KABANATA 3

4042 Words
Kabanata 3 Flashback Continuation Maghapon kong hindi nakita sa mansion si Leander. Aaminin kong kinilig talaga ako sa biro n'yang iyon kagabi sa Kuya n'ya pero ang totoo'y nais lang talaga n'yang asarin ang kapatid. Nalaman ko mula sa kanya na hindi naman pala sila gaanong close ni Señorito Lucas kaya naman ganoon na lang kung makipag-bonding s'ya sa akin kasi kapatid na raw ang turing n'ya sa akin kahit kagabi pa lang kami nagkakilala. Siyempre ayos na rin sa akin iyon dahil talagang mabait naman si Leander. Guwapo na, mabait pa. Unlike sa Kuya n'yang medyo masungit na para bang may pinagdadaanan.  At hindi ko na rin idedeny na crush ko si Leander. Minsan lang akong makakilala ng kasing-guwapo n'ya kaya ika-crush ko na— este hahangaan ko na. Choosy pa ba? Hmm.. speaking of masungit. Tanaw ko si Señorito Lucas ngayon mula sa veranda ng kuwarto n'ya. Nasa yarda ako ngayon, sa ilalim ng puno ng flame tree. Kanina pa kasi ako rito at naghahanap ng magandang view na iguguhit ko para ipakita kay Leander. Magpapa-impress na rin ako kaya naghahanap ako ng perfect na view. At mukhang nakakita na ako ng magandang ehemplar na puwede kong iguhit— si Lucas. Agad kong inayos ang sketch book ko at sinimulang iguhit ang tamang anggulo ni Lucas. Nakasandal ang isang braso nito sa railing ng veranda at iyong isang kamay ay may hawak na telepono at abala sa pakikipag-usap sa kabilang linya. Nagkaroon ako ng sapat na oras upang isaulo ang kanyang pigura, lalo na ang kanyang mukha at ang medyo magulo nitong buhok. Nagpapasalamat ako dahil walang sumalansang distraction ngayon sa utak ko kaya alam kung magagawa ko ito ng maayos at hopefully magustuhan ni Leander. Kinabukasan ay agad kong hinanap muli si Leander upang sana'y ipakita ang iginuhit ko. Pero paglabas ko ng mansion ay nakita ko itong abala sa paghahakot ng ilang gamit papunta sa likod ng sasakyan. "Hey, beautiful." Nakangiting bati nito ng makita akong nakasipat sa ginagawa n'ya. Lumapit ako sa likod ng sasakyan upang mag-usisa. "Aalis ka?" Tanong ko. Nakita kong may dala s'yang dalawang cooler at basket na may lamang mga pagkain. "Hindi lang ako.. tayo." Anito. Pansamantala akong natulala. Kami? Aalis kami? "Hey, Al. What are you waiting for? Nagpaalam na ako kay Manang Julie na isasama kita sa rancho ngayon. Let's take some adventure." Galak na anuns'yo ni Leander. Wala na akong sinayang na segundo at kaagad akong tumakbo pabalik sa silid ni Aunty at nagbihis. Nagdala rin ako ng ilang damit and undies dahil ayon kay Leander ay maliligo raw kami sa isang waterfall malapit sa farm nila. Excited na ako. Nang makalabas ako ay nakita ko si Leander na nakasandal sa gilid ng kotse at naghihintay sa akin. Agad n'yang binuksan ang pinto sa passenger seat at dumiretso na ako doon. "Thanks." "Anything for you, little sister." Anito at kumindat pa. Pabiro ko naman s'yang inirapan bago pumasok sa sasakyan. Nagulat pa ako ng mahagip ng mga mata ko si Lucas na maangas na nakaupo sa backseat. May suot itong malaking headset na nakapatong sa maroon n'yang bonet. Nakapikit ito pero alam kong hindi s'ya tulog. So, kasama pala s'ya? Hay! Akala ko kami lang ni Leander. "Wait, let's put on your seat belt first, Al." Naagaw ni Leander ang atens'yon ko at ngayon ko lang napansin na nasa driver seat na pala s'ya. Mukhang natagalan ako sa pagtitig kay Lucas. Ano ba 'yan? Nailang ako sa sobrang lapit ni Leander habang ikinakabit nito ang seat belt ko. Sinakop na ng mint scents n'ya ang buong pagkatao ko at para akong kikiligin dahil lang doon. Ang babaw ko lang! "There! Safety is all yours, Al." Sambit ni Leander nang maayos na n'ya ang seat belt ko. "Thank you." Mahinang sabi ko at ngumiti naman ito. Bago pinaharurot ni Leander ang sasakyan ay narinig ko pa ang pag-tss ni Lucas mula sa likuran. Problema ng lalaking 'to? Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating kami sa rancho na sinasabi ni Leander. Malayo ito mula sa barrio na dinaanan namin kaya wala akong halos matanaw na kabahayan maliban sa isang two-story house sa loob ng rancho na gawa sa purong lumber. May ilang hayop rin akong nakita sa paligid tulad ng tupa, goat at mga manok. Nakakalat lang ang mga ito kahit saan. Nauna nang bumaba si Lucas at dumiretso sa loob ng bahay. Sumunod na lang din kami ni Leander. "Ang suplado nga talaga ng Kuya mo, no?" Puna ko at napapailing na lamang. "Don't mind him. He's been like that since Dad passed away." Oh? My bad! May pinaghuhugutan nga naman pala s'ya tapos kung anu-ano pang naiisip ko sa kanya. Ang sama ko! "Kaya pala." Tumango-tango ako. "Iyong mga dala natin, hindi ba natin ipapasok?" "Nope. Si Tata Joni na lang ang bahala d'yan." Anito na hula ko'y caretaker ng rancho ang tinutukoy n'ya. Lumundag na naman ang puso ko nang tinapunan n'ya ako ng nakakahalinang ngiti. Napasinghap ako ng walang pasabi'y hinawakan nito ang kamay ko at naglakad na kami papasok ng bahay. Makaluma na ang desinyo ng farm house na ito pero hindi pa rin matatawaran ang ganda nito. Simple pero magara. Halatang mayaman ang may-ari. Dumiretso kami sa taas upang igiya ako sa tutulugang silid ko. Pag-akyat namin ay nakita ko si Lucas na nakatunghay sa malawak na tanawin mula sa malaking lanai sa ikalawang palapag. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito at may naka-ipit pang yosi sa bibig nito. "Do you like my brother?" Nahatak ni Leander ang atens'yon ko kaya mabilis na lumipat sa kanya ang tingin ko. Taka ko s'yang tinignan dahil gusto kong humalakhak ng hilaw sa sinabi n'ya. "Leander?" Babala ko sa kanya. "Hey, don't junk that face on me, Al! I'm just kidding. Don't take it seriously." Siste nito at nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano na! "Pero seryoso 'to, Al. I rarely noticed you stealing thick glances at Luke since we left the mansion. May ibig sabihin ba ang mga titig mong iyon sa kapatid ko?" Lubos akong napangiwi sa sinabing iyon ni Leander. Inaalaska ba n'ya ako? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako tumititig kay Lucas. Uhm, napapatitig lang minsan.. accidentally. "W–wala. Ano.. ang weird lang kasi n'ya. Kung ano man ang iniisip mo ay itigil mo na. Wala akong gusto sa kanya, no! Never akong magkaka-crush sa isang gurang." Itaga mo pa sa bato. "That's odd! Baka naman ako ang crush mo." Aniya nang may pilyong ngiti sa mga mapupula nitong labi. "Hindi rin." Pagbulaan ko sa sarili. Hindi ko naman puwedeng isiwalat na may paghanga ako sa kanya. Ano ako, bale? Ayaw ko rin namang mapahiya kapag umamin ako tapos ang sasabihin lang n'ya ay, 'thanks for appreciating my s*x appeal.' Kaya ililihim ko na lang ang tungkol doon sa sarili ko. Nabura ang ngisi sa mukha ni Leander dahil sa sagot ko. Umarte pa itong dismayado at nakasapo pa ang kamay n'ya sa may bandang dibdib. "That hurts, Al. Wala pa lang effect sa'yo ang kaguwapuhan naming magkapatid. Siguro lesbian ka, no?" "Hoy, hindi, ha? Baliw!" Halakhak ko. "Cut that informal talk. We need to go off now at baka dilim na kapag nakarating tayo sa cascade." Ginambala ni Lucas ang pag-uusap namin. Nilagpasan kami nito at nauna nang bumaba. Nagkatinginan na lamang kami ni Leander at sabay na napailing. Bandang ala una na nang narating namin ang talon na sinasabi ni Leander. Mahigit kinse minutos ang nilakad namin bago namin narating ang lugar na ito, na sa tingin ko'y nasa kalagitnaan ng gubat. Sanay rin naman ako sa ganitong adventure dahil minsan ito rin ang bonding namin ng mga kaibigan ko. Malawak ang ngiti ko nang sa wakas ay naaninagan ko na ang napakagandang tanawin ng talon. Ngayon ko lang talaga nalaman na mayroon pa lang tinatagong ganda ang gubat ng Santayana. Huni ng mga ibon at hampas ng talon sa ibaba lamang ang ingay na maririnig mo rito. Nakakarelax ang lugar na ito at ang sarap sa pakiramdam ng preskong lamig ng hangin na yumayakap sa aking balat. Sumampa kami ni Leander sa malaking rock formation sa gilid ng talon. Abot ang ngiti ni Leander sa mga mata n'ya na nagpapatunay lamang na namamangha rin s'ya sa tanawin. "I missed this! Woah! Al, tara na." Masiglang usal ni Leander at nagsimula nang kalasin ang kanyang saplot. OMG! Mukhang masisilayan ko na ang tunay na ganda ng tanawin. Unang hinubad ni Leander ang t-shirts n'ya at kasunod naman ang cargo shorts n'ya. Agad akong nag-iwas nang tingin dahil baka hindi lang laway ang malunok ko, baka pati dila ko'y malunok ko rin. Bwesit! Breathtaking. "Al, hubad na!" Napalingon muli ako kay Leander at bahagyang napaawang ang aking bibig. Hubad? Gusto n'ya akong maghubad? Sa harap n'ya? Humagik-ik ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Al, don't tell me na maliligo kang naka-jacket at naka-maong?" Ay, oo nga pala! Naka-balot pa pala ang katawan ko. Sheez! "Sige, mauna ka na! Susunod na ako." Sabi ko na lang at agad na lumusong si Leander sa brook sa ibaba ng talon. Bumaba na rin ako sa malaking bato at pumwesto sa ilalim ng malaking puno. Sinimulan ko nang hubarin ang nakabalot sa aking katawan. Inuna ko ang maong na pantalon ko hanggang sa ang cotton shorts ko na lang ang naiwan. Sinunod ko na ang jacket ko at medyo nahirapan pa akong hubarin iyon dahil medyo masikip na s'ya. Hindi inaasahang tumaas rin ang tops ko at sabay na natanggal kasama ang jacket. Isusuot ko na sana pabalik ang ang spaghetti tops ko nang makita ko si Lucas na mataman na nanonood sa akin. Diretso ang mga mata nito sa akin. Mali.. sa dibdib ko pala. Bra lang kasi ang pang-itaas ko. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. At ang walang-hiya, hindi talaga inaalis ang mga mata sa dibdib ko. "Maniac! Mambubuso kang gurang ka!" Hindi ko na napigilang sumbatan s'ya. Mabilis akong tumalikod at dali-daling isinuot ang spaghetti tops ko. "Woah! Easy there, Ma. Alameda! I am just enjoying the view over there. I didn't know you have a majestic view with you." Rinig kong sabi nito. "A majestic twin peak." Nang maisuot ko na ang damit ko ay hinarap ko na ito gamit ang nakakasindak kong titig. "Bastos! Hindi ka lang pala masungit, maniac ka rin!" Nag-smirk lang ito sa akin. Iyong mala-demonyong smirk. "Just be thankful that at least someone like me appreciated your not-so-perky boobs." Dahil sa inis ay binato ko s'ya ng jacket ko. "Maniac ka talagang gurang ka! Bwesit! Isusumbong kita kay Aunty, walang-hiya ka!" Parang batang ngitngit ko. "Hay naku! Sumbongerang bata! Tch. Sana kasing matured ng boobs mo ang utak mo." Nanunuya ang tono nito kaya nama'y umareba na ang init ng ulo ko. Ni minsan ay wala pang uminsulto sa akin nang harap-harapan. Ito pa lang senior citizen na ito. "Puwes, sorry ka na lang dahil hindi pa ako kasing-gurang mo. Maniac old man!" Akala n'ya magpapa-behind ako sa kanya, puwes he's mistaken! "O–old man?" Kumunot ang noo nito. "Are you even aware whose you messing with, kid? Do I need to prove to you that I am not that old enough to screw you in bed? My s*x is still working well like a fifteen years old virgin boy. Wanna try?" Pilyong sambit nito na lalong nagpasingkit sa mga mata ko. S'ya na talaga ang pinaka-bastos at aroganteng hayop na nakilala ko! Grabe! Bigla akong naalarma nang gumalaw si Lucas at wari ko ay patungo s'ya sa direks'yon ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit na-glue sa lupa ang aking mga paa at naninigas ang aking mga tuhod. Ilang marahas na paglunok din ang nagawa ko habang nilalabanan ko ang nakakapaso n'yang mga titig. Hindi ito maaari! Ano bang gagawin n'ya? "H–hoy, gurang, huwag kang lumapit! D'yan ka lang kundi babasagin ko 'yang pinagmamalaki mong a–ano." Banta ko pero nangingibabaw sa boses ko ang kaba. Hindi man lang ito natinag sa sinabi ko at patuloy pa rin ito sa paglapit sa akin. Salamat sa Diyos at naigalaw ko rin ang mga paa ko. Napaatras na rin ako. "Don't you dare, Ma. Alameda! You can put a hand on it instead." Natatawang sabi nito. "Al, Luke! What are you doing? Hindi pa ba kayo maliligo?" Lubos ang pasasalamat ko kay Leander na dumating s'ya. My saviour indeed. S'ya ang saviour ko mula sa loko-loko n'yang kapatid. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Narinig ko pa ang mag-mumura ni Lucas dahil sa paggambala ni Leander. Hindi talaga madadaig ang kabutihan ng kasamaan. At nararapat sa demonyong ito ay lunurin. Tsh! "And'yan na. Hintayin mo ako d'yan, Lean." Sigaw ko. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at sinadya kong daanan si Lucas na ngayo'y nakaguhit sa isang linya ang mga labi. "Akala mo makakaisa ka! Aminin mo na lang kasi na uugod-ugod na iyang libido mo." Pasaring ko sa kanya at alistong tumakbo palayo bago pa n'ya ako magantihan. I won! Lucas the Maniac? Psh, panes! Present thought you will forget about what happened to us seven years earlier. Why do you have to blow it out again?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napalunok dahil sa paksang naungkat n'ya. Oo, nag-usap nga naman kami noon na kakalimutan na lamang namin ang ka-antipatikuhan n'ya noon pero hello, s'ya kaya nag-reminisce noon at hindi ako. Busangot ang mukha ko nang tinignan s'ya ulit. Gusto ko na sana mapa-face palm pero baka ang cute ko na kapag ginawa ko 'yon kaya next time na lang. "Gov. nakalimutan ko na kaya iyon. Ikaw lang naman ang umungkat no'n." Mahina kong sabi at napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Ano, parang nailang s'ya. See? Guilty s'ya, hindi ba? "Nevermind!" Matabang n'yang sabi at nauna nang tumayo at sumunod naman ako kaagad syempre. Naglakad s'ya papunta sa pinto habang ako'y nanatiling nakabuntot lamang sa kanya. Akala ko ay lalabas na s'ya ngunit laking gulat ko nang bigla itong humarap sa akin at nauntog ang noo ko sa matigas at maskulado n'yang dibdib. Hindi lang pala noo, buong mukha ko pala. "What the fѷck, Ma. Alameda? Why were you this c–close?" Napaatras ako dahil medyo tumaas na ang pitch ng tono n'ya. Parang ginagamitan na n'ya ako ng Governor pitch n'ya, iyong parang nakakakilabot. "Sorry, Gov. Ako na ang hihingi ng paumanhin sa pagbunggo ng dibdib n'yo sa mukha ko." Naging sarcastic ang tono ko. Hindi ko makita ang reaks'yon n'ya dahil nasa sahig ang mga mata ko ngayon. "Tch! Be heedful next time. Hindi ka na bata, Ma. Alameda kaya umayos ka." Parang nagbabanta ang tono nito ngunit tumango na lang ako. Ako na nga itong nauntog sa mabatong dibdib n'ya tapos s'ya pa ang may ganang pagsabihan ako. Porket amo ko s'ya. Hayst! May pinagmanahan nga talaga ang anak n'ya. Pero in fairness, ang bango n'ya talaga. Grabe! Parang gusto kong pagpantasyahan ang amoy n'ya. "Go get your things now! Hihintayin kita sa kotse ko." Maawtoridad na utos nito bago ito tuluyang lumabas. Nakarating na kami sa sinasabing bahay ni Gov. dito sa syudad ng Santayana. Mas maliit ito compare doon sa mansion nila pero iba rito kasi pagpasok mo pa lang ay para kang nasa hideout ng mafias sa dami ng nakakalat na mga bodyguard at sundalo. Ano pa nga bang aasahan ko, e nasa bahay ako ng isang makapangyarihang gobernador. Wala nga yatang magtatangkang pasukin ang bahay na ito kasi maliban sa mga security ay napakatayog din ng pader sa buong paligid. Atsaka maganda ang bahay na ito. Ultramodern kumpara sa mansion nila. Pagkapasok namin sa loob ay may sumalubong sa amin na isang lalaki. Tingin ko ay kasing-edad lang yata ni Lucas. "Magandang hapon po, Gov." Bati nito at nag-bow kay Lucas. "Ronnie, ituro mo ang magiging kuwarto ni Alameda sa taas, sa tabi ng silid ni Lorraine." Utos ni Lucas sa lalaki. Tumango ito at lumipat sa akin ang tingin nito. "Halina po kayo." Anyaya nito sa akin. Hindi pa man ako nakakahakbang ay bigla na namang nag-alburuto ang brat na anak ni Lucas. "Why beside my bedroom, Daddy? Bakit hindi s'ya doon sa tabi ng room ni Ronnie?" Reklamo nito with matching dabog pa. Aba't! Kanina pa talaga ang bubwit na ito. Kahit sa biyahe kanina ay hindi lang tatlong beses na nahuli ko s'yang umirap sa akin. Tatamaan na talaga 'to sa akin. Slight na lang talaga! Kalmadong hinarap ni Lucas ang anak. "Lorraine, that's too much. Alameda can't be anywhere else here dahil s'ya lang ang babae rito aside from you." WHAT? Ako lang ang babae rito maliban kay Lorraine? Wala ba s'yang kasambahay dito o kusinera man lang? Jeez! Huwag n'yang sabihin na all around ako rito kung hindi.. "..that's why she needs to occupy the vacant room beside yours. And whenever you need her, madali mo lang s'yang pupuntuhan. Nagkakaintindihan ba tayo, Lorraine?" Pagpapaunawa ni Lucas sa anak na kasing tigas ng dibdib n'ya ang ulo. "I understand po, Dad." Pagsuko nito. Hanep din talaga ang batang ito. S'ya lang ang kilala kong brat at malditang bata na mahilig mag-po at opo. Sinamahan na ako ni Ronnie sa kuwartong ookupahan ko. "Pumasok ka na.. uhm, ano nga ulit ang pangalan mo?" Banayad na tanong sa akin ni Ronnie. Hmm.. parang may nasi-sense ako sa isang ito. Hindi ko lang tiyak pero parang may hawig ang aura nila ni Jules. Iyong maskulado kong kaibigan na bading. "Alameda pero puwede mo naman akong tawaging Al or Meda para hindi na ma-hassle ang dila mo." Ngumiti ako. Tumango naman s'ya at nag-half smile. "Okay. Sige maiwan na kita. Kailangan ko pa kasing magluto para sa hapunan." "Ah sandali." Awat ko kay Ronnie. "Itatanong ko lang kung totoo bang ako lang ang babae rito, except kay Lorraine? Ano, wala bang maid dito o kusinera?" Hindi ko na mapigilang mag-usisa. "Kusinero mayroon. At ako iyon." Anito. "Ayaw na ayaw ni Gov. na magkaroon ng babaeng kasambahay. Ikaw lang yata ang kauna-unahang babaeng tinanggap n'ya rito. Hindi ko lang alam pero mahigpit na patakaran ni Gov. ay bawal ang babae." Ahh.. kaya naman pala natanggap dito iyong baklang anak ni Manang Dolores kasi hindi pala puwede ang totoong babae. Pero bakit? May problema ba si Lucas sa mga babae? Iniwan na ako ni Ronnie. Pumasok na ako sa loob ng magiging kuwarto ko at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng loob nito. Parang hindi naman ito silid ng isang Nanny. Guestroom ba ito? Napangiti ako habang isinuyod ko ang aking mga mata sa buong kuwarto. Ang ganda talaga at ang daming palamuti. May flatscreen tv din at ilang appliance. May isang mahabang sofa, may bookshelf din at malaking kama. Taray! Feeling ko hindi ako Nanny dito kundi bisita. Nagsimula na akong mag-unpack ng mga damit ko nang tumawag sa akin si Roanne. "Hello?" Bungad ko sa kabilang linya. "Kamusta ang ambisyosang d'yosa ng mga libog?" Halakhak nito. Tumayo ako sa kama at tumungo sa lanai ng kuwarto upang makasagap ng magandang signal. "Bwesit ka! Libog your face." Natatawang sabi ko. "Ayos ako rito at naku, ang ganda ng kuwarto ko. Parang iyong mga ini-sketch ko lang dati na mga room design. Ganun na ganun din." "Taray! Si Gov., ano kamusta naman? Guwapo pa rin ba? Malaki pa rin ba ang katawan? Totoo bang may six pack s'ya? Jeez, Al, mag-kuwento ka, dali!" Exaggerated na bulalas nito. "Hoy, Alameda! I-share mo naman ang mga nakikita mo d'yan! Hindi lang ikaw ang may karapatang mag-pantasya kay Gov." Boses iyon ni Jules. Magkasama pala sila. Sumandal ako sa railings and napabuga. Napatingin ako sa baba at nakita ko si Lucas na seryosong nakikipag-usap sa ilang tauhan n'ya. "Uhm, oo. Ang guwapo pa rin. Mukha s'yang hindi Gobernador kundi parang hunk model at hot Hollywood actor. Ang angas ng tindig at bawat kumpas ng kamay n'ya ay nakakahumaling." Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako kay Lucas. Dumapo ang mga mata ko sa mga labi n'ya. "Sheez! Ang mga labi n'ya parang ang lambot. Nanunukso. Nakakatakam. Nakaka.. letse, ang init naman dito!" Biglang reklamo ko. Parang tumaas yata ang body temperature ko. "Waaahhhhh.. Alameda, hayop ka! Naiinggit kami sa'yo, b***h! Buti ka pa, personal mong napagnanasaan si Gov." Tampong usal ni Roanne. "Hoy, pinagsasabi mo d'yan? Dini-describe ko lang ang hitsura n'ya." Katwiran ko. Umangat ang mukha ni Lucas at biglang kumalampag ang puso ko ng lumipad papunta sa gawi ko ang kanyang mga mata. Fѷck! Nahuli ba n'ya ako habang pinagnanasaan s'ya? Jeez.. Nginitian ko na lang ito hanggang sa nagbawi na rin s'ya ng tingin. Hala! Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Ano 'to? My adrenaline running high, ganun? Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil umpisa na ng gera kontra maldita. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumasok ako sa kuwarto ni Lorraine upang gisingin ito. Mahimbing pa rin ang tulog nito nang pumasok ako. Teka! Ano bang itatawag ko sa bubwit na 'to? Hindi naman puwedeng Nene o brat baka mag-alburuto na naman 'to. "Uhm, Raine, gising na! Papasok ka pa sa ballet class mo." Pukaw ko rito. Ayon kay Lucas ay thrice a week daw ang klase n'ya sa ballet class n'ya ngayong summer. At sasamahan ko s'ya sa klase n'ya syempre. "Raine, wake up na baka ma-late ka." Bahagya ko s'yang inalog at nagising na rin sa wakas. "Wow! Iyan, ang ganda mo d'yan sa ballet attire mo." Puri ko kay Lorraine. Sumimangot ito. "Why? Kapag hindi ba ako naka-ballet dress ay hindi ako maganda?" Umarte akong nag-iisip na lalong nagpaasim sa mukha nito. "Medyo.. medyo maganda naman." "Ugh! I really hate you to the moon and back." Ngitngit nito at padabog na lumabas sa kuwarto n'ya. Same here! I hate you, too, to the back and moon. Hay! Hindi ko alam pero ang sarap asarin ng batang 'to. Pagkatapos ng ballet class ni Lorraine ay dumiretso na kami pauwi. Katatapos ko lang maghapunan nang naisipan ko munang lumabas. Tulog na si Lorraine kaya tapos na ang trabaho ko sa araw na ito. Nakita ko ang apat na bodyguard ni Lucas na masayang nagkikuwentuhan sa labas. Dahil boring ako ay naisipan ko na lang na lumapit sa mga ito. Wala namang masama kung makipag-usap ako sa mga ito. Mukhang mga harmless naman. "Hello sa inyo. Good evening." Natigilan ang mga ito dahil sa pagsulpot ko. Nagkatinginan pa ang mga ito na parang nailang sila sa presens'ya ko. "Sorry, nakaabala ba ako? Ang boring kasi sa loob, wala akong makausap." Sabi ko. "Ah, h–hindi naman, Miss." Usal ng isa na medyo nauutal pa. Ngumiti ako. "Makikipagkaibigan lang ako sa inyo. Ako nga pala si Meda, kayo?" Umaliwalas na ang mga mukha nito at ngumiti rin sila sa akin. Atsaka mukhang mababait naman ang mga ito. "Ako si Ramon, pero Bong ang tawag nila sa akin dito." One of them introduced himself. Tantya ko ay nasa late twenties na s'ya. Hindi pa naman matatanda ang mga bodyguard ni Lucas at hindi rin mga chaka. "Ramon? Bong? Don't tell me Revilla ang apelido mo?" Hagik-ik ko. Natawa naman sila. "Hindi. Ramon 'Bong' Rivera ako." Pagkaklaro ni Bong. Sunod naman na nagpakilala iyong isa na may army cut na buhok at may isang dimple. "Ako naman si Rudy." "Fernandez?" "Francisco. Rudy Francisco." Gosh! Ang wiweirdo nila, huh? Si Kuyang kulot na medyo chinito naman ang nagpakilala. "Si Fernan naman ako, Meda. Short for Fernando." Tumangu-tango ako. "Ah.. FPJ?" I chuckled. "Ganun na rin. Fernando Pallones Junior ako, e." Anito at napakamot pa sa batok n'ya. Waah.. ang weird talaga! Niloloko ba nila ako? O nagkataon lang na mga die hard fans ang mga tatay nila ng mga action star sa Pilipinas? "Meda, hindi ka namin niloloko, huh? Iyon talaga ang mga pangalan namin." Sabi ni Bong na parang nabasa n'ya ang nasa utak ko. Ngumiti na lang ako ulit at tinignan ang ika-apat na lalaki na may ash brown na buhok. "Ikaw, huhulaan ko kung anong pangalan mo." Sabi ko. Tumango naman ang apat at naghihintay sa hula ko. "Kung hindi ka si Cesar, malamang si Phillip Salvador ka." Kampante kong sabi at nagtawanan ang mga ito. "Mali." Aniya. "Uhm, Roi? Roi Vinzon?" "Hindi rin." Napakunot na ang noo ko. Para na akong nasa penoy henyo nito. "Hindi rin? Ano, Lito Lapid?" Umiling s'ya. "Robin? Raymart?" Parang mauubusan na ako ng hula rito, ah? "Mali pa rin." Natatawang sabi nito. Sumuko na ako. "Sige, sirit na." "Ako si Andrew E. Andrew Erencio" Pagsisiwalat n'ya sa kanyang mahiwagang pangalan at ako'y napanganga. Langya! From action stars to comedian? Tindi makaalaska ng mga pangalan nila. Nagtawanan ang mga ito at nakisabay na lang din ako. Well, enjoy palang kausap ang mga ito. Ang titindi! "MA. ALAMEDA!" Lahat kami ay nanigas nang biglang umalingawngaw ang boses ni Lucas. Agarang tumuwid ang mga gulugod ng kaniyang mga tauhan at sumeryoso ang mga mukha nito. At maging ay ako rin. "Magandang gabi ho, Gov." Bati sa kanya ng mga tauhan n'ya pero may bahid ng takot ang kanilang mga boses. Hindi ito pinansin ni Lucas at nakadiretso lang ang mga mata nito sa akin. Napalunok ako. Ang bangis ng mga titig n'ya. Nakakakilabot! "Follow me in my office. NOW!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD