Kabanata 1
“Mrs. Castor, ito lang po ang collection natin nitong linggo. ‘Yong ibang clients po ay hindi talaga nagbibigay kahit araw-arawin pa naming pupuntahan.” Nakanguso kong sabi at inabot kay Mrs. Castor ang isang maliit na puting sobre na may lamang six thousand pesos.
Pagod n’yang kinuha iyon at siniyasat ang lamang pera. Ang halagang iyon ang nasa sampung porsyento lang ng collection namin noong nakaraang mga taon. Alam kung humihina na ang furniture store na pinagtatrabuhan ko. Ako ay mas may alam dito dahil ako ang kumbaga in-charge sa tindahang ito at alam ko ang lahat ng bagay-bagay.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mrs. Castor, ang may-ari ng furniture store na pinagtatrabahuan ko. Bahagya akong nagulat nang inabot n’ya pabalik sa akin ang sobre.
“Mrs.—”
“Yan na ang sweldo mo ngayong kinsenas, Meda at iyong sobra ay separation fee mo na lang. Pasens’ya ka na, wala na akong magagawa kung hindi ang ipasara ang tindahan na ‘to. Malaki na kasi ang nalulugi ko kaya mas mabuting isara na lang. Pasens’ya ka na talaga, Alameda pero alam kong makakahanap ka pa naman ng ibang trabaho. Mabait kang bata kaya marami pang tatanggap sa’yo. Sige, mauna na ako at ipasara mo na lang ang tindahan kay Raul at pakisabi idaan sa bahay ang susi.”
Lamya ang katawan ko pagdating sa bahay, hindi dahil sa pagod kung hindi dahil sa wala na akong trabaho. Paano na kaya ako kikita ngayon? Malabo na siguro na makapag–aral ako ulit. Nakakaiyak naman ang kapalaran ko. Para akong bida sa isang teleserye, kung maghirap wagas.
Sana kagaya sa mga napapanood kung mga ka-echusan sa tv ay makatagpo rin ako ng swerte. Kahit manalo lang ako sa 6/42 sa lotto ay ayos na.
Pero paano naman ako mananalo, e hindi naman ako tumataya. Aist!
“Oh, Meda bakit nakasalampak ka lang d’yan?”
Napabalikwas ako patayo nang marinig ko si Auntie na pumasok.
“Auntie, nandito po pala kayo.” Lumapit ako kay Auntie Julie at nagmano.
Si Auntie Julie ay pinsan ni Mama at noong namayapa si Mama ay sa kanya ako ipinagbilin. Matandang dalaga si Auntie kaya kaming dalawa lang ang magkasama.
Pero palagi rin naman akong mag-isa sa bahay dahil isang beses sa isang buwan lang kung umuwi s’ya. Mayordoma s’ya sa mansion ng mga de Veruz doon sa karatig probinsya. Mas maunlad at mas malaking probinsya kumpara dito sa amin.
“Oo pero babalik din ako sa mansion bukas ng umaga. Nasabi kasi sa akin ni Melody na isasara na pala ang tindahan ni Mrs. Castor.” Aniya habang inilalapag ang mga dala n’ya sa ibabaw nang hapag.
“Kaya nga ho, Auntie. Pero maghahanap na lang ako ng bagong mapapasukan dito.” Pahayag ko.
Hindi naman alam ni Auntie na ibig kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Ayaw ko naman kasing abalahin pa s’ya dahil isang beses ko na s’yang binigo dati noong pinag-aral n’ya ako tapos nagbulakbol lang ako. Ngayon mag-aaral ako at magsasariling-sikap.
“Halika na dito, Meda. Nagdala na ako ng ulam natin at kanin.” Anyaya ni Auntie.
“S’ya nga pala, kung gusto mo ipapasok na lang kita kay Señorito Lucas dahil saktong naghahanap din s’ya ng mag-aalaga sa anak n’ya.” Lahad ni Auntie habang nasa kalagitnaan kami ng aming hapunan.
“Ho? Nanny po ako?” Bulalas ko.
Okay naman sa akin ang trabaho na iyon pero.. si señorito Lucas. Bakit sa kanya pa e napaka-antipatiko ng lalaking iyon? Pero maraming taon na rin noong huli ko s‘yang nakita. Ngayong Gobernador na s’ya sa probinsya nila ay maaaring matino na rin ang senior citizen na ‘yun!
“Sunggaban mo na lang habang wala ka pang nahahanap na matinong trabaho. Atsaka magkakasundo kayo ng anak n’ya dahil pareho kayong pilya.”
“Auntie naman! Tsismis lang ‘yon na pilya ako.” Depensa ko.
Napailing na lamang si Auntie. “Mag-impake ka na dahil maaga tayong aalis bukas, Alameda. Ako na ang magliligpit dito.”
Habang nag-iimpake ay naisipan kong itext ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila na aalis na ako bukas. Wala na kasi akong oras para magpaalam ng personal sa kanila.
To:
Melody
Roanne
Jules
Send to many ‘to.
Mga Inday nene, I'm going to Florida tomorrow morning. Sorry I cannot make goodbye-goodbye to all of you personally because I am kind of BZ.
Napahagikhik ako nang sinend ko iyon.
Ilang sandali pa’y nag-reply si Roanne.
From: Roanne
Dream on, MARIA ALAMEDA. Gumising ka na sa kahibangan mo, hoy! Florida! Maynila pa nga lang hirap ka na sa pamasahe. Tse.
Ang harsh ng babaeng ‘to kahit kailan talaga. In-emphasized pa talaga ang pangalan ko lalo na ang kadukhaan ko.
To: Roanne
Aalis na nga kasi ako. Mamasukan akong Nanny sa mga de Veruz.
From: Melody
Ang dakilang ambisyosa. Nangangarap na naman ng gising. Itagay na lang natin ‘yan. Ano?
Oy, nice idea! Teka alas nuwebe pa lang naman. Pwede pa siguro akong sumaglit sa mga kaibigan ko. Tiyak ko namang magkakasama na naman ang tatlong ‘yon sa bahay nila Jules.
Minadali ko na ang pag-iimpake. Ni hindi ko nga tinupi ang mga damit ko at basta na lang isiniksik sa bag ko. Nag-half bath muna ako at nagpalit ng damit. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Auntie na mahimbing nang natutulog sa plastic na papag sa salas. No choice, hindi na lang ako pagpapaalam, tutal saglit lang naman ako.
Agad na akong tumalilis at dumiretso sa bahay nila Jules.
Gaya ng aking inaasahan ay nandoon nga ang tatlo.
“Oh, nandito na pala ang mahal na reyna,” ani Roanne nang makita ako sa hamba ng pinto.
Napangisi ako nang makita ko ang isang babasaging bote na may lamang lambanog sa mesa.
Shoot! Na-miss ko ‘to!
Umupo ako sa tabi ni Melody at agad na inabot sa akin ni Roanne ang basong may laman na lambanog.
“Sa’yo na muna ‘to kasi halatang uhaw ka sa alak.” Malokong sabi ni Roanne.
Inabot ko syempre ang tagay at in-straight ang lambanog. Ang lakas ng sipa ng inuming ‘to. Kakaiba sa lahat at matalik na magkaibigan talaga sila ng panlasa ko.
“So, ano nga pala ‘yong sinasabi mo kanina? Mamasukan kang nanny sa mga de Veruz?” Pagbubukas ng topic ni Melody.
Tumango ako. “Babysitter ako ng anak ni señorito Lucas.”
“Talaga? Rinig ko pa naman na maldita ang batang ‘yon. ‘Di ba naging yaya rin ng batang ‘yun ‘yung anak ni Aleng Dolores pero dalawang araw lang nag-resign din kasi pinahabol daw sa aso ng batang ‘yon.” Kuwento ni Roanne.
“Duda akong magtatagal ka doon. Gov. de Veruz plus his maldita daughter, naku! Patay kang nene ka!” Said Jules.
I frowned. “Pansamantala lang naman ako doon habang wala pa akong nahahanap na trabaho.”
“Kung sabagay. Atsaka maraming bonal din doon sa probinsya nila. Pihadong makakahanap ka rin ng lalaking magdadala sa’yo sa ika-pitong langit.” Roanne giggled.
Napangiti na naman ako sa isiping iyon. Sana nga doon ko na mahanap ang lalaking pag-aalayan ko ng libog ko... este magmamahal ko.
“Naalala n’yo ba si Franklin Sebio, ‘yong heartthrob dati sa St. James? Taga doon ‘yon, hanapin mo. ‘Di ba crush ka nun dati.” Jules reminisced.
“Ayoko dun, masyadong mabait. Sugo kaya ni Kristo ‘yon, baka kapag nag-séx kami, hindi ungol ang lumabas sa bibig n’ya kundi mga bersikulo, kapitulo ng Diyos.” Natatawang saad ko at nagtawanan naman ang mga gaga.
Naiisip ko na kasing magkaroon ng experience sa mga ganoon bagay dahil baka mamatay pa akong virgin. Twenty-four na ako at kahit halik ay wala pa akong karanasan. ‘Yung halik na laplapan ba.
Kaya naman ako palagi ang laman ng kantyawan, kesyo mamamatay na lang daw akong isang dakilang birhin.
Pero hindi naman ako makakapayag na ganoon ang kahihinatnan ko, 'no.
ALAS otso pa lang ng umaga ay nakarating na kami sa mansion ng mga de Veruz. Iniinda ko pa rin ang sakit ng ulo ko dahil sa dami ng nainum ko kagabi. May hang-over nga ako. Para pa rin akong masusuka.
Dalawang beses pa lamang akong nakapunta rito kaya hindi pa rin matawaran ang aking pagkamangha sa mansion ng mga de Veruz. Lahat nang maaabot ng aking mga mata ay sumisigaw ng karangyaan. Totoo ngang sila ang pinakamakapangyarihang pamilya sa buong probinsya.
“Julie, nakabalik ka na pala.” Salubong sa amin ni Donya Margarette na mukhang galing lang sa kusina. Halos anim na taon na noong huli ko s’yang nakita pero parang mas lalo lang s’yang bumata sa hitsura n’ya.
Ganyan siguro ang mayayaman. Matagal tumanda.
“At ito na ba ang pamangkin mo? Ito na ba si Meda? God, you grew up a very beautiful woman, hija. Nice to see you again after how many years.” Masiglang bati sa akin ni Donya.
“Naku, hindi naman po. Salamat po, Donya Margarette. Kayo din naman po walang-kupas pa rin ang ganda ninyo, parang magka-edad nga lang po tayo.” I smiled.
Parang umikot na naman ang bituka ko. Parang masusuka na talaga ako.
“Palabiro ka pa rin, hija. Ikaw talaga!” Ani pa n’ya.
Hindi ko na talaga maatim ang pag-ikot ng sikmura ko kaya nagpaalam na muna ako kay Auntie na magpapahangin muna ako sandali.
Patakbo akong lumabas ng mansion at dinala ako ng aking mga paa sa bandang likod ng mansion. Hindi na ako nakaabot sa may bandang dulo ng yarda at dito na ako nagkalat sa parteng may mga tanim na bulaklak.
Inilabas ko na lahat ng kailangang ilabas at nang umayos na ang pakiramdam ko ay nakahinga na ako ng matiwasay.
“Oh my God, lady! What did you do to my flowers?”
Napapitlag ako nang may tumili mula sa aking likuran.
Paglingon ko ay rumihestro sa paningin ko ang nag-aalab sa galit na mukha ng batang babae. Parang kakainin n’ya ako ng buhay ano mang sandali.
“A-ah.. Nene, sorry. Hindi ko sinasadya, masama kasi talaga ang pakiramdam ko kay—”
“What? What the fudge did you just called me? A Nene? You moron woman! I am not a Nene.” Sigaw n’ya ulit. Parang teenager na ‘tong bubwit na ‘to kung makapagsalita, ha?
Bahagya akong natigilan nang may naalala ako. Hindi kaya s’ya iyong batang aalagaan ko? Jusme!
At tinawag pa akong moron. Totoo nga yatang mahaba na ang sungay ng batang ‘to.
“Sorry na, Nene. Lilinisin ko na lang ‘tong kalat ko. Promise!”
“Shut up, beggar. I'll make sumbong you to my Daddy and I swear ipapalapa ka n’ya kay Luther.” Pagbabanta nito at tumalikod na sa akin at nagsimulang maglakad paalis.
“Hoy, bubwit, bumalik ka dito! Lilinisin ko naman ‘to kaya hindi mo na kailangang magsumbong. Hoy, bubwit!” Habol ko sa kanya.
Muli ay hinarap n’ya ako at namumula na ngayon sa inis ang inosenti n’yang mukha. If I'm not mistaken ay pitong taong gulang pa lang ang batang ‘to.
“Kanina Nene ngayon naman bubwit! Ugh, isusumbong na talaga kita kay Daddy. I hate your mouth, beggar.” Parang maiiyak na sabi nito.
“Grabe ka naman, Nene. Hindi naman ako beggar. Ang cute ko kaya, mas maganda pa nga ako sa’yo, e.” I tried to joke to lessen the tension between us.
Ngunit laking gulat ko nang tuluyan na itong umiyak. “I hate you. I hate you. Ako lang ang maganda rito. Daddy told me that I am the only pretty princess here. Ako lang.” She sobbed.
Aww.. ang cute naman ng Nene na ‘to. Cute na monster. Mana nga sa ama n’ya!
“E ‘di ikaw na. Actually hindi naman ako pretty, mababaw lang ang title na iyon dahil beautiful na yata ang level ng kagandahan ko. See?” Ani ko at nag-posing pa na ala-model sa isang magazine.
She looked at me with a disgust in her face. “You are a crazy beggar. Humanda ka isusumbong kita kay Daddy.”
Pipigilan ko pa sana ito ngunit mabilis itong tumakbo papunta sa harapan ng mansion.
I sighed annoyingly!
Mukhang ang ganda yata ng unang araw ko sa mansion. Sarcastic overload!