ANASTACIA’S POV Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Jasmine. Wala naman akong pakialam kung ano ang gustong gawin ni Ravi. Malinaw naman sa kanya na ikakasal lang kami dahil kailangan niyang mabawi ang hacienda. Ako naman ay magpapakasal sa kanya para tuluyang makasama ang anak ko. Kaya kung pipiliin ni Ravi na magkaroon ng ibang ka relasyon kapag kasal na kami ay siya ang magdedesisyon para sa bagay na ‘yon. Mabilis na nagreply ako sa text ni Jasmine. Kung magpapasya man si Ravi na ipagpatuloy ang kung anong relasyon na meron sila ni Miss Lovely ay bahala siya. Alam naman niya ang mangyayari kapag nahuli siya ni Daddy kaya siguro naman ay alam niya ang limitasyon niya sa pakikipag date sa ibang babae. Me: Just let them do what they want, Jas. Pero hindi tumigil si Jasmine sa k