ANASTACIA’S POV Kung kanina pa lang na ipinakilala kami sa isa’t-isa ay sobra sobra na ang ginagawang paninitig ni Ravi sa akin ay mas lalo akong naiinis sa kanya ngayon na nasa hapag na kami at kumakain. Kanina pa ako taas nang taas sa neckline ng suot kong dress dahil tingin siya nang tingin sa dibdib ko! Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang inirapan sa tuwing mahuhuli ko ang titig niya! But he doesn’t seem to care about me getting so annoyed because of his stares! Mukhang enjoy na enjoy pa nga siya sa nakikitang reaksyon ko kaya hindi na ako makapaghintay na umuwi si Daddy para makausap ko siya at sabihin ang mga gusto kong mangyari habang kasal na kami! Hindi kami pwedeng umakto na parang totoong mag-asawa dahil hindi naman kami magpapakasal dahil gusto namin ang isa’t-is