Ravi Lorenzo

1229 Words
ANASTACIA’S POV “My God, Anastacia!” Muntik pa akong mapakislot ng todo nang marinig ang boses ni Jackie. She is now sitting beside me in this car that my Dad sent to take us to where my son is. Mula sa Manila ay sumakay kami ng chopper papunta dito sa Cagayan de Oro kung saan dinala ni Daddy si Ice. Hindi naman talaga ako umaasa na sa Manila niya dadalhin ang anak ko dahil alam niyang naroon ako. Siguradong iniisip niya na kung doon niya dadalhin si Ice ay siguradong hindi niya ako kakayanin na kontrolin dahil kahit kailan ko gustuhin ay siguradong pupuntahan ko si Ice. Huminga ako ng malalim. Literal na hindi ako nakatulog sa excitement na nararamdaman sa muling pagkikita namin ng anak ko lalo pa at muling ginulo ng isang pamilyar at nakakapagod na panaginip ang buong sistema ko. Medyo matagal na rin noong huli kong napanaginipan iyon. Noon ay iniisip ko na baka hindi lang talaga panaginip iyon kundi posible na nangyari talaga iyon sa akin noong gabi na nagpunta kami ng kaibigan kong si Cora sa bar kung saan ko nakilala ang ama ni Ice. Kung iisipin ko ay parang gano’n na gano’n nga ang mga posibleng nangyari sa akin. Hindi ko alam kung bakit kahit na anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maalala sa mga nangyari noong gabing iyon. The only thing I remember that night was the alias that he used at the masquerade party. It’s Isaiah. And that’s where I got my son’s name. Ice is short for Isaiah. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ko pa rin sinunod ang pangalan ng anak ko. I was so lost and couldn’t think properly at that time so when my Dad asked for my son’s name, I gave him that. Besides, the meaning of Ice’s name is quite biblical which means salvation. And maybe God sent Ice to save me from all of this mess. Sana nga… Bumuntonghininga ako at sinubukan na pakalmahin ang sarili ko. Halos mamawis na pati ang mga palad ko sa sobrang kaba at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. “Hey, Anya! Calm down! You look like you are going to faint!” Patuloy pa rin sa pangangantyaw si Jackie sa akin kaya hindi ko maiwasan na mapasimangot sa kanya. Hindi niya lang alam na halos hindi ako nakatulog dahil masyado akong excited na makita ulit ang anak ko. “Just how the hell can I calm down, Jackie? It’s been a year! Sobrang baby pa si Ice noong huli kong nakita. Paano kung hindi niya ako makilala? Paano kung… kung matakot siya sa akin?” Kinagat ko ang ibabang labi at hindi na naman napigilan na mag-isip. Kagabi ko pa iniisip kung paano ko siyang kakargahin. Isang taon na siya at siguradong malaki na ang pinagbago ng katawan at itsura niya ngayon. And knowing what a child his age likes, he will probably be aloof to strangers. And I am basically a stranger to him. Kaya posible na matakot siya sa akin. Isipin ko pa lang na matatakot ang anak ko sa akin at iiyak kapag kinarga ko ay parang nadudurog na ang puso ko. Jackie’s warm hands stopped me from overthinking things. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay binigyan niya ako ng isang ngiti na may assurance habang marahang pinipisil ang kamay ko. “Don’t worry, Anya. Sa una ka lang naman niya hindi makikilala. But eventually… Ice will recognize you as his mother. Trust me on this. Nararamdaman ng mga bata kung sino ang nagluwal sa kanila,” sambit niya at saka nginitian ako. Hindi ko pa rin magawang ngumiti dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman kaya umungol siya at pabirong pinalo ang braso ko at saka hinawakan ang baba ko. “Smile ka na! Nanggigigil na naman ako sayong bata ka! Sobrang ganda mo pa rin kahit halatang puyat na puyat ka dahil sa excitement sa muling pagkikita ninyo ng baby mo!” Natatawa at nakairap na biro niya at tinusok pa ang tungki ng ilong ko kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ilang sandali pa ay nasa mansyon na kami kung saan dating nakatira si Daddy at ang asawa nito. Ang asawa ni Daddy ay isa ring anak ng mayaman at maimpluwensyang tao dito sa Cagayan de Oro. Hindi ko alam kung may alam ang asawa niya sa ginawa ni Daddy na pagpapabalik kay Ice dito sa Pilipinas. At kung may alam man siya ay wala na akong pakialam kung ano man ang iniisip niya. Ang tanging mahalaga lang sa akin sa ngayon ay ang makasama ang anak ko. Matapos kaming salubungin ng ilang guards ay sabay kami ni Jackie na pumasok sa loob ng mansyon. Hindi pa ako nakapunta dito kahit kailan kaya naging abala ang mga mata ko sa pagtingin tingin sa paligid habang umaakyat kami sa itaas. This mansion is huge and well maintained. Hindi ko alam kung bakit mas pinili pa ni Daddy na tumira sila sa mansyon na pagmamay ari ng asawa nito kesa ang tumira dito sa mansyon kung saan dating nakatira ang pamilya nito. “Dito na po, Ma’am…” Natigil ang pag-usisa ko sa paligid nang tumigil ang butler na siyang naghatid sa amin sa kwarto kung saan naroon si Ice. “Sige. Pwede mo na kaming iwan dito,” narinig kong utos ni Jackie sa lalaki na agad namang tumango sa utos niya. Pero bago pa ito tuluyang tumalikod sa amin ay nagsalita pa ito at nagbilin. “Bilin nga po pala ni Gov. na mamayang gabi na siya darating dito. Tsaka samahan n’yo daw po si Miss Anastacia para tingnan ang mansyon ng mga Lorenzo.” Kumunot ang noo ko at agad na napatingin kay Jackie nang nakaalis na ang butler. Ngumuso si Jackie bago nagkibit balikat. “Don’t mind him, Anya. Hindi ka pa naman magpapakita sa mapapangasawa mo. Gusto lang ng Daddy mo na maging pamilyar ka dito sa lugar. ‘Coz you know… you’re gonna be living here from now on,” mabilis na paliwanag ni Jackie bago hinawakan ang braso ko. Hindi ko na tuloy naiwasan na mag-usisa tungkol sa mapapangasawa ko. Kahit ang pangalan na binanggit ni Jackie sa akin noong nakaraan ay hindi ko man lang maalala dahil literal na wala akong pakialam kung sino siya. “What’s his name again, Jackie?” tanong ko. Kumunot ang noo niya at mukhang nabigla sa tanong ko kaya hindi agad nakuha ang ibig kong sabihin. “Who?” tanong niya. “The man I am about to marry,” sagot ko. Naging letter O ang bibig niya at saka sunod-sunod na tumango sa akin. “His name is Ravi Lorenzo,” sagot niya. Napangiwi ako nang marinig ang pangalan na binanggit niya. “Ravi? His name is Ravi? That’s a bit odd…” komento ko. Muling hinawakan ni Jackie ang braso ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Yes, Anya. It’s Ravi. Short for Raoul Vittorio. Pangalan pa lang ay maiinitan ka na! What more if you see him in person?” bulalas niya at saka ngumiti pa sa akin ng nakakaloko kaya agad na hinila ko na siya papasok sa loob ng kwarto para tuluyang makita si Ice. Raoul Vittorio? Tsk! Even his name sounds arrogant already! Pangalan pa lang ay alam kong hindi ko na siya magugustuhan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD