ANASTACIA’S POV Ang kuya Rori ni Ravi ang tumingin sa paa ko kinagabihan at nag-suggest siya ng mga ilang dapat gawin para hindi na sumakit at magpatuloy ang pamamaga. Tinulungan pa ako ni Ravi na gawin ang mga bilin niya kaya pagkagising ko kinaumagahan ay nagulat pa ako na hindi na nga masakit ang paa ko at hindi tumuloy ang pamamaga. May parte na lang na kapag nahahawakan ay masakit pero nakakatayo na ako at nakakalakad kahit na hindi pa ganun ka-pwersado ang tapak ko sa sahig. Rori also suggested not to put force to my injured feet when I walk. Ang sabi niya ay magpa X-ray na ako kung hindi pa rin mawawala ang pamamaga. Mabuti na lang at maayos na ngayong umaga kaya sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pang magpa X-ray. Paglabas ko sa kwarto ay saktong bumukas ang kwarto ni Heather