Kabanata 13 Nangangati akong hawakan ang kahali-halinang mukha ng lalaking katabi ko ngayon. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kan'ya buhat nang magising ako na nakaunan ang ulo ko sa braso n'ya habang ang kamay n'ya ay nakayakap sa akin. Kahit magdamag ko s'yang titigan ay hindi ako magsasawa sa guwapo n'yang mukha. Totoong napakarami ko nang hinangaan na lalaki, celebrity man o sa personal ngunit ngayon lang ako humanga ng ganito sa hitsura ng isang lalaki. Maaaring dahil iyon sa lagi ko s'yang nakikita at wala na akong oras para tumingin-tingin sa iba. Kaya siguro lumalalim at ngayo'y parang sumisibol pa ang noong katiting kong paghanga sa kan'ya. Pero duda akong tatagal 'to dahil sa pagkakaalam ko tulad pa rin naman ako ng dati na mapusok kapag may bagong guwap