Danica "Akala ko talaga ay may malubha na akong sakit, bunso. Grabe 'yong takot ko at pag-aalala. Akala ko'y mamamatay na ako. Akala ko iiwan na kita dito sa mundo," pagkausap ko kay Lance habang naririto kami sa silid namin ni Dave. Nasa kama kami at nanonood ng tv. Si Dave naman ay nasa mini table. Binabalatan niya isa-isa ang mga apple mango. Hindi lang pala isang basket ang pinabili niya niyon kundi dalawang sako! Oo dalawang sako. Nambulabog ang mga tauhan niya sa isang bahay sa Batangas ng ala una ng madaling araw. Tulog na raw ang mga tao pero nakiusap sila at nagbayad ng five thousand pesos para sa isang supot ng apple mango. Hinabol pa raw sila ng mga aso ng kapitbahay. Kamuntik na rin daw magalit ang maybahay nang binulabog nila. Pero noong sabihin nilang magbabayad sila ng