KABANATA 5

3857 Words
Kabanata 5 Hinihingal na ako kakagulong sa kama ko dahil patuloy pa ring sumisiksik sa isipan ko ang naging usapan namin ni Lucas no'ng isang araw. Natitiyak ko na hindi panaginip iyong pagpapalit n'ya ng damit sa akin pero ang hindi ko sure ay iyong part na hinalikan n'ya ako. Mahigit dalawang araw ko na talagang pinagtatiyagaan na alalahanin ang bagay na iyon pero wala. Isa lang talaga iyong maharot na panaginip. Sayang! Narinig ko na may kumakatok sa pinto ko. Tatayo na sana ako ngunit sa kasamaang-palad ay nagkamali ako ng galaw kaya bumagsak ako sa sahig. Letse naman! Kapag minamalas ka nga naman, oo. Ugh.. Habang himas-himas ko ang siko kong tumama sa sahig ay pinagbuksan ko ang kumatok. Si Ronnie ang unang sumagi sa isip ko baka may sadya s'ya pero nagulat ako nang makita ko si Lorraine sa labas ng kuwarto ko. "Lorraine, may iuutos ka ba?" Tanong ko. Bahagyang naningkit ang aking mga mata dahil sa kakaibang aura ngayon ng bruhildang batang 'to. Hayst! Wala naman akong galit sa kan'ya dahil sa pag-salvage n'ya sa importanteng notebook ko pero hindi ko lang talaga mapigilang mainis. Inis lang naman. Very very slight lang. Umiling s'ya habang nakalabi. Hmm. May inilabas s'yang isang plastic case na malapad mula sa likuran n'ya at nahihiya n'ya itong inabot sa akin. "F—for you, Almada." Halos pabulong n'yang sambit. Nahulog ang mga mata n'ya sa kan'yang paanan na animo'y hindi n'ya ako kayang tignan. "Lorraine, what's this? Para sa akin ba talaga 'to?" Unbelievable! Nanlaki ang mga mata ko dahil labis akong nasurpresa sa laman ng kahon. Complete set iyon ng mga painting material at makabagong sketch pad na noon ay sa mga mall ko lang pinagnanasaan pero ngayon ay nasa kamay ko na. "That's a peace offering po." Napakagat-labi ito at nag-peace sign. Iyon! Ang cute naman pala nitong batang ito kapag hindi nagmamaldita eh. "Talaga? Baka naman ikaltas 'to ng Daddy mo sa sahod ko ha!" Paninigurado ko pa. Sunud-sunod naman s'yang umiling. "Para po talaga sa'yo iyan, Almada. In fact, the money I used for that is from my ipon pa. Promise!" Umakto pa itong nanunumpa. Dahan-dahan namang lumapad ang ngiti sa labi ko. Hindi lang naman ito ang dahilan ng ngiti ko kundi iyon narinig ko na gumamit s'ya ng po habang kausap n'ya ako. Mabait naman pala itong alaga ko. Ang saya lang! Tumikhim ako at umakto na hindi ko masyadong gusto ang binigay n'yang peace offering. Pero ang totoo talaga n'yan ay napakasaya ko dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng ganito. Pangarap ko kasi na makabili nito pero iyon nga, gifit na gifit ang madrasta n'yo! Parang nakonsens'ya ako dahil lumungkot ang mukha ni Lorraine. "Don't you like it po ba?" Nagkibit ako ng balikat at patay malisyang sinuri-suri ang kahon. "Gusto mo talaga na i-like ko 'tong bigay mo, Raine?" Sabi ko. Tumango naman s'ya. "Puwes banggitin mo muna ng maayos ang name ko. My name is Maria Alameda at hindi Almada, okay?" Pautay-utay kong pahayag upang ipaintindi sa kan'ya ng maayos ang pronunciation ng pangalan ko. "Iyon lang po ba? Sus, easy!" Pagyayabang nito at umaliwalas na ang maganda nitong mukha. "Bati na po tayo ha, Alameda?!" Nag-puppy eyes pa s'ya. Lalo s'yang gumaganda kapag nakangiti. Atsaka napansin ko lang na mas kahawig pa n'ya si Leander kesa sa Daddy n'ya lalo na kapag nakangiti. Well, no big deal. Parepareho lang naman silang de Veruz. "Lorraine, gusto mo bang subukang gamitin 'to?" Galak kong alok kay Lorraine at mukhang natutuwa naman s'ya sa ideyang iyon. "Pero.. hindi po kasi ako magaling sa art, e." Ngumuso ito at napakamot sa ulo. "E di I'll teach you. Gusto mo?" "Wow! Sige po. I would love to po." Napapalakpak si Lorraine sa sobrang tuwa. — "Oh, ang galing mo naman palang mag-paint, e." Puri ko sa iginuhit ni Lorraine na parang garden na may parang man-made na ilog at tulay pa. Akala ko ba walang alam sa art? Tignan mo 'tong batang 'to! Mapapa-wow ka na lang talaga. Hidden talent n'ya siguro ang pagpi-paint. Maalam s'ya pagdating sa pagbi-blend ng mga kulay at hindi masakit sa mata ang combination ng mga paint color na ginamit n'ya. "Magaling na po ba ako?" Aniya habang pinupunasan ng basang wipes ang kamay n'ya. "Naku, Lorraine. Hindi hamak na mas magaling ka pa sa akin." Nag-thumbs up ako. "Mahusay ka, Lorraine kaya keep it up." "Hindi naman po yata. You're the best po kasi when it comes to painting." "Hindi naman.." Pinabulaan ko kaagad ang sinabi n'ya. "No, magaling po talaga kayo. Kahit si Daddy nga po mukhang amaze na amaze sa mga sketch ninyo do'n sa notebook. Kahapon nga po nahuli ko s'ya na tinitignan iyong notebook mo. Siguro almost half an hour, gano'n." Pagkukuwento ni Lorraine. Excited kong nilapitan si Lorraine at nag-squat ako sa harapan n'ya. "Nagsasabi ka ba ng totoo, Lorraine? Ano, s—sure ka ba na.. na tinitignan talaga ng Daddy mo iyong notebook?" "Ah yeah!" "At sure ka na na-amaze s'ya? Baka naman guni-guni mo lang iyon." "I am telling the truth nga po. I even heard him say na it was so beautiful and perfect nga daw po." My God! Kung totoo man po ang sinasabi ni Lorraine ay maaari na po akong mamatay sa kilig. Parang ibig kong sumigaw at mangisay sa sobrang kilig dahil sa kaalamang na-appreciate ni Lucas ang talent ko. At may possibility na ma-appreciate n'ya rin ako at ang ganda ko. Ay tangi! Parang ang layo naman ata ng nilipad ng imagination ko. Kabaliwan na 'to. Hindi na 'to normal! — Isang gabi habang nagdi-dinner ay inalok ako ni Lorraine na sabayan s'yang kumain dahil mukhang gagabihin na naman sa pag-uwi ang Daddy n'ya. Subsob na naman yata si Lucas sa tambak na trabaho sa kapitolyo. Mula no'ng napunta ako sa bahay na 'to ay siguro tatlong beses ko pa lang silang nakita ni Lorraine na sabay kumain. Napapaisip tuloy ako na kaya medyo may kagaspangan ang ugali ni Lorraine kasi hindi s'ya gaanong napagtutuunan ng atens'yon ng Daddy n'ya. Nagtataka rin ako kung nasaan ba ang Mommy ni Lorraine. "Raine, bakit wala dito ang Mommy mo?" Nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin si Lorraine no'ng sinamahan ko s'ya sa room n'ya para patulugin. Tinabihan ko muna s'ya sa kama habang hindi pa s'ya natutulog. "I have no idea where my Mommy is. Ang sabi lang ni Lola sa akin ay nasa malayo daw po ang Mommy ko." Hindi nakatakas sa akin ang lungkot at pananabik ni Lorraine sa kan'yang Ina. Dahil kung ako nga, dalagita na ako no'ng iniwan ako ni Mama pero gabi-gabi pa rin akong umiiyak dahil sa pangungulila. Paano pa kaya si Lorraine na maagang naulila sa kan'yang Ina. Sa ilang araw na naging magkasundo kami ni Lorraine ay batid ko na ang totoong ugali ng bata. Kagaya ko rin s'ya, mukhang palaban at tapang-tapangan pero once na nahaplos mo na ang damdamin n'ya ay agad-agad itong magtitiwala at magmamahal. "Don't lose your hope, Raine. Baka bukas o sa makalawa ay makakapiling mo din ang Mommy mo. Tiwala ka lang." Pagpapalakas ko sa kan'yang loob. "Thank you po, Alameda." She smiled sweetly. Hinaplos ko ang buhok n'ya upang makatulog s'ya kaagad. Moments passed by nang biglang magsalita ulit si Lorraine. Bumalikwas s'ya patayo at humarap sa akin ng nakaluhod. "Bakit hindi na lang ikaw ang maging Mommy ko while my real Mom is still out of the picture?" Aniya habang pakawag-kawag ang paris n'yang kilay. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi n'ya. Gusto talaga akong ipahamak ng bubwit na 'to! Pero okay din iyon, ha! I am the mother and Lucas is the father. Waah.. We're going to be a complete family. Pasado na alas onse ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng masugid kong manliligaw tuwing gabi— ang antok. Tumambay muna ako sa lanai ng kuwarto ko at naisipan kong silipin ang f*******: account ko. Sakto namang online si Jules kaya tinawagan ko s'ya through messenger. Three rings lang ay in-accept n'ya ang tawag at nakipag video chat ako sa kan'ya. "Aba, nagparamdam din ang mahal na birheng Maria Alameda." Sumalubong sa akin ang mataray na mukha ng baklita. Namiss ko na rin kasi ang bangayan namin. I plugged my earphones para marinig ko ng maayos ang mga pambubuwesit ng dakila kong kaibigan. "Siyempre. Iche-check ko lang kung humihinga pa ba kayo d'yan. You know, worried lang me." Pasens'yahan na lang tayo ha kasi ganito talaga kami mag-usap. "Antipatika! Oh, ano? Ilang araw pa ang kaya mong tiisan d'yan?" "Bakit? Excited ka ba na mapalayas ako dito? Ikaw, ang sama mo talagang kaibigan kahit kailan." Pagtatampo ko pero siyempre biro lang. Sunud-sunod namang umirap ang gaga. "For the record, Ma. Alameda, ikaw lang ang tumagal ng mahigit isang buwan sa malditang batang iyan." "Hoy, heto naman! Teka, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo.." "Ang alin? Na ginapang mo na si Gov.?" "Grabe s'ya! Hindi pa, este hindi 'no! Gapang talaga." "E ano nga?" Nakita ko na may dumaan lalaki sa likod ni Jules. And take note nakatopless pa ang lalaki. Matindi! Ang healthy talaga ng lovelife nang baklang 'to. Dinaig pa kaming tatlo nila Roanne. "Hoy, hindi ko gusto iyang tingin mo ha? Ang ano mo, e. Umaariba na naman iyang mahalay mong pagdududa." Natawa ako. "Ang ano mo rin, wala pa nga akong sinasabi dito." Umikot na naman ang mga mata ni Jules. "Workmate ko iyon. Itigil mo iyang mga hinala mo. Oh s'ya, ano nga pala iyong sasabihin mo?" "Iyon nga, alam mo bang okay na kami ni Lorraine? As in we're in good terms na. Good news hindi ba? Mabait naman pala iyong batang iyon." Tumaas lang ang kilay ni Jules na para bang hindi s'ya naniniwala sa sinabi ko. "Okay na nga kasi kami. Ang totoo nga n'yan ay binigyan pa n'ya ako ng gift last week." "E 'di okay kung gano'n nga. Masaya ako at nabawasan na ang sakit ng ulo mo d'yan. O sige, Al. Magbeu- beauty rest na ang Lola mo." "Okay sige, rest lang. Walang beauty." Hagik-ik ko at nag-peace sign. "Masasabunutan talaga kita, makikita mo! Bye bye na nga, good night." "Good night din, Julio. I love you." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may bumagsak na notebook sa table na nasa harapan ko. Pagtingala ko'y sumalubong sa akin ang naninigas na mukha ni Lucas. Inalis ko na sa tenga ko ang earphones at tumayo ako ng maayos. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil parang aatakihin na naman ako sa puso. Ba't kasi bigla-bigla na lang s'yang lilitaw? Atsaka paano s'ya nakapasok dito sa kuwarto ko? "Kaya pala hindi mo napansin na halos magiba na ang pinto kakakatok ko dahil masyado kang abala sa ka-Iloveyou-han mo d'yan sa cellphone mo." Tiim-bagang n'yang saad. Hindi agad ako nakapagsalita. Nakaknerbiyos kasi ang matalim n'yang titig sa akin na para bang nahuli n'ya ako na gumagawa ng krimen. "I didn't mean to intrude on your romantic conversation with your boyfriend. Nagpunta lang ako dito upang ibalik ang notebook mo." Aniya ulit at ngayo'y blanko na ang ekspres'yon ng mukha n'ya. "O—okay. Salamat, Gov." Nauutal kong sabi. Napa-lip bite na lamang ako dahil parang wala akong lakas ng loob na magpaliwanag sa kan'ya. Kaklaruhin ko sana na hindi ko boyfriend iyong kausap ko pero naisip ko na baka mag-aksaya na naman ako ng laway dahil batid ko naman na bingi s'ya pagdating sa paliwanag ko. Tanga akong nakatitig sa papalabas na si Lucas. Before he shut the door ay may hinabilin ulit s'ya. "Next time, you have to make sure that your door is lock if you're about to sleep. Safety is not always with us. Good night." Copy po, Gov. at good night din. Huwag kang mag-alala, guwapo ka pa rin sa mga mata ko kahit ubod ka ng sungit. Tsee. “Mama, kailangan ba talaga na ganito kadami iyong laman ng lunch box ko?” Napalingon ako kay Lorraine dahil sa suwabeng pagmamaktol nito sa tabi ko. First day of school ngayon ni Lorraine at kasama siyempre sa job description ko ang pagsama sa kan'ya sa tuwing sinusundo't hatid s'ya ni Andrew. Ang driver ni Lucas. “Kailangan iyan, Raine. Magtatampo ako sa'yo kapag hindi mo inubos iyan.” Malamlam kong hinagod ang likod ni Lorraine. Bumagsak ang balikat n'ya at ngumuso. “But Mama—” Naputol ang pagrereklamo ni Lorraine nang biglang sumingit sa girls talk namin si Lucas na kanina lang ay abala sa pakikipag-usap sa cellphone niya. Lukot ang noo nito na para bang hindi n'ya gaanong naintindihan ang usapan namin ni Lorraine mula sa likod. Nasa passenger seat kasi siya katabi ni Andrew. “Come again, baby? What d—did you just call her?” Ah iyon pala ang ikinalito niya. Ngunit ako nama'y nakaramdam ng kaunting lungkot dahil mukhang ayaw niya na tawagin akong mama ni Lorraine. Ang choosy naman! Parang kunwari lang, e. “It's Mama po. Alameda is now my Mama, isn't that awesome, Dad? I have now her as my mother.” Galak na pahayag ni Lorraine. Naghalf-smile ako sa bata nang liningon niya ako. Si Lucas naman ay hindi ko maintindihan ang ekspresiyon ng mukha niya. Pero sure ako na hindi okay sa kaniya na tawagin akong Mama ni Lorraine. Pero may magagawa ba siya kung iyon ang gusto ng anak niya? “Lorraine, I think it's not necessary that you call your Nanny that way.” Seryosong sabi ni Lucas. Hindi ko mapigilang mapairap dahil doon. Not necessary daw. Psh! Kung ganoon naman pala, bakit ayaw niyang ipakilala kay Lorraine ang tunay niyang Ina nang sa ganoon ay hindi ito maghanap ng iba? “But, Daddy.. I want Alameda to be my Mama. What's wrong with that po ba?” Pumiyok ang boses ng inosenting si Lorraine na ibig sabihin lang ay naiiyak na ito. “Gob, mukha naman talaga silang tunay na mag-ina. Pareho ho silang magaganda at makukulit.” Natatawang sabat ni Andrew mula sa driver seat. Agad naman itong nakatanggap ng matalim na tingin mula kay Lucas kaya ipinako muli nito ang atensiyon sa pagda–drive. Grabe lang! Titig palang iyon pero mukha na siyang mananakmal na tigre. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin ni Lucas pero mabilis kong binawi ang tingin ko. Nagpanggap ako na inaayos ko ang mga dalang gamit ni Lorraine for school. “Let's talk about this when I get home tonight, Ma. Alameda. In my office.” Mariing habilin nito at marahas akong napabuntong-hininga. Whatever! Passed four o'clock ay sinundo ko na si Lorraine sa classroom niya. Pansin ko na wala namang special treatment sa school na ito which is advantageous to my alaga s***h anak-anakan. Ayaw kasi talaga ni Lorraine na ma-notice siya dahil lang sa anak siya ng gobernador ng probensiya. Isa din iyon sa na-discover ko na attitude ni Lorraine kaya naman tanging si Claire lang ang lagi niyang nakakalaro. Iyong kapitbahay nila na nasa abroad ang mga magulang. Lorraine cheerfully crushed herself to me for a hug when she saw me outside her classroom. Pinantay ko ang mukha ko sa kaniya at binigyan niya ako ng mabilis na halik sa pisngi. Sweet nga kasi itong alaga ko e. “So how was my baby's first day in school?” Ibinigay ni Lorraine ang mga dala niya kay Andrew na nasa likod lang namin. Siya kasi ang inatasan ni Lucas na maging guwardiya at driver ni Lorraine ngayong nagsimula na ang schooling nito. “It was good.” Maikling sagot ni Lorraine. I gently hold her hand as we are heading off. “Good lang? Hindi ba fun or wonderful, gano'n?” Usisa ko kasi ako dati enjoy na enjoy ako tuwing unang araw ng klase. Lalo na no'ng high school ako, naku six thirty pa lang nakaabang na kami nina Roanne sa gate at nag-aabang na kami ng mga guwapong lalaki na idadagdag namin sa crush lists namin. Ang saya kaya no'ng gano'n lalo na kung malaman mo na crush ka rin ng crush mo, oh edi it's a tie, 'di ba? “My new, annoying classmates takes all the fun out of me. I don't like them po, Mama. They're not like Claire na mabait.” Inis na sumbong ni Lorraine. “Baka naman tinarayan mo kaya naman nasabi mo na hindi mabait. Teka, huwag mong sabihin na na-bully ka? Hala—” “Mama, stop exaggerating things, okay? Of course I won't give them the guts to bully me. Never.” Aba.. Atapang a bata, ah! Natawa ako at mahina kong tinapik ang shoulder niya. “Yan tayo, e. Mana ka talaga sa akin.” Nakipag-high five ako kay Lorraine. Nagyaya muna si Lorraine na dumaan sa drive thru bago kami dumiretso ng bahay. Bandang alas siyete habang tinutulungan ko si Ronnie na magligpit ng mga kinainan namin ay narinig ko ang tunog ng car engine mula sa labas. Tiyak kong si Lucas na iyon kaya kumaripas na ako ng takbo pataas sa kuwarto ko upang mag-ayos. Hindi naman puwede na haharap ako kay Lucas na madungis. Mabilis akong naghalf-bath at nagbihis. Bumaba na ako papunta sa office ni Lucas suot ang isang grey tanked top at cotton shorts na normally kong pangtulog. Sumenyas muna ako kay Bong na nakatayo lang sa sala kung nandoon na ba sa loob si Lucas at tumango naman ito kaya dumiretso na ako. Mukhang may gusto pang ipahabol si Bong pero hindi ko na ito pinansin kasi nga medyo excited na akong saluhin ang sermon ni Lucas. Kumatok muna ako bago pumasok pero natuod ako sa aking kinatatayuan nang madatnan ko na may babae sa loob at abala sa pagmamasahe sa likod ni Lucas. Nakapikit pa ito na animo'y nasisiyahan sa pinapatamasang kaginhawaan sa kaniya ng babae. Matangkad ito kumpara sa akin, maputi kesa sa akin at sexy pero hindi hamak na mas maganda naman yata ako. Grrr. Ba't naiirita akong tignan ang babaeng ito? “What the hell you're doing out there, Alameda?” Gulat na naibulalas ni Lucas nang makita niya akong nakatayo sa hamba ng pintuan. Umikot ang mga mata ko nang mapansin ko ang dismayadong ekspresiyon ng babae dahil sa pang-iisturbo ko sa kanila. “Nakalimutan mo na ba na gusto mo akong makausap, Gov?” Nahaluan ng inis ang tono ko. “Who's she, Luke?” Malanding tanong ng babae at hinagod pa ako ng mapanuri niyang tingin mula ulo hanggang paa. “Lorraine's Nanny.” Tipid na sagot ni Lucas. Umayos naman siya ng upo pero ang babae ay nanatili lamang na nakakapit sa magkabilang balikat niya. Maaaring ipinaglihi ang babaeng ito sa tarsier, ang tindi kong makakapit e. “Darn it! I forgot.” Lucas muttered out of frustration. Tumayo siya at hinarap ang babae. “Darlene, I'm sorry but I need to talk to her. This is way more important, I'm sorry. Ipapahatid na lang kita kay Ramon.” Pormal na saad nito sa babae. Lumapit ang babae kay Lucas at inikot nito ang mga braso sa leeg ni Lucas. Langya! Kailangan talaga na may audience pa habang naglalandian? Haneeep! The woman gave Lucas a quick peak on his lips at muntik pa akong maubo sa live show na ito. Laswa! “Okay, Luke! I understand. There's a lot of next time pa naman e.” Lumabas na ang babae at nagawa pa nitong ngumisi sa akin bago tumalilis. “Get in and shut the door!” Mariing utos sa akin ni Lucas nang maiwan kaming dalawa doon. Sinunod ko naman ang inutos nito. “Sit down!” He motioned to me to take a seat but I refused. “Tatayo na lang ako dahil mukhang mabilis lang naman 'to.” Bagot kong wika. Bahagyang dumilim ang mukha nito at napailing. Ilang sandali pa ay binuksan na niya ang totoong sadya niya sa akin. “I'll make this straight to my very point, Alameda. Hindi ako pabor sa kagustuhan ni Lorraine na tawagin ka niyang M—mama or Mommy, or whatsoever.” Daglian naman akong sumabat. “Gano'n ba? Bakit hindi po si Lorraine ang kausapin ninyo?” Matabang kong anas. “Don't dare use that damn tone on me, Ma. Alameda. Baka nakakalimutan mo na—” “Gov. hindi ko po makakalimutan na Yaya lang ako dito ni Lorraine.” Putol ko ulit sa sasabihin niya. Tumuwid ang gulugod nito at malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago niya ako muling tinitigan ng diretso. “I could see that my daughter is getting fond of you, Alameda and I thank you for that. But I can't tolerate if that child and dry nurse relationship of yours gets too far from normal just like now that she already used to call you a Mama. Alameda, do you get what my point is, don't you?” “Gov. gusto ko lang naman na tulungan iyong bata.” I reasoned out. “Tulungan? In what way, Alameda? Hindi makakatulong sa anak ko ang ginagawa mo at lalong hindi makakatulong iyon sa imahe ko bilang gobernador ng lugar na ito. Usually ay sa akin ang balik ng kalokohang iyan. People might think that I am having a solitary relationship with my daughter's Nanny now that she is treating you like her own mother.” Nagtatagis pa ang panga niya habang mariing pinagsasabihan ako. Kapag naalala ko kung gaano kalungkot si Lorraine sa tuwing nagiging paksa namin ang tungkol sa mama niya ay gusto ko na lang na magpanggap na Mama niya. Kasi kahit papaano ay maramdaman naman niya kung ano feeling na magkaroon ng Ina. “Gov, wala ka bang alam kung gaano kalungkot ang anak mo no'ng naikuwento niya sa akin kung gaano siya nananabik sa totoo niyang Mommy? Dahil kung alam mo lang ay hindi mo masasabi ang bagay na iyan. Alam mo rin ba na minsan nadadatnan ko siyang umiiyak habang tulog at hinahanap ang Mommy niya? Oh hindi mo rin alam iyon, hindi ba?” Pagak akong tumawa. Nanuot sa mga mata ni Lucas ang konsensiya at guilt dahil siguro sa nalaman niya. “Hindi naman po ako bobo para hindi maisip iyong mga concerns ninyo about sa image ninyo at sa pangalan ninyo, e. Hindi naman ako insensitive para balewalain iyon pero si Lorraine ang iniisip ko. Hindi ka ba masaya na makita mo siyang masaya? Dahil ako Lucas masaya ako. Masaya ako dahil ako na Yaya niya ay kaya siyang pasayahin sa paraan na kaya ko.” Pagmamalaki ko. “And now you the think na aaprubahan ko na ang gusto mo, well you're mistaken, Alameda.” “As if naman na I'm asking for your approval?” Bara ko sa kaniya. Wala na akong paki kung paalisin man niya ako sa trabaho basta ayos na sa akin na nasabi ko sa kaniya ang mga gusto kong sabihin. “Huwag na huwag mo akong pinipilosopo, Ma. Alameda.” Galit na utas nito. Umikot na naman ang aking mga mata dahil sa iritasyon. “Alam mo, wala kang kasing samang Ama. Pati ba naman kakarampot na kaligayahan ng anak mo ipinagkakait mo pa sa kaniya. Naisip mo talaga ang kapakanan mo sa mata ng mga tao pero hindi mo naman kanina naisip na mas masisira ka kapag nalaman ng mga tao na sinu-sinong babae lang ang kasama mo sa loob ng opisina mo.” I blurted out. Natutop ko ang bibig ko pagkatapos kong isambulat sa kaniya ang ugat ng inis ko. Ewan ko pero iyon talaga ang main reason kung bakit nagagawa kong sagut-sagutin si Lucas. Ayaw ko namang manahimik na lang palagi no! “Hold it, Alameda! Darn it! At paano naman napasok sa usapan si Darlene, huh?” Nagkibit lang ako ng balikat at lumabi ng painosenti. “Puwede na po ba akong lumabas? Mukhang tapos na rin naman ang usapan na ito. Kailangan ko pa kasing mag-impake.” Marahas na napatayo si Lucas dahil sa narinig. He darted me out with a shocked and confused look. “What the f**k did you just say? Mag-iimpake?” Nakita ko ang pagkuyom ng palad niya na nagpagulo sa utak ko. Strange! “Aalis na ako bukas dahil may nahanap na akong bagong trabaho sa Maynila. Baka doon hindi ako tatratuhing isang mababang uri ng babae at hindi ikakahiya ng amo ko. Somebody deserves my worth and that somebody is definitely not you, Governor Lucas de Veruz.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD