Chapter 8

3157 Words
Third Person, POV's Franco “BOSS, napatawag po kayo?” tanong ng lalaki sa kausap sa cellphone at walang iba kun 'di si Franco. “Puntahan mo 'yong mag-ina. May nakita raw si Ferdinand, kagabi na umaaligid sa bahay nila. Baka isa 'yon sa tauhan ni Bryan,” utos niya sa kanyang tauhan. “Masusunod, boss.” “Dalhin mo sila sa safe house natin sa Batangas.” “Areglado boss.” Ibinulsa ni Franco ang kanyang cellphone. “Ito na ang simula nang laban, sa wakas ay may maipangtatapat na ako sa bata ni Mr. Chua na si Allen. Konting pag-eensayo na lang ay mas mahihigitan ni Joseph si Allen. Nasasabik ako sa laban nila ...” Mabilis niyang inayos ang sarili nang marinig na may parating na tauhan ng kanyang amo. “Boss Franco, pinapatawag kayo ni pinuno.” “Sige susunod ako,” sagot ni Franco. Mabilis siyang sumunod sa lalaki. Naabutan pa niyang nakaupo sa sala si Don Francisco, na tila malalim ang iniisip. “Pinapatawag n’yo raw po ako?” Ngumiti ang Pinuno saka umayos ng upo habang nakasalampak sa bibig ang tabako. “Maupo ka. Tumawag kanina si Mr. Chua, may binuksan na naman siyang laban para kay Allen. May pambato ba tayo?” tanong ni Don Francisco. Kasali kasi ang oragnisasyon nila sa mga illegal activities sa bansa, tulad ng underground fighting at marami pang iba. “Hindi pa masyadong train ’yong bata ko, Pinuno.” Umupo ito sa dulo ng sofa. “I-train mong mabuti. Susuportahan ko lahat ng pangangailangan niya. Kung kinakailangang kumuha tayo ng magaling na coach, gawin natin. Hindi ako papayag na matalo muli. Sisiguraduhin ko sa mga oras na ito, tayo ang maghahari sa ring. Kaya kailangan ko ang tulong mo ngayon. Pagplanohan natin kung paano mapabagsak si Mr. Chua. Nang sa gano'n makuha natin ang mga kaanib sa Russia, kailangan ko sila upang mapalago pa sa buong mundo ang ating organisasyon,” mahaba-haba at punong-puno nang determinasyon na pahayag ni Don Francisco. Batid niyang medyo kakaunti pa ang sumasanib sa organisasyon nila na taga-Russia. “Makakaasa po kayo, Pinuno. Isang daang porsyento ang suporta ko sa inyo kasama ng aking mga tauhan,” nakangiting sagot ni Franco. Gagawin din niya ang lahat ng paraan upang matulungan ang don. Nang sa gano'n, balang araw sa kanya ipapasa ang pagiging pinuno ng organisasyon. “Magpatawag ka ng meeting. Kailangan nating paghandaan ang hamon ni Mr. Chua.” “Opo, Pinuno.” THIRD PERSON, POV’s ***** Joseph Saglit akong nagpaalam sa aking mga tropa dito sa Bulacan. Kahit bago lang kami rito, tinanggap nila ako at si mama. “Saan ang punta ninyo ngayon ’yan?” tanong ni Kuya Boboy. Siya ang nagturo sa akin, kung paano lumaban. “May pupuntahan lang kami ni mama. Saka kinakailangan ko siyang iligtas.” “Mag-ingat kayo sa pupuntahan n'yo. Kung kailangan mo ng tulong dito lang kami.” “Salamat, Kuya Boboy. Babalik kami rito, kapag ayos na ang lahat.” “Laging bukas ang hide-out sa iyo.” Matapos kong magpaalam. Agad akong umuwi sa bahay. Nagulat na lang ako nang datnang magulo at hawak-hawak ng tauhan ni Franco ang mama. “Ano’ng nangyari?” tanong ko sa lalaking may hawak kay mama. Mabilis akong lumapit sa kanila. “Sinugod tayo ng kalaban. Bilisan muna, sa sasakyan!” Agad kong hinawakan si mama at itinakbo, papunta sa van ni Franco. Habang ang mga tauhan ni Franco, nakikipaglaban sa mga ilang lalaki na dumating. Pagkasakay namin sa van agad 'yong pinaharurot ng tauhan ni Franco. ***** Bryan Tinawagan ako ng aking mga tauhan dahil nakita raw nilang may kumuha sa mag-ina. Mabilis kaming nagbiyahe ni Jake papuntang Bulacan. Naabutan pa namin silang nakikipaglaban sila sa mga lalaki na kumuha sa mag-ina. Lumapit ako kay Roger. “Ano’ng nangyari?” “Boss, nakatakas ang mag-ina.” “f**k. f**k!” galit kong mura sa kanila. Kulang na lang kunin ko ang baril ni Roger at pagbabarilin sila. “Boss, mga tauhan ni Franco, ang kumuha sa mag-ina,” pahayag ni Steven. Nakita ko pa ang pagkalabit ni Michael sa kanya. Mas lalong sumiklab ang galit ko sa aking narinig. “Mga walang silbi. Mga wala kayong kuwentang tauhan!” Sabay suntok ko sa kanila. Hindi ko sila tinigilan hanggat kaya ko. Maging si Steven nakatikim rin sa akin. Ibinunton ko sa kanila ang galit na kinikimkim ko kay Franco. “Sa susunod ayusin ninyo ang inyong mga trabaho. Dahil kapag pumalpak pa ulit kayo, pasensyahan na lang tayo. Trabaho lang walang personalan,” mariin kong pahayag sa kanila. Namaywang pa ako at hinabol ang aking paghinga. “Pasensya na boss. Babawi na kami sa susunod,” nakayukong pahayag ni Joel. Hindi na ako nagsalita, alam na nila pagtahimik ako. Mabilis akong lumapit kay Jake. Siya lamang ang bukod tanging hindi nakatikim sa akin. Siyempre kapatid ito ng babaeng mahal ko. Kaya rirespetuhin ko siya. “Susi!” sabi ko sa kanya. “Boss.” Nag-aalangan pa siyang ibigay sa akin ang susi. Pagkaabot ni Jake ng susi. Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan sa galit. Galit na galit ako kay Franco, naisahan na naman niya ako. Galit ako sa aking mga tauhan, dahil hindi nila nasunod ang utos ko. Mas lalo akong galit sa aking sarili. Simpleng utos lang ni Pinuno, hindi ko magawa-gawa. Siguro nga tama si papa, hindi ako karapat-dapat magmana ng kanyang trono. Sa galit ko wala sa tamang deriksyon ang tinutumbok kong daan. Ngunit nagulat na lang ako nang makitang nasa harapan na ako ng aking resthouse sa Tagaytay. Nagbusina lang ako at maya-maya bumukas ang malaking gate no'n. “Magandang gabi, boss!” bati ni Romeo. Isa sa anak ng katiwala ko roon. Bumaba ako sa aking sasakyan at tinungo ang pintuan ng aking rest house. “Ihanda mo ang firing range bukas. Mag-eensayo ako,” utos ko kay Romeo. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa mini-bar. Steven SAMANTALA, hindi alam nila Steven kung saan hahanapin si Bryan. “Tawagan mo si Dos, baka nasa club ’yon,” utos ni Roger kay Steven. “Subukan ko.” Agad nitong idinayal ang numero ni Dos. Na sinagot naman agad ng lalaki. “Steven, napatawag ka?” “Tatanong ko lang sana kung nand’yan si Boss Bryan.” “Bakit, may nangyari ba? Wala siya rito eh.” “Pumalpak ’yong operation namin. Nakatakas ang mag-ina. Galit na galit iniwan kami rito sa Bulacan.” “Ganoon ba. Natawagan mo na siya?” “Naka-off ang cellphone.” "Hayaan n'yo muna, baka nagpapalamig lang 'yon." “Sige salamat.” Matapos i-off ang cellphone agad niyang isinuksok ito sa bulsa ng pantalon. Lumapit si Roger kay Steven at may sinabi siya rito. “Tumawag si Romeo, nasa resthouse si boss, sa Tagaytay,” inform ni Roger kay Steven. Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Steven. Batid kasi niyang may ugali ang amo kapag ’di nailalabas ang galit nito. “Mabuti naman kung gano’n. Wala na bang ibang sinabi si Romeo?” Ngumisi si Roger. “Pinapahanda ang firing range.” “Mabuti naman kung gano’n, at least doon niya ibubuhos ang kanyang galit,” singit ni Michael. “Hayaan muna natin si boss, trabahuhin na lang natin ang kay Franco. Habang wala pa siya, para naman makabawi tayo sa kanya,” aniya ni Joel. Nauna na itong naglakad sa sasakyan. Maya-maya pa at sumunod na rin ang mga kasama niya. KATE Ilang araw ko nang hindi nakikita si Sir Bryan, pagkagising ko kasi kinabukasan ng gabing hinalikan niya ako ay hindi ko na siya nakita. May masama bang nangyari sa kanya? Hindi ko maiwasan na mag-alala sa kanya. ‘Bakit parang nami-miss ko 'ata siya?’ sabi ko sa aking sarili. Agad kong tinampal ang aking pisngi, dahil kung ano-ano’ng iniisip ko. Lumabas ako ng kuwarto at nagpahangin sa garden. "Kuya, wala pa po ba si Sir Bryan?" tanong ko kay Kuya Jake. Abala siya sa pagdidilig ng mga halaman. Mamaya magpriprisinta ako sa kanya, na ako na lamang ang gagawa ng ginagawa niya. “Wala nasa Tagaytay daw.” “May nangyari po ba sa kaniya?” “Walang nangyari sa kanya.” Itinigil nito ang ginagawa at humarap sa akin. “Bakit parang alalang-alala ang kapatid ko kay Sir Bryan?” “Kuya naman eh,” nakasimangot ako sa kanya habang pinipitas ko ang petals ng rose. “Warning lang. Baka sabihin mong hindi kita pinaalalahanan. Hanggat maaga putulin mo ’yang nararamdaman mo sa kanya. Baka sa huli umiyak ka, paalala lang.” Nang dahil sa sinabi ni Kuya Jake ay nawalan ako ng gana magtrabaho. Nami-miss ko talaga siya. BRYAN Maaga palang nagising na ako. Maganda rito sa Tagaytay, presko na ang hangin at tahimik pa. Nakaka-balance mag-isip. “Boss ang aga mo nagising?” tanong ni Romeo sa akin. Bahagya pa nitong tiningnan ang suot na relo. “Magja-jogging muna tayo bago. Bago tayo sumabak sa firing,” wika ko habang bumababa sa hagdan. “Si Rustan?” Hanap ko sa isa kong katiwala. “Nagluluto ako boss.” dumungaw si Rustan galing sa kitchen. “Sunod na lang ako.” Tumuloy na kami ni Romeo at nag-jogging. Dito lang sa paligid ng aking resthouse kami nag-jogging. Putok na ang araw ng mapagdesisyunan kong pumasok na kami sa bahay. Pawisan kaming parehong pumasok sa bahay ngunit gumaan naman ang pakiramdam ko. Dumiretso ako sa kuwarto at naligo bago bumaba at kumain kami ng agahan. “Boss, tumawag si Steven, kanina nagpatawag daw si pinuno ng meeting,” pahayag ni Rustan. Sabay-sabay kaming dumulog sa lamesa para kumain. “Kailan daw?” seryoso kong tanong. “Sa Lunes daw po. Saka darating din daw ang mga kapatid ninyo,” dagdag pa ni Rustan. “Call Rena, tell her to be prepare.” “Areglado boss.” Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at bumalik sa kuwarto para magbihis. Kasalukuyan na kaming nasa firing range and as expected everything’s ready. “Boss, ready na kayo?” sigaw ni Romeo. Sinenyasan ko siya na reding-ready na ako. Chineck ko muna ang baril na hawak, bago ko ito itinaas at inasinta ang target board na nasa malayong lugar. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi kaya’t bumalik ang galit ko at sunod-sunod na putok ang pinakawalan ko. Hindi ako tumigil hangga’t hindi nauubos ang bala no’n. I imagined the target board changing into Franco’s face at dahil doon ay mas lalong nagliyab ako sa galit. “Boss, hanep wala pa ring kupas. Asintadong-asintado pa rin.” Nang maubos ang bala ay kinaragahan ko ito ulit at ipinutok sa target board. I’am impressed about my shooting performance kagaya ng sabi ni Rustan asintado pa rin ako. Kaya’t hindi ko alam kung bakit ko hinayaan si Franco na maisahan ako. Nagpahinga lang ako saglit at tinuloy ulit ang pagbabaril. Pati sila Romeo at Rustan ay kasama ko na ring bumabaril maganda iyon para mahasa rin ang shooting nila. Hindi naman pwede na ang leader lang ang magaling. Nang matapos kami ay agad akong umupo sa kahoy na upuan doon. “Romeo, call Steven, tell him to pick me up,” utos ko. “Yes boss!” Maya-maya lang nagpaalam ako sa magkapatid. Sinabi ko sa kanila na mauuna na akong bumalik sa bahay. Dahil may taong biglang sumulpot sa utak ko. Habang naglalakad tuloy ako at nagpa-patahimik ng pag-iisip ay hindi ko maiwasang isipin ang lagay niya ngayon. ‘I miss her ...’ bulong ko habang patuloy na naglalakad. THIRD PERSON POV’s Samantala ’di mapakali si Virginia. Tkot ang nangingibabaw sa kanya dahil sa kalagayan nila ngayon. Iniisip niya kung sino ang kumuha sa kanila ng anak niya. “’Ma, umupo muna po kayo at h’wag na kayong masyadong mag-isip. Masama po sa inyo ang mag-isip nang mag-isip,” nag-alalang sabi ni Joseph sa ina. Biglang bumukas ang pintuan na mas lalong nagpakaba kay Virginia. “Kumusta ka na Virginia?” wika ng isang lalaki. “Ikaw...ikaw ang kumuha sa aming mag-ina,” sabi niya habang nakaturo rito. “Ako nga. Pero huwag kang mag-alala walang mangyayari sa inyo ng anak mo. Lahat ng gusto ko ay gagawin niya. In that way no one will get hurt all right,” pahayag ng lalaki. Walang iba kung hindi sa Franco. “Napakawalanghiya mo talaga Franco, huwag mo idamay ang anak ko rito!” sigaw ni Virginia. “In your state you can’t do anything. Damay na rito ang anak mo. Get him!” utos nito sa mga tauhan niya. Agad hinarang ni Joseph ang katawan sa mga tauhan ni Fraco. “Saan mo dadalhin ang mama ko?” matapang nitong tanong. Dahil nag-aalala siyang baka saktan ang mama niya habang wala siya. “Don’t worry about your mother Joseph. Walang mangyayari sa kanyang masama hangga’t nasa poder kita. Doon muna siya sa bahay ko sa Manila, doon ay mas mababantayan ko siya,” paliwanag ni Franco. Agad sinenyasan ang mga tauhan na kunin si Virginia. “Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama kay mama. Dahil kapag may nangyari sa kanya, ultimo kahit na makipagkasundo pa ko kay satanas gagawin ko mapatay lang kita,” walang halong biro na sabi ni Joseph. “Tinatakot mo ba ako bata?” nakngiti nitong tanong. “Hindi. Dahil gagawin ko talaga ang sinabi ko. Hindi ako natatakot sa iyo,” maangas nitong sagot kay Franco. Biglang nag-iba ang mukha ni Franco napagtanto niyang palaban talaga si Joseph at handa pa itong maki-pagpatayan, para sa ina. KATE Hinahanap ko si Kuya Jake at Steven dahil kakain na. Pumunta ako sa kabilang bahay sa kanilang barracks, dahil doon naman parating nakatambay ang mga lalaki. Nang makarating ako ay narinig kong nag-uusap sila tungkol kay Sir Bryan. Hindi sa pagiging chismosa pero nakinig ako sa pinag-uusapan nila. ‘Ano ba yan nang dahil kay Sir Bryan nagigiging maritess na ako,’ saad ko sa aking sarili. Itinapat ko pa ang aking tainga sa bintanang salamin. “Jake, nagpapasundo bukas si Boss Bryan, sa inyo ni Steven.” Narinig ko ang boses ni Kuya Michael. “Sige. Nasa Tagaytay pa rin ba siya?” boses naman ni Kuya Jake. “Oo, doon sa kanyang resthouse. Malapit sa people’s park,” hindi sure ni Steven kung saan ang address. “Tanga ka ba? Bakit hindi mo sure?” tahimik akong natawa sa sinabi ni Kuya Jake. “Ah, basta malapit nga sa people’s park. ’Yong pinakamalaking bahay nila ’yon.” Narinig ko pang sagot ni Steven. Bago nilisan ang bintana. Mabilis akong umalis at pumasok ng tahimik sa bahay. Dahan-dahan lang akong umakyat sa taas at dumiretso sa kuwarto ni Sir Bryan. Pinindot ko lang ang password at agad iyong bumukas. Agad kong hinanap ang lalagyan ng mga susi ng sasakyan niya. ‘Kuya Jake, patawarin mo sana ako sa aking gagawin,’ usal ko. Saglit lang ay nahanap ko na agad ito. Mabilis akong lumabas at dumiretso sa kuwarto namin. Mabuti nalang at walang tao dahil kumakain silang lahat doon sa baba. Kumuha lang ako ng jacket at lumabas ng tahimik sa bahay. Pagkarating ko sa parking area ay nakahinga ako ng maluwag dahil walang nagbabantay. Pumunta ako sa kotseng sinusuot lang ’yong susi sa pintuan upang mabuksan para hindi siya maingay. Nakalabas ako ng bahay na walang nakakakita sa akin. Masaya ako dahil makikita ko na siya at the same time ay kinakabahan dahil sa ginawa kong pagtakas. Sa tulong ng GPS ay nakarating ako sa Tagaytay ng hindi naliligaw. Hinanap ko ang sinasabi ni Steven na people’s park at hinanap ko rin ang bahay. Nang matagpuan ko ito ay tama nga si Steven pinakamalaki pala talaga ito dahil bumungad sa aking malaking gate. Bumusina ako at nagdasal na sana papasukin ako. Bumukas ang gate at pinapasok ako ng guard at dahil tinted naman itong sasakyan ay hindi niya alam kung sino ang nakasakay dito. Nang bumaba ako ay nagulat sila nagmakaawa akong h’wag nalang silang maingay. Nang makapasok na ako ay nadatnan kong nakatalikod na nakatayo si Sir Bryan sa gitna ng sala na parang may hinihintay. Nagpapraktis pa ko kung ano’ng sasabihin ko dahil hindi ko naman alam kung bakit nandito ako. ‘Girl ilang minuto ka nag-drive. Tapos ngayon hindi mo alam kung ano’ng sasabihin mo.’ Napailing ako dahil sa boses sa utak ko nang biglang lumingon si Sir Bryan kaya para akong tangang nakatagilid ang ulo rito. “What are you doing here?” “Hmm,” my gosh, walang pumapasok sa utak ko na palusot. Hindi ko matuloy ang kung anomang gusto kong sabihin sa kanya.. “How did you get here?” obvious na tanong niya. “Uh nag-drive?” patanong na sabi ko. “If you have nothing to say you can leave.” Tumalikod ito sa akin. “Iwill ask Romeo, to drive you home.” Humakbang ito para umalis na sana. Ngunit hindi ito natuloy nang biglang akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya mula sa likod. “I missed you,” ramdam kong nanigas ang katawan niya. “Kaya po ako pumunta rito dahil na-miss kita.” Hindi siya umimik at nanatiling nakatayo lang. Kaya unti-unti akong bumitaw. Saglit lang ay humarap siya sa akin. “Narinig ko po kasi si Kuya Jake at Steven na nag-uusap about sa pagsundo sayo,” sabi ko habang nakayuko. “What are you doing here?” balik ulit niyang tanong. Nakakunot pa ang noo sa akin. “Ano ba yan? Paulit-ulit ka na po sabi ko nami-miss kita, kaya ako na ang sumundo sa inyo,” pikon kong sabi. “Umuwi na po tayo.” Tumingin ako sa mga mata niya. “f**k!” narinig kong mura niya. At mas nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit. BRYAN Naghihintay ako kay Romeo sa sala nang may maramdaman akong may bumubulong sa likod ko kaya lumingon ako. ‘What she doing?’ Paalis na sana ako nang bigla niya akong niyakap. Saglit akong nagulat ngunit bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin. Ngayon ay yakap-yakap ko siya ng mahigpit. Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang dahil doon. Biglang siya ang naging pahinga ko, hindi ko na kailangan ng iba. ‘I miss her too.’ “Wait po, I can’t not breathe,” sabi niya kaya agad ko siyang nabitiwan. “Sino’ng kasama mo? Did you eat? Are you cold or what? Tell me,” sunod-sunod kong tanong. “Ako lang po mag-isa,” nakayuko niyang sabi. “f**k!” hindi ko napigilan ang sarili kong magmura. Ang tapang naman nitong babae na ito. Nakaya niyang magbiyahe at puntahan ako rito na nag-iisa. Lalo tuloy akong na-in love sa kanya. “Puwede po pakibawasan po ’yang pagmumura ninyo po. You’re scary when you start cussing.” malambing niyang sabi. “I’m sorry, baby.” Sabay yakap ko ulit sa kanya ng mahigpit. ‘I love you, Kate,’ saad ko sa aking isipan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD