ANASTACIA’S POV
Kanina pa tunog nang tunog ang phone ko dahil sa kabilaang tawag, text messages, chats at kung anu-anong notifications mula sa mga social media account ko.
Hindi naman na ito bago sa akin lalo na at mukhang halos lahat yata ng tao sa Cagayan de Oro pati na rin dito sa Manila kung saan ako ipinanganak at kasalukuyang nakatira, ay nakasubaybay sa buhay ko.
Anak ako ng isang kilalang-kilalang politiko sa Cagayan de Oro. At hindi lang siya basta politiko lang. My Dad, Governor Travis Roa, is a business tycoon and his family is one of the wealthiest in Cagayan de Oro. Roas owned pieces of lands, farms, ranches, some villas and plantations. My Dad is friends with almost every politician in his town. Sa sobrang ganda ng image na nabuo niya ay pati ang kampanya sa pagiging Presidente ng Pilipinas ay mukhang kakayanin niyang ipanalo.
Kaya paano akong makakaligtas sa mata ng mga tao? Lalo na at hindi lang ako basta anak lang ng mahal nilang gobernador. I am the illegitimate daughter of their beloved governor.
Almost a decade ago when people found out about me and my Mom. Simula noon ay nawalan na ng katahimikan ang buhay ko. My Mom used to work in a club—one of the high end clubs in Metro Manila. Entertainer siya sa club pero dahil aksidenteng nabuntis siya ng isang sikat na gobernador ay tinawag siyang pokpok ng mga tao.
Pinagpipilitan pa ni Mommy sa akin noon na hindi siya isang bayarang babae dahil ang Daddy ko lang ang nagkaroon ng pagkakataon na ikama siya. The feelings she had for my Dad were pure. Puro at bago kaya nadala siya ng kapusukan sa murang edad at nabuntis ng hindi sinasadya.
At sa kasalukuyang henerasyon na kinabibilangan ko ngayon ay normal na lang ang maging anak sa labas. Pero gusto kong ipagmalaki na binata pa ang Daddy ko noong nakilala at nabuntis niya ang Mommy ko.
The only consolation I had is he was still single when he impregnated my Mom. Kaya lang ay hindi ako naging sapat na dahilan para pakasalan niya si Mommy. My Dad has high standards when it comes to choosing someone. Syempre ay dahil galing siya sa isang mayaman at kilalang pamilya ay pinili niyang magpakasal sa kapareho ng estado ng buhay na meron sila. And no. I am not blaming him for that. Hindi ko siya sinisisi na naging praktikal siya. In fact, I still respected him and treated him like a responsible father who didn't try to deny and abandoned his daughter.
Not until he made that terrible decision two years ago.
I no longer respect him now. Oo at ama ko pa rin siya pero hindi ko na siya kayang ituring na ama matapos ang ginawa niya dalawang taon na ang nakakalipas.
Muling tumunog ang phone ko at nakita kong ang secretary na ni Daddy ang tumatawag. Sa totoo lang ay inaasahan ko na talaga ang tawag niya. Sa tuwing masasangkot ako sa kahit na anong eskandalo ay siya ang nag-aayos ng gulo. Minsan nga ay pakiramdam ko ay siya na ang tumayong pangalawang ina ko lalo na at nakaratay ngayon si Mommy at kasalukuyang nagpapagaling sa isang malubhang sakit sa ibang bansa.
“Anya! Where the hell are you?!”
Halos mapangiwi ako sa lakas ng boses niya nang sa wakas ay sagutin ko ang tawag niya.
Dalawang taon ko na siyang kakilala at siya rin ang palaging tumatayong proxy ni Daddy sa lahat ng events na nagaganap sa buhay ko.
I just turned eighteen and currently in my first year taking Political Science. And if someone would ask me why I chose to take this course, I would directly answer that it's the course that my Dad wanted me to take.
Sa halip na business course ang ipakuha niya sa akin ay mukhang wala pa siyang plano na pagtrabahuin ako sa isa sa mga business na meron siya. It's obvious that he wanted me to enter politics just like him. Wala naman kasi siyang ibang anak kung hindi ako. Matagal na silang kasal ng asawa niya pero kahit kailan ay hindi sila nabiyayaan ng anak.
Pero dahil sa matinding pagtatalo namin noong nakaraang taon ay sa halip na sundin ko ang mga sinasabi niya ay pasimpleng nagrerebelde ako ako para ipakita sa kanya na may may sarili akong buhay. Alam ko namang siya ang dahilan kung bakit ako narito sa mundo dahil siya ang tatay ko. Pero hindi sapat na dahilan iyon para kontrolin niya ang buhay ko. May sarili akong desisyon at gustong-gusto nang mabuhay ayon sa kung ano ang gusto ko.
“Jackie, I didn’t do it–”
“‘Wag mo akong ma-Jackie Jackie ngayon, Anastacia Roa! Galit na galit ang Daddy mo at alam mo naman kung ano ang nangyayari kapag galit siya hindi ba?”
Tuloy-tuloy ang sermon niya at parang gusto ko na lang na ilayo sa tapat ng tenga ko ang cellphone para hindi na marinig ang iba pa niyang sasabihin na paulit-ulit lang naman.
Hindi ko talaga alam kung bakit masyadong obsess sa akin ang media at konting kibot ko lang ay nagagawan na kaagad nila ng kwento.
Kagaya ngayon na nanonood lang naman ako ng concert ng isang pinoy pop icon na matagal ko nang hinahangaan kasama ang ilang mga kaibigan ko. Pero iba ang nakita at pinalabas na balita sa media. Nagkataon lang na may nakatabi akong lalaki sa concert at dumagdag pa na ang lalaking ‘yon ay isa palang sikat na vlogger at may girlfriend na kasalukuyang buntis na ang babae.
Ang natatandaan ko ay nagtanong lang ang lalaki na ‘yon sa akin kung ano ang title ng kanta na huling pinerform sa concert dahil nagvovlog siya. Hindi ko naman akalain na paglabas namin sa concert hall ay magpapasalamat siya sa akin at nag-alok pa na i-treat ako ng dinner para mas mabigyan ko pa raw siya ng ibang information tungkol sa artist na paborito ko. To cut the long story short, I went out with him just to talk about my favourite artist. Pero iba ang lumalabas at kumakalat ngayon sa social media. Isa daw akong third party, a homewrecker, kabit at kung anu-ano pang masasakit na salita ang binabato nila sa akin. Syempre ay hindi mananahimik si Daddy sa issue lalo na at malapit na naman ang kampanyahan.
“It is not even true, Jackie. Kahit tawagan at kausapin mo pa ‘yung vlogger na ‘yon at hingan ng statement,” kampanteng sambit ko. Habang tumatawag siya ay may bumati sa akin na ilang mga kakilalang lalaki kaya bumati ako pabalik sa kanila. Mas lalo lang tuloy na nanggalaiti si Jackie dahil sa ginawa ko. Napangisi ako at iniisip na siguradong makakarating na naman kay Daddy ang tungkol doon.
“Just go home, Anya! Gabing-gabi na ay nasa labas ka pa! And please! Don’t be reckless again and give any statement about the issue! Hayaan mong ako na ang umayos nito! Umuwi ka na lang at ‘wag na ‘wag kang lalabas ng bahay hangga’t hindi ko sinasabing pwede ka nang lumabas! Do you understand?”
Sa halip na sumagot ay nanahimik lang ako at kampanteng ininom ang mango shake na in-order ko. Ang totoo niyan ay sinadya ko talagang makipag usap at pumayag na mag-dinner kasama ang vlogger na ‘yon. Alam kong sikat siya at sa dami ng nagmamahal sa kanila ng partner niya ay siguradong pag-uusapan ako ng mga tao. At iyon ang gusto kong mangyari. I seek the people’s attention. That way, my Dad will surely hear my silent scream. Ang galit at sama ang loob na dalawang taon ko nang hindi mailabas ay gusto kong maramdaman niya para siya na mismo ang lalapit sa akin at sasabihin ang isang bagay na gustong-gusto nang marinig mula sa kanya.
I’ve been doing this for years. Lahat ng pagpapasaway ay ginawa ko na para lang mapansin niya ako at ibigay ang gusto ko. Pero palagi na lang na ako ang nadedehado sa mga ginagawa kong kalokohan. Palagi niyang nagagawan ng paraan para mapigilan ako sa ginagawa ko.
Pag-uwi ko sa unit kung saan ako nakatira ay halos tumalon ang puso ko nang makitang nag-appear sa screen ang pangalan ni Daddy.
He is calling me and I know that I am about to face his rage again!
“Hello, Dad?” I managed to answer his call after composing myself well. Kailangan kong maging confident para malaman niya na seryoso talaga ako sa ginagawa ko at hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko.
“Ice…” mariing sambit niya sa halip na sagutin ang pagbati ko. Halos manigas ako sa kinauupuan nang marinig ang pangalan na binanggit niya. Sa lahat ng mga eskandalo na nasangkutan ko ay kahit kailan hindi niya nakita ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.
“Dad–”
“I am going to send him here in the Philippines, Anastacia…” mariin at seryosong pagpapatuloy niya. Mas lalo akong hindi nakagalaw. I was on the verge of shedding tears and screaming how happy I am because finally… Finally! He will grant my wish!
“Thank you, Daddy. You just don’t know how happy am right now–”
“Don’t celebrate yet, Anastacia. I am not sending Ice here to finally be with you. Iuuwi ko lang siya dito sa Pilipinas dahil alam kong hindi ka titigil sa mga ginagawa mo hangga’t hindi mo siya nakikita,” paliwanag niya.
Hindi ako makapagsalita kaagad. I was still trying to process everything he said when he continued talking.
“Ice is not going to live with you, Anastacia…” muling sambit niya kaya mas lalo akong nabigla at hindi nakapagsalita. “You are going to marry someone and show the people that you are happily building a family here in Cagayan de Oro with your husband,” pagpapatuloy niya. Halos sumigaw ako dahil sa biglang galit na naramdaman ko dahil sa sinabi niya.
I can’t do this! I won’t let him control my life anymore!
Handa na sana akong tumanggi at suwayin ang gusto niya pero nagsalita pa ulit siya na naging dahilan ng tuluyang pananahimik ko.
“At wala kang karapatang tanggihan ako, Anastacia. Papayag kang magpakasal sa lalaking gusto kong maging asawa mo kung gusto mo pang makita at mahawakan ang anak mo.”