Kabanata 11 “ANO? Ta—tanan? E siraulo ka na man pala. Jusko!” Bulalas ko. Kausap ko ngayon sa kabilang linya si Benedict. Makalipas ang ilang araw ay ngayon ko lang s'ya nacontact since that night— 'yong sa mansion nina Brianna. Tapos ngayon malalaman ko na lang na itinanan n'ya si Brianna. Dios mio! Wala na bang matinong lalaki sa panahon ngayon? Kahit kinikilig ako sa love story nilang dalawa ay hindi pa rin ako pabor sa tanan thing na iyan. Napaismid ako dahil tinawanan lang ako ng ugok. “Di ba engaged na s'ya? B—bakit.. I mean paano kayo nagtanan? Teka, explain mo na nga lang. Nawiwindang na po kasi ako sa mga nangyayari. Hay grabe!” Napairap ako sa ere. Umayos ako ng upo sa kama ko upang makinig sa sasabihin ni Boss. “Alam mo namang wala 'to sa plano ko, 'di ba? Then during the p