno?” Bahagya siyang lumapit sa ’kin. Ngunit hindi ako nagpatalo sa kanya, mas binigyan ko siya nang masamang tingin. “Siguraduhin mo lang na iingatan mo ’yang papel mo. Dahil kapag ako ang makahanap ng ebidensya laban sa mga pinanggagawa mong kalokohan. Ako mismo ang papatay sa iyo!” mariin kong pahayag kay Franco. “Chill, lang masyado ka namang hot,” sagot ni Franco sa ’kin. Nangisi pa ito, parang hinahamon talaga ako. “Kung kaya mo! Babae nga lang pinapagawa ni Pinuno sa ’yo ’di mo pa magawa. Huwag ako ang hinahamon mo, Bryan, dahil papunta ka pa lang pabalik na ako. Kahit anak ka pa ni Pinuno kayang-kaya kitang ibaon ng buhay sa lupa!” Nagpagtangting tainga ko sa naging pahayag ni Franco. Pakiramdam ko lahat ng dugo sa kawatan ko, umakyat sa aking ulo. “Tarantado ka pala, eh!” galit kong sigaw. Sabay bunot ng baril ko. Nakita ko rin ang pagbunot ni Franco ng kanyang baril. Nagkatutukan kaming dalawa. Halos napatingin lang sa ’min ang mga tauhan ni Papa sa paligid. Sanay na sila sa ganoong eksena namin ni Franco. “Tama na yan, Bryan, umalis ka na!“Halos dumadagundong ang boses ni Papa sa sala. Parehong hindi namin namalayan ang pagaulpot ni Papa. “Franco halika na may pupuntahan tayo!” “Masusunod, Pinuno.” Ibinaba ni franco ang kanyang baril at umalis sa harapan ko. Parang maamong tupa na lumapit sa ama ko. Matapos akong tingnan ng masama ni Papa, lumabas sila ni Franco ng mansion. Sa sobrang galit ko at pagkahiya kay Papa, lahat nang mahawakan kung gamit sa mansion pinaghahagis ko, dahil sa frustration sa sarili. Wala akong pakialam kahit nakapalibot ang iba niyang tauhan sa amin ni Steven. Basta mailabas ko ang init ng ulo ko at galit kay franco at pagkahiya kay Papa. Bakit gano’n ako ang anak, pero mas lamang pa si Franco sa akin? Bakit parang ako ang tauhan at si Franco ang anak niya? Sa sobrang galit ko kay Franco, iniisip ko na hindi siya kakampi isa siyang kalaban na handang pumatay para sa kapangyarihan at para sa posisyong maging pinuno. Doon ako natakot masasayang ang lahat nang pinaghirapan ni Papa kung sa iba lang ito mapapapunta. “Boss, tama na ’yan,” saway ni Steven sa ’kin. Saka inakay ako palabas ng mansion. “May araw ka rin sa akin, Franco!” Nakakuyom pa rin ang aking kamao. Parang nakukulang pa ako sa aking ginawa. Sakay kami ni Steven ng paborito kong sasakyan. Regalo sa akin ni Papa nang makagawa ako ng mabuti para sa negosyo namin. “Sa Francisco’s Club, tayo,” magaang utos ko kay Steven. Francisco’s Club, isa lang iyon sa pag-aari ni Papa at mi-manage nang aking kapatid na si Dos or Francisco Jr. Ayaw niya magpatawag sa ganoong pangalan, kaya ginawaan niya nang sariling bansag ang pangalan. Habang papasok kami sa loob club. Sumalubong sa amin ang malakas na sound at amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo. “Nariyan ba ang boss, mo?” tanong ko sa bouncer. Si Logan. “Yes boss. Pasok na kayo, naroon siya sa kanyang opisina.” “Salamat.” Sabay tapik ko sa balikat nito at inaya si Steven. Binaybay namin ang ikalawang palapag ng club. Kumatok ako ng tatlong beses, pero walang sumagot kaya napilitan akong buksan ang pintuan. “What the f**k?” sigaw ng kapatid ko. Ngumisi ako. “Kaya pala halos hindi mo marinig ang katok namin. Bising- busy ka sa mga babae mo.” Pinaalis ni Dos ang babae sa kanyang kandungan. At saka itinaas nito ang zipper ng pantalon saka kami hinarap. “Busy, ha? Talagang pinanindigan mo na ang pagiging isang babaero.” tuya ko sa aking kapatid. Hindi na ako magtaka kung saan niya minana ang ugaling ’yon. “Kuya, naman nag-i-enjoy lang ako,” masaya pa nitong sagot sa ’kin. “Ano’ng masamang hagin at napadpad ka rito?” “Nami-miss kita,” tipid kong sagot. Saka umupo sa tabi ni Steven. Tinawanan ako ng walanghiya kong kapatid. “Hulaan ko kuya? Siguro sinermunan ka na naman ni Francisco?” “Oo galit na galit nga sa ’kin at hindi ko pa rin nagagawa ’yong pinapagawa niya.” Sumeryoso ang kapatid ko, parang nakikisimpatya sa kalagayan ko. “Ikaw naman kasi. Sabi ko sa ’yo iwanan mo na ’yan si Francisco. Hawakan mo na lang ’yong negosyo sa Davao,” payo ni Dos sa ’kin. Tumayo ito at tinungo ang istante, kung saan naroon ang mga wine niya. “Alam mo naman hindi ko basta-basta maiwan si Papa. Lalo pa ngayon malaki ang interes ni Franco, sa posisyon.” Bitbit ni Dos ang paborito kong alak—Jack Daniel’s. Agad tumayo si Steven at pinaghanda ako ng alak sa baso. “Huwag kang mag-alala sa ’yo ibibigay ni Francisco ang posisyon. Ikaw ’ata ang nagmana ng katapangan niya.” Umiling ako. “Hindi ako sigurado nandiyan si Franco, naghihintay lang ng pagkakataon. Si Kuya Antonio, at Kuya Alex, hindi ko alam sa tatlo. Kung sino ang kalaban ko at kakampi? Parehong may mga interes sa posisyon.” “Basta kuya, dito lang kami ni Celestina tutulungan ka namin, na mapasaiyo ang pagiging pinuno ng organization.” mariing pahayag ni Dos. Binanggit pa ang nanahimik naming isang kapatid sa Canada. “Salamat, bro.” “Cheers, tayo sa tagumpay. Steven!” Itinaas ni Dos ang kanyang baso. Tapos itinaas ko rin ang aking baso. “Cheers, para kay, boss!” masayang itinaas ni Stven ang kanyang baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD