KABANATA 4

3753 Words
Kabanata 4 Kabado ako habang nakasunod sa bulto ni Gov. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang ganito. Galit ba iyon dahil iniistorbo ko ang mga bodyguard n'ya? Napaka naman n'ya kung gano'n! Parang nakikipag-kaibigan lang naman iyong tao. Kung makaasta kasi para akong isang A&F na gusto s'yang patalsikin sa puwesto n'ya. Tsk! Pumasok na s'ya sa opisina n'ya kuno at iniwang bukas ang pinto para sa akin. Tahimik akong pumasok. Si Lucas ay nakaupo na sa swivel chair nito at nag-aabang na sa pagdating ko. Matalim na titig ang sinalubong n'ya pagkapasok ko. "Gov.—" Uunahan ko na sana s'ya para magpaliwanag pero agaran naman n'yang pinutol ang aking sasabihin. "Dito sa pamamahay ko ay hindi kita pinahihintulutan na kausapin ang mga tauhan ko. Except of course if that's a matter of life and death! Kung gusto mong umalembong sa mga tauhan ko, you can ask a day off at sa labas kayo mag-usap. Nagkakaintindihan ba tayo?" Matigas n'yang sabi habang ako'y tangang nakatitig lang sa kanya. Umaalembong? Iyon ba ang tawag sa pakikipag-kaibigan ko sa mga tauhan n'ya? Grabe s'ya! Langya! Hindi ko alam na makitid pala ang utak ng Gobernador ng Santayana. "Gov. hindi naman—" "I said, nagkakaintindihan ba tayo, Ma. Alameda? O gusto mong mas klaruhin ko pa sa'yo lahat ng patakaran ko sa pamamahay na 'to?" Asik nito. Bahagyang kumibot ang labi ko. Hindi ako makapagsalita kaya tumango na lang ako. Tagos hanggang kaluluwa pa rin ang titig n'ya sa akin. Kung kutsilyo lang ang mga titig n'ya ay pihadong kanina pa nalustay ang katawang-lupa ko. "Mahigpit kong ipinagbabawal ang pakikipag-usap mo sa sino man sa mga tauhan ko. I hired you to babysit my daughter, not to entertain my guard men, you understand? I assume that you are not a cheap woman para aliwin ang mga kalalakihan dito sa bahay ko. Whatever you do will definitely reflects on me. Gobernador ako kaya kung maaari gusto kong maging maayos lahat ng aking nasasakupan. At isa ka na doon ngayon, Ma. Alameda." Shit! Ang sakit magsalita ng lalaking 'to! Abot hanggang sa kaibuturan ng Fallopian tube ko. Kung buntis lang ako ngayon ay tiyak nakunan na ako sa bawat salita n'yang tumatarak sa dibdib ko. Napaka-walang konsiderasyon! Nakakainis! Ang sakit-sakit n'yang magsalita at kulang na lang sabihin n'yang isa akong p********e. Letse! "Simula ngayon ay ayaw kong makita kang nakikipag-usap sa sino mang lalaki sa bahay na 'to! Si Lorraine at si Lorraine lang ang tanging iintindihin mo. Did I make myself clear now, Ma. Alameda?" Kahit gusto kong maiyak ay nagawa ko pang sumang-ayon sa rules n'ya. Rules my ass! Hindi naman makatao! Kagat-labi akong umakyat sa kuwarto ko. Pinipigilan ko lang ang maiyak. Parang napinsala ako sa mga sinabi ni Lucas kanina. Kung ganito na lang din ang magiging buhay ko rito, mas mabuti pang maghanap na lang ako ng ibang trabaho. Tama! I need to find for another job. Iyong hindi cheap ang tingin sa akin. Lahat ng makita kong hiring job sa jobstreet at ilang site na nag-o-offer ng trabaho ay pinatulan ko na. Halos mapudpod na ang daliri ko kakalagitik sa keyboard ng pobre kong laptop. Attach file, send, so on and so forth. Bahala na si Bathala! ILANG araw ko nang iniiwasan na magsalubong ang landas namin ni Lucas. Nagtatagpo man kami ay umiiwas kaagad ako. Wala naman akong pake sa kanya dahil si Lorraine lang naman ang aalagaan ko. Maliban lang kung sahuran na. Teka! Hindi ko pa pala natatanong kung magkano ang sahod ko rito. Kung monthly ba, fifteen days or weekly. Kung maganda naman ang offer ay pagtitiisan ko na lang hanggang makaipon ako ng sapat na tuition fee. "Hey you," Tawag ng bruhilda sa akin. Nasa playroom kami ngayon dahil binabantayan ko s'yang maglaro kasama ang kaibigan n'ya na kapitbahay daw nila. "You hey, bakit? May kailangan ka po, mahal na Señorita?" Nang-uuyam kong tanong. Nag-fusion na naman ang dalawang kilay nito na ibig-sabihin lang ay nagsisimula na naman s'yang mag-ngitngit. May pinagmanahan nga talaga! "Get us some snack, Almada! A jar of cookies, four season juice and frozen mallows. Be quick!" Wow, huh? Seven years old lang ba 'to o seventy five years old na antagonista sa soap opera? "Right away, Lurin!" Inismiran ko ito bago lumabas. Napansin ko pa ang paghagik-ik ng kasama n'yang batang babae. Maaaring natawa ito sa pag-murder ko sa pangalan n'ya. Hay naku! Paano kaya palambutin ang batang 'yon? Sarap ituwid ng dila n'ya. Alameda lang, hindi pa magawang bigkasin ng tama. Nevermind! Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si Ronnie na abala sa pagluluto. Nagha-humming pa ito. Nakita ko naman ang nakasalpak na earphones sa tenga nito. Kaya pala hindi n'ya napapansin ang presens'ya ko. Didiretso na sana ako sa ref nang biglang nag-concert si Ronnie. Hindi na yata s'ya satisfied sa humming lang. ♬Boy you got my heartbeat runnin' away Hmm.. hmm.. hmm.. and it's comin' your way Can't you hear that boom badoom boom boom badoom base Can't you hear that super bass♬ Bigay na bigay ito sa total performance n'ya. Singing while dancing, huh? Ginawa pang microphone ang kawawang sandok. Gusto ko na tuloy humagalpak sa tawa. Hindi nga nagkamali ang instinct ko. Kulay rosas din pala ang dugong nananalaytay sa Ronnie na 'to. Sinasabi ko na nga ba, e! Bumuwelo muna ako bago nagpakawala ng tawa at masigabong palakpak. "Yeh, Nicki Minaj is in the house! Woah.. boom badoom boom!" Panggagaya ko sa kanta n'ya. Natigilan ito nang tumingin sa akin. Para itong mamumutla sa kahihiyan. Caught in the act, e! Ginaya ko rin ang pagkembot-kembot n'ya habang kumukuha ako ng mallows at juice sa ref. "Alameda? Hoy!" Tawag sa akin ni Ronnie. "Hmm?" Liningon ko s'ya. "N-nakita m-mo 'yon?" Nauutal n'yang tanong. "Uh-uh! Galing mo pala, huh? Bakletang 'to! Tinalo pa si Madonna at Shakira!" Rumihestro sa paningin ko ang ilang paglunok ni Ronnie. Nawala na ang atens'yon n'ya sa kanyang niluluto. "Alameda, hindi ako bakla!" Mariin n'yang pagtatama. "Ows? Denial queen! Feel ko kaya at nakita ng dalawang mata ko ang ebidens'ya." Ano bang pinaglalaban ng bayot na 'to? Hindi lang naman s'ya ang nalihis ng landas, no? Si Juls nga, umaming bakla no'ng ten years old pa lang s'ya at kakatapos lang n'yang magpatuli noon. "Hindi nga kasi ako bakla! L-lalaki ako!" "Lalaki na kauri rin ang gusto! Marupok. Hay, ano ka ba? Huwag mo ngang ikahiya kung ano ang tunay mong kasarian, Ronnie. Hindi naman kasalanan ang maging bading." Pangangaral ko sa kanya. Magandang lalaki si Ronnie. Maputi at malinis sa katawan. Malaki ang katawan tulad din ng ibang bodyguard ni Gov. Sa ayos n'ya ay hindi mo nga naman agad-agad na masi-sense na isa s'yang Eba na nagkukubli sa katauhan ni Adan. Sandali s'yang napaisip. "Pero lalaki talaga ako, Alameda! Natitiyak kong h-hindi ako ba-bakla." Tanggi pa rin n'ya. Hindi ko na napigilan ang mapairap. Tinodo ko na ang pagiging p****r ko. I mean, tutulungan ko s'yang i-push sa totoong landas kung saan talaga s'ya nabibilang. "Hindi ka talaga bading?" "Hindi." Agap n'yang asik. Ngumuso ako. "Talaga? Patunayan mo ngang hindi!" "Paano?" Kunot-noo n'yang tanong. "Simple lang. Hawakan mo ang boobs ko. Kapag hindi mo magawa dahil sa pandidiri ay iyon, maaamin mo nang bading ka! Ano, game?" Hamon ko sa kanya. Si Juls kasi ay takot sa dibdib ng babae kaya kung matatakot din itong si Ronnie ay alams na. Dito kami magkakaalaman. "Iyon lang ba ang tanging paraan? Uhm, wala na bang iba?" Nauumid na sabi nito at parang dumaraan sa matinding karukhaan ang isip nito. "Takot ka, tama ba? Aminin mo na lang kasi, Ronnie na bakla ka! Aminin mo sa sarili mo kung ano ka ba talaga! Kahit hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo na lang. Mahihirapan ka lang na itago iyan." Sunud-sunod ang naging pag-iling n'ya. Hayst! Ang hirap i-encourage ng bakletang 'to! "Sige nga, gawin mo para matapos na 'to!" Bored kong usal. Bumuntong-hininga ito at paulik-ulik na lumapit sa akin. Nakita ko pa ang pag-close open ng isang kamay n'ya bago ito itinaas. Halatang hindi n'ya talaga gusto ang gagawin n'ya. Umirap ulit ako at nag-chest out. Kung straight nga s'ya ay hindi na dapat s'ya mag-atubiling lamasin ang dibdib ko. Hindi ko rin naman ipapahamak ng ganito ang virgin kong boobs kong wala akong pinanghahawakan, no! Ilang millimeter na lang ang layo ng middle finger ni Ronnie mula sa boobs ko. Magkaalaman na sana kami nang biglang.. "WHAT THE f**k YOU'RE DOING?" "Gov. mali po iyong iniisip n'yo. Nagkakamali ho kayo, promise! Wala pong malaswang nangyari doon sa kusina kanina." Gusto ko nang mapapadyak sa inis dahil kahit anong paliwanag ko'y hindi talaga naniniwala sa akin si Lucas. Ang tigas talaga ng puso n'ya! Napahilot ito sa kanyang sentido at hindi makatingin sa akin nang diretso. Nandito na naman ako sa opisina n'ya para pagalitan. Para s'yang disciplinary counselor at ako ang makasalanang student. Hay buhay! "Stop denying, Ma. Alameda! I saw what you two were doing back there. Pati kusinero ko, hindi mo talaga pinalagpas? Anong klaseng babae ka? Wala ka bang delikadesa sa katawan, huh?" Umyak nito ulit na lalong nagpasikip sa aking dibdib. Lucas is Lucas talaga! Makitid ang utak! Pinuputok talaga ng tumbong n'ya iyong naantalang gagawin ni Ronnie. Hindi ko na magawang magsalita dahil parang may bumara na kung ano sa aking lalamunan. Gusto ko pang mangatuwiran ngunit sadyang sarado ang utak n'ya sa katotohanan. "You never failed to give me a goddamn headache, Ma. Alameda. Halos araw-araw ay lagi kang gumagawa ng.. ng problema dito sa pamamahay ko. Isang pagkakamali na lang, Ma. Alameda at iuuwi na kita kay Manang Julie. Mukhang hindi ka talaga naturuan kung paano umakto na akma bilang babae. Nawawalan ka na ng dangal sa sarili mo at wala akong balak na pahintulutan pa ang mga hindi wasto mong pinaggagawa sa bahay na 'to. Umayos ka at gawin mong desente ang sarili mo." Walang pakundangang panenermon sa akin ng dakilang Gobernador. Ang kapal ng mukha n'yang isampal sa akin ang mga bagay na 'yon. Ang dami n'yang alam pero ang suhetuhin ang unica hija n'ya hindi naman n'ya magawa. Nararamdaman ko na ang pag-init ng aking mga mata at tiyak ko na ano mang oras ay babagsak na ang mga luha ko. "Huwag po kayong mag-alala, Gov. dahil aalis na rin po ako next week. Hindi n'yo na kailangang problemahin ang pagiging p****k ko. Pasens'ya na rin po kung masyado ko kayong naperwisyo." Buong-tapang kong pahayag. Buo na ang pasya ko! Hindi ko na talaga matitiis ang ugali ng mag-amang 'to! Bwesit! Lubos talaga ang aking pagsisisi dahil sumang-ayon pa ako sa kagustuhan ni Aunty na mamasukan dito. Natigilan si Lucas sa aking sinabi at napatitig sa akin. Alam kong kabastosan 'yong nasabi ko pero hindi ko na talaga kayang manahimik pa. "You what?" Tiim-bagang n'yang tanong. "Ang sabi ko, aalis na ako dito next week dahil may papasukan na akong bagong trabaho sa Maynila. Iyong trabahong marangal at hindi ako ituturing na puta o babaeng mababa ang lipad." Ang sarap pa lang mag-drama minsan, no? Mag-artista na lang kaya ako. Hmm.. "FINE!" Nagitla ako nang bigla itong tumayo at galit na binagsak ang mga palad n'ya sa top glass ng working table n'ya. Nag-aapoy sa galit ang mga nito nang tinignan ko. "You can leave this house whenever you want! I don't f*****g care!" Matigas na sabi nito at tumalilis palabas ng kanyang opisina. At ako nama'y naiwang tulaley! Grabe! S'ya pa talaga 'tong nag-walk out pagkatapos n'ya akong alipustahin. Siraulong Gobernador! Paglabas ko ng office ni Gov. ay sinalubong kaagad ako ng nag-aalalang anyo ni Ronnie. "Al, pasens'ya ka na, ha? Nang dahil sa 'kin ay nagisa ka tuloy ni Gov." Paghingi nito ng paumanhin. "Ayos lang. Pabayaan mo na iyon." Lumingun-lingon muna ako sa paligid. "Sadyang siraulo lang talaga ang Lucas na 'yon." Hagik-ik ko na nagpaawang sa bibig ni Ronnie. "Al, bibig mo! Kapag ikaw talaga narinig ni Gov. tiyak ipapalapa ka no'n kay Luther." Pagbabanta ni Ronnie. Umirap ako. "Subukan lang n'ya! Ako mismo lalapa sa kan'ya." "Ano?" Bulalas ni Ronnie. "Titikman mo si Gov.?" "Lalapain hindi titikman. Magkaiba 'yon." Naglakad na kami papunta sa kusina ni Ronnie. May inutos pa pala sa 'kin si Lorraine. "Al, type mo si Gov., ano?" Biglaang tanong ni Ronnie. Napapatitig ako sa kan'ya gamit ang naniningkit kong mga mata. Type? Well, guwapo s'ya, walang duda. Makisig, matangkad, maputi, maskulado. Nasa kan'ya na nga lahat ng katangiang gusto ko sa isang lalaki. Pero gusto ko naman iyong medyo bastos at may sense of humor, hindi 'yong laging galit at seryoso katulad ni Lucas. Well, bastos nga naman s'ya noon pero ngayon hindi na siguro at ayoko sa gano'n. Masyadong boring. "Hindi ko s'ya type." Tahasan kong tugon. Gumusot ang noo ni Ronnie na para bang hindi s'ya kumbensido. "Hindi ko nga s'ya type. Mas type ko pa nga iyong kapatid n'yang si Leander." Pagkasabi ko no'n ay naging balisa si Ronnie. Tinakbo n'ya ang pagitan namin at tinakpan n'ya ang aking bibig gamit ang amoy bawang n'yang palad. Pumiglas ako. "Ronnie, ang baho ng kamay mo. Bwesit!" Nahahadlangan pa rin ng palad n'ya ang pagsasalita ko kaya hindi n'ya for sure maiintindihan ang sinasabi ko. Ano bang problema ng taong 'to at basta-basta na lang akong pinapatahimik? Sa wakas ay tinanggal na n'ya ang pagkakatakip sa aking bibig. Todo punas ako dahil ayoko talaga sa amoy ng bawang. Nasusuka ako sa amoy. Grr.. "Alameda, ito talaga sasabihin ko sa'yo!" Huminga ito ng malalim. "Al, huwag na huwag mo talagang mababanggit ang pangalan na iyon kung ayaw mong.. kung ayaw mong patayin ka ni Gov." At ako'y naguluhan nang bongga. "Pangalan? Ni Leander? Bakit?" Bakit hindi ko puwedeng banggitin ang pangalan ni Leander? Ang pangalan ng nag-iisang kapatid ni Lucas? Why oh why, Concheta?! May hindi ba ako alam? “Basta makinig ka na lang sa 'kin, Al kung ayaw mong makatikim ng galit ni Gov.” “Di kita maintindihan.” “Ay bobo!” Aniya at napasapo sa kan'yang noo. “Basta 'yon na 'yon. No more asking questions!” dagdag pa nito bago ako tinalikuran. “Psh! Ang OA ng bakletang 'yon.” Bulong ko na lamang sa aking sarili. Hanggang sa pabalik na ako sa itaas ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit bawal banggitin dito ang pangalan ni Leander. Maraming taon na rin kasi na wala akong balita sa kan'ya kaya wala talaga akong kaidi-ideya kung may alitan ba ang magkapatid. Nasaan na kaya si Leander ngayon? May asawa na kaya s'ya? Anak? Hayst! Sayang naman kung may sariling pamilya na s'ya. Aminado kasi ako na hanggang ngayon ay may paghanga pa rin ako sa kan'ya. Ultimate crush ko s'ya kung baga. Sayang lang at hindi ko alam kung nasaan na s'ya ngayon. Napukaw ako mula sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang ingay sa loob ng.. ng kuwarto ko? What the heck? Hindi naman siguro multo ang mga 'yon. Rinig ko pa ang malalakas na tawanan mula sa parteng 'yon. Si Lorraine. Shit! Apurado akong pumasok sa kuwarto ko at muntik pang matapon ang dala ko dahil sa pagmamadali. Nagulat pa ang dalawa sa pagdating ko. Nadatnan ko si Lorraine at ang kalaro nito na tinitignan ang sketch notebook ko. Iyong luma kong notebook. Nakakalat na rin ang ilang gamit ko na para bang dinaanan ng buhawi. “Lorraine, anong ginawa n'yo sa gamit ko?” Dismayado kong asik. Halos lahat ng mumurahing painting materials ko ay sira-sira na. Gusto kong pagalitan si Lorraine pero naiisip ko rin naman na bata lang s'ya. Sinadya man n'ya o hindi ay wala akong karapatang magalit. Mutsasa lang naman ako dito at hindi ko nakakalimutan 'yon. Nanlulumo ako at halos mangiyak-ngiyak habang inaayos ko ang mga ikinalat nina Lorraine. Tahimik na lumabas ang dalawa pero napansin kong tumigil si Lorraine sa hamba ng pintuan. Nag-angat ako ng tingin upang titigan s'ya. “If I'm not mistaken, this one was Dad!” Napa 'Oh' ako habang ipinapakita n'ya sa 'kin ang krokis ng imahen ni Lucas na iginuhit ko dati. “It's his image and you drew him. Ipapakita ko 'to sa kan'ya. Siguro may gusto ka sa Daddy ko kaya you drew him before. Tss. You b***h! Sabi ko na nga ba, e.” Puno ng pagdududa ang bawat binibitawang salita nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sa pagbibintang nito. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita dahil tumakbo na si Lorraine. Hindi na rin nagpagil ang ilang luha ko na magtanghal. Malas! Nanghihina akong tumayo at sinundan si Lorraine. Hindi dapat makita ni Lucas 'yon dahil baka ano pa ang isipin no'n sa akin. Tiyak ko na magkapareho talaga ang likaw ng mga bituka nila ng maldita n'yang anak. “Lorraine, sandali. T—teka!” Tawag ko dito pero lumingon lang ito para tarayan ako. D'yos ko po! Bigyan n'yo pa po sana ako ng toneladang pasens'ya! Sinundan ko pa rin ito na sa tingin ko ay papunta sa labas. Nagsitinginan sa akin ang mga bodyguard ni Lucas ng makalabas ako. Benaliwala ko iyon at patuloy na hinabol si Lorraine. Napapadyak ito ng hindi n'ya siguro makita ang Daddy n'ya. Tumigil ito sa may bandang pool at hinarap ako. “Why do you have to follow after me, huh? Go away, you poor woman!” Inis nitong sabi. “Lorraine, ibalik mo na sa 'kin ang notebook ko. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa 'kin ang bagay na 'yan.” Pakiusap ko. Labis kong iniingatan ang notebook na 'yan dahil bukod sa nakaguhit doon ang dream house namin ni Mama ay nakabanghay din doon ang hitsura ng taong pinapahanap sa akin ni Mama. “I won't! Ayaw mo lang talagang malaman ni Daddy na may gusto ka sa kan'ya. Well, I'm telling you. Hindi ka kailanman magugustuhan ni Daddy cause you are a b***h! A poor b***h! You are far from his type.” Naningkit ang aking mga mata sa sinabi nito. Iginigiit n'ya talaga na may gusto ako sa damuho n'yang ama. Letse! Atsaka b***h daw? Ako b***h? Bitch ba ang tawag sa babaeng ni minsan ay hindi pa nga nakararanas na mahalikan at makarinyo ng isang lalaki? Wow, huh? Ang talim talaga ng dila ng batang 'to! Pambihira! “Ibalik mo na lang kasi sa 'kin ang notebook!” Iritado kong saad. Nagngising-aso si Lorraine at namilog ang mga mata ko ng mawari ko ang susunod n'yang gagawin. Patakbo akong lumapit sa kan'ya ngunit bago pa ako makaabot sa puwesto n'ya'y naihagis na n'ya sa pool ang notebook. “Anong..” Gulat na gulat kong hiyaw. Hindi na ako nagdalawang-isip na sagipin ang kawawa kong notebook at mabilis akong tumalon papunta sa tubig. Huli na no'ng naalala kong hindi nga pala ako marunong lumangoy at sadyang malalim pa talaga ang water level ng pool. D'yos ko po! Kayo na pong bahala sa 'kin. Mama, Papa. Sa tingin ko po'y malapit na tayong magkakasama muli. Nakainum na ako ng tubig at rinig ko rin ang pagpapanic ni Lorraine. Tila humihingi ito ng saklolo. “Lorraine, anong ginawa mo?” Dumalo na sa may bahaging pool ang ilang bodyguard ni Lucas. Hindi na malinaw sa 'kin kung sinu-sino iyon pero natitiyak kong tumalon ang isang lalaki papunta sa pool. Marahil ay balak nitong sagipin ako. “Oh Jesus! Help her! Help her out from the water!” Patuloy na sigaw ni Lorraine. “My God! Save.. save her. Please, save her from drowning!” Nasa ilalim na ako ng tubig na para bang may humihigit sa katawan ko pailalim na kahit anong angat ko sa aking sarili'y lalo lang akong nalulunod. Sinusubukan ko ang umangat ngunit nahihirapan na 'ko. Ngunit bago pa man ako nawalan ng malay ay huli kong namalayan ang nag-aalala at tarantang sigaw ni Lucas. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang naalala ko lang paggising ko'y mukha ni Lucas ang bumati sa 'king mga mata. “Kamusta ang pakiramdam mo?” Usisa nito na parang nag-aalangan pang magtanong. Napagtanto ko na nasa kuwarto na pala ako at nakabihis na rin. Teka.. Sinong.. “I did change your clothes.” Pahayag ni Lucas na ikinabigla ko. No way! “ANO?” “Was it a big deal? Binihisan lang kita dahil kung pababayaan kitang basa baka magkasakit ka pa.” Paliwanag nito na parang wala lang sa kan'ya ang lahat. “And one more thing, dalawa lang kayong babae dito ni Lorraine kaya aside from her ay ako lang naman ang puwedeng magbihis sa'yo. Unless you want one of my guardsmen do the stripped show in your behalf?!” Pilyong sabi pa nito. Tarantado! “Bastos!” Mahina kong sabi. Tinakpan ko ng comforter ang katawan ko. Para akong tanga sa ginagawa ko. “Don't tell me, na—nakita mo 'yong secret chuchu't lahat ko?” Naku! Hindi puwede! Hindi maaaring makita n'ya yon! “Exactly but have no worries, Ma. Alameda, I've already seen a lot of that before. Way better and sexier than yours.” Ano daw? Sexier than me? Aba't! Makainsulto naman 'to parang hindi kaaya-aya ang alindog ko! Buwesit! “Anyway, about what Lorraine did earlier.. I want to apologize for what she did, Ma. Alameda.” Seryosong anito. Bahagya akong natigilan. Naalala ko bigla ang notebook ko. “Yong notebook ko ba, nasaan? Nakuha ba? Alam mo ba kung nasaan?” Kumunot ang noo ni Lucas sa reaks'yon ko. “You.. damn! You were almost drowned out to death awhile back pero notebook mo pa rin ang hinahanap mo? What the heck, Alameda?” Tumayo na ako't hinanap ang notebook. Baka sakaling nandito na rin 'yon ayaw lang sabihin ng gurang na 'to. Ang dami pang dada! “Stop tuckering yourself out, Alameda! You have to get more rest.” Suway uli nito pero hindi ko pa rin s'ya pinapansin. Kailangan kong makita ang notebook ko. Para na akong shunga na naghahanap sa isang bagay na parang wala naman dito. Nasaan na kasi 'yon? Nasa pool pa ba? Lumabas na ako ng kuwarto para balikan sa pool ang notebook. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang may maramdaman akong mainit na bagay ang pumigil sa braso ko. Literal akong natigilan s'yempre. Hindi ko alam bakit nag-iba ang pilantik ng puso ko sa sandaling 'to. Parang kakaiba na hindi ko mawari. Nakakapanindig-balahibo ang isang karaniwang hawak lang ni.. Lucas. Anong ibig sabihin nito? “Go back to your goddamn room and I'll go get the notebook for you! Just—” Naputol sa ere ang sasabihin nito nang tuluyan ko s'yang hinarap. Tila biglaang nagbago ang reaks'yon n'ya dahil sa paraan ng pagtitig ko sa mukha n'ya papunta sa kamay n'yang nakahawak pa rin sa 'king braso. He looks a bit tensed. “S—sige.” Utal kong tugon. Our eyes locked for a moment now at parang ni isa sa 'min ay walang balak bumitaw. Bumaba ang tingin ko sa gumalaw na Adam's apple ni Lucas. s**t! Hindi ko alam pero I found it hot and sexy. Nakaka-trigger ng pagnanasa. Tuluyan na akong nalunod sa titig ni Lucas hanggang sa unti-unti nang lumapit ang mukha n'ya sa mukha ko. Pinikit ko ang aking mata dahil may kutob na ako sa kung anong balak n'yang gawin na honestly ay gusto ko rin. At last, makakatikim na rin ako ng tunay na sarap. His smooth and thick wet lips finally landed on mine. Sarap na sarap ako sa ginawa n'ya kaya nama'y hindi na 'ko nagdalawang-isip na tugunan ang bawat halik na inuulan n'ya sa akin. Naghalikan kami sa mainit at nakakapanabik na paraan. Para kaming uhaw sa labi ng isa't-isa. Ngunit nagitla ako nang maramdaman ko ang kamay na umaalog sa 'kin. “HOY! Alameda, gumising ka na d'yan!” Pagmulat ng aking mga mata'y sumalubong sa 'kin ang mataray na mukha ni Ronnie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD