RAVI’S POV
“Are you fūcking kidding me?”
Kanina pa ako naiiling at gusto nang magwala habang nakasakay sa eroplano pabalik sa Cagayan de Oro. I was off to have a great time with some of my friends in the Young Bucks Society Club and a week of stay in Manila. Pero dahil sa ibinalita ng kuya ko ay wala pa akong isang araw doon ay kailangan ko nang bumalik sa Cagayan de Oro.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari dahil kilala ko ang kuya ko. He prefers to talk about everything in person. Kaya kahit na ayaw ko pang umuwi ay napilitan akong mag-book ng flight kahit gabing-gabi na para lang makauwi at makausap kaagad si Daddy bukas na bukas din.
This is not right. Everything about what my brother has said doesn’t feel freaking right! Walang tama lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa hacienda namin at ang katotohanan na hindi na namin ito pag-aari ngayon. Hindi ako papayag. Kung kinakailangan na ibibigay ko ang lahat ng meron ako ay gagawin ko mabawi ko lang ang hacienda namin. It’s the only place that I treasured the most. I didn’t leave my carefree lifestyle in the United States just to lose that place to anyone!
I can't afford to just let go of my Mom’s memories. Walang naiwan sa akin kung hindi iyon lang kaya gagawin ko ang lahat maibalik lang sa akin ang hacienda.
“Did you tell him, Rori?”
Naglalakad pa lang ako papunta sa dining area ay naririnig ko na ang boses ni Daddy kausap ang kuya ko. I have two brothers and they are both married and living their own lives. Ang pangalawang kuya ko ay nasa ibang bansa kasama ang pamilya niya. Kuya Rori, the eldest, is just here in Cagayan de Oro for some business, I guess.
Bago pa makasagot si kuya ay ako na ang sumagot para sa kanya. Agad akong nagpakita sa kanila at matapang na hinarap si Daddy.
“So, how much do I have to pay just to get everything back, Dad? Drop the price and I’ll buy this place back,” diretso at walang pasakalye na sambit ko.
Hindi nagsalita si Daddy pero kitang-kita ko na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Wala akong pakialam. Una pa lang ay wala naman talaga siyang pakialam dito sa hacienda. He has loads of properties here in Cagayan de Oro and I bet this place is in the least of his priority.
Nang hindi pa rin siya nagsalita ay nagpatuloy ako. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa inis na nararamdaman dahil sa ginawa niyang desisyon. I find it so unfair.
Ilang taon pa lang na wala si Mommy ay nag-asawa na kaagad siya. I don’t even care about that or the fact that he wanted to remarry right away after my Mom passed away. It’s not like I wasn’t aware about the kind of relationship they had. I only care about this place. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pinag-iinitan ng bago niyang asawa ang haciendang ito.
“In the first place, you shouldn’t sell this place without even telling me. Alam n’yo naman na kaya lang ako bumalik dito sa Pilipinas ay dahil dito sa hacienda. I don’t even understand why you have to sell this place. Sinabi ko naman sa inyo na kayang-kaya kong ibalik sa dati ang hacienda–”
Hindi ko na nagawang ituloy ang pagsasalita dahil padarag na binaba ni Daddy ang kutsara at tinidor na hawak niya. Inalis niya ang suot na salamin at saka mariing minasahe ang gilid ng mga mata bago muling nag-angat ng tingin sa akin.
“You don’t even know how to manage this place, Ravi. Kailan mo balak na ibalik sa dati ang lugar na ‘to? Kapag naubos na ang mga trabahador na nagtityaga na mangalaga dito sa hacienda?”
Huminga ako ng malalim. Aminado naman akong wala akong alam sa kung paano ang tamang pagpapatakbo sa hacienda. I studied Mathematics in the United States and started my career there. Pero dahil nagkasakit si Mommy ay umuwi ako para makasama siya sa huling mga sandali niya dito sa mundo.
My Mom already felt lonely while still living with my Dad. Ayaw kong hanggang sa huling hininga niya ay maramdaman pa rin niya na nag-iisa siya. She doesn’t deserve that. Kahit na walang kasamang pagmamahal ang pagsasama nila ni Daddy ay pinili niya pa rin na manatili para sa aming mga anak niya. Ayaw niyang lumaki kami na hindi buo ang pamilya kaya kahit na may pagkakataon naman sana siyang piliin kung saan siya sasaya ay sinakripisyo niya ‘yon para sa amin. At itong hacienda ang saksi sa lahat ng naging sakripisyo niya para sa amin. That’s why I promised her that I will not leave this place. Kapag narito ako sa hacienda ay buhay na buhay pa rin ang mga alaala ni Mommy kaya kahit ilang taon na siyang wala ay nararamdaman ko pa rin ang paggabay niya sa akin.
“I have been trying my best to manage this place, Dad. The people here and even Kit are helping me. All I want is a little more time. I will get used to it. Hindi naman kailangan na madaliin–”
“If you think you have all the time in this world, Ravi, ibahin mo ang mga taong dito lang sa hacienda umaasa ng kinabukasan. Kung nasanay ka na hindi iniintindi ang bukas, ‘wag mong isipin na lahat ng tao sa mundo ay katulad mo. Some people don’t have the privilege to just wait, Ravi. If you don’t see the reason why I sell this place, then it’s not my problem anymore,” tuloy-tuloy at mariing paliwanag niya bago tuluyang tumayo at mukhang wala nang balak na tapusin ang pagkain.
Bago siya tuluyang makaalis sa dining area ay tumigil siya sa harapan ko at saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“I sold this place to someone who can manage this more than you do. I didn’t sell this to just anyone without knowing your sentiments to this whole place. Alam ko kung bakit ka umuwi dito sa Pilipinas. Alam ko kung bakit mo pinagpalit ang buhay mo sa America para lang bumalik dito. It’s just that this place will not wait for you to get used to everything, Ravi. Isipin mo ang mga taong narito sa hacienda. If you can’t even prioritize them like what your Mom did, then just leave this place and go back to the US. At kung ipipilit mo pa rin ang gusto mo, ikaw na ang bahalang makipag usap sa bagong may-ari,” pagpapatuloy niya at saka inabot sa akin ang isang calling card. Agad na tiningnan ko at binasa ang pangalan na nakasulat doon.
Governor Travis Roa.
I gasped as I found out who bought this place. Mas lalo ko lang tuloy na gusto na maibalik sa akin ang hacienda lalo na at kilala ko kung sino ang bagong magiging may-ari nito.
“By the way, I forgot to tell you something, Ravi.”
Bago pa tuluyang umalis si Daddy ay nagsalita pa siya. I composed myself and confidently faced him.
“What is it?” tanong ko habang sinasalubong ang tingin niya.
“Travis is asking me if you can consider marrying his daughter even only on papers…” diretsong sagot niya. Hindi ko napigilan ang tumawa ng nakakaloko matapos marinig ang sinabi ni Daddy.
Two years ago, he asked the same thing and of course I rejected it. Ang pagkakaalam ko ay nakakuha na ang Travis na ‘yon ng bagong prospect para ipakasal sa anak niya sa labas na walang ginawa kung hindi ang magbigay ng problema sa kanya.
I wonder what happened to that? Hindi ba natuloy ang kasal? Or the marriage didn’t work out? Whatever the fūcking reason was. Wala na akong pakialam. Wala akong balak na pakasalan ang anak niya. I am never going to lose my freedom especially to that good for nothing brat.
“Of course not, Dad. I will just choose to grow old alone rather than to be with his insolent daughter,” mariing sagot ko at ngumisi ng nakakaloko habang sinasalubong ang seryosong tingin ni Daddy.
“Then good luck to getting this place back,” sambit niya at saka binigyan ako ng makahulugang tingin bago tuluyang nilampasan ako. Ngumisi ako at saka naiiling na naglakad palapit sa hapag.
Rejecting his offer twice will be a bit too much for him and that old man deserves that.