Kabanata 12 SPG "L—lucas, a—anong ginagawa mo diyan? Ba't naghuhubad ka?" Hindi ko na mabilang kung nakakailang lunok na ako dahil biglang pumasok si Lucas dito sa may kaliitan kong kuwarto sa bahay at para itong excited na stripper habang inisa-isang kinalas ang kanyang mga damit. Rumihestro sa guwapo niyang mukha ang nang-aakit na ngisi at nililinlang ng kayamuan ang kanyang mga mata. Nasa likuran siya ng pinto ng kuwarto ko habang isinasagawa niya ang paghuhubo sa kanyang sarili. Nagsilbing background n'ya ang malaking poster ng paborito kong banda na Maroon Five na nakapaskil sa likod ng pinto. "I'm gonna show you what you'd possibly lose if you disregard my proposal, Ma. Alameda." Napakalagkit ng mga titig na ipinupukol niya sa akin. Iyong tipong kahit nais mong iwasan ay hindi m