Kabanata 2
Mabibigat ang mga yabag ko pabalik sa loob ng mansion. Nakakairita naman kasi ang batang ‘yon. Ang sarap kurutin sa singit. Masyadong talakera at so annoying.
Aist! Mamayang gabi ay maghahanap na talaga ako ng ibang trabaho through internet. Sa Maynila na lang siguro ako makikipagsapalaran at baka kung ano pang magawa ko sa batang ‘yon.
Nasa porch pa lang ako ng mansion nang sinalubong ako ni Aunty. Gusot ang mukha nito at masama ang tingin sa akin.
“Alameda, ano bang ginawa mo kay Lorraine? Naku kang bata ka, kahit kailan talaga napaka-isip bata mo. Pati pitong-taong gulang na bata pinatulan mo!” Sermon sa akin ni Aunty at mahinang hinampas ang braso ko.
“Aunty, naman.. wala naman akong ginawa sa bubwit na ‘yon—”
“Ya’ heard that, Daddy? Ya’ heard that? She named me a bubwit!”
Magdadahilan pa sana ako kay Aunty nang marinig ko mula sa itaas ng hagdan ang boses ng bruhang bata. Nag-angat ako ng tingin sa gawi nito at natigilan ako nang makita ang kasama nito.
Walang iba kung hindi si Gov. de Veruz.
Hindi ko mapigilang pamulahan habang nakatitig sa pababang bulto nito. Grabe! Sa mahigit pitong taon na hindi ko s’ya nakita ay lalong umigi ang kagwapuhan at kakisigan n’ya. Noon para lang s’yang model sa isang top-notch magazine pero ngayon parang isa na s’yang Hollywood actor. Pero kagaya noon ay mabangis pa rin ang aura nito. Iyon yata ang hindi magbabago sa senior citizen na ‘to. Twenty nine na yata ‘to ngayon pero mukhang magkasing-edad lang kami.
“She was the beggar who ruined my bed of roses, Daddy and she even said that she's prettier than me raw. Daddy, it's not true, right? Tell her na ako lang ang pretty dito!”
Nabalik ako sa reyalidad nang magsimula na namang mag-welga ang Nene na ‘to.
Nakakapit ito sa kamay ni señorito Lucas at inalog-alog pa nito ang kamay ng ama para yata himukin ito na sabihin ng ama ang gusto n’ya.
Mula sa bata ay lumipat kay Señorito Lucas ang mga mata ko. Seryoso itong nakatitig sa akin at walang bakas na ano mang emosyon ang kanyang mga mata.
I gulped secretly and brought back my eyes to the little brat.
“Ah.. Nene, sorry na nga kasi. Hindi ko naman sinasad—”
“Dad oh? She called me Nene na naman! Kanina bubwit and then Nene na naman! Daddy, please ask Luther to snack her. Please, Daddy! Pretty please!” Pagsumamo nito at nagpapaawa pa.
Naks! Artistahin pala ang bubwit na ‘to!
“Señorito, ako na po ang hihingi ng paumanhin sa nagawa ni Alameda. Sadyang isip-bata talaga itong pamangkin ko at minsan nawawala sa katinuan.” Aunty explained politely and obviously degrading me in front of this people.
Napairap ako pero nahuli iyon ni Lucas kaya inayos ko kaagad ang hitsura ko.
“Ah, Lorraine, hija, pagpasens’yahan mo na itong Ate Alameda mo ha? Huwag kang mag-alala, mabait naman s’ya at magkakasundo rin kayo.”
Hah! Impossible.
Isang alamat talaga ang Neneng ‘to! Seven years old na bata na may pang-thirty years old na bunganga!
“Nanay Julie, she's not going to be my Ate dahil inaasar n’ya ako. And I hate her name! Almada? Eww.. that was recognized, I think noon pang nineteen-forgotten pa.” The little brat huffed disgustingly.
Antipatika palang batang ‘to! Minurder ba naman ang pangalan ko. Muntik nang naging pamada, ‘yong gel ng mga ninuno. Naku naman! Bata pa lang, bungangera na. Tsh!
“Lorraine, enough!” Suway ni Lucas sa anak. Finally he got his tongue. Akala ko binitbit lang s’ya rito ng anak para maging audience.
Agad naman tumahimik ang bata pero nahuli ko pa itong umirap sa akin.
Wow! Hanep!
“You can go back to the kitchen, Manang Julie. Kakausapin ko na lang ang pamangkin mo tungkol sa magiging trabaho n’ya sa akin.” Sabi ni Lucas kay Aunty but his eyes are all fixed on me.
Patay! Mukhang kakampi talaga sila ng maldita n’yang hija.
“Sige po, Señorito.” Ani Aunty at binigyan ako ng umayos-ka-kundi-patay-kang-bata-ka look bago tumalilis.
“Go to your granny, princess. Kakausapin ko lang s’ya.” Pakiusap ni Lucas sa bata.
“Okay but you have to promise me that you'll get rid of Almada. Okay, Daddy?” Her eyes were twinkling.
Oh, kiber! Ayoko rin naman dito!
Tinanguan ito ni Lucas kaya lumapad ng husto ang ngisi ng demonyeta. Nakipag-high five pa ito sa ama bago nagsimulang umalis. Bahagyang huminto ito sa gilid ko at maangas na itiniklop ang maliliit na bisig sa ibabaw ng kanyang dibdib at tinarayan ako bago ako lagpasan.
Aba’t! Empaktita talaga. Siguro hindi ako pagpapawisan kung ihahagis ko ‘yon papuntang Jupiter. Masubukan nga!
“Stop bullying my daughter inside your brain, Ma. Alameda! C’mon, follow me up this way.” Malamig na utas sa akin ni Lucas.
Medyo nagulat pa ako dahil naalala pa n’ya ang buo kong pangalan. Astig! Akala ko may memory gap na ‘tong senior citizen na Gobernador ng probens’yang ‘to.
Sumunod ako kay Lucas papasok sa isang silid sa ikalawang palapag— sa library.
“Sit down.” He instructed me and pointed the single couch across where he is. And I did what is told.
Hmm.. bakit pakiramdam ko ang awkward na? Lintik! Ba’t kasi ang bitter ko pa rin sa kanya hanggang ngayon?
“About your job description, ang magiging trabaho mo lang ay tutukan ang lahat ng galaw ng anak ko.” Umpisa nito.
I scowled. “Lang?”
“Yeh! Why? What's wrong with my daughter, Alameda?” His prim expression emerged.
Marami kayang wrong sa anak mo. I wanted to say. “Ah.. wala. Wala naman.”
He moved slightly at inayos pa lalo ang pagkakaupo n’ya. Gosh! Gobernador na Gobernador na talaga ang dating n’ya, kahit sa pananalita ay talagang parang makata s’ya. Ewan ko lang kung hitsura ba ang dahilan kaya s’ya nailuklok sa puwesto? O ako lang ‘yon?
“You'll move in with us this afternoon and you'll have to stay in our house at Cameo. Doon kami nakatira ni Lorraine, so to put it simply hindi ka dito sa mansion titira.”
“Ho?” Paktay! Akala ko pa naman magkasama kami rito ni Aunty.
“You heard me, didn't you? You aren't deaf as far as I know to not catch on of what I am saying here.” Ang suplado pa rin.
Ngumiti na lamang ako ng peke at nag-sorry.
“Good. Lorraine will be in her second grade next month. Sasama ka sa driver upang ihatid at sunduin sa school si Lorraine. As you see, she's a hard-headed brat..”
“I second in motion. Wala akong duda d’yan.” Singit ko at kumunot ng husto ang noo nito at tinignan ako ng masama kaya agad kong kinandado ang bibig ko. Nakakasindak talaga ang titig n’ya ever.
“Walang tumatagal na tutor kay Lorraine kaya isasama ko na lang iyon sa job description mo. You'll help her with her academic matter and whatsoever she needs. She's a little nagger and a brat, kaya kung maaari ay huwag ka nang dumagdag. Nagkakaintindihan ba tayo, Ma. Alameda?”
“Gov., Al na lang po o kaya Meda. Masyado po kayong mahihirapang banggitin ang buo kong pangalan.” Suggestion ko lang naman.
“Who's the boss here, Ma. Alameda?” Mariing anito.
“Kayo ho. Sabi ko nga po, Ma. Alameda na lang ang itawag n’yo sa akin.” Pag-sang-ayon ko na lamang.
“Good, kid.” Halos pabulong na sabi nito pero unfortunately ay nakarating iyon sa pandinig ko.
Hah! Kid pa rin pala ang tingin n’ya sa akin hanggang ngayon. Kung sabay, kid lang ako kumpara sa pagiging senior citizen n’ya.
Binalewala ko na lang ang sinabi n’ya at sinubukan ko na lang na ilabas ang mga curiosity ko. “Si Lorraine lang po ba ang tatrabahuin ko, Gov? Sa inyo po hindi?”
Curious lang ako kasi baka pagdating namin sa bahay nila ay uutusan n’ya ako ng ibang bagay-bagay. Mabuti nang magkalinawan kami ngayon pa lang.
“Why? You want to do a job with me?” Pormal na sabi nito pero bakit parang iba ang dating sa akin ng job na sinabi n’ya? O baka ako lang din ‘yon? Hay naku!
Masyado na talagang lumalala ang epekto sa akin ng fortune teller na iyon na naligaw dati sa lugar namin. Puro kasi kahalayan ang nakita n’ya sa mga palad ko. Kesyo magkakaroon daw ako ng sexmate, idi-date daw ako ng ilang s*x maniac na lalaki sa near future pero sa huli sinabi n’yang mamatay na lang daw akong virgin. Ewan ko ba kung takas lang sa mental ang babaeng iyon. Puro kasi kaweirduhan ang nahula sa akin. Siguro tingin n’ya sa palad ko ay ari ng babae kaya lahat ng sinabi n’ya ay konektado sa s*x.
“Hey, Ma. Alameda, are you still with me?”
“Ay maniac!” Untag sa akin ni Lucas kaya nahigit ko ang aking sarili pabalik sa aking tamang huwisyo.
“Maniac? What?” He was a bit confound.
Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Lintik na bungangang ‘to.
“Wala ho, Gov. May.. may naalala lang akong isang maniac na lalaki dati.” Dahilan ko.
“Was it me?” Marahas akong napatitig sa kanya muli dahil sa sinabi nito. “Ako ba ‘yong maniac na sinasabi mo, Ma. Alameda? I thought you will forget about what happened to us seven years earlier. Why do you have to blow it out again?”
Oh s**t!
Dios por santo! Bakit napunta doon ang subject?
Ugh! Nakalimutan ko na nga ‘yon, e. Bakit kailangan pa n’yang ungkatin?
Bwesit!
Flashback
Kakarating pa lang namin ni Aunty Julie sa mansion ng mga de Veruz, ang pamilyang pinagsisilbihan n’ya ng halos tatlong dekada na. Last week pa inilibing si Mama kaya isinama na lang ako rito ni Aunty dahil baka mamatay daw ako sa lungkot kung iiwan n’ya akong mag-isa sa lugar namin.
Bakasyon pa naman ngayon kaya wala rin akong ibang pagkakaabalahan ngayon bukod sa pananabik kay Mama. Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako makapaniwala na wala na s’ya. Ulilang lubos na ako at si Aunty na lamang ang alam kong natitirang kamag-anak ko.
Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng mansion ay may sumalubong na sa amin na dalawang kasambahay tulad din Aunty. Pero si Aunty ang kinikilalang mayordoma rito at pinagkakatiwalaan ng mga de Veruz.
“Ate Julie, ang ganda naman po pala ng pamangkin n’yo. Parang kamukha po s’ya ni Dawn Zulueta noong kabataan n’ya.” Malugod na papuri ng isang kasambahay. Hindi ko pa kilala ang mga katrabaho rito ni Aunty dahil ito pa lang ang ikalawang beses na nakapunta ako rito.
Tipid akong ngumiti sa kasambahay. “Salamat po, Ate.” Nahihiya kung sabi.
“Ilang taon na ba ‘tong pamangkin mo, Julie?” Ani naman ng isa na tantya ko ay kasing-edad lang ni Aunty.
“Seventeen na s’ya sa susunod na linggo.” Sagot ni Aunty.
“Ganun ba? Naku, bagay kayo n'ong pamangkin ko, Eneng. Labing-walo pa lang ‘yon pero nasa Maynila kasi ‘yon kasi doon s’ya nag-aaral.”
“Martha, magtigil ka nga riyan. Ang bata pa nitong pamangkin ko pero ibinubugaw mo na. Naku, hali na nga tayo sa loob.” Anyaya ni Aunty.
Lumapit sa akin iyong medyo bata pa na kasambahay at tinulungan akong dalhin ang ibang gamit na dala namin ni Aunty. Dinala ko na kasi iyong mga gamit ko dahil ayon kay Aunty ay luluwas din naman kami ng Maynila sa susunod na buwan para doon ako i-enroll.
“Ano nga pa lang pangalan mo?” Tanong sa akin ng kasambahay habang nakasunod kami kay Aunty.
Sumulyap ako sa kanya. “Alameda. Ikaw ba?”
“Si Berna naman ako. Bago lang ako rito, mga tatlong linggo pa lang.” Aniya.
Ngumiti ako sa kanya. “Nice to meet you, Berna. Ang bata mo pa, ha pero nagtatrabaho ka na.”
“Ah, oo nga e. Nineteen pa lang ako pero kailangan ng magbanat ng buto para makatulong sa pagpapagamot sa Nanay ko.” Bumakas ang kakarampot na lungkot sa boses nito.
“Ang bait mo pala kung ganun. Sana gumaling na kaagad ang Nanay mo.”
“Sana nga.”
Kinabukasan ay Isinama ni Donya Margarette si Aunty kaninang madaling araw sa Maynila dahil susunduin daw nila ang dalawang anak ng mga de Veruz na rinig ko’y galing pa raw ng US. Naikwento na rin iyon sa akin noon ni Aunty ang tungkol sa magkapatid pero hindi ko pa naman nakikita ang mga ito.
Nagpasya akong lumabas muna ng mansion habang hinihintay ang pagdating nina Aunty. Wala naman kasi akong ibang gawain dito kung hindi ang kumain at matulog. Mahigpit kasing ibinilin ni Donya Margarette na huwag daw akong magtrabaho dahil bisita naman daw n’ya ako rito.
Nagkakilala na kami kagabi ni Donya Margarette at totoo nga ang kwento sa akin ni Aunty na super bait talaga nito at sobrang ganda pa.
Paglabas ko’y namataan ko si Berna na nag-aayos ng mga flower pot sa labas ng harden kaya nilapitan ko ito.
“Hi, Berna. Tulungan na kita d’yan.” Alok na tulong ko at nag-squat na ako sa ibang flower pot at sinimulang alisin ang mga tuyong dahon na nakatabon sa ibang bulaklak at pananim.
“Hoy, Al, ‘wag na. Parating na kaya sina Donya Margarette at baka makita ka pa d’yan.” Natatawang suway sa akin ni Berna pero hindi ko naman s’ya pinakinggan.
“Ayos lang, Berna. Sisiw lang sa ‘kin ‘to. Sanay ako rito dahil may orchid sanctuary noon si Papa kaya napamahal na rin ako sa mga bulaklak. Isa rin kasi ‘to sa ikinabubuhay namin noon.. noong buhay pa ang parents ko.” Lumambot ang tono ko pagkasambit ko sa huling linya.
Nakakamiss na talaga si Mama’t Papa. Lalo na sa tuwing nakakakita ako ng mga bulaklak. Sayang lang at wala akong makitang bulaklak na everlasting at dama de noche na mga paboritong bulaklak ni Mama.
“Narinig ko pala iyong nangyari sa Mama mo, Al. Condolence, ha?” Malamlam na wika ni Berna.
“Salamat. Masyado kasing mababait ang mga magulang ko kaya siguro inimbatahan na kaagad sila ni San Pedro.” Pagbibiro ko na lang bago pa ako maiyak sa harap ni Berna.
“Alam mo, Al, loka-loka ka rin pala, no?” Hagikhik ni Berna.
Habang abala kami sa harden ay nakarinig kami ng mga ingay ng mga sasakyan mula sa driveway ng mansion.
“Al, nandito na sila.” Bulalas ni Berna. “Ayos na ‘to! Ano, halika na! Dito na tayo dumaan sa likod para makapag-ayos tayo. Ang dumi na kasi natin kaya maligo na muna tayo bago tayo humarap sa mga anak ni Donya Margarette.” Parang kinikilig si Berna habang sinasabi iyon. Napaismid na lang ako at sumunod na lamang din sa kanya. Kailangan ko na ring maligo dahil amoy-araw na ako.
“Meda, gising. Alameda, tumayo ka na d’yan!” Nagising ako sa pag-alog ni Aunty sa akin. Nag-inat ako at mahinang binuksan ang aking mga mata.
“Meda, gabi na hindi ka pa naghahapunan. Lumabas ka na para makakain.”
Oo nga pala, nakatulog nga pala ako kanina pagkatapos kong maligo. Napagod siguro ang katawan ko sa magaang trabaho namin ni Berna kanina. Mukhang kulang na yata ako sa sustans’ya. Ang lamya ko na.
“Sige, Aunty susunod na ho ako.” Sabi ko at pupungas-pungas na tumayo. Nasa kwarto ako ni Aunty. Nakabukod kasi s’ya sa ibang kasambahay kaya kaming dalawa lang ang umuukopa sa buong room.
Naghilamos lang ako at tinali ko na lang ang buhok ko. Naka-maong shorts ako at spandex body fit tank tops na kulay maroon. Ito kasi ang karaniwang isinusuot ko sa bahay dahil dito ako komportable.
Papunta na sana ako sa kusina nang may namataan akong matangkad na lalaki na may ash brown na buhok at may highlights na beige blonde. Natigilan ako sa paghakbang habang pinagmamasdan ko ang pababa nitong bulto. Nasa may kalagitnaan pa lang ito ng malawak na staircase pero mula rito sa baba ay kita ko na ang napakaguwapo nitong hitsura.
Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatanga sa lalaki pero maliksi akong nag-iwas ng tingin ng mapansin kong dumapo sa akin ang tingin nito. Nagbaba ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kusina.
Alam ko naman na isa ‘yon sa mga anak ni Donya Margarette. In fairness, sobrang guwapo talaga. Ganda rin ng katawan. Para s’ya iyong mga features na mga male model sa magazine ni Jules.
Pinakain na ako ni Aunty Julie sa dining area kung saan kumakain ang mga kasambahay at ibang tauhan ng mga de Veruz. Iniwan akong mag-isa ni Aunty dahil kailangan na nitong matulog dahil alas nuebe na pala. Napasarap nga talaga ang tulog ko kanina.
Habang kumakain ay nakaramdam na naman ako ng lungkot. Ang lungkot pa lang kumain ng mag-isa. Parang nawawalan ako ng gana dahil naiisip ko na naman iyong mga panahong kasama ko si Mama at Papa sa hapagkainan. Ang hirap pa ring tanggapin na mag-isa na lamang ako ngayon.
“Hey, are you spilling down a tear in your food? Is that a high-tech equipment to produce a broth?” Halos mabitawan ko na ang kutsara dahil sa sobrang gulat nang may magsalita mula sa kung saan.
Agad kong pinahid ang basa sa mukha dahil sa pag-iyak kanina. Nang maging maayos na ang mukha ko ay dahan-dahan kong hinanap ang taong nagmamay-ari ng boses.
At natagpuan ito ng aking mga mata na preskong nakasandal sa pader sa may bungad ng dining area. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang.. mangha? S’ya iyong lalaki kanina na pinagpantasyahan ko sa hagdan.
“Sorry, nagulat ba kita, Miss?” Untag nito na nagpatiwasay sa kalooban ko. Lumapit ito sa dining table at umupo sa katabing upuan ko.
Panandalian lang pala ang pag-relax ng sistema ko dahil ngayong malapit s’ya sa akin ay parang bumara ang presens’ya n’ya sa daluyan ng aking hininga. Masyado s’yang malapit at para akong binu-bully ng kagwapuhan n’ya.
“Hey, are you.. mute? Uhm, aren't you, right? Talk.. I mean, what's your name?” Anito sa baritonong boses.
Hayst! Pati boses n’ya parang nag-i-spill ng majika sa aking pandinig. Ang sarap pakinggan.
“Uh.. uhm, h-hindi.. hindi ako mute.” Cute, pwede pa. “Ah, pasens‘ya na po.”
“What for? Don't tell me pasens’ya ang pangalan mo?” Umalik-ik ito.
“Hindi naman. Alameda ang pangalan ko, hindi pasens’ya.” Sagot ko na lang.
“Wow! Your name's too.. extraordinary and beautiful.” Komento nito at nagkalumbaba paharap sa akin. Lalo tuloy akong na-intimidate at parang ang awkward. “I'm so sorry kung naisturbo ko ang lonesome dinner mo, Alameda. It's Leander by the way.” Anito at inalok ang kamay sa akin.
Alanganin kong tinanggap iyon at parang nakakita ako ng fireworks display sa loob ng utak ko habang nakahawak ako sa kamay n’ya. Ang landi ko na ulit!
Tipid akong ngumiti at itinuon na lang muli sa pagkain ang atens’yon ko. Parang nagutom ako bigla.
Nakipagkuwentuhan pa sa akin si Leander ng ilang sandali pa at aaminin kong natutuwa ako sa kanya. Palakuwento kasi ito at hindi nauubusan ng sasabihin at usisiro rin. Nalaman ko sa kanya na s‘ya ang bunsong anak ni Donya Margarette at second year college na s’ya ngayon sa Stanford university sa kursong Management Science and Engineering.
“Ikaw naman ang magkwento, Al. Uhm, ano bang kurso ang gusto mong kunin?” Pagbubukas n’ya ng panibagong paksa.
“Dati gusto ni Papa na mag-aral ako ng Business pero hindi naman ‘yon ang gusto ko. Architectural Drafting and Design ang gusto kong kunin.” Taos-puso kong sagot.
Namangha naman ito. “Wow! So that is to say na you're good with arts.” Pahayag nito at nagkibit ako ng balikat.
“Di ko masasabi ‘yan dahil wala pa naman akong napapatunayan. Hanggang bond paper pa lang ako at sketch book.” Ani ko at marahang tumawa.
“Well, why don't you show me one of your work, Al? Huhusgahan ko kung puwede ba at kapag nagustuhan ko, I promise kapag naka-graduate ka I'll invest money for your own Gallery.” Walang bahid ng pagbibiro ang boses nito.
Sandali akong napatanga sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat ireact. Tatawa ba ako? Pero hindi naman joke ‘yon. Baka sabihin pa n’yang nababaliw ako.
Napatitig si Leander sa akin na para bang naghihintay din s’ya sa reaks’yon ko.
“Hey, Al! What—” Naputol ang sasabihin ni Leander nang may sumulpot na isang matangkad na lalaki mula sa bungad. Naka-itim na flex shorts ito at walang damit pang-itaas. Hawig na hawig sila ni Leander pero mukhang mas lamang lang ‘to ng dalawang paligo. In short, guwapo rin s’ya pero mas pormal at seryo ang ayos nito kesa kay Leander na mukhang friendly.
“Get me a cup of black coffee at ihatid mo sa kuwarto ko!” Mahina ngunit mariing utos nito.. sa akin?
“Wait, Luke! Hindi maidservant dito si Alameda. You can go get yourself. Tulog na ang mga katulong, e.” Si Leander ang sumagot.
Gumuhit sa isang linya ang mga kilay nito at napatitig sa akin. Bigla akong kinabahan sa pagsasalubong ng mga mata namin. Nakakatakot naman tumingin ang isang ‘to. Pakiramdam ko gusto n’ya akong sakmalin ano mang sandali.
“Who's this kid then?” Usisa nito. Ewan ko kung para kanino ang tanong na iyon pero sa akin pa rin naman s’ya nakatingin. At talagang tinawag pa n’ya akong kid, huh? Palibhasa gurang na! Psh.
“She's Ma. Alameda, the future Mrs. Leander Hendrie de Veruz.”