ANASTACIA'S POV
“Ice just arrived at the main house, Anya…”
Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang sinabi ni Jackie. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi magawa ang mga dapat kong gawin na school stuff. Ilang araw na rin akong palaging napapangiti na mag-isa kapag naiisip ko na makikita ko na siya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.
It’s been almost a year since I last carried and felt him in my arms. Bago siya dinala ni Daddy sa United States ay isang buwan ko siyang nakasama. Alam kong ilalayo niya sa akin ang anak ko pagkatapos ko siyang isilang na walang kinikilalang ama. My Dad was very vocal about it then. Kahit kailan naman ay hindi niya itinanggi sa akin na mas mahalaga ang image niya sa kahit na ano pa mang bagay o sa kahit na sino pa man dito sa mundo.
Si Daddy iyong tipo na kapag nasira ang image na binuo at iningatan ng matagal ay hindi na makakapamuhay ulit ng normal. At kahit kailan ay hindi niya itinanggi sa akin ang katotohanan na ‘yon. His love for fame and influence is dominating his whole being. Pero kahit na naging vocal siya sa akin tungkol sa bagay na ‘yon ay hindi ko pa rin naiwasang masaktan at maghinanakit sa kanya ng matagal.
Simula pa lang noong nalaman niyang buntis ako ay hindi niya ako pinagalitan o kaya naman kinwestyon kung bakit ko nagawa ang bagay na ‘yon. He never abandoned me and my child. He chose the easiest way and immediately decided to protect me and my baby–or I’d rather say that he did that to protect his image.
Ayaw niyang malaman ng lahat na ang nag-iisa niyang anak ay nabuntis ng maaga at hindi pa sigurado kung sino ang nakabuntis. My Dad hates controversies the most. Ingat na ingat siya sa bawat galaw niya lalo na at maraming tao ang nakasubaybay sa bawat galaw niya. Kaya nga kahit na pwede namang dito na lang sa Pilipinas magpagamot si Mommy ay pinili pa rin ni Daddy na ilayo siya para tahimik ang buhay nila ng asawa niya.
Isang taon rin akong nag-stay sa United States at doon ipinagpatuloy ang pagbubuntis. Wala pa sana akong balak na umuwi sa Pilipinas dahil gusto ko pang makasama ng mas matagal si Ice. Pero dahil pa rin sa image na iniingatan niya ay kailangan ko nang umuwi sa Pilipinas bago pa magtaka ang mga tao kung bakit biglaan ang naging pasya ni Daddy na ipadala ako sa ibang bansa. May mga kumalat na noon na balita na posible na nabuntis ako kaya biglaan akong nawala pero bago pa man tuluyang kumalat ang balitang ‘yon at nagawan na kaagad ng paraan ni Daddy. He became more strict after I went back to the Philippines. Mas humigpit ang pagbabantay sa akin kaya mas naging rebelde ako.
I even dared to tell him to just abandon me because I really wanted to be with my son. Sa totoo lang ay wala naman akong plano na itago ang anak ko sa kahit na sino. Kayang-kaya kong harapin ang magiging buhay ko kung sakaling malaman ng mga tao na nabuntis ako ng maaga at walang asawa. Noon pa man ay sanay na ako na laman ako parati ng mga tsismis. Simula noong ipinanganak ako ni Mommy ay napag-usapan na ako ng mga tao. Ano pa bang bago ngayon? I am used to that kind of life. Pero dahil anak ako sa labas ng isang mayaman, maimpluwensya, mahusay mamuno at sikat na sikat na gobernador ay hindi ako pwedeng mamuhay ng normal. I can’t even imagine living my life without pressure. Literal na de numero ang bawat galaw ko sa bahay man o sa school. And it sucks. It’s suffocating. I want to be free from all of this. Pero mukhang hindi ko na mararanasan ang mamuhay ng malaya dahil ngayon naman ay nakatakda akong ikasal sa isang lalaki na hindi ko naman kilala.
Ni hindi ko pa nga nakikita ang lalaking ‘yon at wala akong balak na alamin man lang kung sino siya. Living with a stranger is not going to be easy. Pero kung ito lang ang magiging paraan para makita at makasama ko ang anak ko kahit kailan ko gusto ay kakayanin ko.
“Okay lang kaya si Ice doon, Jackie–”
“Don’t overthink things, Anya. Hindi hahayaan ng Daddy mo na mapahamak ang nag-iisang apo niya,” mabilis na pigil sa akin ni Jackie. Huminga ako ng malalim. Parang hindi yata ako makakatulog ngayong gabi lalo na at bukas na bukas din ay makikita at mahahawakan ko na ulit siya.
“Did you see him?” Hindi ko na napigilan na tanong kay Jackie. Masyado pa siyang baby noong huling nakita ko. Kahit na picture ay ayaw siyang ipakita ni Daddy sa akin dahil mas lalo lang daw akong mahihirapan.
Tumango si Jackie at saka ngumiti ng todo. “I did! Sobrang gwapo ng anak mo, Anya!” bulalas niya. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Kung kanina ay iniisip ko lang na baka hindi ako makatulog ngayong gabi, ngayon ay sigurado na ako na hindi ako makakatulog dahil sa sobrang excitement na nararamdaman!
“Did he take after me? Kamukha ko na ba si Ice, Jackie?” Hindi pa rin makapagpigil na tanong ko. Ngumuso siya at ilang sandaling tumitig sa akin bago umiling.
“Ice only got the color of your skin, Anya. Pero hindi mo siya kamukha. And that’s actually a good thing, right? Ice is actually saving his grandfather from humiliation. Kasi kung naging kamukha mo si Ice ay mahihirapan si Gov. na itago ang apo niya,” sagot niya. Agad na napasimangot ako nang marinig ang paliwanag niya. Wala naman akong pakialam kung hindi niya kikilalanin si Ice bilang apo. Basta hayaan na lang niya akong mamuhay na kasama ang anak ko!
That’s actually enough for me. Having my son with me is more than enough. Kayang-kaya kong ipagpalit ang kahit na anong buhay na meron ako ngayon basta makasama ko lang ang anak ko.
“Actually, Anya…” sambit ni Jackie kaya natigil ako sa pag-iisip at tumingin ulit sa kanya.
“What?”
“Medyo may hawig naman sila ni Ravi Lorenzo,” sambit niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala kung sino ang binanggit niya. “Or was it because Ice and him are both handsome? Kaya tingin ko ay magkahawig?” sambit pa niya kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “But anyway, kung magkahawig man sila, that’s a good thing because your Dad is planning to make him foster your son a year after your wedding.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatayo dahil sa sinabi ni Jackie. “W-what are you saying, Jackie? Dad is… what? Hindi ko maintindihan. Please explain it to me–”
“Ravi Lorenzo is the one you are about to marry, Anya. At gusto ng Daddy mo na pakasalan ka niya at angkinin ang anak mo kapalit ng hacienda nila sa Cagayan de Oro,” sagot niya. Mas lalong umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya.
“Did that guy really agree to marry me and own my son in exchange of a fūcking piece of land?!” bulalas ko. I was horrified to know that there are really people who can trade their precious life for the sake of getting anything they want to possess!
“Actually, hindi pa niya alam na may anak ka na, Anya. Ang alam lang niya ay kailangan ka lang niyang pakasalan. And that’s it,” sagot ni Jackie. Nakahinga ako ng maluwag at tumango ng sunod-sunod.
“There’s really no need for him to know about my son, Jackie. Hindi na dapat pang umabot sa gano'n. I will talk to Dad about it. Baka mamaya ay bigla pang mag-back out ang lalaking ‘yon sa kasal,” determinado na sambit ko. Sumimangot siya at mukhang hindi naging pabor sa sinabi ko.
I need him and he needs me to get his property back. Kahit na sino pa siya ay hindi ko maitatanggi na kailangan ko siya ngayon. Kailangan niya akong pakasalan para makasama ko si Ice. At pagkatapos ng kasal namin ay tsaka ko gagawin ang lahat para ayawan niya ako. He will surely regret getting married to me!