ANASTACIA’S POV
I am literally the happiest while looking at my son. Wala akong ginawa maghapon kung hindi ang titigan siya habang natutulog at kapag gising naman ay wala akong ginawa kung hindi ang panoorin siyang naglalaro. Alam kong hindi ko na maibabalik ang mga panahon na hindi ko siya nakita at nakasama. Pero isang araw pa lang ay parang napawi na ng mga ngiti ni Ice ang pangungulila na nararamdaman ko.
Parang ayaw ko nang matapos ang araw na ito kaya nang dumating si Daddy kinagabihan ay hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanya nang sabihin niyang gusto niya akong makausap.
I already knew what he wanted me to do. Hindi naman niya iuuwi pabalik dito sa Pilipinas si Ice ng wala siyang plano. I already knew about his plan and I don’t have anything in mind right now but to obey everything he wanted me to do. Literal na gagawin ko ang lahat para lang makasama na ng tuluyan ang anak ko.
“So, did you enjoy your day with your son, Anastacia?”
Kung wala akong balak na mag-aksaya ng oras at gusto na lang na sundin ang gusto niya, mas lalong walang panahon si Daddy para patagalin pa ang gusto niyang mangyari.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa dating opisina niya dito sa mansyon ay agad niya akong kinausap tungkol sa kung ano ang gusto niyang mangyari. It somehow upsets me that his tone was kinda like a businessman trying to negotiate with his client. Sabagay ay ano pa ba ang aasahan ko sa isang negosyanteng kagaya niya? Bukod sa pamumuno sa lalawigan na nasasakupan niya ay isa siyang mahusay na negosyante. Kaya siguradong pati sa anak at apo niya ay wala siyang ibang nasa isip kundi ang makukuha niyang kapalit kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.
“I am going to marry that man, Dad. But please don’t tell him that I have a son,” wala nang paligoy-ligoy na sambit ko. Alam na alam ko naman kung saan hahantong ang usapan naming dalawa at iyon ay ang pakasalan ko ang lalaking napili niya para sa akin. The guy who would probably give him any benefit. Besides, hindi naman siya pipili ng isang tao na hindi niya mapapakinabangan kaya inaasahan ko ng isa iyon sa mga dahilan niya.
Hinawakan niya ang eyeglasses na suot at saka ilang sandaling tumitig sa akin ng diretso bago muling nagsalita.
“And why is that? Ravi Lorenzo is bound to find out about you and your son, Anya. Besides, I am planning to ask him to foster your son so he will be the legal father of Ice,” seryoso at mukhang buo na talaga ang plano niya bago pa man siya magdesisyon na iuwi dito sa Pilipinas si Ice at ipakasal ako sa lalaking ‘yon.
Oh, God! This is killing me! The idea of that man finding out about my son is already giving me horrible thoughts! At sino namang matinong lalaki ang papayag na angkinin ang anak ng ibang babae? Kung meron man ay sobrang desperado na iyon kagaya ko!
“Dad, I don’t think he needs to find out about my son right away. Paano kung magbago pa ang isip ng lalaking ‘yon kapag nalaman niyang may anak na ang babaeng nakatakda niyang pakasalan? I really don’t think that introducing Ice to him before the wedding is necessary,” naiiling at tuloy-tuloy na sambit ko.
I may sound desperate now but I don’t care anymore. Wala naman talagang ibang term na pwedeng gamitin para i-describe ang nararamdaman ko sa sitwasyon ko kung hindi desperation. Desperado akong makasama ang anak ko kaya gagawin ko ang lahat ng gusto niyang gawin kahit pa ang magpakasal sa isang lalaki na hindi ko naman kakilala.
I only had eye contact with him this morning. Bukod doon ay wala na. Literal na kakakita ko pa lang sa lalaking ‘yon at papakasalan ko na kaagad! If that is not desperation then I don’t know what the hell is that!
Muling hinawakan ni Daddy ang salamin sa mga mata niya at seryosong tinitigan ako. “Kung hindi niya makikilala si Ice bago ang kasal ninyo ay hindi mo pwedeng makasama ang anak mo, Anya. Are you sure you want to skip their introduction before the wedding?”
Halos mahigit ko ang hininga nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. I didn’t expect that he would say that! At hindi ko rin talaga napag isipan ang tungkol doon!
Pero paano ko nga namang makakasama si Ice sa magiging bahay naming mag-asawa kung hindi niya alam ang tungkol sa anak ko?
“Introducing your son to him before the wedding is the only way for you to live with your son, Anya. Kung hindi mo ipapakilala si Ice sa tatayong ama niya ay hinding hindi mo siya pwedeng makasama o makita man lang habang nagsasama kayo ng mapapangasawa mo.”
Seryoso at mukhang wala na talagang balak na magbago pa ang plano ni Daddy kaya hindi ko na alam kung ano ang iisipin at sasabihin ko.
Kung ipapakilala ko si Ice sa lalaking ‘yon bago ang kasal namin ay malaki ang posibilidad na magbago ang isip niya at tanggihan ang alok ni Daddy. Hindi naman madaling humanap ng lalaking pwedeng ipakasal sa akin. My Dad literally took a year for him to find someone. Kung uurong sa kasal ang Ravi Lorenzo na ‘yon ay maghihintay na naman ako ng matagal para makasama ang anak ko. At wala pa akong kasiguraduhan kung ang lalaking susunod na mapipili ni Daddy ay papayag na may anak ang mapapangasawa nito.
I literally have no choice now but to marry that man and hide everything about my son!
“Besides, you can tell him straight that you have a son, Anya. I don’t think he can still afford to have a second thought and change his mind,” pagpapatuloy ni Daddy kaya napamaang ako sa mukha niya. Hindi ako makapaniwala na mukhang pati ang magiging desisyon ng lalaking pakakasalan ko ay mukhang hawak na niya!
Is that man really desperate to get that piece of land? Para lang sa hacienda na ‘yon ay magpapakasal siya sa babaeng may anak at hindi man lang alam kung sino ang ama ng anak nito?!
Mabilis na umiling ako at agad na nag desisyon. Kahit na sabihin pa ni Daddy na desperado ang lalaking ‘yon na pakasalan ako ay hindi ko pa rin pwedeng pagkatiwalaan ang sinabi niya.
“I don’t think I can tell him about my son before the wedding, Dad,” sambit ko at saka diretsong tumingin sa mga mata niya. “Let us proceed to the wedding without introduction. I will somehow find a way to tell him about my son after the wedding. Pero sa ngayon ay ‘wag po muna nating sasabihin. Besides, I can wait for the right time to finally live with Ice,” diretsong sagot ko.
Nang tumango si Daddy ay alam kong kailangan kong pangatawanan na ang naging desisyon ko. Magpapakasal ako sa Ravi Lorenzo na ‘yon at pagkatapos ng kasal ay saka ko sasabihin sa kanya na may anak ako. That way, he won’t escape from me anymore.
Hinding hindi na siya makakaurong pa at wala nang magagawa dahil kasal na siya sa akin.