ANASTACIA’S POV My Dad allowed me to finish the rest of the semester in my school here in Manila and then instructed me to move to Cagayan de Oro right away. Nang patapos na tuloy ang unang taon ko sa kolehiyo ay parang tamad na tamad ako. Isang beses pa lang naman akong nakapunta sa Cagayan de Oro pero parang ayaw na ayaw ko nang bumalik doon. Kung hindi lang dahil sa anak ko ay hindi talaga ako titira sa ganun katahimik at ka-boring na lugar. “Are you really leaving the city, Anya? For real?” Even my friends don’t believe the news until my very last day in the city. Alam naman nila na dito na ako lumaki at nagkaisip. Sanay na ako sa buhay dito sa syudad at sobrang imposible para sa isang katulad ko ang masanay sa uri ng pamumuhay sa ibang lugar. Tumango ako matapos bumuntonghininga. S