ANASTACIA’S POV I surprisingly had a good and peaceful sleep last night. Kahit na nasa ibang bahay ako ay nakatulog ako ng maayos kaya maganda ang pakiramdam ko pagkagising. Saglit na inayos ko ang sarili ko bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Tahimik na tahimik ang buong mansyon kaya nag-alangan pa akong bumaba. “Is it too early or the people here are already busy with something else?” Pasilip silip pa ako sa ibaba habang nandito sa dulo ng grand staircase ng mansyon ng mga Lorenzo. Nang wala akong marinig na ingay ay pumihit ako para katukin si Ravi sa kwarto niya. “Ravi?” tawag ko matapos kumatok ng sunod-sunod sa pinto ng kwarto niya. Walang sumasagot kaya nagpasya akong pihitin ang doorknob para i-check kung nasa loob pa ba siya ng kwarto. It is already seven in the morning and I a