Danica Mukhang nagustuhan naman ni Dave ang mga niluto ko. Magana siyang kumain ng gulay. Hindi ko na kailangan pa ang kumento niya dahil kitang-kita naman sa kanya. Sarap na sarap din sa pagkain si Lance. Pansin ko nga na parang nagkakalaman na kaagad ang mga pisngi niya kahit apat na araw pa lang kaming nananatili dito. Sagana na kasi siya ngayon sa pagkain dahil hinahayaan lang siya ni Dave na kumain nang kumain. Nakakakuha na rin siya ngayon ng sapat na tulog. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain. Kailangan kong damihan para maging malakas ako sa mga susunod na oras. Feeling ko ay marami nga kaming tatrabahuhin ngayon, at ramdam ko na parang iba ang trabahong sinabi ni Dave kanina. Hindi nagtagal ay nauna na siyang natapos kumain. Kaagad siyang uminom ng tubig at nagpunas ng mga labi