ANASTACIA’S POV Dahil inis na inis at pikon na pikon ako sa mga sinabi ni Ravi ay sinadya kong magkulong sa kwarto ng ilang oras. Kung hindi pa ako kinatok ng isa sa mga kasambahay nila ay hindi pa ako lalabas sa kwarto. “Inutusan po ako ni Don Rico na tawagin kayo. Malapit na daw pong maluto ang tanghalian…” Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng kasambahay. Ang akala ko pa naman ay si Ravi ang nag-utos na tawagin ako! Iyon pala ay ang Daddy niya pa ang nagkusa na tawagin ako dito! Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! “Sige po. Susunod na po ako,” marahang sagot ko bago saglit na nag-ayos ng sarili. Nakatapos na akong maligo kanina pa at wala akong ibang mapili na damit na alam kong hindi namin pag-aawayan ni Ravi! Halos pare-pareho ang style ng mga usual na sinusuot ko kapag n