ANASTACIA’S POV
“He’s… walking. Ice is walking, Jackie…”
I am literally stunned after seeing my son walking towards us. Mukhang hindi naman dahil nakilala niya ako kaya siya naglalakad ng mabilis palapit sa amin. Maybe he was just thrilled to see other people in this room? I don’t know.
Wala akong alam at wala akong panahon na mag-isip dahil literal na napako ang mga mata ko sa maliit na mukha niya. My son is so handsome! Tama ang sinabi ni Jackie. Ice did not take after me or my father. Hindi ko alam kung sino ang kamukha niya. And he looks really different from the last time I saw him.
Kahit na sobrang tagal na noong huli ko siyang nakita ay hindi ko pwedeng makalimutan ang itsura ng mukha niya. And now that he’s a year older, I almost couldn’t recognize him. Pero ang puso at isip ko ay kilalang kilala siya.
He is Ice. My Ice. My son…
“He is… already walking, Jackie…” Hindi pa rin makapaniwala na sambit ko habang hindi inaalis ang tingin kay Ice na bumubungisngis habang mabilis ang mga hakbang palapit sa gawi namin. The fact that he can already walk that fast fascinates me the most. Can he really walk at this age? Bakit gulat na gulat ako? Sabagay ay wala naman akong masyadong alam tungkol sa mga bata kaya sobrang nabigla ako na makitang nakakalakad na at nakakatakbo na ng ganito kabilis ang anak ko. Ang ine-expect ko ay madaratnan ko lang siya na nakahiga sa crib. But I guess I really missed a lot about his life and it felt odd to realize that just now.
Hindi ko na naman alam kung ano ang mararamdaman ko. It’s only been a year but it felt like I missed a lot of times already. Parang hindi lang isang taon sa buhay ng anak ko ang napalampas ko. And it bothers me so much that I almost felt like crying. Masyado akong emosyonal kaya nang tuluyang huminto siya sa paglalakad dahil bumangga sa mga binti ko ay halos hindi ako nakagalaw para hawakan siya.
Tumigil din sa harapan ko ang nurse na nag-aalaga sa kanya at mukhang nagtataka sa naging reaksyon ko.
Kung hindi pa nagsalita si Jackie at yumuko para kuhanin at kargahin si Ice ay hindi pa ako makakagalaw para muling tingnan siya.
“God! You are so handsome, Ice! Kanino ka ba nagmana?” Bulalas ni Jackie habang karga karga ang anak ko at titig na titig sa mukha niya. Mas lalong bumungisngis si Ice kaya hindi ko namalayan na nakangiti na rin ako habang nakatitig sa mukha niya. Kahit ang tunog ng tawa niya ay sobrang sarap sa tenga. I guess I can listen to his laugh all day without getting bored!
Nakatitig lang ako sa mukha ni Ice nang sikuhin ako ni Jackie kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. Pasimpleng nginuso niya ang anak ko bago nagsalita.
“Aren’t you going to carry him? Medyo mabigat na kasi. Malaking bata itong anak mo, Anya. Hindi ganito kalaki ang anak ko noong kaedaran siya ni Ice,” komento ni Jackie na mukhang hindi naman talaga nabibigatan.
Mukhang gusto niya lang talagang ipakarga sa akin ang anak ko kaya sunod-sunod na napalunok ako at muling napatitig sa mukha ng anak ko.
“What, baby? Do you wanna go to Mommy?” Jackie kept on talking to him and Ice kept on giggling while listening to her. “Ay sus! Ang bungisngis naman ng bata na ‘yan! You go to Mommy!” tuloy-tuloy na sambit niya at pilit na ipinasa sa akin si Ice kaya halos hindi ako humihinga nang tuluyan ko siyang makarga.
He is heavy! Kakapasa pa lang siya ni Jackie sa akin ay halos mangawit na ang mga braso ko. Ibang-iba noong baby siya na sobrang gaan at parang nakakatakot na kargahin. Ngayon ay mabigat na at malaki. I guess Jackie is right when she said that Ice’s figure isn’t like the normal one year old boy.
Did he take after his father?
Hindi naman ako masyadong matangkad. I am just around the average height of a Filipina and my body is quite lean and slender. Hindi nagkakalayo ang taas at pangangatawan namin ni Mommy pero si Daddy ay talagang matangkad pero payat.
Titig na titig ako sa mukha niya at masasabi ko na talaga ngayon na hindi ko siya kamukha. His eyes, nose and lips are almost perfect. I can’t even breathe properly while looking at them.
Kung hindi niya pa ako pinalo sa mukha at sumigaw ay hindi pa ako titigil sa paninitig sa mukha niya. Sumubok akong ngumiti at saka kinausap siya.
“H-hello, Ice…” sambit ko. Halos magkanda buhol buhol pa ang dila ko sa pagbati at pagbanggit lang sa pangalan niya.
Pinanood ko kung paanong nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa mukha ko. Napangiti ako dahil mukhang ngayon niya pa lang napagtatanto na hindi na si Jackie ay may karga sa kanya.
Nagsimula siyang umiyak at pumalag sa hawak ko kaya sunod-sunod na napasinghap ako at kagat ang ibabang labi na tinawag ang pangalan niya pero tuloy-tuloy na ang pagwawala niya at ang pag-iyak kaya agad na binigay ko na siya sa nag-aalala sa kanya.
Mukhang tuluyan na siyang nawala sa mood kaya wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siya na inilalayo sa akin ng yaya niya habang sinusubukan na patahanin.
“I guess he’s… he’s afraid of me, Jackie…” sambit ko habang napapalunok. May kung anong kumukurot sa dibdib ko habang naririnig ang iyak ni Ice.
Bumuntonghininga si Jackie at saka hinawakan ang braso ko. “Sus! Paano namang hindi iiyak yung bata kung wala ka namang ginawa kundi ang titigan siya? You shouldn’t just stare at him, Anya! Dapat kasi ay kinausap mo nang kinausap para maging komportable sayo!” Tuloy-tuloy na sermon at paninisi niya pa bago hinila ang kamay ko para muling lumabas sa kwarto.
Agad na nag-panic ako at saka pumalag sa hawak niya kaya nagtatakang napatingin si Jackie sa akin. “I am not going anywhere, Jackie. Dito lang ako sa tabi ng anak ko,” mariing sambit ko at dumistansya sa kanya. Umiling si Jackie at saka bumuntonghininga nang harapin ulit ako.
“We are not going back right away to Manila, Anya. I guess it’s your son’s nap time. Kaya nagwawala ‘yan ay inaantok na. Let’s just go out first and let him rest. Sandali lang tayo,” pagpapatuloy niya. Umiling ako pero nanliit ang mga mata niya at saka hinawakan ulit ang kamay ko.
“I don’t wanna go out, Jackie,” mariing tanggi ko pa rin kaya mas lalong nanliit ang mga mata niya sa akin.
“Kapag hindi ka sumama sa akin ay magagalit si Gov.,” sambit niya kaya kunot ang noong napatingin ako sa kanya. “You don’t want to upset him or anything especially now that you’re here with your son, Anya…” pagpapatuloy niya at tiningnan ako ng makahulugan. Napalunok ako at hindi na muling nagsalita nang hilahin na niya ako pababa para bumalik sa sasakyan at sundin ang gustong mangyari ni Daddy.
“Do I really have to see their place now, Jackie?” Tamad na tamad ako nang nakasakay na kami ni Jackie sa sasakyan at papunta na sa hacienda ng mga Lorenzo. Wala naman akong ibang gustong gawin dito sa Cagayan de Oro kundi ang puntahan at makita ang anak ko. Why the hell would I waste my time looking at their damn place? Ano namang pakialam ko sa hacienda nila? Hindi naman ako sanay sa bukid. And it’s not as if I’m fascinated by nature or kinda interested with the sceneries here! Mas gusto ko pa rin sa tumira sa syudad kahit na maingay at hindi fresh ang hangin!
“That’s what your father wants you to do, Anya. Sundin mo na lang at ‘wag ka nang magreklamo para walang gulo!” bulalas niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumandal sa upuan at ibaling ang tingin sa labas ng bintana.
Berdeng berde ang mga nakikita ko sa paligid. Malayong malayo sa view sa syudad kung saan ako lumaki at nagkaisip.
I don’t think I would ever survive in this place! Masyadong tahimik at masyadong boring!
Hindi ko namalayan kung gaano katagal ang naging byahe namin. Basta namalayan ko na lang na tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang malaking bahay. No. It’s not just a house. It’s more like an old but huge mansion.
Mataas ang bakod at halos hindi ko masilip ang dulo ngayong nandito ako sa loob ng sasakyan. Mataas din ang gate pero bahagyang nakabukas kaya nasisilip ko ang garden ng mansion.
Binaba ni Jackie ang bintana at saka nilingon ako. “This is the mansion of the Lorenzos, Anya…” paliwanag niya kahit na hindi naman ako interesado.
“I don’t even care…” bulong ko pero agad na napatigil nang tingnan ako ng masama ni Jackie. Ilang sandali pa ay lumuwag ang pagkakabukas ng gate at lumabas ang dalawang lalaki na parehong pawisan at nagtatawanan.
Ang isang lalaki ay walang suot na pang itaas at may hawak na bola ng basketball at ang isang lalaki naman ay may suot nga na pang itaas pero basang basa ng pawis ang kulay puting sando nito kaya nakaangat ang sando at nakalabas ang tiyan.
Tumikhim si Jackie at saka lumingon sa akin. “Oh… mukhang tamang tama pa ang dating natin dahil nandito pala sa mansyon nila si Ravi,” sambit ni Jackie kaya agad na kumunot ang noo ko at napatitig sa kanya.
“Ravi?” ulit ko sa binanggit niyang pangalan ng mapapangasawa ko. Muling napatingin ako sa dalawang lalaki na ngayon ay tuluyang nakalabas na sa gate. “Which one is Ravi?” Hindi ko na napigilang tanong.
“You’re curious huh? Nakita mo lang na topless ay bigla ka nang naging interesado–”
“Jackie, you know that I have no time for men!” Mariing saway ko sa kanya pero tumawa lang siya at saka muling nagsalita habang nakatingin sa dalawang lalaki.
“By the way, that man on the right is Kit Yuchengco,” pakilala ni Jackie sa lalaking nakataas ang puting sando. “Yuchengcos are one of the wealthiest here in Cagayan de Oro, Anya. By the way, Kit is already married and they have twins, a son and a daughter…” pagpapatuloy niya.
Hindi ako nagsalita at nanatili lang ang tingin sa dalawang lalaki. Napako ang tingin ko sa lalaking topless dahil sigurado ako na iyon na nga si Ravi Lorenzo, ang lalaking gusto ni Daddy na mapangasawa ko.
“Do I have to say that the other guy is Ravi Lorenzo?” sarkastikong sambit ni Jackie na parang nabasa ang isip ko kaya sumimangot ako sa kanya.
“I am not really interested, Jackie,” balewalang sambit ko at saka muling sumandal habang nakahalukipkip.
Maya-maya ay parang nag-panic si Jackie at napamura kaya kunot ang noong napalingon ako sa kanya.
“Shìt, Anya! He’s coming over here! Oh, my God!” bulalas niya habang umaayos ng upo at napapamura habang mabilis na inaangat ang salamin ng bintana kaya napalingon ako sa labas ng bintana at nakitang naglalakad na nga palapit dito sa sasakyan namin si Ravi Lorenzo.
Kahit ako ay hindi maalis ang tingin sa mukha at katawan niya. Hindi ko alam kung ano ang pagtutuunan ko ng pansin. He is topless and his body is distracting me! Sobrang obvious na alaga sa workout ang katawan niya! He will never achieve those muscles and biceps if he’s not!
Nang umangat ang tingin ko sa mukha niya ay mas lalo yata akong na-distract. He is handsome indeed! Even the slightly tan color of his skin is complimenting his looks! Hindi talaga attractive para sa akin ang lalaking mestizo dahil siguro ay maputi ako kaya mas gusto ko ang mga morenong lalaki.
Agad na napakurap ako nang nagmura ulit si Jackie kasabay ng sunod-sunod na pagkatok ni Ravi Lorenzo sa bintana ng sasakyan.
Napasinghap si Jackie at saka binaba ang salamin kaya bumungad sa harapan namin ang salubong na mga kilay ni Ravi Lorenzo.
“You can’t park here,” sambit niya kaya mas lalo akong napatitig sa mukha niya. Suplado at strikto ang boses pero hindi masakit sa tenga!
Parang hindi ako matatakot kahit na sigaw sigawan ako kung ganito ang boses!
“I’m… I’m sorry! Aalis na kami,” narinig kong sambit ni Jackie at mabilis na binuhay ang sasakyan. Bago pa tuluyang umandar ang sasakyan ay nagawi ang tingin ni Ravi Lorenzo sa akin kaya muntik pa akong mapasinghap dahil sa intensity ng titig niya.
One of his eyebrows arched which immediately gave me a bad impression on him!
Was he trying to scold me for staring at him?! Ang kapal!
“Huh! Feeling gwapo agad!” Inis na bulalas ko nang nakalampas na kami sa gawi ni Ravi Lorenzo.
“Because he is really gwapo, Anya. Hindi lang feeling gwapo,” mabilis na pagtatama ni Jackie kaya lalo akong napasimangot!