ANASTACIA’S POV Hindi pumayag si Daddy sa request ko na dito muna tumira sa hotel habang hindi pa kami kasal ni Ravi Lorenzo. Kahit na inaasahan ko na ang magiging pagtanggi niya doon ay hindi ko pa rin maiwasan na ma-disappoint sa naging desisyon niya. Mukhang tama nga ang sinabi ni Jackie na planado na ni Daddy ang lahat bago pa man niya ipaalam sa akin ang tungkol sa pag-aasawa ko. “Sabi ko naman kasi sayo na ‘wag ka nang umangal sa kahit na anong desisyon ng Daddy mo kasi planado na niya ang lahat, Anya.” Pabalik na si Jackie sa Manila at hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng dibdib ko habang kasama ko siyang naghihintay sa magiging flight niya. Gusto ko siyang pigilan na ‘wag na munang bumalik sa Manila dahil kapag umalis siya ay siguradong mas mararamdaman ko ang pag-iisa.