Chapter 1

1352 Words
Kate Nandito ako ngayon sa aking kuwarto. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari sa aming pamilya. Namatay si Papa nalugi ang negosyo namin. Habang si Mama iniwan sa ’min ni Kuya Jake, ang kaliwa’t kanang problema at sandamakmak na utang. Isinama pa niya ang isa kung kapatid si Kuya Joseph. “Anak, okay ka lang ba?” si inay Melba ang aking yaya. Sa kabila ng lahat hindi niya kami iniwan, kahit wala na kaming maibigay sa kanya patuloy pa din niya kaming inaalagaan. “Opo, inay Melba.” sagot ko. Lumapit siya sa ’kin at magaang hinaplos ang akng buhok. “Umiiyak ka na naman?” “Nami-miss ko po si Mama at Kuya Joseph.” “Anak, ipag sa Diyos na lang natin ang nangyari. May awa ang Diyos anak.” Sabay yakap ni inay Melba sa akin. Mabuti na lang kahit papaano gumaan ang loob ko, hanggang sa nakatulog ako. Nang magising ako, medyo maaliwalas na ang panahon, hindi tulad ng mga nagdaang araw pati panahon nakiramay sa ’min. Habang pababa ako ng hagdan nakita ko si Kuya Jake sa sala. “Kumusta ang pag-aaral mo?” tanong ni Kuya Jake. Tumabi ako sa kanya. “Okay lang kuya. Ikaw po, kumusta ang trabaho n’yo?” Company driver ang trabaho ni Kuya Jake, dito sa Cavite. “Okay lang. Pero minsan nakakapagod din, marami kasi kaming deliver ngayon.” “Kawawa naman ang, kuya ko.” Hinawakan ako ni kuya sa ulo saka ginulo ang buhok ko. Paborito na niya talagang gawin ’yon sa ’kin. “Okay lang. Basta ikaw mag-aral kang mabuti, dito lang kami ni inay Melba.” “Salamat kuya, kung wala ka hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.” “Basta’t tandaan mo gagawin ko ang lahat para makapagtapos ka.” Sabay yakap sa akin ni Kuya Jake. Sa sobrang seryoso nang pag-uusap namin ni Kuya Jake. Hindi namin namalayan ang paglapit ni inay Melba sa amin, niyaya kaming kumain. Kahit simple lang ang pagkain sa lamesa wala na kaming reklamo ni Kuya Jake. Kinabukasan, naiwan naman kami sa bahay ni inay Melba umalis si kuya. Basta linggo wala si kuya, kasama niya ang kanyang mga kaibigan na kahit papaano di siya iniwan ng mga ito. Hindi tulad ko iniwan ako, nang nalaman nilang naghihirap na kami. Tanging si Nathalie na lang nag-iisa kong kaibigan, kaya bestfriend kami. Ito nga at ka-chat ko siya. Nathalie: “Best, pasok ka bukas?” Ako: “Oo best. Kailangan ko ring maghabol ng mga pinag-aralan natin.” sagot ko sa kanya. Dahil one week, halos hindi ako nakapasok. Nathalie: “Huwag kang mag-alala pahihiramin na lang kita ng mga notes ko.” Ako: “Thank you, best.” Nathalie: “Welcome best, basta’t ikaw. Paano pa’t naging best friend kita.” Ako: “Best friend, for ever!” Nathalie: “Best friend, for ever!” Marami pa kaming pinag-usapan ni Nathalie na miss ko talaga ang best friend ko. Kung hindi pa nal-obat ang cellphone ko baka inabot na naman kami ng hapon. “Nanay Melba, ano po ang niluluto ninyo?” “Sinigang na baboy. Para maiba naman ang ulam natin.” Itinapat ko ang aking nguso sa tabi ng kaldero. Saka inamoy ang steam na lumalabas ro’n. “Mukhang masarap po? Nagutom ako bigla.” Ngumiti sa ’kin si inay Melba. “Oh, hala maupo ka na riyan at kakain na tayo. Baka gabihin naman ng uwi ang kuya mo,” anyaya ni inay Melba sa ’kin. Nagsimula na rin itong maghain. “Sige po. Tutulungan ko na po kayo.” Pagkatapos naming ihanda ang pagkain.Kumain na kami ni Nanay Melba. Marami talaga akong nakain ’di ko alam kung gutom ako o talagang ginanahan lang akong kumain. Dahil ilang araw din wala akong ganang kumain. Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Kuya Jake Siya sa kanyang trabaho at ako naman sa aking school sa Saint Dominic College, dito rin sa Cavite. “Kuya, pagyumaman ka, bumili ka nang sarili nating kotse. Para ’di tayo lagi nakikipagkarerahan tuwing umaga, sa ibang pasahero,” sabi ko kay kuya. Nakaupo kami sa waiting shed, naghihintay ng bus. Tumawa si kuya sa ’kin. “Oo pagyumaman ulit tayo. Tatlo agad ang bibilhin ko, isa sa ’yo, kay inay Melba, at siyempre sa ’kin.” Sumimangot ako. “Kuya naman niloloko ako.” “Joke lang. Kaya ikaw mag-aral kang mabuti, para pagnagkaroon ka ng maayos na trabaho mabibili mo ang mga bagay na gusto mo,” payo sa ’kin ni kuya. “Opo kuya.” sagot ko rito. Pagdaan ng isang bus na medyo maluwag. Sumakay na kaming dalawa. Sampong minuto ang lumipas, nauna na akong bumaba kay Kuya Jake. Nandito na ako ngayon sa tapat ng school namin. Habang papasok ako sa loob, hindi maiwasang kabahan ako. Agad ko namang nakita si Nathalie. “Kate!” bati ni Nathalie sa akin. Sabay abot niya nang notebook. “Salamat best. Pag-aralan ko lahat nang ito?” “Oo lahat yan. Tara na.” yaya sa ’kin ni Nathalie. Papunta na kaming dalawa sa aming room, pagdating ro’n kukunti pa lang ang mga kaklase naming na naroon. Nakita ko ang iba kong kaibigan, ngunit hindi nila ako pinapansin, kaya tahimik na lamang ako sa aking bangko. Maya-maya pa dumating na ’yong professor. namin. “Good morning, Sir!” bati naming lahat. “Good morning! Welcome back, Miss Perez, kumusta ka na?” nakangiting sabi sa akin nang aming professor. Matapos niya kaming batiin. “I’m okay, sir. Thank you po,” magalang kong sagot. “Good. Okay let start.” Halos nangapa ako sa aming klase. Dahil mahal ako nang aking best friend, maghapon siyang nakaalalay sa likod ko. Ganoon na lang araw-araw ang trabaho ko bahay school, school bahay. Habang dumadaan ang mga araw lalo kong nami-miss si Mama at Kuya Joseph. Si Kuya Jake naman laging busy sa trabaho siya na talaga ang tumayong magulang ko bukod kay inay Melba. Naisip ko nga titigil na lang ako sa pag-aaral at magtrabaho na lang ako para ’di na ako masyado pabigat kay kuya Jake. Naawa din ako sa kanya pero palagay ko ’di papayag ’yon, may natira pa naman sa trust fund ko pero kukunti na lang talaga at malapit ng maubos. Sana kung buhay si Papa hindi mangyayari sa amin ito ang sipag kaya no’n at palagay ko namana ’yon ni Kuya Jake, lahat ay gagawin para sa pamilya. Suwerte ang babaeng magugustuhan ni Kuya Jake. “Ano iniisip mo?” Hindi ko namalayan ang pagtabi ni kuya sa ’kin. Umiling ako. “Wala po, kuya.” “Wala raw. Sa sobrang lalim nang iniisip mo, hindi mo nga ako namalayan na dumating.” “Ang totoo kuya. Gusto ko sanang huminto na sa aking pag-aaral,” “Bakit nahihirapan ka ba sa kurso mo?” tanong sa ’kin ni kuya, na nagtataka. “Hindi kuya. Baka kasi nahihirapan ka na. Halos ikaw na ang sumasagot sa pangangailangan natin sa araw-araw.” “Bakit may narinig ka ba sa akin na nagreklamo ako?" Hinubad ni kuya ang kanyang sapatos at isinandal ang likod sa sofa. “Wala kuya. Pero kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo.” Tiningnan ko siya, mukhang pagod naman ito. Kaya nagi-guilty na naman ako. “Huwag mo akong alalahanin, hanggat kaya ko tutulungan kita. Nandito lang ako, ipinangako kita kay Papa na hindi kita pababayaan,” Na-surprise ako sa sinabi ni kuya, mabuti pa siya at nakausap niya si Papa, bago ito namatay. Niyakap ko si Kuya Jake. “Salamat kuya ko, ang bait mo talaga.” “Kasi mabait ka ring bata.” Muli na naman niyang ginulo ang buhok ko. “Promise, kuya, magtatapos ako.” Sabay labas nang hinliliit kong daliri. “Promise yan, ha.” Ganoon din si kuya. Inilabas din niya ang kanyang hinliliit. Saka namin ’yon, pinagdikit tanda nang aming sumpaan. Masaya at kuntento na kami ni Kuya Jake sa ganoong buhay kahit pareho kaming nag-adjust sa aming kalagayan. Simple man ang buhay, may kuya naman akong kakampi sa hamon ng buhay sa araw-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD